Ano Ang Malikhaing Pagsulat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Malikhaing Pagsulat 1

Rene O. Villanueva

Ano ang malikhaing pagsulat? Paano ito naiiba sa karaniwang pagsulat? Ang malikhain at karaniwang
pagsulat ay dalawang paraan ng pasulat na pakikipagtalastasan o komunikasyon sa pamamagitan ng nakasulat na
wika. Halimbawa, popular ngayon sa kabataan ang text messaging. Karaniwang pagsulat ang text messaging na
gumagamit ng ispesyal na wika na kung tawagion ay text speak. Gaya nito:
Gpm. Punta k d2. My surprise me sa u.

Sa karaniwang paraan ng komunikasyo popular ang paggamit ng text speak sa kasalukuyan. Halimbawa ito
ng karaniwang pagsulat. Ano ang pinakamahalagang katangian nito? Basahing muli ang mensahe. Maaaring
sabihing ang wika ng mensahe ay hindi madaling maintindihan. Pero natitiyak kong ang dalawang nagpapalitan ng
text ay nagkakaintindihan. Sa pang-araw-araw na wika, ganito ang ibig sabihin ng text speak:
Good afternoon. (Mag) punta ka rito. May surprise me (ako) sa iyo.

Ang pangalawang halimbawa ay karaniwang pagsulat din na gamit ang pang-araw-araw na lengguwaheng
taglish. Sa pamamagitan ng dalawang halimbawa, maiko-conclude na natin na ang pinakamahalagang katangian ng
karaniwang pagsulat ay ang pangangailangang naiintindihan ang pahayag ng nagpadala at tumatanggap.

Nauunawaan ng dalawang tao ang mensaheng nag-uugnay sa kanila. Naiintindihan sa kagyat na sandaling
iyon. Iyon lamang at wala nang ibang mahalaga. Kahit masalimuot, naiiba, weird, hindi pangkaraniwan ang wika o
kahit pa hindi naiintindihan ng iba ang pahayag. Dagling pagkakaintindihan lamang ng dalawang tao sa panahon ng
komunikasyon ang mahalaga sa karaniwang pagsulat.

Paano naiiba rito ang malikhaing pagsulat? Ang malikhaing pagsulat ay kilala rin sa tawag na panitikan o
literatura. Sa malikhaing pagsulat, hindi sapat ang basta maintindihan lamang. Hindi sapat ang maunawaan lamang
tayo ng ating kinakausap. Bagaman maunawaan ang pangunahing layunin ng komunikasyon.Maintindihan ang
pangunahing inaasahan sa lahat ng anyo at uri ng komunikasyon. Sa malikhaing pagsulat, may kahingian o
requirement na higit sa basta maunawaan lamang.

Dalawang bagay, bukod sa pangangailangang maunawaan, ang pinakapayak na requirement ng pagsusulat upang
maituring na malikhain: Kailangan nitong maging mapagparanas at makintal. Sa Ingles, ibig sabihin ng
mapagparanas at makintal ay evocative and impressive. Ano ang ibig sabihin ng mapagparanas? Ano ang kahulugan
ng makintal? At bakit ang dalawang ito ang minimum na katangian ng malikhaing pagsulat?
Malikhaing Pagsulat 2
Ang pagiging mapagparanas ay tumutuloy sa kakayahan ng sulatin na ipadanas/ ipadama sa tumatanggap ng
mensahe ang pahayag ng nagpadala. Sa malikhaing pagsulat o panitikan, kailangan nating tukuyin sa nagpadala at
tumatanggap bilang manunulat at mambabasa, at ang pahayag o mensahe bilang akda. Sa pagpaparanas ng akda, ang
mensahe ay kailangang makita, marinig, maamoy, malasahan, at maramdaman ng mambabasa. Sa madaling sabi
kailangang madama ng mambabasa ang sinasabi ng manunulat.

Balikan natin ang pangalawang halimbawang karaniwang pagsulat at isalin natin ito sa karaniwang Filipino:
Magandang hapon. Magpunta ka rito. May sorpresa ako sa iyo. Bago natin ito suatin sa malikhaing paraan, suriin pa
natin kung bakit ito ay pagsulat na karaniwang lang.Una, tumutupad ito sa kahingian ng komunikasyon na
maintindihan agad; na dagling maunawaan.Ikalawa, ipinauunawa ng mensahe na sa tingin ng nagpadala “maganda
ang umaga.” Maaari ding hinahangad ng nagpadala na maging maganda ang umaga para sa pinadadalhan. Alin man
ditto ay uubrang kahulugan ng unang pangungusap; ngunit hindi tayo nakatitiyak.

Sa ikalawang pangungusap, maaaring inaanyayahan o pinakikiusapan ng nagpadala ang pinadalhan na


puntahan siya. Hindi rin natin natitiyak kung alin; bukod sa hindi natin alam kung saan siya pupuntahan. Maaaring
sa bahay, sa isang tagpuan o saan man. Hindi rin natin alam.
Sa huling pangungusap, may sopresa raw ang nagpadala ng mensahe sa pinadalhan.Bukod sa wala tayo
munti mang sapantahan kung ano ang sopresang tinutukoy, ang ‘ako” at “iyo” sa pangungusap ay hindi rin natin
kilala. Sa madaling sabi, ang kraniwang pagsulat ay maaaring maintindihan pero iyon lamang. Maraming bagay sa
mensahe ang manantiling hindi malinaw o lingid sa atin. Naiintindihan pero hindi lubos na naiintindihan.

Ito ang kakatwa sa karaniwang pagsulat. Maaaring kagyat na maunawaan ngunit kung bubusisiing mabuti ay
mas maraming bagay ang hindi natin nauunawaan. Ito rin ang kaibahan ng malikhain sa karaniwang pagsulat. Higit
sa basta maunawaan ang hinihingi ng malikhaing pagsulat. Kailangang mapagparanas at makintal ang panitikan. Sa
pagpaparanas, lilinawan natin ang maraming bagay na tinutukoy sa mensahe. Kung sino ang nagpadala at
pinadalhan. Kung nag-iimbita, nag-uutos o nakikiusap ang nagpalada ng mensahe na puntahan siya. At maaring
maipahiwatig o matukoy kung ano ang sorpresang tinutukoy. Ngayon, paano gagawing malikhain ang karaniwang
pagsulat? Paano gagawing mapagparanas at makintal ang mensahe?

Maraming paraan, pero ang pinakasimple ay ang pagsasabi ng mensahe sa paraang kongkreto. Ibig sabihin, sa
paraang ang mensahe ay maaaring makita, marinig, maamoy, malasahan at maramdaman – anoman ang angkop –
para maranasan ang mensahe. Kung mararanasan ng babasa ang mensahe, maaring makintal iyon sa isip niya nang
mas matagal-tagal na panahon. Maaaring iwanan ang mensahe sa isip niya kahit matapos ang komunikasyon o
pagkaraan ng panahon ng pagbasa.

Bakit mahalaga na ang malikhaing pagsulat ay mapagparanas at makintal? Sa katunayan ang pagiging
mapagparanas ay isang paraan upang makintal ang sinulat sa kamalayan ng mambabasa, O ang kabaligtaran nito.
Ang pagkikintal ng anoman sa isipan ng mambabasa ay sa paamagitan ng pagpaparanas sa bumabasa ng anomang
gustong sabihin ng maunulat.

Samakatwid, iisa ang layunin ng pagiging mapagparanas at makintal ng isang akda, bukos sa maintindihan:
ang huwag agad malimot. Kung totoong maintindihan ang pangunahing layunin ng panitikan, gaya ng lahat ng uri
ng komunikasyon, bakit may mga akdang mahirap unawain? Bakit may mga akdang mahirap maunawaan?
Maaaring ang kahirapang maunawaan o maintindihan ay mula rin sa katangian ng panitikan na maging
mapagparanas at makintal. Sa pagnanais ng manunulat na maging mapagparanas at makintal ang kanyang akda, ang
mga tiyak na detalyeng kanyang ibinibigay – isinusulat – ay labas,kundi man malayo sa karaniwang karanasan.
Maaaring napaka-pribado o mula sa natatanging galaw ng kanyang imahinasyon.

Sa pagpipilit ng manunulat na maging kongkreto sa kanyang akda, hindi siya nasisiyahan sa mga detalye ng
karaniwang karanasan. Pumipili siya ng mga karanasang naiiba, pambihira, natatangi, labas o malayo sa karanasan
ng marami.

Bakit mahalaga sa panitikan ang pagiging mapagparanas at makintal?

Dahil lahat ng panitikan ay may layunin, sabihin nating ambisyon, na huwag agad makalimutan ng
mamababasa. Layunin ng panitikan na huwag agad makatkat sa kamalayan ng bumasa. Ibig sabihin ang karaniwang
pagsulat ay panandaliang komunikasyon; samantalang hangad ng panitikan ang ugnayang pangmatagalan sa pagitan
ng mambabasa, manunulat, at akda.

Ang kahingian ng karaniwang pagsulat na maunawaan o maintindihan ay laging para lamang sa ngayon.
Nasisiyahan na ang karaniwang pagsulat sa mismong sandali ng komunikasyon. Hindi interesado ang karaniwang
pagsulat na maunawaan siya bukas o sa mas matagal na panahon. Daglian ang layunin ng karaniwang pagsulat.
Pangmatagalan, kundi man panghabang panahon ang layunin ng pantikan. Bahagi ito ng tinatawag nating conceit ng
literatura o yabang ng panitikan.

Mula rito, kaya bawat akdang-pampanitikan ay masasabing pagtatangka na maging imortal. Bawat
manunulat, aminin man niya o hindi; malay man siya o hindi, ay hangad makasulat ng akdang makikipagmatagalan
sa panahon.

You might also like