Professional Documents
Culture Documents
Aralin 4 Activities
Aralin 4 Activities
BALIK-TANAW
2. Dinala ni Dr. De Gracia ang kaniyang nanay sa isang kapuwa doctor upang
ipagamot. Karaniwang praktis na hindi sinisingil ng manggagamot ang malapit na
kamag-aral ng kapuwa manggagamot. Siningil ng naturang doktor ang ina ni Dr.
De Gracia.
Etikal o hindi etikal? Hindi etikal
Paliwanag: Dahil sinuway niya ang pinag-usapan nila o nakagawiang praktis
na hindi sisingilin ang malapit na kamag-aral na kapuwa manggagamot.
Dapat sanang ginawa: Dapat ay hindi na siningil ng doktor ang ina ni Dr. De
Gracia dahil nakakasira ng tiwala ang pagsuway ng isang pangako.
LUSONG-KAALAMAN
1.Bagyo at Pagbaha
Kalamidad
Kalikasan
Bayanihan
Pagtutulungan
Pagbubuklod-buklod
Pakikipagkapwa
Pagsasama-sama
Trahedya
Pagkasira
Kamatayan
Katotohanan
Pagkasawi
Hustisya
3.Bangsamoro Agreement
Kapayapaan
Pagkakaisa
Katahimikan
Kalayaan
Kapanatagan
Pagkamakabayan
Pagiging makabansa
LAYAG-DIWA
1. Ano-ano ang batayan upang masabing etikal ang isang gawi o gawain?
Kapag ito ay hindi nakakasakit o nakakasira sa dignidad ng ibang tao,
hindi umaapak sa kalayaan ng isang tao, at kapag ito ay nakakabuti
hindi lamang sa iyong sarili kundi pati na rin sa ibang tao.
2. May pagkakataon bang nalilito ang mga Pilipino kung ano ang etika at kung
ano ang pagpapahalaga? Bakit?
Oo, dahil halos magkatulad lang ang mga kahulugan nito. Ang etika ay
ang nadidikta kung ano ang dapat gawin ng tao habang ang
pagpapahalaga naman ay ang batayan kung tama o mali ang isang
desisyon o pagbabalanse ng ating mga desisyon.
3. Sa iyong palagay, alin ang mas sinusunod ng mga kakilala mo, ang etika o
ang pagpapahalaga? Bakit?
Sa tingin ko, mas sinusunod ng mga kakilala ko ang etika kaysa sa
pagpapahalaga dahil mas pinipili nilang gawin kung ano ang dapat
gawin kahit hindi man ito tama.
4. Ano-anong isyu ng paglabag sa etika at pagpapahalaga sa pagsulat dito sa
Pilipinas ang pamilyar kayo? Ibahagi ito sa klase.
Bilang isang mag-aaral, ang isyu ng paglabag sa etika at pagpapahala
sa pagsulat na pamilyar ako ay ang plagiarism at “pagkopya sa sarili.”
Laganap ito kahit saan mang paaralan at minsan ay hindi ito maiiwasan
lalong-lalo na sa mga mag-aaral.
5. Sa iyong palagay, sapat ba ang kaparusahan na ipapataw ng iyong paaralan
sa mga lumalabag sa etika ng pagsulat?
Oo, dahil ang kaniyang paglabag sa etika ng pagsulat ay tumutugma sa
kanyang kaparusahan. Kahit gaano man kaliit ang kanyang paglabag ay
malaki pa rin ang kapalit nitong parusa.
B. Magbigay ng iba pang pagpapahalagang dapat isabuhay ng mag-aaral na
Pilipino. Ipaliwanag ang sagot.
1. Pag-aaral ng mabuti – ito ang pinakamalaking responsibilidad ng isang
mag-aaral.
2. Makapagtapos ng pag-aaral – ito ang matagal ng minimithi ng isang
mag-aaral at magulang.
3. Makatulong sa pamilya – pangarap ng isang mag-aaral ang pagsauli ng
lahat ng sakripisyon ng kanyang magulang.
SALOK-DUNONG
Tukuyin kung etikal o di-etikal ang sumusunod na gawain. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bawat bilang. Tukuyin din kung anong pagpapahalaga ang
isinasabuhay o nilalabag nito. Isulat sa loob ng panaklong.
Di – etikal 1. Pag-uuwi sa bahay ng mga suplay na ballpoint pen, papel,
at iba pa ng opisina. (____________________________)
Etikal 2. Paggamit ng telepono ng opisina para sa long-distance
overseas call nang may permiso.
(______________________________________)
Di – etikal 3. Pag-absent sa klase at pagsasabing kunwari ay maysakit
dahil hindi makagawa o tinamad gumawa ng takdang-aralin.
(__________________________________)
Etikal 4. Pagsusumite ng report na may reperensiya sa huli at may
pagkilala sa siniping may-akda sa loob.
(___________________________________)
Di – etikal 5. Pagpapapunta sa field trip ng klase, kung saan kahati ng
inarkilang bus ay kikitain ng guro.
(___________________________________)
Di – etikal 6. Pagrereseta ng doktor sa pasyente ng mamahaling gamot
na produkto ng kompanyang nagbibigay sa kaniya ng libreng
biyahe sa ibang bansa.
(_______________________________)
Etikal 7. Pagsasabi ng pasyente sa ospital na hindi siya indigent at
kaya niyang magbayad para maibigay ang slot sa ibang
pasyenteng nangangailangan.
(_______________________________)
Di – etikal 8. Pagtatapon ng basura sa kalye o pag-iipit ng basura sa
pagitan ng mga upuan sa bus.
(___________________________________)
Etikal 9. Pagsasauli ng drayber ng taksi ng naiwang laptop at bag ng
pasahero. (___________________________________)
Di – etikal 10.Hindi pagsagot sa telepono dahil pinagtataguan ang mga
taong nagawan ng atraso.
(______________________________________)
DAONG-KAMALAYAN
Sumulat ng replektibong sanaysay na may dalawa hanggang limang talata
kaugnay ng integridad at katapatan sa pagsulat. Gumamit ng sariling karanasan o
karanasan ng iba bilang kongkretong halimbawa.
Ang isang replektibong sanaysay ay binubuo ng:
1. Deskripsiyon ng mga datos, pangyayari, at iba pa
2. Ebalwasyon ng pangyayari, karanasan sa pamamagitan ng sariling opinion
3. Pagtalakay kung paano naapektuhan o maaaring maapektuhan o mabago
ang sarili
Mahalagang magsagawa ng:
1. Pananaliksik
2. Pamamaraan upang makuha ang atensiyon ng mambabasa gaya ng mga
sumusunod:
a. anekdota
b. flashback
c. sipi
3. makabuluhan, tiyak, at kongkretong bokabularyo
Ang pagsusulat ay isang uri ng ng pakikipag komunikasyon. Ang pagsusulat
ay nakakatulong upang maibahagi at maibigay ang mga impormasyon na gusting
ibahagi ng isang tao para sa kanyang pagbibigyan ng impormasyon. Sa pagsusulat
kailangan na dapat ang mga impormasyong inilagay ay totoo at hindi haka haka
lamang. Sa isang may akda naman importante dapat na tapat at mayroon siyang
integredad sa kanyang mga isinusulat.
Ang mga impormasyong isinusulat ay hindi lamang nababasa ng isang tao
lamang kung hindi maaaring mabasa rin ito ng iba’t ibang tao kaya dapat totoo ang mga
inilalagay sa mga isinusulat dahil maaaring makakapag bigay ito ng epekto sa lipunan o
di kaya sa mga tao na nakababasa nito. Ang mga epektong ito ay maaaring negatibo o
positibo kaya dapat bigyan ng pansin at tuon ang kung ano ang inilalagay sa mga
isinusulat.
SIMULAN NATIN
Konstruksiyon
ng Kalsada
Mayo ng 2018
1. Ano ang kahulugan ng salitang panukala? Ano ang kaugnayan nito sa paggawa
ng isang proyekto?
- Ang salitang panukala ay nangangahulagan ng mungkahi o suhestiyon.
Hindi magkakaroon ng isang proyekto kung wala ang isang panukala.
PAGSULAT NG JOURNAL
2. Panukala ng Proyekto:
Ayon namay kay Besim Nebiu, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong
deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o
suliranin.
Petsa 7.Panahon kung kalian ipinasa ang panukalang papel gayundin ang tinatayang
panahon kung kalian ito matatapos.
Layunin 8.Sa bahaging ito makikita ang mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat
isagawa ang panukala.
C. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa
pamamagitan ng mga binasang halimbawa.
Bahagi ng Paliwanag
Panukalang
Proyekto
Pamagat Ito ay dahil
malaman mo agad
kung patungkol
saan
Pagpapahayag Naipahayag ng
maayos ang
ng Suliranin suliranin na nais
gawan ng proyekto
Layunin Madaling
mauunawaan ang
layunin
Pakinabang Mapakinabangan
ito ng mga
mamamayan
BUOIN NATIN
Pagdating sa: