Professional Documents
Culture Documents
Bible
Bible
Bible
- Mat 11:28, 29
- Magsiparito kayong lahat na nangagpapagal at nangabibigatang
lubha, at kayo’y aking papagpahingahin.
- 29 pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin,
sapagkat ako’y maamo at mapagpakumbabang puso:at
masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga
kaluluwa,
- Colosas 1:15,16
- 15 na sya ang larawan ng Dios na di nakikita,ang panganay ng
lahat ng mga nilalang;(16)sapagkat sa kaniya nilalang ang lahat
na mga bagay,sa sangkalangitan at sa sangkalupaan,na mga
bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita,maging mga
luklukan o mga pag sakop o mga pamunuan o mga
kapangyarihan;lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan
niya at ukol sa kaniya,
- Geneses 2:1-3
- 1 at nayari ang langit at ang lupa,at ang lahat nang natatanaw sa
mga iyon. (2)at ang ikapitong araw ay nayari ng DIOS ang
kanyang gawang ginawa;at nag pahinga ng ikapitong araw sa
madlang gawa niyang ginawa.(3)at binasbasan ng DIOS ang
ikapitong araw at kaniyang ipinangilin sapagka’siyang
ipinagpahinga ng DIOS sa madlang gawang kaniyang nilikha at
ginawa.
- Exodo:20:8-11
- 8 alalahanin mo ang araw ng sabath upang ipangilin.(9)anim na
araw na gagawa at iyong gagawin ang lahat ng iyong Gawain.
(10)ngunit ang ikapitong araw ay sabath sa panginoon mong
DIOS;sa araw na iyan ay wag kang gagawa ng ano mang
gawa,ikaw ni ang iyong anak na lalake ni babae,ni ang iyong
aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka,ni ang iyong tagaibang
lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan.(11)sapagkat sa
anim na araw ginawa ng Panginoon ang langit at lupa,ang
dagat,at lahat nang nangaroon,at nagpahinga sa ikapitong
araw;na ano pa’t pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath at
pinakabanal.
- Marcos 2:27
- 27 at sinabi niya sa kanila,ginawa ang Sabbath ng dahil sa tao,at
di ang tao ng dahil sa Sabbath.
- Ezekiel 20:12
- 12 bukod ditoy ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga
Sabbath,upang maging tanda sa akin at sa kanila,upang kanilang
makilala na ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.
- Lucas 4:16
- 16 at siyay napa nazaret na kaniyang nilakhan:at ayon sa
kanyang kaugalian,siya’y pumasok sa sinagoga nang araw ng
Sabbath,at nag tindig upang bumasa.
- Isaias 56:2
- 2 mapalad ang mga taong gumagawa nito,at ang anak ng tao na
nanghahawak nito,na nangingilin ng Sabbath upang huwag
lapastanganin,at nag iingat ng kaniyang kamay sa pag gawa ng
anomang kasamaan.
- 1Pedro 2:21
- 21 sa pagkat sa ganitong bagay kayo’y tinawag:sa pagkat si Cristo
man ay nag bata dahil sa inyo,na kayoy iniwanan ng
halimbawa,upang kayo’y mangagsisunod sa mga hakbang niya.