Ibong Adarna

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NARRATOR: Noong unang panahon ay may isang kahariang kilala sa ngalang Berbanya namumuno'y dito
ay tunay na ihinahangaan sapagkat sa kanyang pamamahala ang kaharian at mamamayan ay masagana't
masigla. Ang kanyang pagtingin sa tao ay pantay maging mariwasa man o dukha. Ito ay walang iba kundi
si haring Fernando.

HARING FERNANDO : Ako rin ay may anak na, tatlong binata, magigilas saakin sila'y lakas.

HARING FERNANDO : Ang panganay ko'y si Don Pedro na siyang pinakamatindig sa tatlo. Itonama'y
sinundan ni Don Diego, na siyang malumanay ng husto. Ang pangatlo ay si Don Juan na aking bunso higit
kanino man siya ay ang aking paborito. Mawala'y lamang sa aking mga mata ay ito hindi ko na
makakaya.

HARING FERNANDO : Lumapit kayo mga anak ko, angkin ninyo ang mataas na pangalang mga pantas.
Ngayon ang tamang oras upang kayo ay italaga ano ba ang iyongnaismagpari o magkorona?

DON PEDRO : Humawak ng kaharian.

DON DIEGO : Bayan nati'y paglingkuran.

DON JUAN : Baya'y patuloy na pangalagaan at ituloy kung anong inyo'y sinimulan

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NARRATOR: Isang araw sa kaharian Monarka'y may napanaginipan Panaginip na hindi matanggal sa
isipan Na nagdulot ng malubhang karamdaman.

NARRATOR: Ayon sa kanyang napaniginipan Bunso niya ay nilapastangan Sa hindi malamang dahilan Ng
dalawang tampalasan

HARING FERNANDO: Hindi ko lubos na maintindihan Bakit ganun ang aking napanaginipan Ano ang
aking kasalanan Bakit ganito ang kinalabasan.

REYNA VALERIANA: O minamahal kong asawa Bakit ganyan ang naging bunga Ng iyong panaginip na
masama Ngayon ay hirap na hirap ka.

REYNA VALERIANA: Ginagalang na mga manggaggamot Tulungan ninyo ang asawa kong may takot Bakit
panaginip ay di malimot Ngayo'y buhay niya'y naging masalimuot

E. MANGGAGAMOT 1: Ikinalulungkot ko Reyna Valeriana at Haring Fernando

E. MANGGAGAMOT 2: Di talaga namin malaman ang sakit ng asawa niyo.


E. MANGGAGAMOT 3: Tila ba ay may hiwaga ang makakatulong sa inyo Mabuti pa at humanap nalang
ng ibang mediko

NARRATOR: Dahil sa matinding pagliyag Ng mga anak niyang binabagabag at nang lunakot ng kanyang
inang parang dilag Mga ngiti nila'y tila nakabihag.

NARRATOR: Sa kalooban ng Diyos Pag-asa ay di naubos Manggagamot na makakatalos Ay nahanap ng


lubos.

REYNA VALERIANA: Ginagalang na mediko Sana kayo na ang hinahanap ko Na makakatulong sa sakit
nito Tulungan niyo ang hari ng bayang ito.

Mediko:40-45

HARING FERNANDO: Panganay kong Don Pedro Ngayon di'y gawin ang utos ko Kunin ang lunas sa sakit
ko Ibong Adarnang sabi ng mediko.

DON PEDRO: O minamahal kong ama, Ngayon din ay pupunta sa adarnang lunas sa iyong dinarama.

NARRATOR: Si Don Pedro agad tumalima, Upang sundin ang utos ng kanyang ama, Dala ang kabayong
sinasakyan niya.

SCENE: [ Kabayong nakasakay Out si vincent]

DON PEDRO: Hindi na rin nakapagtataka, kung sa paglalakbay ay hindi na makaya, paglalakbay ko'y
mahigit tablong buwan na, mabuti na at maglakad na lang muna.

SCENE: [ Naglalakad]

NARRATOR: Sa paglalakbay niya'y nakarating na, sa punong kay ganda, tahanan ng adarnang lunas sa
kanyang ama.

PEDRO: Punongkahoy na kayganda, kulay dyamanteng sa mga sang, marahil ito na nga sanaang tahanan
ng adarna.

NARRATOR: Nang kanyang narating ang tirahan ng adarna, binalak niyang magpahinga muna, ngunit
lubos ang kanyang pagtataka, sa punongkahoy na napakaganda.

PEDRO: Anong hiwaga ang meron sa puno, bakit kaya sila lumayo, tila bang mga ibon takot dito, na para
bang tirahan ng engkanto

PEDRO: Dahil sa pagod na aking nadarama, ako'y magpapahinga na muna, sa ilalim ng punongkahoy na
tahanan ng adarna.

NARRATOR: Habang siya'y nagpapahinga, hindi namalaya'y naroon na ang pakay niya ito ay lumapag sa
Piedras Platas. Pitong beses na kumanta, nang matapos, siya ay nagbawas na.

SCENE: [ ibong adarna]


NARRATOR: Nang ang adarna ay nagbawas tinamaanang prinsepeng magilas sa himbing niya'y hindi man
lang nakaiwas, at siya'y naging bato sa ilalim ng Piedras Platas.

NARRATOR: Sa punongkahoy ito, sa pakay niya'y nabigo at sa di pag-uwi nito, ang Berbanya’y nagkagulo

NARRATOR: Don Diego'y inatasan ng haring may karamdaman si Don Pedro ay tulungan dalhin rin ang
lunas sa kaharian.

HARING FERNANDO: Aking anak na Don Diego si Don Pedro'y hanapin mo adarna ay hulihin mo na
siyang lunas sa sakit ko.

DON DIEGO: Ngayon din aking ama, ako ay pupunta, upang kalagaya'y bumuti na, at kaharia'y muling
lumigaya. SCENE: [ Maglalakbay si Don Diego sa parang gubat, bundok, at ilog.]

DON DIEGO: Paglalakba'y kong mahigit limang buwan Sa mga ilog, gubat, kabundukan Marahil dina
nakayanan Ng kabayong aking sinasakyan.

NARRATOR: Patuloy sa nilalakaran Punong kumikintab ay dinatnan Noon niya ay nalagmalas Ang puno
ng Piedras Platas

SCENE: [ Maglalakad ang Prinsipe papunta sa puno.]

DON DIEGO: Marahil eto na nga Ang tahanan ng Adarna Ngunit lunas ay nasaan na? Marahil ako'y
magpahinga muna habang adarna'y wala pa.

NARRATOR: 092 - 094

DON DIEGO: Lubos aking pagtataka Ano ba talaga ang hiwaga Punong gada'y parang tala Di makaakit ng
madla?

DON DIEGO: 096 – 098

NARRATOR: Sa patuloy na paghihintay Ang adarna ay dumuklay Sa punong kinang ang kulay Ni Diego'y
kagapay.

SCENE: [ Pupunta ang Adarna sa puno.]

DON DIEGO: Ibong tunay na maganda Ngayo'y din mapapasakamay kita. Isasama sa Berbanya Ng
gumaling ang aking ina.

SCENE: [ Kakanta ang adarna, makakatulog si Don Diego. Magbabawas ang Adarna, tatamaan si Don
Diego.]

NARRATOR: Katulad din ni Don Pedro Siya'y biglang naging bato Magkatabi ang mga ito Na parang
puntod na -may multo.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Narrator: Tatlong taon nang nakalipas, nang umalis ang dalawang prinsipeng matitikas. Ang Berbanya’y
nag-alala, sakit ng hari’y mas lumubha pa.

Narrator: Ibig ipahanap ng hari, sa huling prinsipe sa kanyang tabi. Subalit nag-aalapaap, baka ang
bunso’y mapahamak.

(SCENE) hari at don juan, props: costume ng hari at don juan, kama.

Don Juan: Ama ko’y iyong tulutang ang bunso mo’y magpaalam, ako ang hahanap naman ng iyo pong
kagamutan. Ngayon po’y tatlong taon nang hindi nagbabalik sila, labis ko pong alaalang ang sakit mo’y
lumubha pa.

Haring Fernando: Bunsong anak kong Don Juan, hindi kita pahihintulutan. Kung ikaw pa’y mawawalay,
ay lalo kong ikamamatay. Masaklap sa puso’t dibdib iyang gayak mong pag-alis. Hininga ko’y mapapatid
pag nawala ka sa titig.

Narrator: Ang prinsipe’y nagbanta, sa haring malubha. Prinsipe’y aalis, nang hindi man lang
magpapaalam sa harin tumatangis. Laking gulat ng hari, hindi na lang tumanggi, sa prinsipeng
nagbabalak umalis.

Don juan: Bendisyon mo aking ama, babaunin kong sandata. Ako’y magtagumpay sana, sa paghahanap
sa mga kapatid at Adarna.

(SCENE) Bebendisyunan si don juan, at tsaka aalis, habang umiiyak ang hari.

Narrator: Di gumamit ng kabayo sa paglalakbay na ito. Tumalaga ng totoo sa hirap na matatamo. Baon
ay limang tinapay, habang siya ay naglalakbay. Isang tinapay sa isang buwan, upang mapawi ang gutom
na dinaramdam. Sinapit ding maginhawa ang landas na pasalunga. Si Don Jua’y lumuhod na’t sa Birhe’y
napakalara.

Narrator: Doo’y kanyang natagpuan isang matandang sugatan sa hirap na tinaglay lalambot ang pusong
bakal. Ang matanda ay leproso sugatan na’y parang lumpo, halos gumapang sa damo’t kung
dumaing…Diyos ko!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(SCENE) Don Juan at matandang leproso, nakadapa sa may gubat…PROPS: costume ni don juan at
matandang leproso, mga puno-puno at dahon, parang gubat.

Narrator: Pagkakita kay Don Juan, ang matanda’y nanambitan, sa malaking kaawaan ay madaling
nilapitan.

Leproso: Parang habag na nang Diyos na tulungan na ang may lunos kung sa sakit ko’y matubos ako
nama’y maglilingkod.

Don Juan: Ako nga po ay may taglay, natirang isang tinapay na baon sa paglalakbay, ngayon ay sa iyo ko
po ibibigay.
Narrator: 146-148

Leproso: Maraming salamat sa bigay mo, ngayon nama’y bat ka naparirito. Kita ngayo’y tutulungan,
makabawi lang sa iyong kabutihan.

Don Juan: 150-152

Leproso: 153-158

Don Juan:160 161

Narrator: Sa pagtanggi ni don juan, siya’y lumisan na lamang. Sa bilis ng lakad nito, agad na nakalayo sa
matandang leproso. Ang prinsipe’y naglakbay, patungo sa maliit na bahay. Nabighani sa ganda ng
piedras platas, si don juang magilas.

Don Juan: Oh punong kayganda, tahanan ng ibong adarna. Nakakabaliw titigan, na para bang ako’y
sinaniban. Mga mata’y di maalis, ganda nito’y walang kapares. Mga daho’y malalabay, maging sangay
gintong lantay.

Narrator: 166-168

(SCENE) Don Juan at ang ermitanyo na nagbigay ng dayap, labahat, etc. Props: costume ni don juan at
ermitanyo, bahay kubo, dayap, labahat, gintong lubid, etc.

Don Juan: Tao po! Tao po! Andito po ba ang matandang ermitanyo?

Ermitanyo: Andito nga ako iho, tara’t pumasok sa mumunting bahay ko at dito’y magsasalo.

Narrator: Ermitanyo’y naghanda, ng pagkain sa hapag, at doon na nga’y pumanhik, ang dalawa at
nagniig. Laking gulat ng prinsipe, nang makita ang tinapay na ibinigay sa tabi. Nagsawalang-kibo na
lamang, ang prinsipe ng may pag-aalinlangan.

Ermitanyo: Ngayon naman Don Juan iyong sabihin, ang layon mo’t nang malining.

Don Juan: 178-183

Ermitanyo: 184-197

Narrator: 198-199

(SCENE) Ibong adarna at DOn juan sa piedras platas.

Narrator: Sa ilang sandali’y natanaw na, ng prinsipe ang adarna. Ang adarna’y dumapo, sa punong
kahoy na ginto.

Ibong adarna: (KUMAKANTA)

(SCENE) Don Juan at ang labaha’t at dayap.


Narrator: Pitong kanta ang sumamo, pitong sugat din ang natamo. Ni Don Juan’g naghihirap, sa
adarnang kay-ilap. Nang matapos kumanta ng adarna, ito nama’y nagbawas na. Ang prinsipeng nakakita,
inilagan kapagdaka.

Don juan: Agad kitang susunggaban sa paa ng tangnan, igagapos ng matibay ng sintas na gintong lantay.

(SCENE) hinuhuli ang ibong adarna.

Narrator: Nang magtagumpay sa paghuli, agad namang nagmadali, patungo sa ermitanyo, upang alamin
ang susunod na gagawin nito.

(SCENE) papunta si don juan sa bahay ng ermitanyo.

Ermitanyo: Iyan na nga ba ang adarna na lunas sa sakit ng iyong ama. Akin na’t ipapasok ko na sa hawla,
ang adarnang kayganda. 216-217

Narrator; Si don juan ay sumalok ng tubig na iniutos. Pagkasalok ay agad pumunta, sa punongkahoy na
kayganda. Doon niya binuhusan ang mga bato, kalaunan ay naging mga tao. Mga mahal sa buhay ni don
juan, nangagsibalik na sa kanilang katauhan.

Don Juan: Ikinagagalak kong, Makita ang mga mahal ko. Kaytagal kayong hinintay ng berbanya, pati ang
hari na ating ama.

Don Pedro: Ikinagagalak ko rin na makita kitang muli, pati na rin si don diego sa aking tabi. Salamat at
nagtagumpay ka, sa paghuli sa adarna.

Don Diego: Halina’t bumalik na tayo, sa kaharian ng berbanya. Nang malunasan na ang karamdaman ng
ama.

Narrator: Ang tatlong prinsipe’y pumunta, sa ermitanyo at doon nagsaya. Sila’y hinainan ng pagkaing
inilaan, bilang isang pagdiriwang sa tagumpay ni Don Juan. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na, ang
tatlong prinsipe’y uuwi na. Si Don Jua’y humingi ng basbas, sa ermitanyong marangal.

Ermitanyo: 229-230

(SCENE) naglalakad ang tatlong prinsipe

Narrator: 233-234

Don Pedro: 235-237

Narrator: 238-241

Don Diego: 245

Don Pedro: 247-252

(SCENE) sinusuntok ni diego at pedro si juan


Narrator: Walang-awang pinagsusuntok, ng magkapatid na si Don diego’t pedro. Ang bunso nama’y di
pumalag, sa bugbog na sa kanya’y nagpabagsak. Agad namang kinuha, ang adarna ni don pedro’t diego.
Iniwan na lamang sa damuhan, si don juang walang laban.

Don Pedro: Tara na’t iwan na natin diyan, si don juan na sugat-sugatan. Tara na’t umuwi, sa berbanya
dala ang adarna.

(SCENE) dalawang magkapatid sa berbanya at hari, reyna valeriana

Narrator: 258-262

Don Pedro: Narito na kami ama ko, dala ang lunas sa sakit mo. HIndi ka na lulubha pa, sa halip ay
gagaling ka na.

Haring Fernando: 265-268

Narrator: Amang malubha ang lagay, nangita sa pinakinggan; mga anak ay hinagka’t, katawa’y gumaan-
gaan. Ngunit nang kanyang mapunang si Don Jua’y di kasama, nag-usisa sa dalawa, sagot nito’y ewan
nila. Naghimutok ang hari, katuwaan ay napawi, ibigin ma’y di nangiti, ang hinga ay may tali. Ang
kangina’y kagaanan sa laon ng karamdaman, ngayo’y isang kabigatan tila ibig nang mamatay. Bakit ang
ibong adarna sinasabing anong ganda, ngayo’y ayaw na kumanta, nanlulugo’t pumapangit pa! Hari’y
lubhang nananabik, na ang ibon ay umawit, sa paghihintay, puyat, inip, ngunit walang narinig kahit
himig. 269-275

(SCENE) don juan sa damuhan

Narrator: 276-280

Don Juan: 281-290

Narrator: 291-292

Don Juan: 293-298

Narrator: 299-302

Don Juan: 303-306

Narrator: Naggunita yaong amang maysakit nang iwan niya hiniling sa Birheng Mariang sila nawa’y
magkita pa.

Don Juan: 308-312

Narrator: 313-322

(SCENE) Matandang gumamot kay don juan


Matandang gumamot kay Don Juan: O, prinsipe pagtiisan ang madla mong kahirapan, di na maglalaong-
araw ang ginhawa ay kakamtan.

Narrator: TIla ba isang panaginip, ang nangyari kay don juang nagsasakit. Sa tuwa’y nagpasalamat siya,
sa ermitanyong tumulong sa kanya. Inakalang Diyos ang ermitanyo, na isa lamang hamak na tao.

Don Juan: Utang ko sa inyong habag ang buhay kong di nautas, ano kaya ang marapat iganti ng abang
palad.

Matanda: Kawanggawa’y hindi gayon, kung di iya’y isang layon. SAka iyang kawanggawa’y nasa Diyos na
tadhana. Di puhunang magagawa, nang sa yama’y magpasasa. 332-336

Narrator: Ang dalawa ay nagkamay bago sila maghiwalay. Ang matanda’y patungong kabundukan,
Habang Berbanya naman si Don Juan.

(SCENE) pagdating ni don juan sa berbanya

Narrator: Ang prinsipe’y nagmadali, patungo sa landas pauwi. At nang makarating na sa berbanya agad
pumunta sa kanyang ama.

Don Juan: Ina ko, ako ngayo’y naririto, sa kahariang aking sinilangan, kayo ngayo’y hahagkan.

Reyna Valeriana: Don Juan, anong nangyari at ngayon ka lang, ang ama mo’y lubhang nagdaramdam, at
mas lumubha pa ang karamdaman.

Don Juan: O ama kong mahal, narito na ang bunso mong sakdal. Kaygalak kong ika’y muling makita,
subalit hindi sa paraang ika’y nakahiga at malubha.

Narrator: Ang bunso’y humalik sa kamay ng ama, kasabay ng siglang naibalik sa Adarna, kumanta ito’t
nagsalita sa sobrang galak at saya.

(SCENE) kumakanta ang ibong adarna props: costume ng ibong adarna na iba’t-ibang kulay

Ibong Adarna: 345-347

Narrator: Ibo’y muling namayagpang nagbihis ng bagong kiyas, higit sa una ang dilag kanta’y lalong
pinatimyas.

Ibong Adarna: 349-350

Narrator: Ang adarna ay nagbago nitong kanyang balahibo, ang binihis na pangatlo ay may kulay
esmaltado

Ibong Adarna: 352-354

Narrator: Ang adarna’y nagbihis ng pang-apat na kilatis, sa kislap na umaakit ay dyamanteng pagkarikit.

Ibong Adarna: 356-359


Narrator: Nanahimik ang Adarna nagbihis na ng ikalimang balahibong tinumbaga at ang sabi sa
Monarka.

Ibong Adarna: 361-367

Narrator: Awit ng ibo’y pinatid muling nagbago ng bihis, ito’y lalo pang marikit sa limang naipamasid.

Ibong Adarna: 369-373

Narrator: 374-375

Ibong Adarna: 376-385

(SCENE) Haring Fernando at ang Tatlong Prinsipe

Narrator: Nang matapos ang ibong adarna, ang hari’y tumayo na, na para bang walang sakit, na
dinamdam at napawi. Hinagkan ang bunso, pati na rin ang adarna. Dahil sa kanyang galit, binalak
parusahan ang nagtaksil. Subalit pinigilan ito, ni don juan para sa mga naglilo.

Haring Fernando: Mga taksil sa sariling kapatid, ngayon kayo ay parurusahan. Tatanggalan lahat ng
karapatan, at ipapatapon sa kawalan.

Don Juan: O ama kong ginigiliw, ang puso mong mahabagin, sa kanila’y buksan mo rin. 394-397

Narrator: Haring noon ay may galit nabagbagan din ng dibdib, ang dalawang napipilit sa palasyo’y
pinapanhik.

Haring Fernando: Kayo ngayon ay lalaya, sa pangakong magtatanda. 400-401

Narrator: Ang Berbanya’y muling sumigla, nang gumaling na ang ama. Adarna nama’y pinabantay nito,
sa tatlong prinsipe at hindi kani-kanino. Tatlong oras sa bawat isang bantay, ang oras sa adarnang iaalay.
Gabi-Gabi sa hawla, bantay-serado ang adarna.

Narrator: Si Don Pedrong pinatawad, sa gawaing di nararapat, sa sarili’y naging galak, kapatid ay
ipinahamak! Naisipan isang gabi sa manyang pagsasarili, kahihiyan ng sarili lihim na ipaghiganti. Kapatid
ay pangalawa’y niyayang magsabay sila ng pagtanod sa Adarna’t magsabay ring mamahinga.

Don Diego: Kapatid kong lumaon, sasabay ba ako ngayon? Mamaya’y sino kung gayon ang magbabantay
sa ibon?

Don Pedro: Gisingin mo si Don Juan, pagkadating ay agad iwan, hayaan na lang siya’t wag palitan.

Narrator: Ang dalawa ay nagkasundo pakawalan yaring ibon. Kasabay ang pagtaksil kay Don Juan upang
makapaghiganti sa yaring tauhan. Paglipas ang ilang oras, ginising na si Don Juan’g magilas. Kasabay ang
pag-iwan sa kanya at ang pagtakas sa adarna.
Don Juan: Ako’y nangangamba, sa ginawa ng dalawa. Paano ko mapagtatakpan, kanilang nagawang
kasalanan?......Kailangan kong umalis palayo sa kaharian nang gayo’y malihis pagka’t ito ang maganda,
nagtatago ang may sala.

Narrator: nang magising yaong hari araw’y masaya ang ngiti, pagbangon ay dali-daling ibon ang
kinaurali. Gaano ang panginginig, mga mata’y nanlilisik nang sa hawla’y di mamamasid Adarnang saya ng
dibdib. Galit na galit na tinawag ang tatlong prinsipeng anak, dadalawa ang humarap kapwa hindi
nangapuyat. Ang dalawa’y binantaang huwag siyang paglihiman, sagot nila’y “Ama, ewan, ang bantay
po’y si Don Juan.”

Haring Fernando: Ngayon kayo’y maghahanap, sa taksil na nawala ng iglap. Ngunit matagal nang
nakalayo, di sa hangad na magtago.

Don Pedro at Diego: Kami ngayon ay maglalakbay, upang hanapin ang naglilong bantay. Pangakong
kapag nakita, iuuwi’t nang magdusa.

Narrator: Mga bukid, burol, bundok, bawat dako’y hinalughog lakad nila’y walang lagot sinisipat bawat
tumok. Wala, wala si Don Juan, napagod na ang pananaw. Siya kaya’y napasaa’t hindi natin matagpuan?
Lakad, tanaw, silip, sipat sa kahuyan at talampas, sa kanilang kahahanap nangapagod at namayat.

Narrator: Ang dalawa’y nagplanong huwag munang umuwi sa palasyo. Subukan pang hanapin sa
kawalan, yaong nagtakas na si Don Juan. Sa kanilang pagsisikap ay natamo na rin ang pangarap. Don
Jua’y natamo, sa bundok ng Armenya’y doon nagtagpo.

Narrator: Upang mailigtas sa parusa, ang dalawang kapatid na may sala, minabuti niya muna, na tumira
sa Armenya. Itong bundok ng Armenya, ay isang bundok na maganda, mga munting bagay na makikita
na isang buhay at pagsinta.

Narrator: Nagkita na’t nagkaharap, ang hanap at humahanap: si Don Diego nang mangusap, hiya’t takot
ang nahayag. Namagitan kapagdaka si Don Pedro sa dalawa, si Don Diego’y nayaya, magpanayam na
mag-isa.

Don Pedro: Ikaw sana’y huwag ganyan, ang loob mo ay lakasan; ang takot at kahihiya’y ipaglihim kay

Don Juan. May lunas na magagwa, kung sa nais ay payag ka, sa akin ipagkatiwala, ang anumang iyong
nasa. Kung ibig mo ay huwag nang balikan ang ating ama, pabayaan ang Berbanya’t ditto na tayo tumira.
Sumama na kay Don Juan, tayong tatlo ay magpisan, tumuklas ng kapalaran, sa iba nang kaharian.

SCENE: lalapit at yayakapin ni diego si juan

Don Diego: Kami’y anya’y nagkasundong maglibang sa malayo, hayaan mong pagbigyan ang aming
plano,
Ibig na`mi’y sumama ka, nang mabuo ang ligaya, sa anumang maging hangga, tayong tatlo’y
magkasama.

Don Juan: Kakatigan ko inyong mungkahi yamang mabuti naman ang mithi, at kung wala ng salaghati
saka ko iisiping umuwi.

Narrator: Nagsama sama ang tatlo, sa isang maliit na kubo, nagkakaroon ng salo salo, tuwing araw ng
linggo. Sila’y mga panginoon ng lahat ng hayop doon, sa kapatagan at burol, kabuhaya’y mapupupol.

Narrator: Ang ganitong paghahaka, ay nasok na biglang-bigla, sa kanilang mga diwa, minsang sila’y
walang gawa. Naisipang yaong bundok na hindi pa napapasok, paglibanga’t nang matalos, kung ano ang
nasa loob.

Narrator: Noon din nga ay lumakad, bagama’t tanghaling tapat, araw’y pagkatingkad-tingkad,
nakapapaso sa balat. Inakyat ang kabatuhan, nang dumating sa ibabaw, sa gitna ng kasabikan, ay may
balong natagpuan. Balo’y lubhang nakaakit, sa kanilang pagmamasid, malalim ay walang tubig, sa
ibabaw ay may lubid. Ang lalo pang pinagtakha’y, ang nakitang kalinisan, walang damo’t mga sukat,
gayong ligid ng halaman. Ang bunganga ay makinis, batong marmol na hinugis, mga lumot sa paligid,
mga gintong nakaukit. Kaya mahirap sabihing, balo’y walang nag-aangkin; ngunit saanman tumingin,
walang bahay na mapansin.

Don Juan: Balong ito’y may hiwaga, ang mabuting gawin kaya’y babain nang maunawa. Ngayon din
ako’y talian, iabab nang dahan-dahan, tali’y huwag bibitawan, hanggang di ko tinatangtang.

Don Diego: Ako’y matanda sa iyo, kaya marapat ay ako ang ibaba muna ninyo. Ako ang siyang tatarok
ang hangganan kung maabot, at doo’y matataloas, malalaman ninyong lubos

Don Pedro: Wala ka ring karapatan pagkat ako ang panganay, nasa akin ang katwiran. Ikaw ang siyang
mauna, kami nama’y bahala nang sa balita mo umasa.

Narrator: At doon nga’y nagtali na, ang panganay upang bumaba. Nang bumaba’y tatlumpung dipa
lamang, ang panganay’ nang umaho’y nananamlay.

Don Diego at Juan: Narating mo ba ang hangga? Ano ronn ang nakita’t pamumutla mo’y ganyan na?

Don Pedro: Hintay muna, hintay kayo’t, magpuputok ang dibdib ko… makahingang makaitlo’y,
nagkwento ng ganito: O, hindi ko natagalan, ang dilim na bumalabal, sa sindak at katakutan, para akong
sinasakal!

Narrator: Ang pangalawa’y sumunod, nilakasan man ang loob, nagbalik din at natakot sa lalim na di
maabot.

Don Pedro at Juan: Sa amin ay ibalita kung tapos na ang hiwaga?

Don Diego: Ewan ko. wala, wala!


Narrator: Ang bunso’y sumunod, tungo sa balong nakalulunod. Kadiliman ay hinarap, malutas lang ang
hiwagang nakalapat. Pagbaba niya’y may takot, sa balong misteryo ang bumabalot. Mga kapatid sa taas
ay nangangamba, at baka mapahamak pa, bunsong minamahal nila.

Don Juan: Sa sarili’y nawiwikang, Ano’t akin pang ninasa na tuklasing ang hiwaga, kung hindi rin
magagawa. Anuman ang kasapitan ito’y di ko uurungan, ang malaking kabiguan ay bunga ng karuwagan.

Narrator: At sa patuloy na pagsasakit, ang nais ay kanyang nakamit. Ang balon na maliit sa ilalim pala ay
pook na marikit. Ang prinsipe ay humanga sa kapaligaran ay natulala. Hindi makapaniwala sa hiwagang
nakikita.

Don Juan: O, anong klaseng hiwaga, ang nakikita ng aking mata? Ako’y hindi makapniwala, malamang
ito’y sa engkantong gawa.

SCENE: Lalabas si Donya Juana……. Matutulala ng mga ilang Segundo si Don Juan bago sabihin ang
kanyang mga linya.

Don Juan: O marilag na Prinsesa, ang sa araw na ligaya’t, kabanguhan ng sampaga, sa yapak mo’y
sumasamba

Donya Juana: Sa matamis na bati mo’y, nagagalak ang puso ko ngunit manghang-mangha ako, sa iyong
pagkaparito!

Don Juan: Ako’y isang pusong aba na yakap ng pagdurusa, inihatid ditong kusa ng pagsinta kong dakila.
Inimbulog sa itaas sa malago nyang pakpak, saka ditto inilapag, maglingkod sa iyong dilag. Ako’y iyong
kaawaan, O Prinsesa minamahal, at kung ito’y kaslanan sa parusa’y handa naman.

Narrator: Sa puso ay naramdamang ang pagsinta ay namahay, at ang hanap na bubuhay ang pagsinta ni
Don Juan. Gayunpaman ay tinimpi, ang pagsintang gumingiti, saka siya kunwaring sa prinsipe’y
namumuhi.

Don Juan: Kung wala kang naramdaman, patayin mo yaring buhay. Kung puso ay di pagbibigyan, ito’y
diko makakayanan. Ano pa yaring halaga kung sawi rin sa pagsinta, buti pa, O, Donya Juana, hininga ko’y
malagot na. Sukatin mo ang yaring hirap nang sa iyo ay paghanap, balang lihim ay di tatap nilusong kong
walang gulat. Hinamak ang kadiliman at panganib na daratnan, ngayong kita ay makita’y sawi parin
yaring buhay! A, ito ba’y aking palad? Waring ako’y inianak na katali na ang hirap, Ang ligaya’y
mawakwak!

Narrator: Sa lungkot ng panambitan, si Donya Juana’y nalumbay, mga mata ay luhaang, itinindig si Don
Juan.

Donya Juana: Don juan pakinggan mo, Tanggapin m yaring puso, pusong iyan pag naglaho, nagtaksil ka
sa pangako.

Don Juan: Ang magtaksil? Pagtaksilan ang buhay ng aking buhay? Prinsesa kong minamahal, panahon
ang magsasaysay.
Donya Juana: Ngayon, ang aking panganib saan kita ililingid nang maligtas sa pasakit ng higanteng sakdal
lupit? Higanteng ito’y siya ngang sa akin ay may-alaga, sobrang bagsik, sobrang siba, taong datna’y
sinisila.

Don Juan: Prinsisa kong minamahal, ang matakot ay di bagay, manghawak sa kapalara’t sa Diyos na
kalooban.

SCENE: Dadating ang higante at magtatago si Don Juan.

Higante: Donya Juana ikaw ba ay may kasama? Sino iyang hampas lumpa na walang hiya?!! IBakit dito”y
amoy manusya? Tila ba ay ditto ay may taong iba.

Higante: Kung may tao nga ay masaya, Upang ako ay may masakmal mamaya, Mas mabuting may bisita
para ako ay may masisila.

Higante: Di na pala kailangang mamundok pa o mamarang, ditto man sa aming bahay lumalapit na ang
pindang. Salamat nga’t narito na sa tiyan kong parang k’weba ang kaytagal kong pita ang tatlo man ay
kulang pa.

SCENE: Lalabas si Don Juan nang galit nag alit.

Don Juan: Higante itikom ang bibig, diko hahayaang sirain aking pag-ibig. Huwag mag mayabang ng labis,
dahil ako’y dimo matitiris.

Don Juan: Kung ikaw man ay kilabot sa pook mong nasasakop, sayang iring pamumundok pag di kita
nailugmok.

Higante: At matapang? May lakas pang tumawad sa aking kaya? A, pangahas! Ha-ha-ha-ha! Ngayon mo
makikilala.

Don Juan: Ayoko na’ng angay-angay, lumaban ka kung lalaban! Kung hangad mo yaring buhay, ikaw
muna’ng mamamatay!

SCENE: maglalaban ang dalawa

Narrator: Sa mabuting kapalara’t sa Diyos na kalooban, ang higante ay napatay ng prinsipeng si Don
Juan. Ang prinsipe kahit pagal masigla rin ang katawan, lalo na nang matitigan ang prinseseang
paraluman.

Don Juan: Masaya kong ihahayag saiyo prinsesang nililiyag. Kung ako mang ay naghirap, kapalit nama’y
aking pangarap

Don Juan: Sukat na ang ikaw’y akin ako nama’y iyong giliw, maging dusa man at lagim sa akin ay aliw na
rin. Kaya halika na, hirang, itong balo’y ating iwan, tayo na sa kaharian ng aking mga magulang.

Donya Juana: O, Don Juang aking sinisinta tunay bang aalis katang dito ay maiiwan pa ang bunsong si
Leonora? Si Leonora’y kapatid kong kasama sa balong ito, naririyan sa palasyong dito’y tanaw na tanaw
mo. Puntahan mo at sunduin sa ngalan ko ay sabihing siya’y parito nayon din at ibig kong kausapin.
Ngunit irog, may pangamba ang pagsundo mo sa kanya may tangkilik kay Leonora ay serp’yenteng
palamara. Ang serp’yenteng ay matapang, sanay siya sa pagpatay, pitong ulo, maputol man, nagdirikir
kapagkuwan. O, Don Juan, aking lunos ang sa aking lumulunod, muli ka pang makihamok ay di ko na
itutulot. Pangamba kong masawi ka’t pagkaawa kay Leonora, kung pa’no kong makakaya? Laso’t tinik na
ewan ba. Bakit baga yaring buhay kaiba sa kapalara: lumiligaya’y mamamanglaw, mamanglaw ay
kamatayan?

Don Juan: Iyong pakinggan ang aking wika. Prinsesa kong kasi’t mutya yaring buhay kong maaba palad
ko na ang mawala.

Don Juan: Ano’t ako’y masisindak kung ito ang aking palad? Ipaglingkod yaring lakas mahamak kung
mapahamak. Anong tamis ng mamatay kung tuwa ng minamahal! Anong sakit’ ng mabuhay kung duwag
na tuturingan! Huwag sanang maghilahil, may awa lamang ang Inang Birhen, sa magandang hangad
natin tayo’y kaawaan din

Narrator: Lumakad nang patuluyan puso’y walang agam-agam, Diyos ang tinatawagan sa daratning
kapalaran. Sa palasyong nang malapit sa bagong dilag ang sa titig bumihag nang labis-labis, para siyang
nanaginip!

(SCENE) Donya Leonora at ang Serpyente

Narrator: Sa palasyo’y nakadungaw si Leonorang matimtiman, ang prinsipe, nang matanaw biglang
nagulumihanan. Nabigla itong prinsesa sa taong kanyang nakita, si Don Jua’y napatunganga sa palasyong
pagkaganda.

Leonora: O, pangahas, sino ka ba, at ano ang iyong pita?

Don Juan: Aba, palaba ng buwan, tala sa madaling-araw, hingi ko’y kapatawaran sa aking kapangahasan.

Leonora: Di mo baga nalalamang mapanganib iyang buhay; sa serpyente kong matapang, walang salang
mamamatay.

Don Juan: Hindi gaanong masaklap na mapatay ng kalamas, sa akin ang dusa’t hirap, masawi sa iyong
lingap.

Leonora: Ikaw baga’y nagbibiro O ako’y sinisiphayo? Hayo’t ditto ay lumayo taong lubhang mapaglako.
Hindi kita kailangan ni makita sa harapan, umalis ka’t manghinayang sa makikitil mong buhay.

Don Juan: Pinopoon kong Prinsesa, galit mop o ay magbawa, kung ako’y nagkasala ito’y dahil sa
pagsinta. Danga’t ako’y nagkapuso na ginising ng pagsuyo sa dilag mo’y kalian kop o matanggap ang
pagsiphayo? Labis-labis ang paggalang sa iyo pong kamahalan, hingin man nga yaring buhay sa galit mo
po ay kulang

Leonora: Gasino na yaring palad na hamak sa lalong hamak, kung may daan pang tumaas nang sa iyo’y
maging dapat.
Don Juan: Sa iyong kapangyarihan sino kaya ang susuway? Nguni tang di ko malama’y ang gagawin kong
pagpanaw. Suwayin ang iyong nais, pinid sa akin ang langit, lumayo sa iyong titig, hininga ko’y
mapapatid. Sa gipit kong kalagayang walang hindi kabiguan ikaw na Prinsesang mahal ang magbigay
kapasiyahan.

Narrator: Ang prinsesa’y di nakatiis, pinahintulutan ding minatamis, ang prinsipeng mapangahas,
nilabanan ang ahas.

Leonora: Prinsipe, ikaw’y pumanhik dito na tayo magniig, bahay ko ma’y di marikit, payapa’t di maligalig

Don Juan: Prinsesa kong pinopoon, salamat sap ag-aampon, mag-utos ka’t umaayon itong lingcod mula
ngayon.

Leonora: Unang ibig kong malaman kung pa’no mo natuklasan itong lihim kong tahanan sa liblib ng
kabundukan?

Don Juan: Prinsesa kong kasi’t mutya, ang nangyari’y talinghaga, hamak yaring akdang dila na Magsaysay
ng himala. Isang gabing kalaliman na ako’y nahihimlay ginising ng panagimpang balong ito ay tinuran.
Ito, anya, ay lakbayi’t pagsikapan kong hanapin, magdusa mang sapin-sapin may ligayang tatamuhin.
Narito raw yaong talang lunas sa aking dalita, talang ito ay ikaw nga, O Leonora kong mutya. Pagkat
lihim itong balon sinong taong sakdal dunong ang dito’y makatutulong kundi Diyos ang may ampon? Sa
Diyos na ngang talaga ang sa iyo’y pagkakita, kaya, mabunying prinsesa, lunasanmo yaring dusa.

Leonora: A, Don Juan, di ko nais hamakin ka sa paghibik, kung sa iyo ma’y nagalit subok lamang ng pag-
ibig. Sinubok ko nga lamang kung ang puso mo’y marangal, ugali ng alinlanga’t pipitasin ang bulaklak.
Pagkat marami sa puso talusira sa pangako, sa pagsinta’y mapagbiro’t matuwaing sumiphayo. Pipitasin
ang bulaklak sa tangkay na nag-iingat, mahal habang di pa kupas, pag nalanta ay sa yapak

Don Juan: Leonora kong minamahal, O buhay ng aking buhay, sa puso ko’t katauha’y wala ka nang
kalantahan. Bulaklak ka ng pag-ibig, pabango sa aking dibdib, tuwing ako’y mahahapis, lunas na ang
iyong titig. Sa pagtulog at paggising, ikaw ang aking salamin, mata ko may mangulimlim liwanag mo’y
iilawin. Kaya pawiin na, giliw ko, alapaap sa puso mo, sa tibay ng iyong ‘oo’ ikaw’y aki’t ako’y iyo.

Narrator: Ang matamis na usapa’y naudlot, ng ang serpyente’y umabot, nakita ang pangahas na si Don
Juan at doon siya’y pipigilan.

Leonora: Ay, Don Juan, aking sinta, buhay nati’y paano na?

Narrator: Ang serpyente’y nagulat, nang Makita ang prinsipeng magilas. Agad na nagsalita kay Leonora,
kung bakit may tao na hindi kakilala.

Serpyente: Dito ay amoy manusya, Leonora, bakit kaya may tao’y ikinaila?

Don Juan: O serpyente, ang buhay mo’y mapuputi!

Serpyente: Iyana ng hinahanap ko, magsisi ka at totoong makikitil ang buhay mo.
(SCENE) labanan

Narrator: 623-625. Nang ang prinsipe’y nahirapan, tumawag na sa kataas-taasan. At doon na nga
naputol, buhay ng serpyenteng malugod, napagtanto ni Don Juan, na ang Diyos ay laging nandyan.638

Leonora: Don Juan, tingna’t narito ang mabagsik na balsam, na sa bawat isang ulong mapuptol, ibuhos
mo. Ulong putol na mabusan ay hindi na mabubuhay at siya nang pagkamatay ng serp’yenteng
tampalasan.

Narrator: Ang prinsipe’y muling inatake, subalit nakaiwas itong prinsipe. Hanggang sa tuluyan nang
makitil, buhay ng serpyenteng magiting.

Serpyente: 646-647 Mag-ingat, mga kuhila, sa galit ko’t pagkadusta, magugunaw itong lupa. Di ko kayo
huhumpayan hanggang di mangamatay, ang ulo ko, iisa man ako ang magtatagumpay.

Narrator: Ngunit pagkasawing-palad, sumuko ang kanyang dahas, ulong isa ay natagpas: ang serp’yente
ay nautas.

Leonora: O, marikit na prinsesa, tapos na ang iyong dusa.

Don Juan: Halika na aking giliw, balong ito ay lisanin, bagong lupa ang tunguhing sa iyo’y makaaaliw.

You might also like