Professional Documents
Culture Documents
Banghay Panitikan 1 at Wika
Banghay Panitikan 1 at Wika
Banghay Panitikan 1 at Wika
I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. naauunawaan ang kahulugan at iba’t ibang halimbawa ng matalinghagang
pahayag,
B. naipakikita ang kawilihan sa paggamit ng matalinghagang salita sa
pagbabasa ng mga dayalogo;
C. nagagamit nang wasto ang mga matalinghagang pahayag sa isang
pangungusap at paglikha ng meme; at
D. napahahalagahan ang paggamit ng mga matalinghagang pahayag sa
paglinang ng mga kasanayan sa pagsusuri at pagkamalikhain
II. Paksang-Aralin:
A. Wika:
Matatalinghagang Pahaya
B. Sanggunian
KANLUNGAN: Batayan at Sanayang Aklat sa Pag-aaral ng Wika at
Panitikang Filipino batay sa Bagong K-12 Kurikulum nina Pena, ES. et.
al, pahina 250
Ang Diskurso ng Pahiwatig sa Komunikasyong Pilipino ni Wennielyn
Fajilan
C. Kagamitan
Cartolina, Puzzle Piece
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagsasaayos ng Silid-aralan
d. Pag-alam sa mga Liban sa Klase
B. Pagganyak
Ipabasa ang sumusunod na dayalogo:
Maria: Kawawa naman ang kinasapitan ng pamilya Guerrero! Ngayon ay isang kahig
isang tuka na lamang sila. Samantalang dati’y parang nagtatae lang sila ng pera.
Juana: Paanong hindi sila maghihirap ehh, mga bulang-gugo sila kung gumasta ng
pera. Kahit hindi kailangan ay binibili?
Fe: At isa pa, napakataas pa ng lipad ng mga iyan. Mga buwayang-lubog kung ituring
ang iba.
Maria: Ganoon talaga, sadyang umiikot ang gulong ng buhay. Ang Panginoon na ang
bahala sa kanila.
Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang usapan?
2. Anong mapapansin sa paraan ng pagapahayag ng bawat tauhan?
C. Paglinang ng Talasalitaan
Pagdugtungin ang mga puzzle piece na may magkaugnay na kahulugan.
bulang-gugo hambog
buwayang-lubog mahirap
nagtatae ng pera gastador
D. Pagtalakay sa Nilalaman
Mga Gabay na Tanong:
1. Paano niyo masasabi na malikhain ang tao sa paraan ng ating
pagpaphayag?
2. Ano ang mga halimbawang pahayag na nagpapakita ng pagiging malikhain?
3. Ano ang kahulugan ng matalinghagang pahayag?
4. Ano ang mga halimbawang matatalinghagang pahayag na alam niyo?
5. Sa anong mga pagkakataon o sitwasyon niyo magagamit ang mga
matalinghagang pahayag?
E. Paglalahat
Pangkalahatang Tanong:
F. Paglalapat
Magtala ng limang pangungusap na kinapapalooban ng matalinghagang
pahayag sa bawat akdang tinalakay. Tukuyin ang kahulugan ng matalinghagang
pahayag at gamitin ito sa sariling pangungusap. Punan ang talahanayan:
G. Pagtataya
MEMEasabi
Batay sa inyong mga natutunan, bumo ng sariling halimbawa ng mga
matalinghagang pahayag na may kinalaman sa pag-uugali ng tao. Tiyaking
lapatan ito ng mga katangian ng isang matalinghagang pahayag. Mainam kung
gagamit ng mga makabagong konsepto o bagay na maiuugnay sa kaugalian ng
tao. Ilapat ang mga nabuong matalinghagang pahayag sa paglikha ng isang
meme.Lakipan ito ng maikling paliwanag. Gamiting gabay ang rubriks at
halimbawa:
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
(5) (4) (3) (2)
Nilalaman
Komprehensibo ang
ugnayan ng larawan (meme)
at pangungusap na may
matalinghagang pahayag.
Presentasyon
Maayos ang daloy at
malinaw ang
pagpapaliwanag sa meme
Pagkamalikhain
Bago at kakaiba ang
nalikhang matalinghagang
pahayag at gumamit ng mga
makabagong konsepto o
bagay.
Wika
Gumamit ng angkop na
salita at pinatibay ng
gramatika ang buong
gawain.
KABUOAN
Halimbawa:
Matalinghagang Pahayag: Asal- Wifi
Kahulugan: Mabagal Kumilos
Meme:
H. Kasunduan
Paghandaan ang pagtatanghal sa susunod na araw.
Inihanda Ni:
Angelica D. Agunod
Gurong Mag-aaral., IV-4 BFE