DLP in Filipino 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

FILIPINO 5

Ikatlong Kwarter

K to 12 Paaralan Labangan Elementary School Baitang 5


Guro Lourdeliza G. Egaña Asignatura FILIPINO
Petsa at Oras Enero 10, 2019 Ikatlo
Markahan
10:45 ng umaga

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan
A. Pamantayang Pangnilalaman
Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono at ekspresyon
B. Pamantayan sa Pagganap
F5PB-IIIf-h-19
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan
( Isulat ang code ng bawat
kasanayan
II. NILALAMAN Pagsuri kung ang Pahayag ay Opinyon o Katotohanan

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro.
2. Mga pahina sa kagamitang
Pang Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
5. Mga pahina sa Gabay ng
Guro.
B. Iba pang Kagamitang larawan, picture puzzle,manila paper, tarpapel, paper strip, show cards
Panturo
III. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral Anotasyon
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Kahapon ay tinalakay natin ang mga salitang
pagsisimula ng bagong aralin magkasalungat at makasingkahulugan.
Kaya ngayon gagamitin natin ang mga iyon sa paglalaro.
Ang laro ay tatawagin natin “Pasa Mo, Sagot Ko”.

Inihanda ni: Inobserbahan ni:


LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
Habang nagpaparinig ako ng tugtog, ipapasa ang malaking KRA 2, Obj. 5 #6
larawan ng ating paaralan sa katabi mo. Naghanda ako ng simpleng laro na
May mga nakadikit sa papel sa larawan. pasahang larawan upang ang lahat
ng mga bata ay may pagkakataon
na makiisa sa gawain.

Kapag huminto ang tugtog, hihinto din ang pagpasa ng


larawan.
Kung sino ang mahihintuan, pipili siya ng piraso ng papel
kung saan nakasulat ang salita na bibigyan ng
kasingkahulugan o kasalungat. Babasahin niya iyon nang
malakas at sasabihin niya ang tamang sagot.

Maliwanag ba ng panuto? Opo.

Bago tayo magsimula, ano ang dapat ninyong gawin


habang isinasagawa ang paglalaro?
Huwag aagawin ang larawan. KRA 2, Obj. 5 #3
Hintayin po na ipasa sa amin ang kahon. Upang masiguro na magigimg
Wala pong aalis sa upuan upang hindi magkagulo. maayos ang daloy ng gawain,
Iwasan pong makipagkulitan sa katabi. tinanong ko ang mga bata kung ano
Magaling! ang mga dapat nilang gawin. Dahil
Handa na ba kayong maglaro? Opo dito, naging aware sila sa mga
pamantayan na dapat sundin upang
Magpapatugtog na ang guro at sisimulan na ang maisagawa nang matagumpay ang
pagpapaikot sa larawan. pagbabalik-aral sa pamamagitan ng
ng paglalaro.
unang hinto – Ano ang nakasulat sa papel na nakuha mo,
AJ? Ano ang kasalungat ng salitang malungkot? masaya

Tama, AJ!

Inihanda ni: Inobserbahan ni:


LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
ikalawang hinto – Basahin ang isinasaad sa papel na iyong Ibigay ang kalungat ng salitang maikli.
napili, Jessabel. mahaba

Magaling, Jessabel! KRA 2, Obj. 5 #2


Ang pagpuri ko sa tamang sagot
ikatlong hinto - Ano ang nakasulat sa papel na kinuha mo, ng mga bata at ang pagbanggit ko
Kierve? Ano ang kasingkahulugan ng malawak? sa kanilang pangalan ay ay isang
malapad paraan upang mas magtiwala ang
Tumpak ang iyong sagot, Kierve! bata sa kanyang sarili. Dahil dito,
patuloy siyang makikiisa sa
ikaapat na hinto – Basahin mo , Venice kung ano ang talakayan.
nakasaad sa papel na iyong nakuha.. Ano ang kasingkahulugan ng salitang tuwid?
pantay
ikalimang hinto – Ano ang nakasulat sa papel, Andrea

Mahusay, Andrea! Ibigay ang kasalungat ng salitang manipis?


makapal
Ang lahat ba ay nakahawak sa larawan ng ating paaralan
na pinaikot kanina? Opo.

Ano ang masasabi ninyo sa laro na inyong isinagawa, Para po sa akin, mas maganda po sana kung mas KRA 2, Obj. 5 # 5
Reven? marami pa na mga salita ang bibigyan ng kasalungat o Binigyan ko ng pagkakataon ang
kasingkahulugan para po marami ang nakasubok na mga bata na ihayag ang kanilang
magbigay ng tamang sagot. palagay upang malaman ko ang
kanilang saloobin na dapat bigyan
Hayaan mo Reven, sa sususnod na pagkakataon ay ng pansin.
maglalaro uli tayo ng “Pasa Mo, Sagot Ko”, para mas Dahil dito, maaari kong i-adjust
marami pa ang makapag-recite. ang pamamaraan ko sa pagtuturo.

Okey, ba iyon? Opo.


B. Paghahabi sa layunin ng aralin Para hindi naman kayo bitin sa paglalaro, may inihanda KRA 2, Obj. 5 # 1
akong picture puzzle para sa inyo. Gumamit ako ng picture puzzle
Papangkatin ko sa apat ang klase. upang makuha ko ang atensyon ng
Ang bawat pangkat ay makatanggap ng mga piraso ng mga bata tungkol sa aming aralin.
picture puzzle. Mahilig ang mga bata na mag-
Pagdidikitin ninyo ang magkakaugnay na bahagi ng manipulate kaya siguradong
puzzle upang mabuo ang larawan. magiging masaya sila sa gawaing
ito at maiuugnay na nila ang
Inihanda ni: Inobserbahan ni:
LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
Ang unang pangkat na makapagpaskil ng kanilang awtput kanilang karanasan sa pagksang
ang itatanghal na nagwagi. pag-uusapan.

Bago natin isagawa ang pagbuo sa mga picture puzzle ay


isa-isahin muna natin ang mga dapat tandaan sa
pagsasagawa ng pangkatang gawain. Ano- ano nga ang
mga iyon? Makiisa sa gawain ng pangkat.
Makinig sa sainasabi ng ka-grupo
Iwasang mag-ingay.
Siguruhin na maayos ang awtput.
Magaling!
KRA 2, Obj. 4
Ang unang hanay ang pangkat 1. Doon kayo pupwesto sa Nagtalaga ako ng maayos na
gilid ng pinto pwesto para sa bawat pangkat sa
Ang ikalawang hanay ang pangkat 2. Doon kayo lulugar loob ng silid-aralan upang sila ay
sa gilid ng malaking lamesa ni Ma’am Dayeen. makagawa ng maayos.
Ang ikatlong hanay ang pangkat 3. Doon kayo pupunta sa Dahil dito, madali silang
tabi ng bookshelf. makakakilos at maiiwasan ang
Ang ikaapat hanay ang pangkat 4. Doon naman ditto kayo anumang gaguluhan.
pupwesto sa harapan.
Maaari na kayong pumunta sa inyong mga pwesto.
Pumili na kayo kaagad ng inyong lider dahil sa kanya ko
ibibigay ang sobre na naglalaman ng mga piraso ng
picture puzzle, pandikit at manila paper.

Pagkatapos ninyong ipaskil ang inyong awtput ay babalik


kayo sa inyong upuan. Maliwanag ba? Opo.

Handa na ba ang lahat? Opo.

Ipapamahagi na ng guro ang mga sobre ng mga piraso ng


picture puzzle sa lider ng bawat pangkat.

Inihanda ni: Inobserbahan ni:


LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
Pangkat 1 Pangkat 1 KRA 3, Obj. 9
Ang ginamit kong IMs sa mga
piraso sa picture puzzle ay pinalaki
sa pamamagitan ng large scale
printing.
Nakatulong ito upang magkita
nang malinaw ng mga bata ang
mga nasa larawan at magpakita ng
kawilihan sa gawain.

Pangkat 2 Pangkat 2

Pangkat 3 Pangkat 3

Inihanda ni: Inobserbahan ni:


LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
Pangkat 4 Pangkat 4

Sino ang naunang nakapagpaskil? Pangkat 3 po.


Magaling Pangkat 3!
Ano ang masasabi ninyo sa inyong pagkapanalo? Nagpapasalamat po ako sa aking mga ka-grupo dahil KRA 2, Obj. 5 # 5
lahat sila ay gumawa ng paraan upang mapagdugtong Hinikayat ko ang mga bata na
namin nang mabilis ang mga piraso ng puzzle. Naging magsabi ng saloobin nila tungkol
masaya po kami dahil doon. sa natapos na gawain.
Sa mga nahuli na pangkat, ano naman ang masasabi Dahil dito, nalaman ng mga bata
ninyo? Babawi po kami sa susunod na pangkatang gawain. ang kanilang kalakasan at
Naging masaya din naman po kami. kahinaan na dapat pang bigyan ng
Naunahan lang po talaga kami ng Pangkat 3. pansin.
Ngayon ay tingnan ninyo ang mga nabuong larawan.
Anong okasyon ang ipinapahiwatig ng mga larawang
nakapaskil sa pisara? Ang mga nasa larawan po ay ang mga programa na
ginawa sa loob ng ating paaralan, tulad ng:
Pagdiriwang ng Linggo ng Wika, Family Day,
Feeding Program at BSP/GSP Camping.

Sa palagay ninyo, dapat bang ipagpatuloy ang mga KRA 2, Obj. 3


programang iyan ng ating paaralan? Sa palagay ko po, kapag ipinagpatuloy ang mga Isang mataas na uri ng tanong ang
programang iyan ay mas magiging masaya ang mga aking ginamit upang
bata at mas gaganahang magpunta sa paaralan upang makapagbigay ng oipinyon ang
Tumpak ang iyong kasagutan, Glyzelle! mag-aral. mga bata. Dahil dito, sila ay nag-
isip nang malalim upang
makagbigay ng kanilang saloobin.
Inihanda ni: Inobserbahan ni:
LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Habang nagsasagawa tayo ng iba’t ibang gawain, may KRA 3, Obj. 9
bagong aralin mga palitan ng usapan na nangyayari. Pinalaki ko ang larawang ito at
Gawin nating halimbawa ang usapan na maaaring inilunsad sa pamamagitan ng
nangyari sa likod ng isa sa mga larawang nabuo kanina. tarpapel upang malinaw na makita
(pinalaki sa tarpapel ang larawan) ng mga mag-aaral.

Anong pangyayari ang ipinapahiwatig ng larawan? Naghahahanda po sila para sa camping. Itinatayo po
nila ang kanilang tent.

Bago ko iparinig ang naging usapan nila, ano ang dapat .


ninyong gawin habang nakikinig? Unawain po mabuti ang usapang pinakikinggan.
Iwasang pong makipagkulitan sa katabi.
Umupo po nang maayos
Mahusay! .

Narito ang bahagi ng naging usapan nila:


(Nakasulat sa tarpapel.)
Glyzelle: Ano po bang meron ngayon at
abalang-abala ang lahat. Lumiban po
kasi ako ng ilang araw dahil
nagkatrangkaso ako.

Ma’am Liezel: Bukas kasi ay magkakaroon tayo ng


GSP/BSP Camporee dito sa ating
paaralan. Kaya ngayon pa lang ay
itatayo na natin ang inyong
gagamiting tent.

Glyzelle: Sa aking palagay, kailangan po nating


humingi ng tulong upang maging
matibay ang tent namin.
Inihanda ni: Inobserbahan ni:
LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
Ma’am Liezel: Kaya nga nandito na sina Ma’am Eve
at Ma’am Rea upang tulungan kayo sa
paggawa ng tent ninyo

Ma’am Rea: Tama iyon! Kaya, halika na.


Tulungan mo na akong iangat itong
kawayan na hawak ko.

Glyzelle: Sa nakikita ko, parang hirap na hirap


ka na nga po diyan Ma’am e.

Ma’am Rea: Hindi naman, kaya lang kailangan ko


pa rin ang tulong mo upang maingat
ito. Kaya pakibuhat na ang kabilang
dulo ng kawayan upang maiangat na
natin ito.

Glyzelle: Sige po, pero sa pakiwari ko,


matatagalan pa bago natin matapos
ito.

Ma’am Eve: Matatapos natin ito kasi tatlong guro


at apat na ka-grupo mo na ang
nandito na nagtutulong-tulong.

Glyzelle: Tama! Sige, tutulong din po ako sa


paghuhukay ng mga butas na
paglalagyan ng mga poste.

Ma’am Liezel: Pagbutihin ninyo ang paggawa. Kasi,


ayon kay Sir Vlad, bibigyan niya ng
premyo ang may pinakamaayos na
tent.

Glyzelle: Sige po Ma’am, pagbubutihin po


namin.

Inihanda ni: Inobserbahan ni:


LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
Sino-sino ang mga nag-uusap sa dayalogong inyong Ang mga nag-uusap po ay sina Glyzelle, Ma’am Liezel,
napakinggan? Ma’am Eve at Ma’am Rea.

Ano ang pinagtutulungan nilang gawin? Pinagtutulungan po nilang itayo ang pagkakabitan ng
tent.

Bakit nagtatanong si Glyzelle kung para saan ang


kanilang ginagawang pagkakabitan ng tent? Lumiban po kasi siya ng ilang araw dahil
nagkatrangkaso siya kaya wala siyang alam sa dapat
niyang gawin.

Kung ikaw si Glyzelle, sasali ka pa rin ba sa camping


kahit kagagaling mo lang sa trangkaso?
Opo. Kasi magaling naman na ako at sa pakiramdam
ko, kaya ko na ang mga ipapagawa sa amin sa camping.
Magaling!

May iba pa bang nais magbigay ng sagot? Ma’am , ako po. KRA 1, Obj. 1
Naiugnay ko sa EsP ang aming
Sige, subukan mo Dan. aralin sapagkat nabigyan ko ng
Kung ako po ang tatanungin, hindi na po ako sasali kasi pagkakataon ang mga bata na
baka mabinat po ako. Baka lalo pa akong magkasakit ilagay ang kanilang sarili sa
at magastusan pa po ang aking magulang sa pagbili ng kalagayan ng batang pinag-usapan
gamot. sa talakayan.
Ang mga bata ay malayang
Tama din ang sagot mo, Dan. nakapagbigay ng kanilang opinyon.
(EsP5PKP – Ig – 34
Kung galing ka sa sakit, tapos may programa sa paaralan Nakapagpapahayag nang may
na nais mong salihan, dapat ay pakiramdaman mong katapatan ng sariling opinyon/ideya
mabuti ang iyong sarili kung kaya mo na talaga. at saloobin tungkol sa mga
Pagkatapos, hihingi ka rin ng pahintulot sa iyong sitwasyon)
magulang kung papayagan ka nila.
Kapag pinayagan kang sumali, magsaya ka at
magpasalamat sa kanila.
Kung hindi ka payagan, igalang ninyo ang desisyon ng
nakatatanda dahil mas alam nila ang makabubuti sa inyo.
Opo.
Maliwanag ba mga bata?
Inihanda ni: Inobserbahan ni:
LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
D.Pagtalakay ng bagong konsepto at Balikan natin ang ilan sa mga naging pahayag ni Glyzelle
paglalahad ng bagong kasanayan #1 sa usapan.
Ano-ano ang mga iyon? Sa aking palagay, kailangan po nating humingi ng
tulong upang maging matibay ang tent namin.
Sa nakikita ko, parang hirap na hirap ka na nga po
diyan Ma’am e.
Sige po, pero sa pakiwari ko, matatagalan pa bago
natin matapos ito.
Ilalagay sa talahanayan A ang nakahandang strip ng
papael na katumbas sa sagot ng bata.

HANAY A HANAY B
Sa aking palagay,
kailangan po nating
humingi ng tulong upang
maging matibay ang tent
namin.
Sa nakikita ko, parang
hirap na hirap ka na nga
po diyan Ma’am e.
Sa pakiwari ko,
matatagalan pa bago natin
matapos ito.

Ano ang unang naging pahayag ni M’am Liezel sa


kanilang usapan?
Bukas kasi ay magkakaroon tayo ng GSP/BSP
Camporee dito sa ating paaralan. Kaya ngayon pa lang
Ilalagay sa talahanayan B ang nakahandang strip ng ay itatayo na natin ang inyong gagamiting tent.
papael na katumbas sa sagot ng bata

Ano ang sinagot ni Ma’am Liezel nang sabihin ni


Glyzelle na kailangan nila ng katulong? Kaya nga nandito na sina Ma’am Eve at Ma’am Rea
upang tulungan kayo sa paggawa ng tent ninyo.

Bakit dapat daw pagbutihin ang paggawa sa tent? Kasi, ayon kay Sir Vlad, bibigyan niya ng
premyo ang may pinakamaayos na tent.
Inihanda ni: Inobserbahan ni:
LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
HANAY A HANAY B
Sa aking palagay, Bukas ay magkakaroon
kailangan po nating tayo ng GSP/BSP
humingi ng tulong upang Camporee dito sa ating
maging matibay ang tent paaralan. Kaya ngayon pa
namin. lang ay itatayo na natin
ang inyong gagamiting
tent.
Sa nakikita ko, parang Kaya nandito na sina
hirap na hirap ka na nga Ma’am Eve at Ma’am Rea
po diyan Ma’am e. upang tulungan kayo sa
paggawa ng tent ninyo.
Sa pakiwari ko, Ayon kay Sir Vlad,
matatagalan pa bago natin bibigyan niya ng
matapos ito. premyo ang may
pinakamaayos na tent.

John, pakibasa ang mga pahayag sa Hanay A.

Sa aking palagay, kailangan po nating


humingi ng tulong upang maging matibay ang
tent namin.
Sa nakikita ko, parang hirap na hirap ka na
nga po diyan Ma’am e.
Sige po, pero sa pakiwari ko, matatagalan pa
bago natin matapos ito.
Mahusay!

Ano ang napapansin ninyo sa mga sinabing pahayag ni


Glyzelle? Ang mga sinabi niya po ay ay karaniwang may ko at
akin.
Sarili niya lang po ang pinagbasehan ng kanyang mga
sinasabi.
Tumpak ang iyong kasagutan, Venice!
Ano ang karaniwang nasa unahan ng pahayag ni
Glyzelle?
Inihanda ni: Inobserbahan ni:
LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
sa aking palagay
sa nakikita ko
sa pakiwari ko
Tama!

Ang tawag sa mga pahayag ni Glyzelle na nasa Hanay A


ay mga opinyon.
Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin
at damdamin ng tao. Ginagamitan ito ng mga salita o
parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa
pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa
ganang akin at iba pa.

Bigyang pansin naman natin ngayon ang mga pahayag sa


Hanay B.
Pakibasa nga ang mga ito, Oliver.
Bukas ay magkakaroon tayo ng GSP/BSP
Camporee dito sa ating paaralan. Kaya ngayon
pa lang ay itatayo na natin ang inyong
gagamiting tent.
Kaya nandito na sina Ma’am Eve at Ma’am
Rea upang tulungan kayo sa paggawa ng tent
ninyo.
Ayon kay Sir Vlad, bibigyan niya ng
premyo ang may pinakamaayos na tent.

Ano ang masasabi ninyo sa mga pahayag sa Hanay B? Totoo pong pangyayari ang pinahihiwatig ng
bawat.pahayag.

Totoo bang nagkaroon ng camporee? Opo.


Tumulong ba talaga sina Ma’am Eve at Ma’am Rea sa
grupo ni Glyzelle? Opo.
Nagbigay ba talaga si Sir Vlad ng premyo sa may maayos
na tent? Opo.

Tama !

Inihanda ni: Inobserbahan ni:


LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
Ang tawag sa mga pahayag sa Hanay B ay katotohanan.
Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya
o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo
Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng
mga babasahin at mga taong nakasaksi nito. Maaring
gamitin ang mga parirala na tulad ng: batay sa resulta,
pinatutunayan ni, mula kay, sang- ayon sa, tinutukoy ng,
mababasa sa at iba pa.

Maliwanag ba mga bata?


Opo.
May nais ba kayong linawin sa ating naging talakayan?
Wala na po, Ma’am.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ngayon ay babalik muli kayo sa pwesto ng inyong
paglalahad ng bagong kasanayan #2 pangkat kanina para iba pang pangkatang gawain.

Ano nga uli ang mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng


pangkatang gawain? Iwasang mag-ingay. KRA 2, Obj. 5 # 3
Sundin ang panuto. Tinanong ko ang mga bata kung
Makiisa sa gawain ng pangkat. ano ang dapat gawin kapag may
Makinig sa sainasabi ng ka-grupo. pangkatang gawain.
Siguruhin na maayos ang awtput. Sa paraang ito, alam ng bata ang
Tama! mga dapat at hindi dapat gawin
Ipapamahagi ko sa bawat pangkat ang larawan na nabuo upang matagumpay at maayos
ninyo sa puzzle kanina. nilang maisagawa ang kanilang
Sa ibaba ng larawan ay may usapan na kaugnay ng gawain.
pangyayaring ipinahihiwatig nito.
Basahin itong mabuti at suriin ang bawat pahayag kung
ito ay isang opinyon o katotohanan.
Isulat sa dulo ng bawat pahayag ang inyong kasagutan.
Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto upang suriin
ang mga pahayag na kaugnay ng mga larawan.
Pagkatapos ay ipapaskil na sa pisara ang inyong mga
kasagutan.

Naintindihan ba ang panuto para sa pangkatang gawain. Opo

Inihanda ni: Inobserbahan ni:


LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
(Ipapamahagi ng guro ang mga larawan na may kasamang
usapan.) Pangkat 1 KRA 2, Obj. 6
Ang mga ginamit kong larawan ay
mula sa iba’t ibang mga okasyon
at pangyayari na nasaksihan at
sinalihan ng mga bata sa loob ng
paaralan.
Sa paggamit ko ng mga larawang
ito, mas madaling naiugnay ng
mga bata ang kanilang karanasan
tungkol sa paksang pinag-uusapan
at naging mas interesadong silang
Princess: Tuwing Agosto talaga ipinagdiriwang ang makiisa sa gawain.
Buwan ng Wika.
Alyana: Lahat ng mga mag-aaral ay nakasuot ng
Pilipinong kasuotan tuwing ipinagdiriwang natin ito.
Princess: Sa tingin ko, pipili sa atin ang mga guro kung
sino ang may pinakamagandang kasuotang Pilipino.
Alyana: Sa pakiwari ko, si Kitkat ng mananalo.

Pangkat 2

Jopay: Nakakulay pulang pang-itaas pala ang mga bata na


kasama nating magsayaw. Sino ba sila , Ma’am?
Ma’am Mers:.Mga mag-aaral sila mula sa Baitang 1.
Jopay: Sa tingin ko mas mahusay pa silang umindak sa
akin e.
Ma’am Mers: Nagsanay kasi silang mabuti kaya saulado
na nila ang bawat hakbang.
Inihanda ni: Inobserbahan ni:
LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
Pangkat 3

.
Rhean: Ang ulam natin sa feeding ngayon ay tinolang
manok.
John: Sabi ni Ma’am TinTin , si Ate Edna raw ang
nagluto nito.
Ma’am TinTin: Narinig ko nga si Sir Vlad na pinuri ang
luto ni Ate Edna e. Kaya ubusin ninyo ang pagkain ha.
John: Sa pakiwari ko po, ito na ang pinakamasarap na
ulam na natikman ko ngayong linggo.
Pangkat 4

Ma’am Liezel: Mga bata, isang oras na lang at


magsisimula na ang programa natin para sa camporee
Emiliza: Naku bilisan na natin, Tama na iyang paghukay
mo, Venice. Sapat na ang lalim ng butas na isang piye.
Venice: Sabi kasi ni Ma’am Liezel, dagdagan ko pa daw
ng kalahi pang piye para hindi gumalaw ang poste na
ilalagay natin.

Inihanda ni: Inobserbahan ni:


LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
Emiliza: Ganoon ba. Sige, tulungan na kita diyan sa
paghuhukay mo ng butas.
Pagkatapos ng limang minuto ay siguruhin na nakapaskil
na ang mga gawa ng bawat pangkat.

Tapos na limang minuto,bumalik na muna ang bawat


pangkat sa kanilang mga upuan bago natin simulan ang
pag-uulat.
Ang taga-ulat na lamang ng grupo ang pupunta sa harapan

Basahin muna ang pahayag bago sabihin ang tamang


sagot.
Simulan natin sa Pangkat 1 Pangkat 1
“Tuwing Agosto talaga ipinagdiriwang ang Buwan ng
Wika”-katotohanan
“Lahat ng mga mag-aaral ay nakasuot ng Pilipinong
kasuotan tuwing ipinagdiriwang natin ito.”-
katotohanan
“Sa tingin ko, pipili sa atin ang mga guro kung sino
ang may pinakamagandang kasuotang Pilipino”.-
opinyon
“Sa pakiwari ko, si Kitkat ng mananalo”.- opinyon
Mahusay Pangkat 1.
Bigyan natin ng limang palakpak ang Pangkat 1.
Pangkat 2
“Nakakulay pulang pang-itaas pala ang mga bata na
kasama nating magsayaw, Ma’am- katotohanan”
“Mga mag-aaral sila mula sa Baitang 1”. katotohanan
“Sa tingin ko mas mahusay pa silang umindak sa akin
e”- opinyon
“Nagsanay kasi silang mabuti kaya saulado na nila
ang bawat hakbang.”- katotohanan
Magaling Pangkat 2.
Bigyan natin ng limang palakpak ang Pangkat 2.

Inihanda ni: Inobserbahan ni:


LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
Pangkat 3
“Ang ulam natin sa feeding ngayon ay tinolang
manok”.- katotohanan
“Sabi ni Ma’am TinTin , si Ate Edna raw ang nagluto
nito”.- katotohanan
“Narinig ko nga si Sir Vlad na pinuri ang luto ni Ate
Edna e”. Kaya ubusin ninyo ang pagkain ha.
katotohanan
“Sa pakiwari ko po, ito na ang pinakamasarap na ulam
Mahusay Pangkat 3. na natikman ko ngayong linggo” -opinyon
Bigyan natin ng limang palakpak ang Pangkat 3.

Pangkat 4
“Mga bata, isang oras na lang at magsisimula na ang
programa natin para sa camporee “- katotohanan
“Tama na iyang paghuhukay mo, Venice. Sa tantiya
ko, sapat na ang lalim ng butas na isang piye.” -
opinyon
“Sabi kasi ni Ma’am Liezel, dagdagan ko pa daw ng
kalahi pang piye para hindi gumalaw ang poste na
ilalagay natin”. - katotohanan
“Ganoon ba. Sige, tulungan na kita diyan sa
Magaling Pangkat 4. paghuhukay mo ng butas”. - katotohanan
Bigyan natin ng limang palakpak ang Pangkat 4.

Binabati ko kayong lahat sa inyong napakahusay na


awtput.

F. Paglinang ng Kabihasnan (Tungo Isasagawa natin ngayon ang tinatawag na “It’s Showtime”
sa formative Test 3) Isasagawa ito ng may ka-partner.
Ang inyong magiging ka-partner ay ang katabi mo.
Ang bawat magkapareha ay makatatanggap ng isang
pares ng show card na may nakasulat na opinyon at
katotohanan. (Ipamahagi ang mga show cards?
Kailangang pag-usapan ninyong dalawa kung ano ang
inyong sagot.
Kung ano ang pinagkasunduan ninyong sagot, iyon ang
itataas na show card.
Inihanda ni: Inobserbahan ni:
LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
Kapag ang pahayag na napaskil sa TV screen ay
katotohanan. Itaas ang show card na ang katotohanan KRA 3, Obj. 9
Kapag opinyon,ang show card na opinyon ang itaas. Gumamit ako ng TV screen upang
Itaas lamang sang tamang show card kapag narinig ang maipakita ang mga pahayag na
hudyat na”It’s showtime”. bibigyan ng sagot.
Kapag, naitaas na lahat ang show cards, tatawag ako ng Naging kapanapanabik ang
isang mag-aaral upang pindutin sa laptop ang icon ng bahaging ito sapagkat bata ang
tamang sagot pumindot sa icon upang makita
ang tamang sagot.
Maliwanag ba? Opo Ang animation na ginamit sa
pagpapakita ng tamang sagot ay
Tumingin lahat sa TV screen at simulan na natin ang nakadagdag sa interes ng mga bata
ating gawain. Upang malaman ang tamang sagot , tatawag na ipagpatuloy ang pagpapakita ng
ng isang bata upang pindutin ang icon kanilang kahusayan sa aralin.
1. “Tuwing Disyembre ay nagkakaroon ng Christmas
Party sa aming paaralan”.
“It’s Showtime”
2. “Sa palagay ko, ang okasyong ito sa paaralan ang
pinakamagarbo sa lahat”.
“It’s Showtime”
3. “Sa tingin ko, hindi naman magarbo. ” itaas ang show card na katotohanan
“It’s Showtime”
4. “Napagkasunduan naman kasi ng mga magulang sa
miting na gawing simple ang pagdiriwang”. itaas ang show card na opinyon
“It’s Showtime”
5. “ Tag-singkwenta pesos nga lang ang halaga ng regalo itaas ang show card na opinyon
ng bawat bata e”
“It’s Showtime”
6. “Kung ako sana ang papipiliin, ang nais kong kapalitan itaas ang show card na katotohanan
ko ng regalo ay ang kaibigan ko.”
“It’s Showtime”
itaas ang show card na katotohanan
Malinaw na ba sa inyo ang konsepto ng ating aralin
ngayong araw?
itaas ang show card na opinyon

Opo
Inihanda ni: Inobserbahan ni:
LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw Nagpatawag ng Homeroom PTA Meeting si Ma’am
araw na buhay Dayeen at pinamigay niya ang mga cards ng mga mag-
aaral.
Nag-usap sina Emiliza at Jeremiah.
Jeremiah: Binabati kita Emiliza, ikaw uli ang top 1. Ang
taas ng average mo 91.5.
Emiliza: Salamat Jeremiah. Ikaw, kamusta ang grades
mo?
Jeremiah: Medyo bumaba ako ngayong Ikatlong
Markahan, 83.5 na lang daw ang average ko sabi ni
Ma’am Dayeen. Paano niya kaya niya kinuha ang average
ko?
Emiliza: Madali lang iyon, pagsasamahin lang lahat yong
mga marka natin sa walong subjects. Pagnakuha na ang
total, i-divide iyon sa 8. Kasi walo lahat yong mga marka
na kinunan ng total.
Jeremiah: Ganoon pala yun.
Emiliza: Sa palagay ko, kailangan mo pang magsanay
mag-divide para ma-check mo kung tama talaga ang
average mo. Nasa baitang 5 na tayo, kaya dapat sanay ka
nang mag-divide.
Jeremiah: Nakakahiya man na aminin pero tama ka sa
sinabi mo. Hindi talaga ako sanay mag-divide.
Emiliza: Huwag ka mag-alala, tuturuan kita.
Jeremiah: Salamat, Emiliza.

Ano ang naging opinyon ni Emiliza tungkol sa kakayahan


ni Jeremiah sa pag-divide ng kanyang average?
Basahin ito. Sa palagay ko, kailangan mo pang magsanay mag-
divide para ma-check mo kung tama talaga ang
average mo. Nasa baitang 5 na tayo, kaya dapat sanay
ka nang mag-divide.
Ano ang naging reaksyon ni Jeremiah?
Hindi naman po siya nagalit. Nagpakumbaba po siya
nang inamin niya ang kanyang kahinaan.
Anong pag-uugali ang ipinakitang reaksyon ni Jeremiah
sa opinyon na ibinigay ni Emiliza? Pagiging magalang po at pagiging mapagpakumbaba.

Inihanda ni: Inobserbahan ni:


LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
Ano naman ang naging resulta ng pagiging magalang at
mapagpakumbaba ni Jeremiah?
Tuturuan po siya ni Emiliza na mag-divide.
Ano ngayon ang dapat ninyong tandaan kapag may
nagbibigay ng opinyon?
Dapat po na makinig mabuti, igalang ang opinyong
sinasabi ng ibang tao at magpakumbaba upang pag
kinailangan namin ng tulong, handa sila na ibigay sa
Tama! amin iyon.
Ayon kay Emiliza, paano ang pag-compute sa average ni KRA 1, Obj. 2
Jeremiah? Ginamit ko ang mga marka ng
Ganito po iyon gawin: mga bata sa kanilang mga aralin
Pagsasamahin lang lahat yong mga marka sa walong upang mabigyang pansin kung
subjects. Pagnakuha na ang total, i-divide iyon sa 8. paano kunin ang average nila.
Kasi po walo lahat yong mga marka na kinunan ng Matagumpay naman na ipinakita at
total. ipinaliwanag ng bata ang pagkuha
Subukan nga na ipakita ito sa pisara, Joy. sa average na nakuha. Nabigyang
85+83+82+82+83+86+84+81 = 668 pansin sa gawaing ito ang kanilang
numeracy skill.
668÷8 = 83.5
Mahusay, Joy!
H. Paglalahat ng Aralin Kumpletuhin ang diagram upang mas maging malinaw sa ka
inyo ang buod ng ating aralin.
Uri ng pahayag
Uri ng pahayag

katotohanan opinyon

- isang pahayag
- mga pahayag at
na nagsasaad ng
impormasyon na
ideya o
batay sa saloobin
pangyayaring
at damdamin ng
napatunayan at
tao.
tanggap ng lahat
na totoo

Inihanda ni: Inobserbahan ni:


LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter

I.Pagtataya ng Aralin Suriing mabuti ang bawat pahayag at isulat kung ito ay
opinyon o katotohanan
(naka-slide deck)
1. “Ang koronasyon para sa Children’s Festival ay
gaganapin sa February 15”. katotohanan
2. “Ang Baitang 5 ay isa sa mga magbibigay ng
pampasiglang bilang na sayaw sa gabi ng parangal”. katotohanan
3. “Ang bilin ni Ma’am Dayeen ay magpraktis na kami
tuwing 4:30 ng hapon”. katotohanan
4. “Sa palagay ko, hindi ako makakasali sa pagsasayaw
ng mga kaklase ko”. opinyon
5. “ Sa tingin ko, minamaliit mo lang ang iyong
kakayahan” opinyon

J. Karagdagang Gawain para sa Sipiin sa inyong kwarderno:


Takdang Aralin at Remediation Panuto: Ikahon ang pahayag na opinyon at salungguhitan
ang katotohanan. “Dalawampung booklet ng raffle tickets ang binili ni
- “Dalawampung booklet ng raffle tickets ang binili ni nanay sa pinsan ko na kandidata sa Children’s
nanay sa pinsan ko na kandidata sa Children’s Festival” Festival”
- “Sa palagay ko, may pag-asang manguna ang pinsan ko “Sa palagay ko, may pag-asang manguna ang pinsan
sa huling bilangan”. ko sa huling bilangan”.
V. TALA
IV. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation

Inihanda ni: Inobserbahan ni:


LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I
FILIPINO 5
Ikatlong Kwarter
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa tulong
ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Inobserbahan ni:


LOURDELIZA G. EGAÑA
Guro II VLADEMER J. URBINA
Punong Guro I

You might also like