Chapter 3 Metodo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabanata 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga

mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research Design” na gumagamit

ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng datos. Naniniwala ang

mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas

mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondante.

Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mga

mananaliksik na maging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makalap ang

impormasyon patungkol sa Antas ng kamalayan sa Batas R.A. 7394 ng mga mag-

aaral ng ikalabing isang baiting ng ABM sa Sumulong College of Arts and

Sciences.

PAGTATAKDA SA PANANALIKSIK
Ang Sumulong College of Arts and Sciences (SCAS) ay isang pribadong di-

pangkating unibersidad. Ang paaralan ay kasalukuyang nasa kahabaang kalsada

ng Sampaguita.

Ang pangalan ng institusyon na ito ay galing sa pangalan ni Lorenzo S.

Sumulong na mula sa isang kilalang pamilya ng Antipolo City. Ang pamilya na ito

ay iginagalang at kinikilala dahil sa kanilang mahusay na estilo ng pamumuno.

Ang paksa ng pananaliksik ay matatagpuan sa loob ng hangganan nito

upang makuha ang mga kinakailangang datos at impormasyon na kinakailangan

para sa pag-aaral na ito.

MGA RESPONDENTS

Ang respondents ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng ABM na

nasa ikalabing-isang baitang sa Sumulong College of Arts and Sciences. Sa

pagpili ng mga respondents , napagkasunduan ng mga mananaliksik na

animnapung mag-aaral lamang ng ABM ang sasagot ng sarbey o talatanungan.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire

bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-

aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang bahagi: ang profile at ang survey

ukol sa paksang pinag-aaralan.


PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Ang mga mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang

lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang

matiyak ang kalidad ng ipipresentang datos.

Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas

mapadali sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mga mananaliksik

ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at siniguro ang pagiging

kompidensyal ng mga nakakalap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan

upang mas makapagpahayag ng mga sasagot ng tanong.

KOMPYUTASYONG ESTADISTIKA

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito.

Inilalahad sa bahaging ito ang ginamit na pormula sa pagkompyut ng mga nakalap

na datos. At kinakailangang maging malinaw kung ano ang layunin sa paggamit

ng bawat pormula at kung ano ang tutuguning suliranin ng mga ito lalo na kung

mayroong haypotesis na nakatalaga sa pag-aaral. Sinusukat kung ilang bahagdan

sa kabuuang populasyon ang sumagot sa isang aytem sa talatanungan o mas

kilala sa tawag na Percentage.

BAHAGDAN (%) = F/N * 100

Kungsaan;

F= bilang ng sumagot

N= kabuuang bilang ng kalahok

You might also like