Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ALAMAT NG DAIGDIG

Noong unang panahon mayroon lamang langit at


dagat. Ang bathala ng langit ay si Kaptan. Ang bathala
ng dagat ay si Magwayen. May anak si Kaptan. Ang
pangalan ay Lihangin. May anak si Magwayen. Ang
pangalan ay Lidagat. Ipinakasal nila ang kanilang mga
anak. Nagkaanak ang mag-asawa ng apat na
lalaki. Ang mga pangalan ay Likalibutan, Ladlaw, Libulan
at Lisuga.
Nang lumaki ang mga bata hinangad ni Likabutan na
maging hari ng sansinukob. Nahikayat niya si Ladlaw at
Libulan na salakayin ang langit. Pinilit nilang buksan
ang pinto ng langit.
Galit na galit si Kaptan nang malaman ang ginawa ng
tatlo. Pinaalpasan niya ang mga kulog at ihinampas ito
sa magkakapatid. Naging bilog na
parangbola sina Libulan at Ladlaw. Ang katawan ni
Likalibutan ay nagkadurog-durog at kumalat sa
karagatan.
Dumating si Lisuga at hinanap ang kanyang mga
kapatid. Nagpunta siya sa langit. Galit pa rin si Kaptan
kaya pati si Lisuga ay hinambalos din niya ng kulog. Ang
katawan ni Lisuga ay nahati at lumagapak sa ibabaw ng
mga pira-pirasong katawan ni Likalibutan.
Lumipas ang panahon pati na rin ang galit ni
Kaptan. Kaya binuhay niya ulit ang mga pinarusahan. Si
Ladlaw ay ginawang Adlaw (araw) si Libulan ay naging
Bulan (buwan). Si Likalibulan ay tinabuan ng mga
halaman at naging sanlibutan. Si Sibulan ang
pinagmulan ng unang babae at lalaki na tinawag na si
Lalak at si Babay.
Ang iba namang alamat ng daigdig ay sinasabing
nagmula sa mga nandayuhang Indonesyo.
Noong unang panahon ay wala kundi langit, dagat at
isang ibong lipad ng lipad sa pagitan ng langit at
dagat. Sa katagalan ay napagod ang ibon ngunit wala
siyang madapuan upang makapagpahinga.
Naisipan ng ibon na pag-awayin ang langit at ibon. At
natupad nga ang kanyangplano. Nagalit ang langit at
naglaglag ito ng maraming bato sa dagat. Sa mga
batong ito dumapo ang ibon. Sa katagalan ang mga
bato ay tinubuan ng mga puno at halaman.
Isang araw habang lumilipad ang ibon, napansin niya
ang kapirasong kawayan na lulutang-lutang sa
tubig. Tinuka nang tinuka hanggang sa mabiyak. At sa
isang bahagi ay lumitaw ang unang babae na ang ngalan
ay si Babay at sa kabila ay ang unang lalaki na ang
pangalan ay si Lalak.
ALAMAT NG BULAKLAK
Noong unang panahon may isang prinsesang may
napaka-gandang buhok na iba’t iba ang kulay.
Siya’y nagngangalang Prinsesa Buna na umiibig ng
palihim sa kanilang hardinero na si Lakal.
Araw-araw ay pumupunta ang prinsesa sa hardin.
Iniisip ng kanyang ama na mahilig lamang talaga
ang prinsesa sa mga bulaklak kaya ito ay laging
naroroon. Ngunit lingid sa kaalaman ng ama ay
hindi iyon ang pinupunta ng kanyang anak sa
hardin. Pinupuntahan ng prinsesa si Lakal na laging
gumagawa ng sari-saring pabango na gustong-
gusto niyang amuyin at gamitin dahil sa kakaibang
amoy ng pabangong gawa nito.
Ngunit isang araw, nahuli ng hari ang dalawa na
naglalakad sa hardin ng magkahawak ang kamay.
Agad na nagalit ang hari dahil ang isang prinsesa
ay umiibig sa isang hardinero kaya isinikreto niya
sa kanyang anak ang plano niyang pamamaslang
kay Lakal.
Inutusan ng hari ang isang kawal na pagdating ng
gabi ay dapat ipatapon si Lakal sa kagubatan at
iwanan doon hanggang mamatay. Ginawa ng
kawal ang utos ng hari at agad na iniwan si Lakal
sa gitna ng gubat. Si Lakal ay namatay at ang
prinsesa ay inintay ang pagdating ni Lakal sa
hardin ngunit hindi niya nakita ang binata
hanggang magdilim.
Ilang araw na nag-intay si Buna at hindi siya
kumain o naligo. Ni hindi rin siya natulog at
kinaumagahan ay inaantay pa rin nya si Lakal.
Isang araw ay naisipan ng prinsesa na umalis sa
palasyo at hanapin si Lakal. Ngunit siya’y nang
hihina na.
Paglipas ng ilang araw ay hinanap ng hari ang
kanyang anak na si Buna. Pumunta siya sa hardin
kung saan nagpupunta si Buna upang intayin si
Lakal. Ngunit ang nasilayan niya lamang ay ang
isang malagong halaman na may iba-t ibang kulay
at iba’t ibang uri. Napansin din niyang ito ay
kakulay ng buhok ng kanyang anak. Kasing bango
rin ng mga gawang pabango ni Lakal ang mga
halaman. Nasa huli plagi ang pagsisisi. Nalungkot
ang hari at walang nagawa kundi alagaan ang
natitirang bunga na naiwan bilang alaala sa anak.
Pinangalanan niya ang halaman na Bunalak at
kalaunan ay tinawag na Bulaklak

You might also like