Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Mga BIKOLANO: Kabuuang Pagsusuri

ORAGON ako!

POSTS ARCHIVE

Wika ng Bicol

Ang wika na pinakasinasalita ng mga Bikolano ay ang gitnang Bikol o mas kilala satawagna Bikol Naga. Ito
ay ginagamit sa hilaga at kanlurang bahagi ng lalawigan ng Camarines Sur, sa ikalawang distrito
pangkinatawan ng Camarines Norte, silangang bahagi ng Albay, hilagang-silangang bahagi ng Sorsogon,
sa bayan ng San Pascual sa Masbate, at timog-kanlurang bahagi ng Catanduanes.

May mga ilang salita na sa Gitnang Bikol lamang mayroon at wala sa ibang mga wika sa Bicol katulad na
lamang ng matua (mas matanda) at bitis (paa).

Magandang umaga

Marhay na udto

Dios marhay na udto

Magandang hapon

Marhay na hapon

Dios marhay na hapon

Magandang gabi

Marhay na banggi

Dios marhay na banggi

Oo

Iyo

Kasaysayan ng Bicol

image
Ang rehiyon ng Bicol ay kilala bilang Ibalon na nangangahulugang “sa kabila” o “mga tao sa kabilang
dako”.

Ang Lugar ng Bicol ay nakilala sa buong pilipinas simula ng sumabog ang bulkang mayon na gumising sa
milyong-milyong pilipino dahil marami ang napinsala nito. Naapektuhan ang mga karatig lugar nito, ang
Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon.

Muli ulit nakilala ang lugar ng Bicol ng umpisahan ng mga tao dito ang pagdiriwang Tinagba Festival sa
lungsod ng Iriga sa Bicol.

image

Lalo naman nagpaakit sa mga mata ng mga turista na dumadayo sa pilipinas nangg madiskubre ng mga
tao sa Bicol ang mga “beaches” na matatagpuan sa iba’t-ibang lugar sa Bicol. Naging Inspirasyon ito ng
mga tao dito para lalo pa nila pagandahin ang kanilang mga natatanging lugar at makilala pa sa buong
mundo.

Ang mga espanyol ang unang nakapunta sa Sorsogon, nakita nila ang mga lumang simbahan at mga
lugar ng seminarista. Ang mga Bicolano din daw na hindi sangayon sa pagpapatakbo ng mga Espanyol sa
bansa a umaakyat ng bundok at nagtatago hanggang sa sila ay mamatay na lamang. Kilala ang mga
Bikolano sa kanilang malakas na paninindigan sa kanilang mga nais.

Ang rehiyon ay tinatawag din na “Los Camarines” pagkatapos ng kubo matagpuan sa pamamagitan ng
mga Espanyol sa Camalig, Albay. Walang mga sinaunang-panahon na fossil ng mga hayop ang natuklasan
sa Bicol at ang mga labi ng mga sinaung tao sa rehiyon ay nananatiling nakatago.

Malakas naman ang mungkahi ng mga Aeta mula sa Camarines Sur Ang Aeta mula sa Camarines Sur
hanggang Sorsogon na may mga nanirahan doon matagal na ang nakalipas, ngunit ang pinakamatagal na
katibayan ay sa kalagitnaan hanggang huling panahon ng Neolitiko.

Umiral din dito ang sistemang Barangay noong 1569. Nakita din sa mga dokumento na walang halong
pamumuno ng Islam sa mga naunang datu.

Bago naman ang mga panahong tayo ay nasakop, nakabatay sa lakas, tapang, at katalinuhan ang kanilang
pamumuno. Ang mga katutubong Bikolano din ay tila hindi interesado sa pulitika kaya malakas ang
impluwensiya ng datu sa karamihan sa panahon ng krisis tulad ng digmaan. Kung hindi man, ang mga
katutubong Bikolano ay naka-sentro/malapit sa pamilya kaya naman ang pinuno noon ay ang pinuno ng
pamilya. Ang mga Bikolano ay inilalarawan ng mga chroniclers ng Espanyol bilang mabangis na
mandirigma.

1 note
Kultura ng mga Bikolano

Ang Bikolano ay isang pangkating etniko na matatagpuan sa mga probinsya ng Camarines Norte,
Camarines Sur, Sorsogon, Albay, Catanduanes at hilagang bahagi ng Masbate.

image

Kilala ang mga ito sa kanilang mga produkto tulad ng pili na ginagawang suspiros, masapan, pastilyas at
peanut brittle. Ang mga Bikolano ay nakilala sa buong Pilipinas dahil sa kanilang mga putahe na
ginamitan ng gata at pinaanghang ng maliliit na siling labuyo tulad ng Laing at Bikol Express kaya naman
sila ay nabansagang mga matatapang.

image

image

Ang mga Bikolano ay konserbatibo dahil narin sa kanilang pagiging relihiyoso. Mahilig din sila magdiwang
ng mga piyesta at doon ay sumasayaw at nasisi-kantahan sila.

pili bicolandia bicolexpress

Pamumuhay ng mga Bikolano

image

Ang pagsasaka ay tumutukoy sa gawaing pagtatanim at pag-aani ng mga halamang kakainin sa pang
araw-araw. Sa Bicol, maraming naninirahan dito ay pagsasaka ang hanapbuhay.

image

image

Mais, palay at abaka ang mga pangunahing produkto nila. Ito ay sikat sa kanila dahil sa klima at ang lugar
nila ay likas sa mga matatabang lupa.

image

Ang pangingisda ay naisasagawa sa pamamagitan ng pamimingwit o pagbibitag. Sa Bicol, Alumaha,


Pampano, Lapu-lapu, Galunggong, Kanduli at Dilis ang kalamitang mahuli ng mangingisda rito.
Napapalibutan ng iba’t ibang anyo ng tubig ang Bicol kaya maraming mangingisda dito. Ang pangingisda
ay mahirap na trabaho sapagkat kung wala masyadong huli ay nagkakadahilanan na ang iyong kita ay
kakaunti rin. Dahil dito, may mga gumagamit ng hindi magandang paraan upang makapanghuli lamang
para sa kanilang pangaraw-araw na kapakanan.

image

Ang pagtitinda ng mga gulay at prutas sa mga talipapa ay normal nang gawain ng mga Bikolano. Isang
dahilan nito ay ang pagkakaroon nila ng maraming tanim sa kapaligiran kahit na sa bakuran lamang nila.
Sagana sila sa mga saging, papaya, sitaw, at kung anu-ano pang mga madaling alagaan na halaman. Para
sila ay magkaroon ng ekstrang kita, dinadala nila ito sa mga talipapa o kahit sa gilid lamang ng kalsada.
Ito ay tinatangkilik ng mga mamamayan dahil sigurado sila na sariwa ang mga tinitinda at pang-masa ang
presyo nito na swak lang sa badyet nila. Hindi ganoon karangya ang mga tao sa Bicol, kahit ikaw ay may-
kaya, nakasisiguro ako simpleng pamumuhay lang din ang iyong mararanasan. Pinapakita nito ang
pagiging payak at wais ng mga Biikolano pagdating sa buhay.

image

Ang paghahabi ay tradisyonal nang hanapbuhay sa ating bansa simula pa lamang noong panahon ng
Kastila. Ngunit sa Bicol ay hindi ito ganoon ka-laganap dahil kailangan ng maraming oras para ikaw ay
makatapos ng isang produkto halimbawa na lamang ng kumot, tuwalya o alpombra kaya hindi ka kagad
makakakuha ng pera. Hindi rin lahat ng tao doon ay sanay sa pag-disenyo ng mga bagay-bagay, mas
sanay sila sa mga mas pisikal na trabaho katulad ng pagsasaka. Ngunit dahil sagana sa likas na yaman ang
Bicol, madali lamang sakanila na gawin itong hanapbuhay katulad na lamang ng paghabi ng mga abaka
na galing sa puno ng saging.

buhaysabicol

image

image

Sa Bicol makikita ang iba’t ibang magagandang tanawin, makasaysayang lugar, kultura, at pagkain na
kanilang ipinagmamalaki. Malayo man ang lalakbayin upang mapuntahan ang iba’t-ibang lugar at
maranasan ang mga bagay na purong Bicol, sulit pa rin ito.

Bicolandia
Camsur Watersports Complex

Isa ang Camsur Watersports Complex o mas kilalang CWC sa mga dinarayo ng mga turista sa Bicol. ‘Wag
kakalimutang subukan ang kanilang Wakeboarding para sa kakaibang water adventure experience!

image

image

cwc camsur

Super HOT Bicol Experience!

Isa sa pinakamasayang gawin sa pagpunta sa Bicol ay ang tikman ang mga Bicol cuisines sa Small Talk
Cafe at 1st Colonial Grill. Iba-iba man ang winning dishes nila, iba pa rin talaga ang anghang ang hatid ng
mga ito. Mula sa Fiery Mayon Stuffed Pizza, Bicol Express Pasta, at Pasta Mayon ng Small Talk Cafe,
hanggang sa Sili ice cream ng 1st Colonial Grill na may level one to ten pa ang anghang.

image

Fiery Mayon Stuffed Pizza

image

Bicol Express Pasta

image

Pasta Mayon

image

Sili Ice Cream

Kawakawa Hill
image

image

Ang pag-akyat sa Kawakawa Hill ay susubok sa inyong physical fitness dahil ang pagdalaw sa 14 stations
of the cross nito ay nangangahulugang pag-akyat ng 1,037 metro. Paglalakad ang natatanging paraan
upang matanaw ang mga tampok na life-size statues sa bawat estasyon. Sulit na sulit nga naman
talagang pumunta dito dahil libre ito para sa lahat.

image

Mayon Volcano

image

Kapag narinig mo ang ‘Bicol’, sigurado ako na ang una mong iisipin ay ang Mayon Volcano at ang sikat na
Cagsawa ruins. Kilala ang Mt. Mayon sa kaniyang perpektong hugis na apa. Kapares nito ang Cagsawa
ruins na sumisimbolo sa pagiging matatag at matapang ng mga Bicolano sa mga kalamidad na tumatama
sakanila.

image

Ito ay dating simbahan pero dahil sa malakas na pagsabog ng bulkan ay ang kampanaryo na lamang ang
natira. Kasama sa natabunan ang maraming mamamayan na nagtago sa simbahan na ito at ang maliit na
bayan na sakop nito. Ngayon ay ipinagdiriwang ang Cagsawa Festival upang magbigay pugay sa mga tao
ng Albay.

image

mayonvolcano cagsawaruins

Whale Shark watching

image
Kilala din ang Bicol sa mga Butanding o Whale Shark na matatagpuan sa Donsol, Sorsogon. Dinarayo ito
ng mga turista na gusto maranasang lumangoy kasama ang mga Butanding. Magandang alternatibo din
ito sa Oslob, Cebu sapagkat mas madali itong puntahan.

image

Strawberry Farm sa Bicol

image

Isang hindi inaasahan na matatagpuan sa Bicol ay ang Strawberry Farm sa Camarines Sur. Alam naman
natin na ang Strawberry ay tumutubo lamang sa mga malalamig na lugar kaya nakakapagtaka na
magkakaroon nito sa Bicol na hindi naman kilala sa malamig nitong temperatura. Ang tao sa likod nito ay
si Leo Libreja na isang pioneering farmer. Sabi niya, ilan beses siyang nag-eksperiment para
makapagtagumpay dito. Pinagsama niya ang isang barayti ng strawberry na galing sa Hawaii at
strawberry na galing sa Baguio.

image

Nag-eksperimento din siya kung paano niya mababago ang hugis ng mga ito. Nagawa niyang gawing
hugis puso ang mga strawberry na naging patok noong Valentine’s Day.

image

strawberryfarmsabicol

Mga White Beach sa Bicol!

image
Isa ring kilalang puntahan ng mga turista ang Caramoan sa Camarines Sur. Dinarayo ito ng mga tao dahil
sa buhangin nitong pino at puti. Maihahambing ito sa Boracay at Palawan dahil sa buhangin nito na
katulad sa Boracay at maraming isla at malinaw na tubig na katulad sa Palawan.

image

Mayroon itong 12 na isla na maaaring puntahan ng mga tao. Ang ‘tv series’ na Survivor ay ilang ulit na
ding nag-’shooting’ dito na pinangalanang Survivor: Caramoan.

image

image

Isang kilalang isla sa Caramoan ang Matukad Island dahil sa misteryong bumabalot sa isang lawa na nasa
loob ng isang ‘rock formaton’ doon. Pinaniniwalaan ng mga mamamayan na ang bangus na naninirahan
doon ay mahiwaga. Dati daw itong dalawa ngunit may isang mangingisda na humuli dito at kinain.
Matapos kainin ng mangingisda ay namatay ito. Kaya ngayon ay hindi nila ginagalaw ang natitirang
bangus na sikat sa mga turista.

image

Kapantay naman ng kagandahan ng Caramoan and Calaguas Island sa Camarines Norte. Pareho itong
may puting pinong buhangin ngunit dito ay maaari kang magtayo ng sarili mong tent at matulog sa
ibabaw ng mga pinong buhangin. May mga malilit namang resort hindi mo ito gusto.

image

image

caramoan

Paniniwala at Tradisyon ng mga Bikolano

Kilala sila sa pagiging relihiyoso nila dala na rin ito ng impluwensiya ng mga Kastila. Hanggang ngayon ay
malakas parin ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos at ang kahiligan nila sa mga pagkaing
maaanghang at may gata. Mahilig sila sa pagsasayaw at pagdalo sa mga kasayahan. Simple lamang ang
pananamit ng mga kalalakihang Bikolano ngunit ang mga kababahian ay mahilig magpaganda at
gumagamit sila ng mga palamuti sa katawan.

image
Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre sa lalawigan
ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa. Tinagurian din itong
isa sa mga nangungunang festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at tradisyon sa siyam na araw na
pagdiriwang.

image

Kilala din ang Peñafrancia Minor Basilica dahil makikita dito ang imahe ng Birheng Maria na kilala bilang
‘Ina’ ng mga Bikolano na siyang pinaparada nila kapag Peñafrancia Festival. Makikita din dito ang
‘stained glass’ na gawa ni Pancho Piano na pinapakita ang ‘Ina’.

image

image

image

Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba’t ibang isports, trade fairs at pagtatanghal, karera ng
mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba pang mga nakakasiglang
kumpetisyon.

image

image

itsmorefuninbicol bicolandia

You might also like