Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

READERS-RESPONSE-JOURNAL

PAGSULYAP SA KASAYSAYAN BILANG PANIMULA

I. PART 1

ANO ANG TEKSTONG BINASA?

Ang pamagat ng tekstong binasa ay “PAGSULYAP SA KASAYSAYAN BILANG PANIMULA” ni


Virgilio S Amarilio

ANONG URI NG TEKSTO ANG BINASA?

Ang naturang teksto na aking binasa ay tekstong pang Linggwistika dahil iyto ay tumatalakay
sa wika’.

II. PART 2

ANONG URI NG TEKSTONG BINASA?

Ayon sa tekstong aking binasa ito ay kabilang sa deskripsyon ng paksa dahil sa unang
pangungusap ay nagbigay linaw na kung anu ba ang naturang topikong akda. Isa pa ay kabilang din
ito sa problema at solusyon dahil sa unang patre ay isinalaysay ng may akda ang problema at sa
kaligitnaan ang ilinilathala niya yung istratehiya na siyang magiging solusyon sa naturang problema.

Isa din itong sanhi at bunga dahilsa huling parte ay nasabi ng may akda ng kanyang prediction
o magiging bunga ng pagkakaroon ng stratehiya ng naturang wika.Isa pa ang applikasyon na kung
saan ay naiuugnay ang mga bagay o gawain ng tao sa kasalukuyan. Huli ay ang pagkokompra dahil
sa nagbigay ng halimbawa ang awtor upang masmapagtibay pa ang kanyang layunin natumutugon
sa kanyang katwiran na pagbanggit narin sa sinabi ni FERDINAND de SAUSSURE.

ANO ANG TEORYA, PANANAW O KALAKALAN ANG UMIIRAL SA LARANGAN NG LITERASI O


PAGKATUTO KAUGNAY NG BINASANG TEKSTO?

Ang teksto ay nagsisiyasat ng hipotesis o haka-haka at naglalathala din ito ng mga datos o
ideya sa ibang tao saya ng sinabi ni FERDINAND de SAUSSURE na isaring naging batayan niya sa
tugon sa kanyang katwiran. Sa huling bahagi ng akda nagbigay siya ng prediction ukol sa pagunlad
ng wikang Filipino sa ganung rason natitiyak ko na ang naturang teksto ay kabilang sa kognitibong
pananaw.

ANO ANG URI O ANYO NG TEKSTONG BINASA?

Sa aking palagay ang uri o anyo ng tekstong aking binasa ay kabilang sa impormatibo dahil sa
itoy nagbibigay impormasyon, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at layunin ng akda at awtor.
Maari din itong maging argumentatibo dahil may mga nasabi din ang may akda na dapat ipaliwanag
at dapat pagtuunan ng pansin at talakayin.

ANO ANG IYONG LAYUNIN O KADAHILANAN KUNG BAKIT GUSTO MONG BASAHIN ANG AKDA?

Ang aking layunin at rason kung bakit napaginteresan ku ang pagbasa sa akda ay sa
kadahilanang gusto ko pang mapalawak ang aking kaalaman sa linggwistikang FILIPINO para sa
ganun ay magamit ko ito sa mga aktibidad na aking gagawin sa hinaharap. Para din malaman ang
ibat-ibang layunin at kaisipan ng ibat-ibang tao sa kapaligiran ng sa ganun ay mapagyamanan ko
ang aking kaalaman sa linggwistika.

HANAPIN O TUKUYIN ANG PAKSANG PANGUNGUSAP?

Ang paksang pangungusap ay kung saan sinabi ng may akda na “hinahango ang mga tuntunin
sa mga umiiral na kalakaran sa pamamagitan ng wikang pambansa , bukod sa napagkasunduan na
mga tutunin, bunga ng mga forum at konsultasyon, hinngil sa mga kontrobersyal na usapin sa
ispeling. Dito umikot ang akda dahil nasabi ng teksto na may mga ibat-ibang ispelling ang mga salita
ngunit may ibat-iba itong pagkakaunwa at na uunawaan ito sa kung san nateng to gagamitin ang
isang salita. Na siya namang malayang naipaliwanag ng ng may akda.

ANO ANG LAYUNIN NG AWTOR SA AKDA ISINULAT?

Layunin ng awtor na maipaliwanag at mabigay ang isang gabay sa paggamit ng wika sa


masistemang paraan upang ito ay mapaunlad pa ng husto upang sa hinaharap ay tangkilikin ang
sariling wikang atin. Para ring mabigyan pa ng masmalawak na kaisipan tungkol sa wikang ating
ginagamit sa pang araw-araw

MALINAW BA NIYANG NAIPALIWANAG ANG LAYUNIN O NALILIGAW BA ANG ARGUMENTO?

Malinaw dahil malayang nasagot din ng may akda ang mga tanong na dapat malutas at
nagbigay din mg konklusyon na nagbibigay ng karagdagang kaalam sa wikang FILIPINO na siya
namang nagpaganda sa akda. Sa ibang dako naman naihayag ng awtor ang kanyang katuwiran at
pagbubukas ng kaisipan sa wikang pambasa ng malaya.

ANO ANG GUSTO NIYANG PATUNAYAN?

Gusto niyang patunayan na ang paggamit ng wasto sa wika ay siyang nagpapaunlad pa lalo ng
ating kultura . Ito rin ay isa sa magiging malakas na pundasyon ng mga pilipino tungo sa maunlad ng
pagpapahayag ng malayang kaiisipan at magandang komuniksyon sa bawat isa.

ANGKOP KAPANI-PANIWALA, MAPAGKAKATIWALAAN O SINALIKSIK BA ANG MGA ITO?

Oo dahil may mga linahad din na mga artikulo ang akda na nagpatibay at nagpalakas pa ng
pagsusuri . Kapani-paniwal din kase yung mga ibang halimbawa ay galing din sa kasaysayan ng
linggwistikang Filipino.

ORGANISADO BA NAG MGA DETALYE?ANO ANG ESTILO NGA PAGSUSULAT NG AWTOR?MAY MGA
KONTRADIKSYON BA?SA ANUMG PERSPEKTIBA NIYA ITO SINULAT?

Oo organisado dahil mula sa depinisyon patungo sa problema tapos solusyon at konklusyon ay


naipaliwanag ng maayos na siya naman nagpaganda ng pagpapaliwanag dahil gamit nito ang
magandang estruktura para ang awtor ay hindi maligaw sa kanyang hangarin. Ang ginamit ng awtor
na estilo ay ang referensyal at journal na pasusulat dahila ang awtor ay nagbigay ng kanyang
opinion na katulad sa mga editoryal sa journal at referensyal naman sa kadahilanan na naglahad
ang awtor ng mga inpormasyon na naiuugnay sa sa malinaw at wastong presentasyon ng paksa at
isa rin itong pagpapaliwanag.

ANGKOP BA ANG WIKANG GINAMIT SA URI NG TEKSTO? SA LAYUNIN ? SA ISIP NG MAMBABASA


NITO?

Angkop ito dahil nagbibigay ito ng ideya at impormasiyon upang mapagtagumpyan ang
hangaring pagpapaunlad sa wika naten . Malaya din siyang naipaliwanag ng husto ang ang kanyang
hangarin na tumutugon sa mga problema na dapat malutas sa kasalukyan ng wikang FILIPINO.

ANO ANG TONO NG TEKSTO BATAY SA GAMITNA WIKA?

Ang tono ng teksto ay mapagkawiran dahil nabigyan ng awtor ang kaniyang katwiran na
maisakaturan at mapaalam sa mga tao kng ano ba ang mga dapat gawin upang mapaunlad pa ang
sarili nating wika.

III. Part 3

A. Naging perpekto ba ang ba ang alpabetong FILIPINO? Paano kaya nabigyang solusyon ang mga
estandarnisadong ispelling ng isang wika?

B. Ang ortograpiya ang paraan ng pagbibigay simbolo sa wikang pasalita sa paraang pasulat. Sa
simpleng pasalita, ito ang paraan ng ispelling sa wikang pasalita sa paraang , pasulat. Bawat wika ay
may sariling sistema kayat higit na mahalaga ang bawat tuntuning ortograpiya at patuloy ng
paunladin ang ating gamit na wika.

C. Ang pagsulyap sa kasaysayan bilang panimula ay nagbibigay linaw o kontribusyon nito sa mundo
ng alinggwistika sa ating bansa. Hindi man perpekto ang ating alpabeto nagbibigay parin ito ng
malaking parte sa atin lalo na sa pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa pilipino.

D. Ang nais na ipahayag ng awtor ay magbigay ng halaga sa ortograpiko at umunlad ang mga
wikang ating ginagamit.

Ang akdang aking binasa ay isang gabay sa kung paano gamitin ng wasto ang lingwahe na sa
ating pinagkaloob.

You might also like