Ang kwentong ito ay nagsimula sa mag-ama na nagkwekwentuhan, sabi
ng ama sa kanyang mga anak, may isang batang lalaki na humiling sa kanyang ama na bilhan siya ng isang guryon bagkus sinabihan lamang siya ng kanyang ama na bumili ng kawayan at papel at gumawa ng kanyang sariling saranggola, pero hindi marunong ang bata kaya tinuruan siya ng kanyang ama na gawin ito. Sa halip na matuwa ang batang lalaki dahil meron na siyang saranggola nagalit ito at humingi ulit siya sa kanyang ama na bilhan siya ng guryon dahil kinakatyawan siya sa bukid kung saan siya nagpapalipad ng saranggola dahil maliit ang sa kanya. Kahit meron silang perang pambili ng isang guryon, hindi parin siya binilhan ng kanyang ama bagkus tinuruan nito ang kanyang anak na magpalipad ng saranggola. Lumipas ang mga araw ang batang lalaki ay natuto nang magpalipad ng saranggola at nalagpasan na niya ang mga guryon ng kanyang mga kaibigan. Ngunit isang araw, napatid ang tali ng kanyang saranggola at nasapid sa isang balag pero hindi pa rin ito nasira at sinabihan siya ng kanyang ama na kung guryon yan, nawasak na dahil sa laki, kaya tandaan mo, ang taas ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagilin doon at kung babagsak, laging nawawasak. Lumipas ang mga taon hindi pa rin nawala ang galit ng batang lalaki sa kanyang ama dahil nararamdam ng batang lalaki na kinakawawa siya ng kanyang ama, kahit damit at sapatos ay pang pobre ang laging kanyang sinusuot at laging katwiran ng kanyang ama na hindi madaling kitain ang pera. Lumipas ang maraming araw, hindi pa rin naunawaan ng batang lalaki kung bakit siya pinahihirapan ng kanyang sariling ama. Hanggang sa pagpili ng kursong aaralin sa kolehiyo ang pasya pa rin ng ama ang nanaig dahil sa tingin ng kanyang ama iyon ang makabubuti para sa kanya. Nag-aral siya nang mabuti at nakatapos ng kolehiyo, pagakatapos binigyan siya ng pera ng kanyang ama para sa pagpapatayo ng isang machine shop, una hindi niya tinanggap dahil wala itong rason dahil mamanahin niya naman ang machine shop nila. Pero sinabihan siya ng kanyang ama na kaya pa niya hawakan ang negosyo at sinabihan siya na mabuti na iyong makatindig ka sa sarili mong paa. Kaya tinanggap niya ang pera at nagpatayo ng machine shop malapit sa machine shop ng kanyang ama. Isang araw pinuntahan siya ng kanyang ama sa kanyang machine shop para kumustahin pero sa tindi ng galit ng bata ay umalis ang kanyang ama na hindi man lang sila nakapag-usap ng matino. Pero dahil sa kawalan ng kita, nalugi ang negosyo ng batang lalaki at humingi ulit siya ng puhunan sa kanyang ama, ngunit hindi siya nito binigyan kaya ang galit na nadarama ng kanyang anak ay lalong tumindi at dahil doon nakalimutan niya ang paggalang sa magulang. Lumipas ang maraming taon sumigla muli ang kanyang negosyo. Isang araw dinalaw siya ng kanyang ina at sinabi sa kanya na gustong makita ng kanyang ama ang kanyang mga apo, ngunit hindi pumayag ang kanyang anak dahil kinalimutan na niya na mayroon siyang ama. Ngunit isang araw sa kanyang pag-uwi galing sa trabaho, hindi niya nadatnan ang kanyang mga anak at asawa. Nabalitaan na lamang niya na pumunta pala ito sa probinsya ng kanyang mga magulang upang patawarin ito at labis ang kanyang nadaramang galit, ngunit nahinto siya saglit at naalala lahat ng masayang karanasan niya ng kanyang ama. Dali-dali siyang pumunta sa kanilang probinsya pero huli na ang lahat patay na ang kanyang ama, pero namatay ang kanyang ama na walang hinanakit sa kanya dahil natupad na niya ang kanyang pangarap na marating mo ang itaas at nakatiyak siya makakapanatili ka roon at naalala niya ang sinabi ng kanyang ama na wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas kundi nasa husay, ingat at tiyaga.