Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANG DALAGINDING

Iñigo Ed. Regalado

Kahambing ng isang bagong bumubukad na kampupot, na sa halik ng hamog at ngiti ng araw ay


lalong naghahalimuyak ng iniwing bango, si Irene na taga-Libis ay nagiging hantungan ng pagkalugod at
paghanga ng kaniyang mga kanayon.
Ineng, ang palayaw sa kaniya. Gaya ng lahat ng mabait na anak na laki sa kahirapan, si Ineng ay
tumutulong sa magulang sa lahat ng gawain sa pamamahay at gayon din naman sa ano pa mang pagsisikap
ng kaniyang irog na ina na maaaring pagkakitaan ng salapi upang kahit paano’y makatulong sa
pinaghahanapbuhayan ng ama.
Sa isang maliit na dampa na nakatayo sa may tabi ng munting ilog na tinatakbuhan ng malinis at
malinaw na tubog nakatira sina Irene. Ang maliit na dampang iyon ay nalilibiran ng isang bakurang sa loob
ay may mga sari-saring pananim na sa isang maayos na panulukan ay may malalagong sampaguita na dahil
sa kagaanan di-umano ng kamay ng nag-aalaga ay kinapipitasan ng masaganang bulaklak.
Ang bila-bilaong napupupol ni Irene ay matiyagang tinutuhog, ginagawang kuwintas, nilalagyan ng
palawit na kundi dahon ng malabrosa ay sariwang bulaklak ng ilang-ilang at pagkatapos ay nagtuntungo sa
kabayanan at inilalako ang kaniyang mga tinuhog.
Kung panahon ng bulaklakan ay nakikilala si Irene sa tawag na "Ang Magsasampagita".
Noo'y nasa katamtamang gulang na si Ineng na wika nga sa mga nayon ay "pinamimitakan na ng
araw". Ang gulang na iyan ay lalong kilala sa tawag na "dalaginding" ng ating matatanda. Kung bagaman ay
hindi gaanong kagandahan, si Ineng ay kinagigiliwan ng lubos, palibhasa’y nakatatawag ng loob sa lahat ang
pungay ng kaniyang mga mata, ang kulay na kayumangging kaligatan, ang magandang tabas ng mukha, na
sa bilugang pisngi’y may biloy na sa kaniyang pagngiti’y binubukalan mandin ng pag-ibig, ang malagong
buhok na sa karaniwang pusod na pahulog sa batok, na sa kinis ay nakikipag-agawan sa nagmamanibalang
na manga, saka ang mga labi’t ngiping nagkakatugunan sa pag-aalay ng luwalhati’t pangarap.
Kung napasasa-bayan si Ineng ay baon ang buong tiwala ng ina. Para sa mabait na matanda, bukod
sa kabaitang katutubo ng anak, ay isa pa lamang siyang walang malay sa takbo ng panahon. Ang dalaginding
naman ay sadyang wala pang malay sa mga likaw-likaw na suliranin ng puso.
Kapag umuuwi si Ineng ay gayon na lamang ang pagkakatuwa ng mag-ina, pagkat ang maraming
kwintas na kanyang tinuhog ay naipagbiling lahat at nagiging piso kung minsan at kung minsan ay nagiging
tatlong salapi pa. Sa gayon nang gayon ang mag-ina ay nakakaipon nang hindi nalalaman ng
naghahanapbuhay na lalaki, kaya’t nitong mga huling araw, si Ineng ay nagiging maayos sa pagtungo sa
bayan, palibhasa'y sinikap na mabili ng mga bagong damit. Kung ang malinis na suot ni Ineng ay nahihiyasan
pa ng magkaugnay na kulay na tapis at panyong isinasalampay sa bilugang batok, lalo siyang nagiging
maganda’t lalong kinagigiliwan ng kaniyang mga suki.
Hindi alam ni ineng na may isang binatang tagabayan na sa kaniya'y humahanga't nangangarap.
Isang araw ay tuwang-tuwang umuwi si Irene. Babahagya pa lamang nakapapasok sa bayan ay ubos na ang
mga sampaguitang kanyang lako. Mangyari pa nga bang ‘di sa madaling pagbabalik ng anak at mapapataka
ang ina.
"Bakit kay dali-dali mo?"
Si Ineng ay napangiti.
"Bukas, inang, ay tulungan mo ako sa pagtutuhog," ang nakatawang tugon ni Irene, “Dumarami ang
aking suki at kung gaya ngayon ang mangyayari sa araw-araw ay kaawa-awa naman ang ibang
nagsisipaghintay sa akin.”
"At nabili na bang lahat ang lako mo?" ang tanong pa rin ng Ina.
"Pinakyaw ng isang mayamang lalaki. Bukas ay nagbiling magdala ako nang marami pa kaysa dala ko
kanina. Mayroon daw siyang mga pagbibigyan."
"A!" anang ina, "marahil ay isang binatang may nililigawang dalaga."
Kinabukasan ay tinulungan ng ina ang anak. Kay dami ng natuhog ng mag-ina. Kaya’t nang pumasok
sa kabayanan si Irene ay halos hindi magkakandala.
“Sampaguitaaaaaa!...” ang matinis na sigaw ni Irene nang papalapit na sa bahay ng pumakyaw
kahapon.
Siya’y muling tinawag.
“Magkano lahat iyan, Ineng?” ang itinanong ng lalaki.
Gayon na lamang kalaking pagtataka ang sumagi sa kalooban ni Irene pagkarinig sa “Ineng” na
namilaylay sa labi ng mamimili. Akala’y binabanggit ang kaniyang pangalan. Tiningnan niya ang lalaking yaon
na noon naman ay nakatitig sa kanya at buong pananabik na naghihintay ng sagot.
“Magkano nga bang lahat iyan, ineng, ha?” ang ulit na tanong.
Ang dalaginding ay lalo pang namangha.
“Bakit po ninyo nalaman ang aking pangalan?” ang pangiting usisa ng maytinda.
“At ano ng aba ang pangalan mo ha?” ang pataka, ngunit nakangiting tanong ng lalaki. “Ano nga ba,
Ineng, ha?
“Ineng nga po eh…”
“A!...”
“Bakit nga ba ninyo nalaman?”
“Wala, hinulaan ko lamang.”
“Naku, manghuhula pala kayo.”
“E magkano nga bang lahat iyan?”
“Aba! ‘Di ba’t manghuhula kayo?”
“Kung minsan lamang.”
E ‘di hulaan naman ninyo…”
Isang nangungusap na tingin ang ipinako ng bumibili sa mapupungay na mata ng dalaginding.
“Tingnan ko ang palad mo.”
Bagaman hawak na ang mga daliri ay iniurong pa rin ni Irene at itinago sa likuran ang kamay. Sa mga
mata ng lalaki ay waring may nakikita ang dalaginding. Sa loob naman ng kaniyang dibdib ay mayroon siyang
naramdamang kung ano."
“Ayoko nga po!” ang wikang tila nahihiya. “Huwag na ninyong hulaan.”
Ang lalaki ay natawa.
“Bagaman hindi mo nalalaman,” ang wika, “ay nalalaman ko na kung magkano ang lahat iyan.”
Kinuhang lahat ang sampaguita at pagkuwa’y iniabot kay Irene ang limang piso. Halos mapalukso sa
tuwa ang ating dalaginding. Hindi niya akalaing maipagbibili niya sa ganoong halaga ang mga kuwintas na
pinagtulungan nilang gawing mag-ina.
“Sus!” ang natutuwang wika, “manghuhula nga pala kayo.” At maliksing katulad ng pipit ay
patakbong nanaog, matapos bukhin sa mga labia ng isang magalang na “Salamat po.”
“Ineng… Ineng…” ang nananabik na tawag na paurong-sulong na ibig habulin ang magandang
magsasampahuita.
“Dadalhan ko rin po ba kayo bukas?” ang itinanong ng dalaginding.
“Oo, lalo pang marami.”
“E sa makalawa po?”
“Araw-araw…”
Nang umuwi si Irene nang hapong yaon, bagaman galak na galak ang loob ay abalang-abala naman
ang isip dahil sa mga ‘di-karaniwang pintig na nararamdaman niya sa puso.
Ang lalaking iyon ay si Daniel. Siya’y isang binatang nasa kasikatan. Laki palibhasa sa kasaganaan ay
sunod ang lahat ng hilig sa takbo ng pagkakasulong. Magtatapos na siya ng pag-aaral ng panggagamot.
Palibahas’y taga bagong panahon si Daniel at palibahasa’y may salaping ikinasusunod sa lahat, ang
kaniyang mga kilos at bihis ay naaalinsunod sa lakad ng kabihasnan.
Sapol nang unang hapong makabili si Daniel ng sampagita kay Irene ay kung bakit ang larawan ng
magandang dalaginding na ito ay di maalis-alis sa kanyang gunita. Gabi’t araw ay kanyang napapangarap.
Oras-oras ay kinasasabikan niyang makita. Lahat ng ganda at gara ay nagdaan na sa mga paningin ni Daniel,
buhat sa ibaba hanggang sa mataas na lipunan, ngunit ang katutubong ganda ni Irene ay siyang tila bukod-
tanging napasulat sa kaniyang balintataw. Sa mga unang sandal pa lamang na namalas ni Daniel ang larawan
ng mabait na dalaginding ay ganap nang napag-unawa na yaon ang gandang kaniyang hinahanap, tumugon
sa kaniyang mga pangarapin at naalinsunod sa tibukin ng kaniyang puso. Yaon ang tunay na gandang-
Tagalog, hindi magdaraya, likha ng katalagahan!
‘Di maubos-isipsn ni Daniel kung hanggang saan hahanga at kung ano ang ibubunga ng
mararamdaman niyang pag-ibig na ibininhi ng larawan ni Irene sa kaniyang puso, ngunit pinanata na sa
kaniyang loob na ang magandang dalaginding na yaon ay pagpapalain ng kaniyang pagmamahal, aalagaan
ng kaniyang malinis na layunin at paghahandugan ng kaniyang maningning na hinaharap.
"Siya ang aking paraluman," ang parang nahihibang na nasabi niya, nang hapong mahipo ang dulo
ng dalawang daliri. "O, maganda kong paraluman!" ang wika pa, "kapag natarok mong ikaw ang aking
pangarap at ikaw ang pag-uubusang handugan ng lahat kong makakaya, marahil ay hindi ka magiging isang
ibong mailap na tatalilis pagkarinig sa dalisay na pag-ibig na aking ihahandog."
Hapon-hapon, si Daniel ay nagbibihis ng magagara niyang damit at hinihintay ang magandang
dalaginding.
Kung ginagabi ito sa pagdating, siya'y hindi matahimik.
Habang gayon ang nangyayari sa binata, si Irene'y madalas na hindi rin naman napapalagay. Hindi
niya matulusan kung bakit. Alam niyang tila may gumugulo sa kaniyang isipan, may mga di-karaniwang
pintig na nararamdaman sa kaniyang puso, may tuwa kung minsan sa kaniyang dibdib, at may lungkot na
kung minsa’y nagpapasungaw ng luha sa kaniyang mga mata, madalas na parang ligalig sa panindim at
madalas na para rin namang may luwalhati sa gunamgunam; ngunit ang totoo ay hindi niya malaman kung
bakit, kung ano yaon, at kung bakit gayon…
Ang tangi niyang natitiyak ay nagsimula ang gayon niyang pakiramdam noong ikalawang hapong
pakyawin ng lalaking nakahula ng kaniyang pangalan at nakahula sa halaga ng kaniyang lakong mga
kuwintas ng sampagita.
Isang tanghaling nagtutuhog silang mag-ina, ang dalaginding ay hindi nakatiis.
“Inang,” ang wika, “’di ba’t wika mo’y nagtinda ka rin ng sampaguita noong ikaw ay bata?
“Oo!” ang masuyong sagot ng ina.
“Kung may iba pang nakapapakyaw sa iyong sampaguita ay ano ang iyong nararamdaman?”
“Tuwa”, ang lalo pang nakangiting tugon ng ina.
“Pagkatapos mong matuwa ay hindi ka ba naman nakakaramdam ng lungkot?”
“Hindi.”
Ang mabait na ina walang kamalay-malay sa itinatanong ng kaniyang bunso.
“Noon bang nagtitinda ka,” ang patuloy na tanong ni Irene, “ang Tatang ba’y pumakyaw na minsan
sa tinda mo?”
“Madalas.”
“Natuwa ka noon?”
“Manyari pa!
“Nalungkot ka pagkatapos?”
“Tila… ewan ko… hindi ko matandaan.”
“Kumaba ba ang iyong dibdib?”
“………………….!”
“May naramdaman ka ba sa puso mo?”
“………………….!”
Saka lamang unti-unting nagsaloob ang tinatanong na ina ng mga bagay na marahil ay
nararamdaman noon ng kaniyang anak. Gayunman ang kawalang-malay ng anak na dalaginding ay ‘di niya
hinangad na makabanaag ng anumang tanda ng pagkakilala sa takbo ng kapanahunan. Ang mga tanong ni
Irene ay kaniyang ipinagwala-wala at sinabi na lamang na:
"Sa tuwing may papakyaw ng tinda mo ay magpasalamat ka na lamang nang buong puso, magmadali
ka ng pag-uwi sa piling ko, huwag mo silang pansinin pagkatapos."
Ngunit isang hapon at nagtanong na muli si Irene.
“Inang,” aniya, “noon bang makilala mo si Tatang ay madalas na kakaba-kaba ang iyong dibdib?”
Hindi rin nagpahalata ang ina, ngumiti lamang, at… “Itong batang ito a!” ang wika, “kung ano-anong
kaululan ang ipinagtatanong!”
Si Daniel at si Irene ay patuloy sa pagbilihan.
Isang araw, matapos na pakyawing muli ang mga sampagita ni Ineng, ay hindi na nakatiis ang binata.
"Ineng, ang simula ni Daniel, " wala ka bang nababasa sa aking mga mata?"
"Hindi po ako marunong bumasa," ang malay na sagot nig babae…
"Wala ka bang nahahalata sa akin?"
"Wala po…"
"Hindi mo ba nalalamang…."
"Hindi po," ang tuyot at pabiglang putol ni Irene, at nagtangkang tumakbo; ngunit siya'y nahawakan
sa kamay ni Daniel.
"Hintay ka muna, may ibubulong ako sa iyo."
At bagaman nagpipiglas si Irene ay ibunulong nga rito nang buong lambing at suyo ang dalawang
salita lamang, ngunit para sa kaniya, sa bumulong na binata, ay daigdig ang kahulugan at kasintamis ng
pukyutan ang ibig sabihin.
"Iniibig kita!"
Bagaman hindi naunawaan ni Irene ang tunay na kahulugan ng dalawang salitang ito na ibinulong sa
kaniya ni Daniel ay biglang nagpumiglas, tumakbo at tumawa. Sinundan lamang siya ng mga mata ng binata.
"Babalik ka uli," ang habol na salita ni Daniel. "Magdala ka ng sampagita. Maraming-marami."
"Opo."
May sasabihin pa sana si Daniel, ngunit si Irene ay malayo na.
Humihingal, namumutla at parang balisa, nang dumating si Ineng sa kanilang bahay. Ang gayong
ayos ng ating dalaginding ay hindi napansin ng kaniyang ina na noo’y nagsisiga sa ilalim ng isang balag. Ang
tanging nakapupuna sa gayong tila ligalig na kalagayan ay si Irene rin, pagkat higit sa lahat ng araw ay lalong
sumasal ang mga ‘di pangkaraniwang tibok na nararamdaman niya sa dibdib. Nang iabot sa ina ang anim na
pisong ibinayad sa kaniya ni Daniel ay sinikap na maging mahinahon at nang ang kakaba-kaba sa may tapat
ng puso ay huwag mahalata.
“Pinakyaw na naman?” ang tanong ng ina.
“Oo, Inang,” ang mahinay na sagot.
“Ang lalaki ring yaon ang pumakyaw? Sino bang lalaki yaon, ha?” ang mausig na tanong ng ina.
“Hu…! Isang kung sino,” ang parang pagpapawalang halagang tugon ng dalaginding na sa loob ay tila
may isang katotohanang ibig na itago. “Isang kung sino, Inang.”
“Anong ayos mayro’n, sabihin mo?”
“Huwag mo nang tanungin Inang, itsura lamang ng taong yaon!”
Hindi kumibo ang ina. Samantala, matapos masabi ang lahat nang yaon ay muling nagtatakbo sa
itaas si Irene. Naupo sa ibabaw ng isang takba, tinakpan ng dalawang palad ang mukha at sa gayong
pinakiramdaman kung ang mga sinabi niyang yaon sa ina ay totoo o hindi.
Sa gayong anyo nanatiling matagal ang dalaginding at sa gayon ding ayos naakyatan ng ina.
“Bakit, Ineng?” ang pagulat na tanong ng ina “may dinaramdam ka ba?”
“Wala, Inang” ang mabanayad na sagot.
“E, bakit tila ka nalulungkot?”
“Mangyari’y…”
Naputol si Irene samanatalang nananabik ang ina.
“Ano…?”
“May ibig pa akong itanong sa iyo, Inang.”
“Ano nga ang ibig mong itanong?”
“Noon bang makilala mo si Tatang ay nagsinungaling ka sa iyong Inang?”
Ang matandang babae ay ‘di nakasagot. Babae palibhasa ay ina ng nagtatanong na dalaginding, ay
natarok na kapagkaraka ang lagay ng kalooban ng kaniyang anak. Si Irene ay hindi sasalang ginugulo noong
ng mga suliranin ng puso. Umiibig, ‘di sasalang siya’y umiibig.
“Hindi,” ang tiyak na sagot.
“Nang makilala mo ba si Tatang,” ang patuloy na tanong, “ay may naramdaman ka bang pintig sa
loob ng dibdib?”
“Oo!”
“Ipinagtapat mo ba sa iyong Inang?”
“Oo!”
“Ano ang sinabi sa iyo?”
“Nagalit, kinagalitan akong mabuti at sinabing di sasalang ako'y may iniibig na lalaki. Ako'y kaniyang
pinagbalaan. At pinagsabihang kapag ako'y nag-asawa ay kaniyang papatayin.”
“Ay ano ang naging sagot mo?”
“Ako'y nangako, sinabi kong ang lalaking aking nakilala ay aking isusumpa.”
“Kung gayo'y bakit mo naging asawa si Tatang?”
“Sapagkat… ang pagibig ay isang damdaming sintigas ng bato na di nadudurog sa hampas ng alon,
hindi natitinag sa kinalalagyan, mamatay… mabubuhay, laging sariwa.”
“A, kaya pala!”
“Kaya palang ano?”
“Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib.”
Ang ina ay nahagulgol ng iyak nang ganap na maunawaan ang ibig sabihin ni Irene.
“Bakit ka umiiyak, Inang?" ang masuyong tanong ni Irene.
“Sapagkat napagkilala kong ikaw'y umiibig at ibig mo na kaming iwan.”
Si Irene naman ang lumuluha.
“Hindi, Inang… hindi ako umiibig; ang lalaking yaon ay hindi ko iniibig… ayoko!”
At tinutop ang puso, pinakiramdaman ang mga tibok, at pagkuwa'y muling tumanong sa ina. “Hindi
ba't pagkatapos mong mangako sa iyong Inang na hindi ka umiibig ay naging asawa mo rin si Tatang?”
Ang huling tanong na iyon hindi na nasagot ng ina.
At pagkaraan ng ilang araw ay nawala ang dalaginding. Kaya pala'y sumama rin sa lalaking “Itinutulak
ng bibig ay kinakabig ng dibdib.” At sa ganyan ay natapos ang kasaysayan ng magsasampagitang walang
ginawa kundi ang manunton lamang sa naging bakas ng kaniyang ina.
Noo'y walang nasabi na lamang ang naiwang matanda, nang malayo na nga ang butihing si Ineng,
pagkatapos na pagbalikan ng hinahon ang kalooban, kundi ang ganito: Sadyang makapangyarihan ang pag-
ibig! Pagpalain Mo nawa sila, Diyos ko!

You might also like