Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Alamat Ng Baguio: Ang mina ng Ginto (Buod)

Noong unang panahon, may isang lugar sa Baguio na kung tawagin ay


Suyuk. Naninirahan dito ang mga igorot at isa na dito si Kunto.Bata pa
lamang si Kunto ay nakitaan na ng kakaibang lakas at tapang. Kaya't ito
ay napilingtagapamuno ng Suyuk.Ang mga naninirahan sa Suyuk ay
namumuhay ng tahimik at taon-taon ay nagdaraos ng cañaobilang
pasasalamat sa mga anito.Kung magdaos sila ng cañao ay nagpapatay
sila ng baboy at iniaalay sa bathala.Isang araw ay nagpunta si Kunto sa
kagubatan upang mamana. Di pa sya nakakalayo ay maynakita siyang
isang uwak at nakatayo ito mismo sa patutunguhan nya.Lumakad si
Kunto papalapit sa ibon ngunit ito ay hindi gumagalaw.Nang malapit na
si Kunto ay bigla syang napatigil sapagkat ito ay tumango sa kanya ng
tatlongbeses.Bagamat matapang ay nakaramdam din si Kunto ng takot.
Hindi na tumuloy si Kunto sapamamana at isinangguni na lang nito sa
mga nakakatanda ang nakita nyang uwak at angikinilos nito."Marahil
ang ibong iyon ay ang ating bathala at ipinapaalala na dapat tayong
magdiwang ngcañao" saad ng matanda."Kung ganoon ay magdiwang na
tayo ng cañao" saad naman ng isa.Nang ang lahat ay nakahanda na ay
humuli sila ng isang baboy na iaalay sa bathala.Inilagay nila ito sa
altar na ginawa nila sa taas ng kabundukan.Ngunit anong himala ng
biglang ang baboy ay nag anyong tao.Nagulat ang lahat ng magsalita
ito."Wag kayong matakot, dahil kayo'y mabubuti ay gagantimpalaan ko
kayo basta't sundin nyolamang ang aking sasabihin. Kumuha kayo ng
isang tasang kanin at ilagay sa aking tabi.Pagkatapos ay takluban ninyo
ako ng malaking palayok. Ipagpatuloy nyo ang cañao atpagkalipas ng
tatlong araw ay bumalik kayo dito" saad ng misteryosong
matanda.Ginawa naman ng mga taga nayon ang bilin ng matanda.Saad
pa ng matanda ay makakakita ang mga taga nayon ng isang puno na di
pa nila nakikita.Ang bunga, dahon at sanga daw nito ay maari nilang
kuhanin ngunit wag lamang gagalawinang katawan.Pagkalipas ng
tatlong araw ay bumalik ang mga taga nayon. Totoo ang sinabi ng
matandasapagkat naroon ang maliit na puno sa ilalim ng palayok na
itinaklob ng mga taga nayon.Pumitas si Kunto ng isang gintong dahon at
maya maya lamang ay napalitan agad ito ngpanibagong dahon. Natuwa
ang lahat at isa isa silang kumuha.Sa loob ng napakaiksing panahon ay
yumaman ang mga taga Suyuk. Ngunit hindi nawala anginggitan.Nang
tumagal ay namalayan na lamang nila na ang puno ay napakataas na at
di na maabot angmga dahon at bunga."Kay taas na ng puno at di na
natin maabot ang dahon at bunga, mabuti pa ay putulin na natinito"
saad ng isa.Tinaga ng tinaga ng mga taga nayon ang puno at ito naman
ay nabuwal.Nayanig ang lupa at nakarinig ang mga taga nayon ng isang
tinig."Kayo ay nabigyan ng gantimpala ng kabutihan ngunit sa halip na
mag ibigan ay inggit at pag-iimbot ang naghari sa inyong mga puso"
saad ng misteryosong tinig.At pagkatapos marinig ang tinig ay nilamon
ng lupa ang mga taga nayon.Mula nga noon, nagkaroon na ng minang
ginto sa Baguio. Makakakuha ka lamang nito sapaghukay ng lupa.

You might also like