Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Bernard R.

Javier
(BSED-IV)

Malamasusing Banghay-Aralin
I. Layunin:
Sa pagtatapos ng apatnapung minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. natutukoy ang pagkakaiba-iba ng tatlong antas ng pang-uri,
B. napapahalagahan ang gamit ng tatlong antas ng pang-uri sa pangungusap; at
C. nakasusulat ng mabilisang pangungusap gamit ang salita sa bawat antas ng pang-uri.
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Kaantasan ng Pang-uri
B. Sanggunihan: hiyas wika 5, PP. 130-138, google.com
C. Kagamitan: larawan, plaskard, comic strip, pentel pen, cartolina, kahon, at laptop
D. Pagpapahalaga:
Kahalagan ng Sipag at Tiyaga para sa pag-
unlad
III. Pamamaraan:
 Pagbati
Batiin ni guro ang mga mag-aaral
Magandang umaga klase!

 Panalangin
Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral para pangunahan ang panalangin
 Pagtala ng Liban
Ang guro ay aalamin kung may mag-aaral bang lumiban sa klase.
 Paglatag ng Alituntunin
(Ipapalam ng guro ang kaniyang mga alituntunin.)
Bago tayo magsimula sa ating talakayan may mga simple lamang akong alituntunin na
ninyong malaman.
Una: umayos ng upo
pangalawa: gusto ko parating malinis ang ating silid aralan, kaya paki pulot lahat ng
kalat sa inyong paligid.
Pangatlo: ayaw ko ng maingay lalo na kung nagsasalita ako sa harap.
Pang-apat: itaas lamang ang inyong kanang kamay kung kayoy sasagot at kung kayo ay
may katanungan
at ang panghuli: kapag sinabi kung RESPETO itoy senyales na kayoy maingay at
kailanagan na kayong tumahimik.
 Pagsasanay:
Magpapakita ang guro ng mga salitang natalakay noong nakaraang talakyan at ipapabsa
sa klase.
Payak Inuulit na ganap
Maylapi Inuulit na di-ganap
Inuulit
 Balik- Aral:
Magtatanong ang guro ng mga pinag-aaralan sa nakaraang talakayan.
Klase, sino sa inyo ang makapaglalagom ng mga pinag-aralan natin kahapon?

 Pangganyak

Ipapaskil ng
guro sa pisara ang
isang larawan:
Babasahinng
dylogo, ang mga
lalaki ang
magbabasa sa linya
ng mga lalaki at ang
mga babae
naman ang
magbabasa sa linya
ng babae sa larawan)
naintindihan ba
klase?

 Paglalahad
klase! ang tatalakayin natin ngayong araw ay tungkol sa kaantasan ng pang-uri.
Aalamin at pag-aaralan natin kung ano-ano ang mga kaantasan ng pang-uri.

 Pagtalakay sa Aralin
klase! may tatlo antas ang ang pang-uri
ito ay ang LANTAY, PAHAMBING at PASUKDOL

1.Lantay- itoy naglalarwan ng isang katangian ng tao, bagay, lugar at pangyayari.


Pakibasa!
Hal.
Mataas ang nakuha kung marka sa filipino.
Mataba ang baboy namin.
Ang bata ay masipag

2.Pahambing ay nagtutulad o pinaghahambing ang katangian ng dalawang tao, bagay, lugar


at pangyayari.

Dalawang uri ang pahambing


Ang pahambing na magkatulad at pahambing na di-magkatulad.

A. pahambing na magkatulad - nagtataglay ng pagkakatulad ng katangian, kung saan


ginagamitan ito ng pananda o mga panlaping maka-uri tulad ng Sing, kasing, magkasing at
magsing.

Hal.
Siguro magkasing taas ang marka natin
Magkasinglakas sina potpot at Popoy
Ang palingke ay kasing-ingay ng peryahan.

B. pahambing na di-magkatulad- ang pinaghahambing ay hindi magkapantay ang


katangian.

Halimbawa:
Ang mangga rito sa pangasinan ay di-gaanong matamis tulad sa Guimaras.

3. pasukdol- itoy nagpapakita ng pinakamatindi o pinakasukdulang katangian sa


paghahambing ng higit sa dalawang tao, bagay, lugar at pangayayari.
Gumagamit ng panlaping pinaka, napaka, pagka at mga salitang ubod ng, hari ng, reyna ng,
sakdal at sobra

Halimbawa:
Pinakamataas ang marka na nakuha ko sa aming klase.
Siya ay hari ng tapang.

 Paglalahat
Ngayon kung talagang naintindihan at nakinig kayo sa ating tinalakay. May mga
katanungan ako.

Ano ang tatlong antas ng Pang-uri?


Ano ang pahambing at dalawang uri nito?
ano ang pang huling antas ng pang-uri.

 Paglalapat
Pangkatang gawain: Papangkatin ang klase sa dalawang grupo. Bawat grupo bibigyan ng
tig-isang flag.

Pipili ang isang mag-aaral ng katunggali sa kalabang grupo. Ang grupong mas maraming
nakaunang miyembro na nakapagbigay ng pangungusap ang siyang panalo.
 Pagpapahalaga

(Magtatanong ang guro)


Ano ang dapat ninyong gawin kung bibigyan kayo ng gawain upang umunlad.

IV. Pagtataya:

Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang mga kaantasan ng pang-uri.


Halimbawa:
(mabilis)
Lantay - Mabilis tumakbo si Lance.
Pahambing - Mas mabilis tumakbo si Lance kumpara kay Sam.
Pasukdol - Pinakamabilis tumakbo si Gabe sa mga bata.

1. (matalas)
lantay - _________________________________________________________
Pahambing-________________________________________________________
pasukdol -_________________________________________________________
2. (masarap)
Lantay-_________________________________________________________
pahambing-________________________________________________________
pasukdol _________________________________________________________
3. (mabango)
Lantay-_________________________________________________________
pahambing-________________________________________________________
pasukdol -________________________________________________________

V. Takdang Aralin:
Sa buong isang papel sumulat ng isang sanaysay, ilarawan ang katangian ng
inyong pamilya gamit ang mga salitang lantay, pahambing, pasukdol at bilugan ang
mga ito.

You might also like