Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Buod

Nagumpisa ang istorya sa pag papakilala ng buhay ni Don Miguel o Miguelito at ang kanyang matalik na
trabahador na si "SIYA." Ang ama ni Miguelito ay si Don Segismundo, isang peninsulares, na naghahanap
ng lupang mabibili upang mapagtayuan niya ng kaniyang plantasyon ng tabako. Nakilala niya si Fr.
Labrador, isa ring peninsulares, at sinabihan siya na gamitin ang kaniyang pagkakastila upang makakuha
ng malawak na lupain. Doon ay ipinakilala niya si Don Segismundo kay Petra Baterina, isang ilokanang
indya na kakapamana lamang ng hektarya ng lupa at nagnanais makapangasawa ng isang Español.
Kinalaunan ay nagpakasal ang dalawa at nagkaroon ng supling na si Don Miguelito. Habang nagaaral sa
ateneo ay tinutukso siya ng kaniyang kamag-aral na ang laki raw ng kaniyang alagang si "SIYA." Ayon kay
"Siya", ang tanging trabaho niya lang noon ay ang sumuka ng dilaw na likido. Noong labing tatlong taong
gulang na si Miguelito ay magkasunod na namatay ang kaniyang mga magulang, doon ay ang taon ding
sinugatan niya sa ulo si "SIYA", na labis niyang pinagtataka na bakit kailangan pa niya ito gawin. Sinabi
rin ni SIYA na nadagdagan ang kaniyang trabaho non, bukod sa pagsuka ng dilaw na likido ay paglalaruan
siya nito at pinasusuka rin ng iba pa gamit ang makukulay na magasin na itinatago nya sa ilalim ng kama.
Noong dalawampu't apat na taong gulang na si Don Miguel ay siya na ang nagpatakbo ng negosyo at
doon narin nahilig pumunta sa mga bahay aliwan ito kasama si SIYA na siyang pinagtatrabaho anumang
oras na gustuhin nito, katanghalian man, hatinggabi man o madaling-araw, puwede siyang piliting sagad-
sagarang magtrabaho hanggang manlupaypay siya sa hirap. Dahil dito ay nagnais na makalaya si SIYA at
naghimagsik sa kaniyang amo. Ginawa ito ni Don Miguel hanggang siya ay umabot sa sitenta taong
gulang at si SIYA ay hindi narin kinaya ang tumayo at magtrabaho ng maayos. Wala na siyang ibang
narinig kay Don Miguel kundi mura at sabihan siya ng inutil, ngunit sa kabila non ay siya ay natutuwa
dahil hindi na siya napapagod magtrabaho. Naging silent protest ito ni SIYA dahil sa pagpapahirap
sakanya ng kaniyang amo. Dahil sa kapabayaan ni Don Miguel at pagmamaltrato sa kaniyang mga
trabahador ay nagkaroon ng welga sa kaniyang pabrika at hinarang ito ng mga pulis at nagkasakitan ang
mga nagwelga at mga pulis. Nagbanta ang mga nagwelga na pagbabayaran nila ang kanilang ginawa.
Walang katapusan na nag negosasyon ang abogado ni Don Miguel sa unyon ng mga welga. Nang isang
umaga, nagmamadali pumunta si Don Miguel sa pabrika dahil sa walang tigil na tawag sakanyang bahay.
Nang palabas na sa bukana ng forbes park ay may tatlong naka motorsiklo, pinaligiran ang kotse at
sunod na sunod na putok ang umalingawngaw. Sa huli, habang nakabulagta ang among si Don Miguel,
napatanong si SIYA sa kaniyang sarili, "Malaya naba ako? Kailan lalaya ang mga kauri ko? Kailan?"

You might also like