Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kami po si Mr. and Mrs. hamak lang na manghihilot taga.

Bago pa kami nakatira sa bahay na ito ay tatlong araw na naghanap po kami ng bahay tuwing
hapon, wala kaming mahanap ngunit isang araw nagkasakay kami nitong si Mrs. Merly
Bermudez kapatid ni na ang sabi ay sya ang nag mamay ari ng bahay dito sa Nung nagkasakay
kami sa pampasaherong UV express nagsabi sya na huwag nalang kami umupa ng bahay at
nasabi nya na yun nlang daw at ipaayos nalang daw namin ang bahay bago tirahan dahil mahigit
10 years na iniwanan ng kapatid nya.

Yun po ang sabi nya kaya gumastos po kami ng higit 60K at nagbayad kami ng 13K sa paunang
bayad at isang buwan na deposito. Ang sabi pa nya na kapag nakatapos na ang mga anak ko at
nakapagtrabaho na sila bibilhin na namin at kami na ang magpapaayos.

Sa kadahilanang hindi naman pwedeng tirahan na hindi pinapaayos kaya pinaayos po namin at
kinuha po nila ang mga resibo kaya binigay po namin dahil tiwala kami sa kanila.

Maganda naman ang usapan naming na ganun ang gagawin. Pina duplicate copy nya ang mga
resibo at hindi nya na binigay ang mga original.

Nagbigay din sya ng kontrata na isang taon kaya nag alala po kami. Bago din matapos ang isang
taon mayroon siyang isinama na buyer at ibebenta daw nila. Simula nuon nag iba na rin po kami
ng isip at nag alinlangan na sa pinakita nya na buyer.

Ibig sabihin wala na yung usapan namin na pag may pera na kami yung sinabi nila na kami ang
magiging buyer wala ng iba. Dahil dito, halos gabi gabi akong nag iisip at nangangamba.

Ang ginawa pa nya sa mga resibo ay binawasan nya at hindi nya na ibinigay sa amin ang original
at sinabi pa nya na hindi ganun ang ginastos namin kaya xerox copy nalang binigay nya sa amin.
Hindi pa lahat ay naaayos dahil marami pang aayusin. Tumutulo ang bubong pag umuulan halos
hindi pwdeng tirahan. Pati tubig at kuryente kami na rin ang nagpaayos. Tuwing nahuhuli kami
ng ilang araw lamang sa bayad ay marami na silang nasasabi na masasakit na salita.

Kaya ang nagawa nalang namin ay manalangin ng manalangin kay Lord Jesus Christ. Siya ang
inaasahan namin na gagawa ng paraan dahil wala po kaming magagawa isa lamang kaming
manghihilot kaya ipinapasa diyos nalang po namin.

Kaya naisip po ng asawa ko na mag inquire sa munisipyo sa accesor kaya dun namin nalaman
na higit 15 taon na hindi nababayaran. Nag alala po talaga kami na hindi natupad lahat ng
usapan.

Dahil sa sobrang tiwala namin nung una sa kanila ay verbal lng po ang naging kasunduan. Ang
laki ng binabayaran namin buwan buwan.
Umangal po kami dahil kami naman po lahat ang nagpapaayos ng mga sira at alam po yan ng
aming kapit bahay kaya nagpasya din kami na makipag usap sa aming kapit bahay at nagtanong
sa status ng bahay at lupa.

Dahil dito nalaman po naming na ang nag mamay ari ng lupa ay si Naisip po naming mag tanong
dahil una palang ay wala naman silang ipinakita na titulo o papeles nitong lupa. Kaya naman
humingi kami ng advice sa aming kapit bahay na si kuya Jun na puntahan namin si

Hindi naman po sila nagbabayad ng tax ng mahabang taon at binanggit din ni na ipasa Diyos
nalang nya ito pero ang sabi ko gawan ng paraan na hindi sila lugi sa pinambayad dahil ayaw din
naming na mayroong naaagarabyado. Sabi ko kay na nabanggit po ng isang kagawad na si na
ibinebenta ng 700K.

Nabanggit din naman ng nanay nila na si na ipaayos niyo na at inyo na yan pero hindi naman po
kami nagtetake advantage sa kanila.

May araw pa na sinabi ni na sa barangay na kami magbayd ng renta, ay hindi naman po pwede
na doon kami magbayad parang ginawa nya na kami na hindi marunong sumunod sa usapan at
lalong hindi makatao. Ayaw po namin na magarabyado kaya ito po ang naisip naming na paraan,
ayusin at walang mamagitan ng sama ng loob sa bawat partida.
Mayroon pong isang concern sa amin na taga dito na bago kami magbayad ay tignan muna
naming sa GSIS, alamin kung ano ang status ng lupa, sya ay si nakatira sa Marami din ang
concern sa amin at sinasabihan kami na ayusin ang lupa dahil madami na po kami nagagastos.
Gusto pa nila ay taon taon ay magtataas ng renta at sa tuwing may sira kami lahat ang
nagpapaayos simula pa lamang na kami ay tumira sa bahay na ito.

Kaya nag aksyon po kami dahil hindi naman nila tinutupad yung usapan na sa amin lang
ibebenta at wala ng iba. Marami pa po ako isasalaysay maliban dito dahil sa mga ginawa nila sa
amin pero naniniwala po kami kay Lord Jesus Christ na gagawa sya ng paraan para hindi aabot
sa gulo at para walang maagarabyado.

You might also like