Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Banghay Aralin sa Filipino 9

Kasanayan: F9PN – IIIa – 50


Naipadarama ang pag – unawa sa damdamin ng mga tauhan sa napakinggang
diyalogo/usapan.

I. Mga Layunin:
A. Nailalarawan ang saloobin o damdamin ng mga pangunahing tauhan sa akda.
B. Naibabahagi ang sariling kaisipan hinggil sa akdang nabasa.
C. Naisasadula ang piling bahagi sa akdang kapupulutan ng aral.

II. Paksang – Aralin:


A. Panitikan: Ang Talingghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.
Parabula – Kanlurang Asya
B. Sanggunian: Grade 9 Filipino Modyul
Pahina 205 – 209
C. Gramatika/Retorika: Pagpapakahulugang Metaporikal
D. Uri Ng Teksto : Nagsasalaysay
E. Materyales: Manila Paper, Pentel Pen

III. Pamamaraan:
A. Pagbabalik-aral:
Gamitin ang larong (Pulang-Puting Ilaw) para sa pagbabalik – aral.
Maglalaro ang mga mag-aaral, at ang magkakamali ang siyang tatanungin nang
mga sumusunod na katanungan.
1. Ano-ano ang mga tinalakay sa nakaraang aralin? At ano-ano naman ang
iyong mga natututunan.

B. Pagganyak:
Pagpapangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa.
Magbibigay ang guro ng mga pinaghalong letra at ipapabuo ito sa mga mag-
aaral.
Paunahan ang pagbuo at pagdikit.

1. Mula sa mga nabuong letra, may ideya na ba kayo kung ano ang
tatalakayin natin ngayon?
C. Paglalahad: (Linangin)
Ipapabasa ng guro ang akda sa bawat pangkat. Aatasan ang bawat pangkat
na basahin ang talatang iaatas sa kanila.

D. Pagsusuri:
1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng binasang talinghaga?
2. Sa anong sitwasyon makikita ang talinghagang ito?
3. Ibigay ang aral o mahahalagang kaisipang nakapaloob sa akda.
4. Paano naiiba ang mga talinghagang ito sa iba pang pahayag mula sa iba pang
akdang pampanitikan?
5. Paano mo maisasabuhay ang mga talinghagang ito?

E. Abstraksyon:
Ipaliliwanag ng guro ang parabula; ang kaibahan nito sa ibang akdang
pampanitikan, at ang pinagmulan nito.

F. Paglalapat:
Sa ibang aspeto ng iyong buhay, kung mangyayari sa iyo ang nangyari sa unang
manggagawa, ganoon din ba ang iyong gagawin?

IV. Ebalwasyon:
Pagpapangkatin muli ang klase sa dalawa. Bibigyang buhay ng mga mag-
aaral ang akda sa pamamagitan ng pagsasadula.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Mga Pamantayan
Pagkamalikhain – 25%
Kahusayan sa pagganap - 20%
Linaw ng pagsasalita – 25%
Orihinalidad – 30%__
Kabuuhan: 100%

V. Kasunduan
Pag-aralan ang ibat-ibang kahulugan ng mga salita para sa mga gawain kinabukasan.
1. Ubasan
2. Mangagawa
3. Upang salaping pilak
4. Oras

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Kasanayan: F9PU – IIIa – 53


Naisasalaysay ang sariling parabula tungkol sa bagay bagay sa paligid.

I. Mga Layunin:
A. Nasusuri ang mga piling pahayag sa akda.
B. Nakabubuo ng isang sariling salaysay tungkol sa kung ano ang nais ihatid na mensahe ng
parabula.

II. Paksang – Aralin:


A. Panitikan: Ang Talingghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.
Parabula – Kanlurang Asya
B. Sanggunian: Grade 9 Filipino Modyul
Pahina 209 – 212
C. Gramatika/Retorika: Pagpapakahulugang Metaporikal
D. Uri Ng Teksto : Nagsasalaysay
E. Materyales: Kopya ng akda, Manila Paper, Pentel Pen.
III. Pamamaraan:
A. Pagbabalik-aral:
Magbibigay ang guro ng mga katanungan para sa pagbabalik aral.
1. Ano-ano ang mga tinalakay sa nakaraang aralin? At ano-ano naman ang iyong
mga natututunan.

B. Pagganyak: (Pangkatang Gawain)


Magbibigay ang guro ng mga istrips ng kartolina sa mga mag-aaral.
Ididikit ito ng bawat pangkat ng mag-aaral sa pisara. Ang mga istrips ay may
nakasulat na mga kahulugan.
Iaangkop nila ito kung ito ba’y kahulugan ng ubasan, upang salaping pilak, at oras.
Paunahan parin ang pagdikit.
Pagkatapos ay tatanungin naman ang mga mag-aaral tungkol sa napagkasunduan
sa nakaraang araw kaugnay sa ginawang pagganyak.

C. Paglalahad: (Linangin- Pagpapatuloy)


Tatalakaying ng guro ang mga salitang hango sa parabula. Sa kung saan ito
patungkol at kung saan ito nais ihambing.

D. Pagsusuri:
1. Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay niya tungkol sa dalawang
may-aring ubasan?
2. Bakit ubasan ang tagpuan sa parabula?
3. Suriin ang pahayag ng isang pangkat ng mga mangagawa sa parabula.
Sa iyong pagsusuri, anong mabuting asal ang nawawala sa pangkat na iyon?
4. May kilala o alam ka bang tao na katulad ngf may-ari ng ubasan?
Sa anong bagay o gawi sila magkatulad?
5. Ano ang ibig ipakahulugan ni Hesus sa kanyang mga sinabi na
“Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli ”?
6. Anong uri ng teksto ang binasang akda?

E. Abstraksyon:
Ipapaliwanang ng guro kung bakit pasalaysay ang uri ng teksto ng binasang akda.

F. Paglalapat:
Gawing halimbawa ang sarili.
Paano kung darating ang araw na mangyari sa iyo ang nangyari sa may-ari ng
ubasan?
Tutularan mo ba ang kanyang ginawa?

IV. Ebalwasyon:
Bumuo ng sariling salaysay tungkol sa nais ipabatid na mensahe ng parabula.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Ang pagsulat ng salaysay at tatayain sa pamamagitan ng mga sumusunod na


pamantayan.

Mga Pamantayan

Kahusayan at Kalinisan ng Talata - 25%

Gramatika at Retorika - 30%

Wastong paggamit ng bantas - 15%

Paglalahad ng Damdamin - 30%

Kabuuhan: - 100%

V. Kasunduan
Pumili ng isa pang bansa sa kanlurang Asya at magsaliksik ng kauna-unahang parabulang
nailimbag sa kanilang bansa.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Kasanayan: F9PB – IIIa – 50

Napapatunayan na ang mga nangyayari sa parabula ay maaaring maganap sa kasalukuyan


at sa tunay na buhay.

I. Mga Layunin:

A. Nailalarawan ang katangian ng bangang yari sa lupa at bangang yari sa porselana.

B. Naisasadula ang piling bahagi sa akdang kapupulutan ng aral.

C. Naibabahagi ang sariling mga karanasan batay sa akdang nabasa.

II. Paksang – Aralin:

A. Panitikan: Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.


Parabula – Kanlurang Asya
B. Sanggunian: Grade 9 Filipino Modyul
Pahina 213 – 214
C. Gramatika/Retorika: Pagpapakahulugang Metaporikal
D. Uri Ng Teksto : Nagsasalaysay
E. Materyales: Yeso, Kopya ng akda, Manila Paper, Pentel Pen.

III. Pamamaraan:

A. Pagbabalik-aral:

Pumili ng mag-aaral na magbabalik-aral. Gamitinb ang sumusunod na


katanungan para sa pagbabalik-aral.

1. Ano-ano ang mga natalakay natin sa nakaraang aralin?

2. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng akda?

B. Pagganyak: (Pangkatang Gawain)

Gamit ang Concept Map. Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga salitang may
kaugnayan o kaugnay sa salitang “Banga” at isusulat sa pisara. Ipalalarawan rin ang
katangian nito.

C. Paglalahad: (Linangin – Pagpapatuloy)

Ipapabasa ng guro ang akdang “Parabula ng Banga” sa mga mag-aaral.

D. Pagsusuri:

1. Ihambing ang katangian ng bangang yari sa lupa at yari sa porselana.

2. Sino ang kinakatawan ng bangang yari sa lupa? Ng bangang yari sa porselana?

3. Nagtagumpay ba ang pangunahing tauhan sa kanyang layunin?

4. Anong aral/mensahe tungkol sa realidad ng buhay ang nais ipabatid ng

parabula?

5. Anong uri ng teksto ang binasang akda?

E. Paglalapat:

May pagkakataon bang sinuway mo rin ang iyong mga magulang at ikaw ay natulad
sa bangang yari sa lupa?

Ano-ano ang iyong mga natutunan pagkatapos?

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

IV. Ebalwasyon:

Isasadula ang mga bahagi sa akdang kapupulutan ng aral.

Ang pagtatanghal ay tatayain sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamantayan.

Mga Pamantayan

Pagkamalikhain - 20%

Kahusayan sa Pagganap- 30%

Linaw ng pagsasalita - 25%

Orihinalidad - 25%

Kabuuhan: 100%

V. Kasunduan

Maliban sa mga halimbawa na nasa modyul.

Pag-aralan at magbigay ng iba pang mga halimbawa ng mga salitang may metaporikal na
kahulugan. Magbigay ng kahit lima lamang.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Kasanayan: F9PS – IIIa - 53

Naisusulat ang sariling parabula tungkol sa karaniwang bagay sa paligid.

I. Mga Layunin:

A. Naibabahagi ang mga natutunan kung paano nakakatulong ang pagpapakahulugang


metaporikal sa paglalahad ng pangungusap.

B. Nakasusulat ng sariling parabula tungkol sa karaniwang bagay sa paligid.

II. Paksang – Aralin:

A. Panitikan: Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.


Parabula – Kanlurang Asya
B. Sanggunian: Grade 9 Filipino Modyul
Pahina 215 – 217
C. Gramatika/Retorika: Pagpapakahulugang Metaporikal
D. Uri Ng Teksto : Nagsasalaysay
E. Materyales: Manila Paper, Pentel Pen.

III. Pamamaraan:

A. Pagbabalik-aral:

Gamitin bilang gabay ang mga katanungan.

1. Ano ang ating mga tinalakay sa nakaraang aralin?

2. Ano-ano ang iyong mga natututunan?

B. Pagganyak: (Pangkatang-gawain)

Bibigyan ng kahulugan ang mga salitang iaaatas sa mga mag-aaral. Ang mga
salita ay ihahango mula sa mga akdang nabasa.

Ipasusulat sa Manila Paper ang mga kahulugan.

C. Paglalahad: (Linangin)

1. Tatalakayin ng guro ang iba pang paraan ng pagbibigay ng kahulugan.


(Pagpapakahulugang Metaporikal)

D. Pagsusuri:

1. Suriin ang iba pang mga salitang ginamit sa akda.

2. Ano-ano ang mga kahulugan nito?

E. Abstraksyon:

Ipapaliwanag ng guro ang kaibahan ng pagpapakahulugang metaporikal sa


iba pang paraan ng pagpapakahulugan. (Paggamit ng Idyoma)

F. Paglalapat:

Magbigay ng mga halimbawa at gamitin ito sa pagbuo ng pangungusap.

IV. Ebalwasyon:

1. Paano nakatutulong ang pagpapakahulugang metaporikal o semantika sa paglalahad ng


mga pangungusap?

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

2. Sumulat ng isang paglalahad tungkol sa isang karaniwang bagay na maaring pagkunan ng


magandang aral o magandang kaisipan. Ang pagsulat ay tatayain sa pamamagitan ng mga
pamantayan.

Mga Pamantayan

Kahusayan at Kalinisan ng Talata - 25%

Gramatika at Retorika - 30%

Wastong paggamit ng bantas - 15%

Paglalahad ng Damdsamin - 30%

Kabuuhan: - 100%

V. Kasunduan:

Sumulat ng isang maikling paglalarawan tungkol sa mahal mo sa buhay na labis mong


pinahahalagahan. Sino ang taong ito? Ano-ano ang mga nagawa niya para pahalagahan mo
siya?

Mga Pamantayan

Kahusayan at Kalinisan ng Talata - 25%

Gramatika at Retorika - 30%

Wastong paggamit ng bantas - 15%

Paglalahad ng Damdamin - 30%

Kabuuhan: - 100%

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Kasanayan: F9PN – IIIb – c51

Naipapahayag ang sariling damdamin kung ang sarili ay nakita sa katauhan o katayuan ng
may-akda o persona sa narinig na elehiya.

I. Mga Layunin:

A. Naibabahagi ang sariling mga saloobin o damdamin kung ilalagay ang sarili sa katayuan
ng may-akda.

B. Nakasusulat ng isang maikling talata tungkol sa sariling karanasan, batay sa akdang


nabasa.

II. Paksang – Aralin:

A. Panitikan: Elehiya sa Kamatayan ni Kuya

- Bhutan

B. Sanggunian: Grade 9 Filipino Modyul

Pahina 218 - 222

C. Gramatika/Retorika: Pagpapasidhi ng Damdamin

Paggamit ng salitang Sinonimo

D. Uri Ng Teksto : Naglalarawan

E. Materyales: Jumbled Letters, Manila Paper, Pentel Pen

III. Pamamaraan:

A. Pagbabalik-aral:

Tatanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang natalakay sa nakaraang aralin
at ano-ano ang kanilang mga natutunan.

B. Pagganyak: (Pangkatang Gawain)

Gaganyakin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapabuo ng mga

(Jumbled letters) na ibibigay sa kanila. Matapos mabuo at maidikit.

Tatanungin naman ang mga mag-aaral kung naranasan naba nila ang mawalan o iwan ng
mahal sa buhay.

1. Gaano ito kasakit para sa inyo?

2. Ano-ano ang mga ginawa niyo upang maibsan ang pagdadalamhati?

C. Paglalahad: (Linangin)

Pagpapangkatin ng guro ang mag-aaral sa dalawa. Ipapabasa at ipauunawa sa kanila


ang akdang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”.

D. Paglinang ng Talasalitaan: (Pangkatang Gawain)

1. Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay.

2. Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga.

3. Walang katapusang pagdarasal.

4. Mga mata’y nawalan ng luha.

5. Malungkot na lumisan ang araw.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

E. Pagsusuri:

1. Ano ang tema ng binasang akda?

2. Paano ipinadama ng may-akda ang labis niyang pagdadalamhati sa tula?

3.Ibigay ang nais ipahiwatig ng bawat saknong ng binasang akda.

4. Anong mga simbolo o sagisag ang ginamit sa akda?

5 Anong uri ng teksto ang binasang akda?.

F. Abstraksyon:

Ipapaliwanang ng guro ang katangian at kaibahan ng Elehiya sa ibang uri ng tulang


liriko.

G. Paglalapat:

Ilagay mo ang iyong sarili sa katayuan ng may-akda.

Paano mo maipadarama ang iyong pagmamahal?

Ganoon rin ba ng iyong gagawin?

IV. Ebalwasyon:

Sa sagutang papel, sumulat ng isang maikling talatang hango sa sariling karanasan.

Ano ang ginawa mo sa mga sandaling nalaman mong lumisan ang isa sa mga mahal mo sa
buhay, o kung malaman mong lumisan na ang pinakamamahal mong tao? Ipaliwanag.

Ang pagsulat ay tatayain sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan.

Mga Pamantayan

Kahusayan at Kalinisan ng Talata - 25%

Gramatika at Retorika - 30%

Wastong paggamit ng bantas - 15%

Paglalahad ng Damdsamin - 30%

Kabuuhan: - 100%

V. Kasunduan

Para sa takdang aralin, sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang Dalit?

2. Ibigay ang kahulugan, at ang pagkakaiba nito sa Elehiya.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Kasanayan: F9PU – IIIa – 53

Nakasusulat ng sariling elehiya para sa isang mahal sa buhay.

I. Mga Layunin:

A. Naihahambing at naihahalintulad ang pagkakaiba ng dalit sa elehiya.

B. Nakabubuo ng sariling elehiya para sa isang mahal sa buhay.

II. Paksang – Aralin:

A. Panitikan: Elehiya sa Kamatayan ni Kuya

- Bhutan

B. Sanggunian: Grade 9 Filipino Modyul

Pahina 218 - 222

C. Gramatika/Retorika: Pagpapasidhi ng Damdamin

Paggamit ng salitang Sinonimo

D. Uri Ng Teksto : Naglalarawan

E. Materyales: Kopya ng akda, Kartolina Istrip, Pentel Pen

III. Pamamaraan:

A. Pagbabalik-aral:

Ipalalahad ang mga natalakay na aralin. Pipili ng mag-aaral upang magbalik-aral.

1. Ano-ano ang ating mga natalakay kahapon? Ano ang elehiya?

2. Ano naman ang tema ng elehiyang napag-aralan?

B. Pagganyak: (Pangkatang-gawain)

Gaganyakin ang mga mag-aaral; sa pamamagitan ng pagbibigay ng Istrips ng

Kartolina.

Ang mga istrips ay may nakasulat na mga kahulugan ng ibat-ibang uri ng tulang
liriko.

(Oda, Soneto, Elehiya, atbp..)

Ipadidikit at ipa-angkop nila ito sa mga nakadikit na salita sa pisara.

Ito ba ay nabibilang sa Oda, Soneto, Elehiya, o Dalit. Paunahan parin ang pagdikit.

C. Paglalahad: (Linangin - pagpapatuloy)

Ipapabasa sa mga mag-aaral ang akdang “Ang Mga Dalit Kay Maria”.

D. Pagsusuri:

1. Ano ang tema ng akdang binasa?.

2.Ibigay ang mga simbolong ginamit sa akda at iugnay ito sa totoong buhay.

3. Paano ipinadama ng may-akda ang pagtatangi niya kay Birheng Maria?

4. Matatagpuan ba ang katangiang nabanggit sa elehiya?

5. Ibigay ang pagkakaiba’t pagkakatulad ng elehiya sa binasang dalit.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

E. Paglalapat:

Tatanungin ang mga mag-aaral kung ano ang aral na naibigay o nakuha nila sa
elehiyang binasa, at kung paano nila ito magagamit pagdating ng araw.

IV. Ebalwasyon:

Bumuo ng sariling elehiya.

Ang elehiyang hahabiin ay dapay may tigwawalong taludtod na may dalawang saknong o
higit pa. Isulat sa sagutang papel.

Ang pagsulat ng tula ay tatayain sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamantayan.

Mga Pamantayan

Masining na pagkakahabi - 25%

Orihinalidad - 25%

Tugma - 25%

Gramatika - 25%

Kabuuhan: 100%

V. Kasunduan:

Basahin at unawain ang tulang “Kung Tuyo Na Ang Luha Mo Aking Bayan” ni Amado V.
Hernandez. Alamin ang mga nais ipahiwatig ng bawat saknong.Ihanda ang sarili
kinabukasan para sa mga katanungan.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Kasanayan: F9PB – IIIc – 51

Nabibigyang reaksyon ang mga elemento ng akda batay sa kaisipan o ideya tungo sa
paksang diwa, katimpian, pahiwatig, simbolo at damdamin.

I. Mga Layunin:

A. Naibibigay ang damdaming naghahari sa akda.

B. Nakasusulat ng isang maikling talata, batay sa akdang natalakay.

II. Paksang – Aralin:

A. Panitikan: Elehiya sa Kamatayan ni Kuya

- Bhutan

B. Sanggunian: Grade 9 Filipino Modyul

Pahina 223-224

C. Gramatika/Retorika: Pagpapasidhi ng Damdamin

Paggamit ng salitang Sinonimo

D. Uri Ng Teksto : Naglalarawan

E. Materyales: Laptop, Speaker, Pentel Pen

III. Pamamaraan:

A. Pagbabalik-aral:

1. Ano-ano ang mga natalakay sa nakaraang aralin?

2. Ano-ano ang iyong mga natutunan?

B. Pagganyak:

Magpapakita ang guro ng isang video clips sa mga mga-aaral; tungkol sa kalayaan at
pananakop na naranasan ng mg Pilipino noon; pagkatapos ay tatanungin ang mga
mag-aaral ng mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang damdaming namayani sa napanood na video clips?

2. Saan patungkol ang napanood na video?

C. Paglalahad: (Linangin – pagpapatuloy)

Pagpapangkating ng guro ang mga mag-aaral sa tatlo. Ipapabasa at ipapaunawa ng


guro ang akdang “Kung Tuyo Na Luha Mo Aking Bayan” ni Amado V. Hernandez.

D. Pagsusuri:

1. Sino ang tinutukoy sa akda na lumuluha?

2. Ano ang mga damdaming naghahari sa tula?

3. Bakit gayun na lamang ang pagdadalamhati ng may-akda para sa bayan?

4. Ibigay ang mga mahahalagang aral na nais iparating ng tula.

E. Paglalapat:

Bilang isang mag-aaral, may maitutulong ka ba para mabigyang buhay ang aral na
nais iparating ng tula? Paano? Sa anong paraan?

IV. Ebalwasyon:

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Sumulat ng isang maikling talata. Bilang kabataan, paano mo mapapawi ang


hinagpis at dusa na naghahari sa ating lipunan? Mapaninindigan mo ba ang iyong
sagot? Paano?

Mga Pamantayan

Kahusayan at Kalinisan ng Talata - 25%

Gramatika at Retorika - 30%

Wastong paggamit ng bantas - 15%

Paglalahad ng Damdsamin - 30%

Kabuuhan: - 100%

V. Kasunduan

Magsaliksik ng mga totoong pangyayari sa kasalukuyan na maiuugnay sa mga pangyayaring


nais ipabatid ng tula.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Kasanayan: F9WG – IIIb –C - 53

Nagagamit ang mga pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin.

I. Mga Layunin:

A. Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng


damdamin.

B Nagagamit ang mga salitang nagpapasidhi ng damdamin sa pagbuo ng mga eksena..

II. Paksang – Aralin:

A. Panitikan: Elehiya sa Kamatayan ni Kuya

- Bhutan

B. Sanggunian: Grade 9 Filipino Modyul

Pahina 224-226

C. Gramatika/Retorika: Pagpapasidhi ng Damdamin

Paggamit ng salitang Sinonimo

D. Uri Ng Teksto : Naglalarawan

E. Materyales: Laptop, Speaker, Pentel Pen

III. Pamamaraan:

A. Pagbabalik-ara

Balikan ang mga napag-aralang aralin. Magbabalik-aral rin sa mga napag-aralang


tula, at ipalahad kung ano-ano ang mga damdaming namayani dito..

B. Pagganyak:

Gaganyakin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang bahagi sa


isang sikat na palabas na “The Legal Wife”. Ipalalarawan sa kanila kung ano ang
damdaming nadaranas ng pangunahing tauhan sa palabas.

C. Paglalahad: (Pagpapatuloy - Gramatika)

Tatalakayin ng guro ang mgsa salitang nagpapasidhi ng damdamin o ang paggamit


ng salitang sinonimo sa pagpapahayag ng saloobin.

D. Pagsusuri:

Suriing muli ang eksenang ipinakita. Ipakitang muli ito sa mga mag-aaral, at
ipasusuri kung ano ang iba pang mga salitang kasingkahulugan ng damdaming
namayani sa eksena.

Halimbawa: Ang pangunahing tauhan sa eksena ay nakadama ng galit.

Ano ang mga salitang kasing-kahulugan ng salitang galit?

E. Abstraksyon:

Ipapaliwanag ng guro ang paraan ng paggamit ng mga angkop na pang-uri na


nagpapasidhi ng damdamin.

F. Paglalapat:

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Pag-aantasin ang mga sumusunod na salitang ibibigay ng guro. Aatasan ang mga
mag-aaral na bumuo ng mga pangungusap sa bawat isa, at ang pangungusap ay
ibabatay sa mga kasalukuyang nagaganap sa bansa.

IV. Ebalwasyon: (Pangkatang Gawain)

Muling bigyang buhay ang ekseang napanood sa pamamagitan ng paggawa ng


sariling eksena. Ang mga eksenang gagawin ay ibabatay sa sa mga salitang pinag-
aantas at ginawan nila ng pangungusap.

Mga Pamantayan

Pagkamalikhain - 20%

Kahusayan sa Pagganap - 30%

Orihinalidad - 25%

Linaw ng Pagssasalita - 25%

Kabuuhan: 100%

V. Kasunduan

Magtala ng mga kasalukuyang issue o pangyayaring nagaganap sa bansa.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Kasanayan: Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobela ng Saudi

Arabia na bahagi ng Timog - Kanlurang Asya, at nagagamit ang mga pahayag na

nagbibigay ng katuwiran sa ginawi ng tauhan sa akda.

I. Layunin:

Nasusuri ang mga pahayag na nangangatwiran sa ginawi ng mga tauhan sa akda.

II. Paksang-aralin:

A. Panitikan:

Mga Patak ng Luha

Halaw sa Taare Zameen Par (“Every Child is Special”)

Halaw at isinulat sa Filipino ni Julieta U. Rivera

B. Gramatika/Retorika: Mga pahayag na nagbibigay ng Katuwiran sa ginawi ng

Tauhan.

C. Uri ng teksto: Nagsasalaysay

III. Pamamaraan:

A. Pagbabalik-aral:

*Sa kuwentong Isang Libo’t Isang Gabi, paano pinatunayan ng babae na


siya ay malakas at kayang magtanggol ng kanyang sarili sa kamay ng
mga mapagsamantala? Patunayan.

B. Pagganyak: (Multiple Intelligence)

*Bawat pangkat ay magpapakita ng kaniya-kaniyang talent.

*Ang ibat-ibang talento na inyong ipinakita ay mga patunay na bawat isa sa atin ay espsyal.
Ito oay may kaugnayan sa ating tatalakayin ngayon.

C. Paglinang ng Talasalitaan:

1. Likmuan 4. Kinapa

2. Napukaw 5. Umagos

3. Bagwis

D. Paglalahad (Linangin - Pagpapatuloy)

* Iparinig sa mga mag-aaral ang isang akdang pinamagatang “Mga Patak


Ng Luha.”

*Pangkatang Gawain

-Magpapakita sa bawat pangkat ng ilang eksena sa akda at pabigyan ng


katuwiran o panindigan ang bawat kilos na makikita.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

E. Pagsusuri: (Pangkatang Gawain)

*Papangkatin sa lima ang buong klase at bibigyan ng tig-dadalawang


katanungan.

*Ilahad ang katwiran at panindigan batay sa kontekstong nakapaloob sa


akdang binasa.

1. Tama ba ang ginawa ng mga magulang ni Ishaan maging ng kaniyang


mga guro na hindi siya unawain sa kaniyang mga kahinaan bilang mag-aaral?

2. Makatuwiran ba ang pagpaparusang ginawa ng kanyang mga guro?

3. Tama ba ang desisyon ng kaniyang pamilya na siya ay ilipat ng

paaralan?

4. Sapat na bang sabihin ng kaniyang mga magulang na hindi nila


sinasadya ang mga pangyayari?

5.Dapat bang mangyari ang mga nagyari kung naging maunawain lang
ang bawat isa?

6. Mat naitulong ba kay Ishaan ang desisyon ng mga magulang na ilayo


siya?

7. Sa iyong palagay, makatarungan ba ang ginawa ng guro na si Ram


Shankar?

Nikumbh Sir para mapanumbalik ang hilig ni Ishaan sa pagguhit?

8. Kung ikaw ay isang guro, gagawin mo rin ba ang ginawa ng guro sa


sining?

9. Naniniwala ka ba na ang bawat isa ay may kani-kaniyang pagkabukod-


tangi? Patunayan mo.

10. Sa iyong palagay, tama ba ang damdaming namayani sa gurong


nagsasalaysay sa katapusan ng akda?

F. Abstraksyon:

Pagpapaliwanag tungkol sa kahulugan ng Pangangatwiran, Kasanayan sa


Nalinang na Pangangatwiran, at Uri ng Pangangatwiran.

G. Paglalapat:

Bilang isang mag-aaral, paano mo masasabi na ikaw ay espesyal na


nilalang sa mundo? Pangatwiran.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

IV. Ebalwasyon:

Basahin at suriin ang bawat pahayag at lagyan ng tsek kung ito’y


nangangatwiran at X kung hindi nangangatwiran ang ginawi sa akda.

______1. “Nakipag sabayan sa malakas na patak ng ulan ang aking luha habang
pinapanood ko si Ishaan.”

______2.“Wala po akong kasalanan, wala po akong ginagawa.”

______3. “Isang batang may sakit na dyslexia si Ishaan, kaya hindi ito

naiintindihan ng kanyang mga magulang at ng kanyang mga guro.”

______4. “Salamat sa pagdating ng bagong guro, Si Ram Shankar Nikumbh Sir.

Sapagkat siya lang ang nakaunawa, nagmahal at nagpahalaga kay

Ishaan.”

______5. “Isang bagay lang ang nasisiguro ko, number one si Ishaan sa puso ko,
una sa lahat ng mga estudyante ko.”

V. Kasunduan:

Gumawa ng isang synopsis, ng ibang nobelang iyong nabasa o pelikulang iyong


napanood. Maiklli subalit kumpleto ang mga mahahalagang detalyte. Gawing modelo ang mga patak
ng luha.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Kasanayan: Nasusuri ang binasang sanaysay sa mga elemento ng paksa, tono, at kaisipan.

I. Layunin:

A. Naibabahagi ang sariling opinyon hinggil sa mga mahahalagang isyu sa kasalukuyan.


B. Nasusuri ang iba’tibang element ng binasang sanaysay.
C. Nakakasulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa mga napapanahong isyu sa loob ng
paaralan.

II. Paksang-aralin:

A. Panitikan: Usok at Salamin: Ang tagapaglingkod at ang pinaglilingkuran


Sanaysay – Israel
Isinulatni Gordon Fillman
B. Gramatika/Retorika: Pamaksa at Pantulong na pangungusap
C. Sanggunian: Grade 9 Filipino Module
Pahina 228-232
D. Uri ngTeksto: Nangangatwiran
E. Materyales: Laptop, Manila Paper

III. Pamamaraan:

A. Pagbabalik-aral
1. Ano ano ang mga natalakay natin sa nakaraang aralin?
2. Anong uri ng akdang pampanitikan at saang bansa nagmula ang akda?
B. Pagganyak:
1. Magdidikit ang guro ng isa sa mga mahahalagang isyu sa kasalukuyan, sa pisara.
2. Pagkatapos ay magbibigay ang mga mag-aaral ng sarili nilang opinion o kurokuro o
hinggil sa paksa.
3. Sunod ay ipapakita naman ng guro ang isang dokumentaryong palabas sa mga mag-
aral at pagkatapos ay sasagutan ang mga sumusunod na katanungan.
A. Ano ang paksa at saan pa tungkol ang palabas na pinanood?
B. Ano ang layunin ng dokumentaryo ng palabas na pinanood mo?
C. Ilahad ang mga mensaheng nais iparating ng dokumentaryong palabas.
D. Isa-isahin ang mga argumentong tinalakay sa dokumentaryong palabas. Alin ang
iyong sinang-ayunan at di sinang-ayunan? Bakit?
E. Ano ba ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dokumentaryong palabas sa iba pang
genre. Halimbawa: Sanaysay

F.Paglalahad (Tuklasin)

1. Ilahad ng guro ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawa.

Pagkakaiba Parehong may


iba’tibang element. Pagkakaiba

(Paksa, Tono,
SANAYSAY Kaisipan)
Dokumentaryong Palabas

-AnyongPasulat Parehong anyong


panitikan. -(Pang-telebisyon)

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

2. Pagkatapos, ipapaba sa nang guro sa mga mag-aaral ang akdang “Hinding hindi
ako magiging Adik” ni Manny Ledesma.

C. Paglalahad (Tuklasin)
3. Ilahad ng guro ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawa.
A. Pagsusuri: Pagsusuri: (Strands Organizer)
1. Tungkol saan ang awit?
2. Ano ang layunin ng sanaysay?
3. Ano ang tono nito?
4. Ilahad ang mga mensahengnaisiparatingngsanaysay.

Sagutin ang mga katanungan sa pamamagitan ng Strands Organizer.

SANAYSAY

Paksa Kaisipan

Tono Layunin

Uri ngSanaysay Elemento


-Pormal -Tono
-Di Pormal -Paksa

-Kaisipan

F. Paglalapat:

1. Kunwari ikaw ay isang manunulat, bilang isang mag-aaral, mahalaga ba ang mga elemento ng
sanaysay sa pagsusulat? Bakit?

IV. Ebalwasyon:

1. Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa mga napapanahong isyu sa loob ng paaralan.
(STNHS)
Ang pagsulat ng sanaysay ay tatayain sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamantayan.

Pamantayan
Kaisahan - 25%
Kohesyon - 20%
Kalinawan - 30%
KawastuhanngBantas – 25%
Kabuuhan 100%

V. Kasunduan:

Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay na “Usok at Salamin: Ang tagapaglingkod at ang
pinaglilingkuran” ni Gordon Fillman Ihanda ang sarili sa mga gagawin kinabukasan.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Kasanayan: Nasusuri ang binasang sanaysay batay sa mga element ng paksa, tono at
kaisipan.

I. Mga Layunin:

A. Nasusuri ang iba’tibang element ng binasa ng sanaysay.

B. Nailalahad ang mga elemento ng sanaysay sa pamamagitan ng graphic organizer.

II. Paksang – Aralin:

A. Panitikan: Usok at Salamin: Ang tagapaglingkod at ang pinaglilingkuran


Sanaysay – Israel
Isinulat ni Gordon Fillman
B. Gramatika/Retorika: Pamaksa at Pantulong na pangungusap
C. Sanggunian: Grade 9 Filipino Module
D. Uri ngTeksto: Nangangatwiran
E. Materyales: Laptop, Manila Paper

III. Pamamaraan:

A. Pagbabalik-aral:
Magbibigay ng ilang detalye tungkol sa mga napag-aralan. Ano ang iba’tibang
elemento at uri ng sanaysay?
B. Pagganyak: (Concept Mapping)
Tungkol sa tatalakaying akda. Isusulat ng guro ang salitang “Eleksyon” sa pisara at
hahayaang isusulat ang mga mag-aaral ang kanilang mga ideya tungkol sa salitang
eleksyon.

Eleksyon

C. Paglalahad: (Linangin)
Ipapabasang guro ang sanaysay na “Usok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at ang
pinaglilingkuran” sa mga mag-aaral.
D. Pagsusuri:
1. Tungkol saan ang akda?
2. Anong mga damdamin ng akda ang tinalakay sa sanaysay?
3. Anong kaisipan ang inilahad ng akdang binaa?
4. Anong kulturang Israeli ang tinalakay sa sanaysay?
5. Anong uri ng sanaysay ang iyong binasa?
E. Abstraksyon:
Ipapaliwanag ng guro kung anong uri ng sanaysay ang binasa at kung ano ang mga
elementong ginamit sa sanaysay.

F. Paglalapat:
1. Habang binasa mo ang akda, bilang isang Pilipino, ano-anong mga kultura bang
sa tingin mo’y magkatulad sa ating bansa? Tukuyin at paghambingin.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

II. Ebalwasyon:
Ilahad ang mga elemento ng sanaysay sa pamamagitan ng graphic-organizer. Patunayan.

Usok at salamin

Tono
Kaisipan Paksa

Patunay Patunay Patunay

III. Kasunduan: Pumili ng isang talata mula sa sasanaysay at ibigay ang sa tingin mo’y
ginamit bilang pamaksang pangungusap.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Kasanayan: Nagagamit ang mga pamaksa at pantulong na pangungusap sa pagbuo ng mga tekstong
nangangatwiran.

I . Mga Layunin:

A. Natutukoy ang mga pantgulong at pamaksang pangungusap na ginamit sa akda.


B. Nakabubuo ng isang tekstong nangangatwiran gamit ang mga pamaksa at pantulong na
pangungusap.

II . Paksang – Aralin:

A. Panitikan: “Tilamsik ng Sining: Kapayapaan” ni Magdalena Jocson


B. Gramatika/Retorika: Pamaksa at Pantulong na pangungusap
C. Sanggunian: Grade 9 Filipino Module
pp. 238 - 246
D. Uri ng teksto: Nangangatwiran
E. Materyales: Kopya ng akda, manila paper

III . Pamamaraan:

A. Pagbabalik-aral:

Ilahad ang mga napag-aralan. Magtatanong ang guro ng; kung ano ang natalakay nila sa
mula sa nakaraang aralin?

B. Pagganyak: (Paint me a Picture)


Ang guro ay pipili ng mga pahayag mula sa akdang tatalakayin, at pabibigyang buhay ito
sa mga m,ag-aaral sa pamamagitan ng “Tableau”; o pagpapagawa ng imahe mula sa
pahayag.
C. Paglalahad ( Linangin – Pagpapatuloy)
Ipapabasa ng guro ang akdang “Tilamsik ng Sining....Kapayapaan” sa mga mag-aaral.
Pagkatapos, ay ilalahad ng guro ang isa sa mga paraan sa pagsulat ng sanaysay,
ang paggamit ng pamaksa at pantulong na pangungusap.

Tatalakayin ng guro ang Pamaksang Pangungusap at Pantuylong na Pangungusap at


magbibigay ng halimbawa.
D. Pagsusuri:
Pipili ng dalawa o tatlong talata mula sa akdang nabasa, at susuriin ng mga mag-aaral
ang Pamaksa at Pantulong na Pangungusap na ginamit rito.

E. Abstraksyon:
Ipapaliwanag ng guro ang kahalagahan ng pamaksa at pantulong na pangungusap sa
pagsulat ng sanaysay.
F. Paglalapat:
Ipagpalagay mong ikaw ay isang manunulat, gaano ba kahalaga ang pamaksa at
pantulong na pangungusap upang mailahad mo ng may kahusayan ang iyong mga
ideya? Patunayan.

IV. Ebalwasyon:
1. Bumuo ng isang maikling tekstong nangangatwiran, at salungguhitan ang ginamit na
pamaksa at pantulong na pangungusap. Gawing gabay ang mga katanungan sa
pamamagitan ng pagsagot nito.
A. Mahalaga ba ang malusog na isipan at katawan para maging produktibo tayong
mamamayan? Bakit? Patunayan.

V. Kasunduan: Magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa bansang Saudi Arabia. Isulat


sa sagutang papel.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

Kasanayan: Nakakasulat ng isang sinoipsis ng nobela.

I . Mga Layunin:

A. Nabibigyang katuwiran ang ginawi ng mga tauhan sa akda.


B. Nasusuri ang kahinaan at kalakasan ng akda.

II . Paksang – Aralin:

A. Panitikan: “Isang Libo’t Isang Gabi” nobela mula sa Saudi Arabia


Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
B. Gramatika/Retorika: Pahayag na nagbibigay katuwiran sa ginawi ng tauhan
C. Sanggunian: Grade 9 Filipino Module
pp. 247 - 259
D. Uri ng teksto: Nagsasalaysay
E. Materyales: Kopya ng akda, manila paper, Mga Imahe

III . Pamamaraan:

A. Pagbabalik-aral:

Tatanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano ang kanilang mga natalakay at kung ano-
ano ang kanilang mga natutunan. sa nakaraang aralin

B. Pagganyak: (1 Picture, 1 Word)


1. Magdidikit ang guro ng mga larawang mapagkilanlan sa bansang Saudi Arabia.
2. Ipapa-ayos sa mga mag-aaral ang mga titik upang makabuo ng isang salita.
C. Paglinang ng Talasalitaan:
Hanapin sa hanay A ang kahulugan sa hanay A.
1. Paratang A. Palalayain
2. Pakakawalan B. Nakapiit
3. Nakakulong C. Isinuhestiyon
4. Iminungkahi D. Layon
5. Pakay E. Bintang
6. Bonnet F. Banal na Aklat
7. Qu’ran G. Guwantis
8. Turban H. Gora
I. Yari sa telang ipinupulot o ibinibilot sa paligid
ng ulo.
D. Paglalahad ( Linangin )
Ipapabasa ng guro ang nobelang nagmula sa Saudi Arabia, ang “Isang Libo’t Isang Gabi”
at tatalakayin rin ng guro ang nobela at ang paraan ng pagpapaikli nito (Paggamit ng
Sinopsis).
E. Pagsusuri:
1. Tama ba ang ginawa ng pangunahing tauhan sa akda?
2. Anong mga positibong katangian ang ipinakita ng babae sa nobela?
3. Sa Saudi Arabia, kinilala ang mga babae bilang mahina at sunod sunuran sa mga
lalaki, paano pinatunayan ng babae na siya ay malakas? At kayang ipagtanggol ang
sarili sa kamay ng mga mapagsamantala?
4. Aling bahagi ng akda ang makatotohanan/Di makatotohanan? Bakit?
5. Aling bahagi ng akda ang nagustuhan mo?
6. Aling bahagi ng akda ang hindi mo nagustuhan? Bakit?
7. Naging makabuluhan ba ang nobela sa iyo? Paano?
8. Kung ikaw ang magbibigay ng kakaibang wakas. Ano ito?

F. Abstraksyon:
Ipapaliwanag ng guro ang paraan at kahalagahan ng pagpapaikli (SINOPSIS) at kung
paano ito gagawin?

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra
Banghay Aralin sa Filipino 9

G. Paglalapat:
1. Kung ikaw ang tauhang babae sa nobela, gagawin mo rin ba ang ginawa niya para
mapalaya ang mahal sa buhay?
2. Ano ang gagawin mo sakaling mangyari sa iyo ang pangyayaring naranasan ng
babaesa akda?

VI. Ebalwasyon:
Sa isang buong papel, sumulat ng isang synopsis sa isang Sinopsis sa isang
paborito mong nobela na nabasa.

VII. Kasunduan:

Pag-aralan ang Pangangatwiran, Uri ng Pangangatwiran, at Kasanayang Nalilinang


sa Pangangatwiran para sa gagawing Gawain kinabukasan.

JayVibasEstrera//jestrera17@gmail.com//www.facebok.com/jays3ra

You might also like