Mat. 18.21 - 35 Nararapat Sa Bawat Pinaghaharian NG Diyos Ang Pusong Mapagpatawad

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

Text: Matthew 18: 21-35


Theme: Forgiveness in God’s Kingdom

Sermon Outline

Proposition: Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

P.Q.: Bakit nararapat sa bawat pinaghaharian ng Diyos ang pusong mapagpatawad?

Intro: Ang pagpapatawad ay hindi lamang ibinibigay ng masagana. Bagkus, ito ay


nararapat sa lahat ng pagkakataon. (tl. 21-22)

I. Nararapat Tayong Magpatawad dahil Una Tayong Nakalasap ng Napakalaking


Biyaya ng Pagpapatawad ng Diyos (tl. 23-27).
II. Nararapat Tayong Magpatawad dahil Anumang Kasalanang Maaaring Gawin
sa Atin ay Napakaliit Kumpara sa Ating Pagiging Makasalanan (tl. 28).
III. Nararapat Tayong Magpatawad dahil Ito’y Katibayan ng Isang Pusong Binago
ng Diyos (tl. 29-33).

Conclusion: Ang pananatili sa hindi pagpapatawad at sa masasamang saloobin kalakip


nito ay pagtanggap din sa kahatulan ng Diyos (tl. 34-35).

Sermon Proper

Ang Talinghaga Tungkol sa Lingkod na Di-marunong Magpatawad


v21Lumapit noon si Pedro at nagtanong sa kanya, "Panginoon, makailan kong patatawarin ang
aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?" v22Sinagot siya ni Jesus, "Hindi ko
sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. v23Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito:
ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. v24Unang dinala
sa kanya ang isang may utang na 10,000,000.d v25Dahil sa siya'y walang ibayad, iniutos ng hari na
ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian, upang makabayad. v26Nanikluhod ang
taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: 'Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo
ang lahat.' v27Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.

v28"Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may
utang na 500e sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: 'Magbayad ka ng utang mo!'
v29Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: 'Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.'
v30Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito'y
makabayad. v31Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila'y labis na nagdamdam;
pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. v32Kaya't ipinatawag siya ng hari. 'Ikaw---napakasama
mo!' sabi niya. 'Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. v33Nahabag ako sa iyo;
hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?' v34At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa

Mateo 18: 21-35 Guinhawa Bible Church, February 19, 2012 Page 1
Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

mabayaran niya ang kanyang utang. v35Gayon din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung
hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid." (Mat. 18: 21-35)

First Move [Relate to the Listeners that the Capacity to Forgive Always is Necessary for Every
Christian].

[There are two faces to choose from for every Christian Church.] May dalawang mukha na
maaaring pagpilian ang bawat Iglesia:

Ang Magandang Mukha Ang Hindi-Magandang Mukha


May apat na sulok, walang mga dingding at Hindi mo alam kung nasaan ang mga sulok at
walang mga pagitan. napakaraming dingding sa pagitan ng mga
mananampalataya.
Mahigpit ang pagkakamayan, ramdam ang init Napipilitang iabot ang mga kamay, walang diin
ng mga palad. sa pagkamay.
Pag nagbabatian, hindi lamang ang mga labi Pilit ang ngiti at hindi makatingin ng diretso sa
ang ngumingiti kundi pati ang mga mata. mga mata.
Nananabik na makasama ang bawat isa. Walang interes sa pakikisama.
Ang kabigatan ng isa ay kabigatan ng lahat, Walang tunay na pakialaman sa buhay ng
ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat. bawat isa.
Sa mga gawain ay naroroon ang pakikiisa at Ang tunay na pagkakaisa ng mga puso at
pagsasakripisyo sa kapakanan ng lahat. isipan sa gawain ay mahirap maabot.

[a forgiving spirit makes the difference.] Isang bagay lamang ang nagdudulot ng
kaibahan sa dalawang mukha na ito na maaaring mangyari sa anumang Iglesia:
Pusong Mapagpatawad, o ang kawalan nito.

[Obedience to Jesus’ command.] Ang utos ng Panginoon: ‘magibigan kayo’ (Jn. 13: 34,
35). Ang pagpapatawad ay isang matibay na kapahayagan ng pag-ibig sa bawat isa. Ang
kahandaan sa pagpapatawad ay epektibong pagsubok sa lalim ng ating pag-ibig sa iba.

[Every Christian is expected to have a forgiving heart.] v21Lumapit noon si Pedro at


nagtanong sa kanya, "Panginoon, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na
nagkakasala sa akin? Makapito po ba?" v22Sinagot siya ni Jesus, "Hindi ko sinasabing makapito, kundi
pitumpung ulit pa nito. Sa Judaismo, ang tatlong beses na pagpapatawad ay sapat na upang ikaw
ipakita na ikaw ay mapagpatawad (Job 33: 29, 30; Amos 1: 3; 2: 6). Kaya inakala ni Pedro na
talagang mapagpatawad na siya sa kanyang ‘pitong beses’. Subalit ang mga tunay na disipulo ni
Jesus ay nararapat na magpatawad na hindi na binibilang kung ilang beses nila ito ginagawa (70
x 7 = 490). [ESV Study Bible]

Sa pamantayan ni Jesus, ang pagpapatawad ay isang Standard – dapat itong ginagawa


sa anumang sitwasyon, gaano man kasakit, gaano man kadalas.

Mateo 18: 21-35 Guinhawa Bible Church, February 19, 2012 Page 2
Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

Second Move [Inform the listeners about why forgiveness is a true Christian virtue.]:

Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

[This section of Matthew trains the disciples for Kingdom-thinking and living.] Ang Gospel of
Matthew ay sinulat para sa mga Judio, na ang pagbibigay-diin ay ang pagiging Mesias ni Cristo,
at ang pagtatatag ng Kaharian ng Diyos.

Ang Chp. 18 ay nagtuturo rin ukol sa mga prinsipyo kung paano mamuhay sa Kaharian
ng Diyos (‘your Father in heaven’ – tl. 11, 14, 19; ‘kingdom of heaven’ – tl. 1, 4, 23).

[What is a Parable? Its purpose.] New Bible Dictionary


A parable is ultimately derived from Greek ‘parabolē’, literally ‘putting things side by
side’.
It is a short descriptive story, usually designed to inculcate a single truth or answer a
single question. The parables are the appropriate form of communication for bringing to
men the message of the Kingdom, since their function is to jolt them into seeing them in
a new way. They are means of enlightenment & persuasion, intended to bring the
hearers to the point of decision.

‘An earthly story with a heavenly meaning.’

Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

Bakit nararapat sa bawat pinaghaharian ng Diyos ang pusong mapagpatawad?

I. Nararapat Tayong Magpatawad dahil Una Tayong Nakalasap ng Napakalaking Biyaya


ng Pagpapatawad ng Diyos (tl. 23-27).
v23Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang
mga lingkod na may utang sa kanya. v24Unang dinala sa kanya ang isang may utang na 10,000,000.d
v25Dahil sa siya'y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat
ng ari-arian, upang makabayad. v26Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: 'Bigyan
pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.' v27Naawa sa kanya ang hari kaya
ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.

[The great mercy of God.] Ang parabulang ito ay may pagbibigay-diin sa napakalaking habag at
biyaya ng pagpapatawad ng Diyos. Inihahalintulad nito ang pagpapatawad ng hari sa
pagpapatawad ng Diyos sa ating mga kasalanan.

Mateo 18: 21-35 Guinhawa Bible Church, February 19, 2012 Page 3
Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

[We have sinned so much.] Ang kalakihan ng habag ng Diyos sa Kanyang


pagpapatawad ay makikita natin kung gaano kabigat ang pagkakasala natin sa Kanya. Gaano
kabigat ang ating pagkakasala? Isinalarawan ito sa kalakihan ng utang ng lingkod:

“Ten thousand talents” [ESV Study Bible]

Biblical Time:
OT = talent is equal to 75 pounds (34 kg)
NT = ang talent ay halaga ng pananalapi, sa halagang 6,000 drachmas, na katumbas ng 20 taon
na sahod. (1 denarius = kita sa isang araw)

Converted to present day:


$ 15/hr.
2,000 hrs. per year = $30,000
1 Talent = $ 600,000 ($30,000 x 20)
10,000 Talents = $ 6 billion ($600,000 x 10,000)

P6,000/month
12 months per year = P72,000
1 Talent = P1,440,000 (P72,000 x 20)
10,000 Talents = P14 billion (P1,440,000 x 10,000)

[Being aware of the great forgiveness of God humbles us down to forgive.] Ang
pagkamangha sa kadakilaan ng pagpapatawad sa atin ay lumilikha sa atin ng puso ng
kababaang-loob upang magpatawad:

1. Ito’y utang na kailanman ay hindi mababayaran. ‘Ipagbili ang lingkod, asawa, mga anak,
at mga ari-arian’ nangangahulugan na kahit ang buhay ng lingkod ay hindi sapat upang
bayaran ang kanyang utang. Subalit nagpatawad ang hari sa napakalaking utang, at sa
ating kalagayan sa harap ng Diyos, ang utang ay sumisimbolo sa ating mga kasalanan. Sa
bawat tao, ang ‘kabayaran sa kasalanan ay kamatayan’ (Rom. 6: 23).
2. Ang habag ng nagpapatawad ang tanging bagay na makapagbabayad at
makapagpapatawad sa kasalanan. Ang hari ay hindi na naningil sa utang ng lingkod,
dahil pinatawad na niya ito. Sa habag at pasensya ng Diyos, ang hatol ay hindi ibinaba.
God could send sinners right now to hell & still be righteous – but He does not. In his
mercy he has forgiven our debt.
3. Ang Diyos mismo ang nagkaloob ng paraan upang mabayaran ang ating pagkakasala.
In God’s divine plan – it required the death and resurrection of His Son Jesus Christ.
Christ’s Divine Life – in exchange for our sinful life.
Christ’s Righteousness – in exchange for our sinfulness

“kaligtasang… napakadakila” (Heb. 2: 3)

Mateo 18: 21-35 Guinhawa Bible Church, February 19, 2012 Page 4
Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

Bakit nararapat sa bawat pinaghaharian ng Diyos ang pusong mapagpatawad?

II. Nararapat Tayong Magpatawad dahil Anumang Kasalanang Maaaring Gawin sa Atin ay
Napakaliit Kumpara sa Ating Pagiging Makasalanan (tl. 28).
v28"Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na
500 sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: 'Magbayad ka ng utang mo!'

[Too small compared to our sins against God.]

100 denarii = 20 weeks of labor


= $ 12,000
= P 30,000

Ang halagang ito na 100 denarii o P30,000 na pagkakautang sa kanya ng kapwa-lingkod ay


lubhang napakaliit kumpara sa utang niya sa hari na P14 billion.

[Too small but could be too big & painful.] Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika:
'Magbayad ka ng utang mo!' (tl. 28) Siguro ay nasa mahigpit ding pangangailangan ang pinatawad
na lingkod kaya para sa kanya ay napakalaki ng halagang 100 denarii. Ang kasalanang nagagawa
sa atin ng ating kapwa, bagamat napakaliit kumpara sa pagkakasala natin sa Diyos, ay maaaring
napakasakit para sa atin, at sumasakop sa buo nating pagkatao. Walang karapatan ang
sinuman na sabihin na maliit lamang ang nagawang pagkakasala sa kanya ninuman, dahil
maaaring ito’y napakasakit, subalit napakaliit pa rin nito kumpara sa pagiging makasalanan
natin sa Diyos.

[The depth of our sin/sinfulness is based on God’s Holiness.] We could only understand
how little are the sins committed against us when we compare it our sinfulness against God.

Bakit napakalaki ng ating kasalanan sa harapan ng Diyos? Dahil ito’y paglapastangan sa


Kanyang kaluwalhatian, Kabanalan, at Katuwiran.

[Events regarding God’s holiness.] Ilang halimbawa sa Biblia ukol sa kabanalan ng Diyos:

- Kahit ang mga serapin na tuwina’y sumasamba sa Diyos ay nakatakip ang mukha at
buong katawan dahil sa kabanalan ng Diyos:
v1Nang taong mamatay si Haring Uzias, nakita ko si Yahweh. Nakaupo siya sa isang
napakataas na luklukan. Ang laylayan ng kanyang damit ay nakalatag sa buong Templo.
v2May mga serapin sa kanyang ulunan, at bawat isa'y may anim na pakpak. Dalawa ang
nakatakip sa mukha, dalawa sa buong katawan, at dalawa ang ginagamit sa paglipad.
v3Wala silang tigil nang kasasabi sa isa't isa ng ganito:
"Banal, banal, banal si Yahweh na Makapangyarihan; (Isa. 6:1-3)

Mateo 18: 21-35 Guinhawa Bible Church, February 19, 2012 Page 5
Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

- Pinatay ng Diyos si Uzzah dahil sa paghawak sa Kaban ng Tipan: (2 Sam. 6:5-7)


v6Nang malapit na sila sa may giikan ni Nacon, natalisod ang mga baka. Para hindi
bumagsak ang Kaban ng Tipan, hinawakan ito ni Uza. v7Nagalit si Yahweh at siya'y
pinarusahan sa ginawang iyon. Noon di'y namatay si Uza sa tabi ng Kaban ng Tipan.
- Ang pagpasok ng Dakilang Saserdote sa Dakong Kabanal-banalan na may kasalanan ay
magdudulot sa kanya ng kamatayan.
- Ang pagparusa ng Diyos sa mga makasalanang hindi nagsisi ay matuwid dahil Siya ay
Banal:
v3Inaawit nila ang awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero:
"Panginoong Diyos na Makapang- yarihan sa lahat… Matuwid at totoo ang iyong mga daan!
v4Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon? Ikaw lamang ang banal! …nakita ng lahat ang
matuwid mong mga gawa."
v6Lumabas mula sa templo ang pitong anghel na may dalang pitong salot… Ang mga ito'y
punung-puno ng poot ng Diyos na nabubuhay magpakailanman (Rev. 15: 3-6)

Little or big, it’s big because it is defiance against the holiness and worth of God.

[Our worth is not the same as the worth of God.] Hindi kaluguran ng Diyos na tayo’y
nagkakasala sa isa’t-isa. Mahalaga sa Diyos ang bawat tao, at ipinaghihiganti Niya ang mga
naaapi. Kung ipinagtatanggol ng Diyos ang mga naaapi, lalo’t higit na ipagtatanggol ng Diyos ang
Kanyang kabanalan kung ito’y ating nilalapastangan. Higit na mas napakataas ng halaga ng
kabanalan ng Diyos kumpara sa ating mga buhay.

Kung hindi natin ipagpapatawad ang kasalanan sa atin dahil sa tingin natin ito’y
napakalaki at napakasakit, ay ipinapalagay na rin nating mas matuwid tayo sa iba. Lahat tayo
ay pantay-pantay dahil lahat tayo’y nagkakasala.

Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

Bakit nararapat sa bawat pinaghaharian ng Diyos ang pusong mapagpatawad?

III. Nararapat Tayong Magpatawad dahil Ito’y Katibayan ng Isang Pusong Binago ng Diyos
(tl. 29-33).
v29Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: 'Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.'
v30Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito'y
makabayad. v31Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila'y labis na nagdamdam;
pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. v32Kaya't ipinatawag siya ng hari. 'Ikaw---napakasama
mo!' sabi niya. 'Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. v33Nahabag ako sa iyo;
hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?'

Mateo 18: 21-35 Guinhawa Bible Church, February 19, 2012 Page 6
Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

[The experience of mercy results to expression of mercy.] Habag ang inaasahan ng hari na
ipakita ng lingkod sa kanyang kapwa lingkod – ito’y dahil sa una niya itong pinakitaan ng
kahabagan at pagpapatawad.

Ang puso na nakaranas ng habag ng Diyos ay dapat na nagkakaroon din ng kakayanan


na mahabag sa kalagayan ng iba. Ang pagpapatwad mismo ay udyok ng pag-ibig at habag na
nagmumula sa puso, hindi lamang sa isip, ‘patatawarin sa inyong mga puso’ (Ang Biblia) ‘do not
forgive… from your heart’ (ESV). Katulad din ito ng utos ng Panginoon: ‘Kung paanong inibig ko
kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo.’ (Jn. 13: 34).

[Patience & Anger in relation to mercy.] ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon…’ (tl. 26, 29)
= ‘Have patience with me…’ (ESV). Ang ‘Kahabagan’ dito ay kaakibat ng ‘pasensya’ o ‘lawak ng
pang-unawa’. Ito’y nangangahulugan ng pag-unawa at pagtanggap sa katotohanang ang
bawat tao ay:
- mahina,
- may mga kahinaan,
- talagang nagkakasala, at
- nakakasakit kahit sa kanyang minamahal.

The more we have patience, the more we have the capacity to forgive.

Lack of Patience = very close to Anger. At ang pagkagalit bunga ng kawalan ng


pasensya ay kadalasan (hindi lagi) kontra sa pag-ibig.

The more eaten up by anger the lesser love the more driven to sin:
Self-righteousness
Unforgiveness
Revenge
v26Kung magagalit man kayo, iwasan ninyong kayo'y magkasala. Agad ninyong pawiin sa kalooban ang
galit. v27Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. (Efe. 4: 26, 27)

Being full of anger shows unmercifulness. God=slow to anger, full of mercy

[Summary of the three.] Tatlong katotohanan na siyang dahilan kung bakit nararapat sa
bawat pinaghaharian ng Diyos ang maging mapagpatawad sa kanilang mga puso, na siyang
tumutulong din upang akayin tayo sa pagpapatawad:
I. dahil Una Tayong Nakalasap ng Napakalaking Biyaya ng Pagpapatawad ng Diyos
(pinatawad ng Diyos)
II. dahil Anumang Kasalanang Maaaring Gawin sa Atin ay Napakaliit Kumpara sa Ating
Pagiging Makasalanan (lahat tayo ay nagkakasala sa isa’t-isa)
III. dahil Ito’y Katibayan ng Isang Pusong Binago ng Diyos (may pusong binago ng Diyos)

Mateo 18: 21-35 Guinhawa Bible Church, February 19, 2012 Page 7
Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

[Other thoughts regarding forgiveness.]

1. True forgiveness and the ability to forgive more easily – comes with the emotional and
spiritual maturity of the person. The emotionally immature cannot handle emotions.
2. When can we truly say that we have truly forgiven? The release of forgiveness and the
allotted time for healing of the pain could be different times. But the real test of
forgiveness is that when the pain is no longer felt. Pain must be healed, and its reality
must not be denied (the humanness of every being).
3. There is a process for forgiveness, and often not the same for every case and individual.
Not undergoing the appropriate process hinders us from releasing forgiveness, even if
the heart and mind are willing.
4. Releasing true forgiveness and the healing from pain become possible thru God’s
Grace.
5. How do we feel when the offender repeats the same sin over and over again? How does
God feel when we do the same thing? The forgiver and the forgiven can be accountable
to each other for victory over sin.
6. Unforgiveness and hardness of heart – can multiply sin. It makes the heart a stronghold
for Satan (Eph. 4:26-27); creates havoc in relationships (Matt. 5:9). God-Father of PEACE
7. ‘3 Signs of True Forgiveness’:
a. Hindi na inuungkat sa sarili
b. Hindi na inuungkat sa taong nagkasala
c. Hindi na inuungkat sa iba (tsismis)
8. Relationship is the real issue, and not the emotions. Issue of love.
9. ‘3 Steps to Forgiveness’ [How Can I Forgive by vera Sinton]
a. Recognizing the hurt and anger.
b. Understanding what has happened and how the other person views it.
c. Letting the anger go.

Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

Third Move [Convict the listeners that a Christian Life always call for a forgiving spirit and
forgiveness.]:

[While on earth forgiveness is always a necessary virtue.] Forgiveness often costs us a lot, but
is always right and necessary.

Hindi tayo maaaring mamuhay na umuunlad sa mga gawain, ministeryo, pagbibigay,


pananampalataya, doktrina, atbp. kung hindi naman tayo umuunlad sa pagpapatawad.

[We shall always hurt one another, and forgiveness is the only key for healing &
restoration of relationships.] Truth: Anuman ang maging pag-unlad natin sa pag-ibig at

Mateo 18: 21-35 Guinhawa Bible Church, February 19, 2012 Page 8
Nararapat sa Bawat Pinaghaharian ng Diyos ang Pusong Mapagpatawad

relasyon, hindi lubos na maiiwasan na magkasakitan pa rin tayo… forgiveness then is the only
key and solution for healing and restoration of relationships.

Without forgiveness, the church will be destroyed.

Fourth Move [Let us all practice forgiveness.]:

Conclusion: Ang pananatili sa hindi pagpapatawad at sa masasamang saloobin kalakip nito ay


pagtanggap din sa kahatulan ng Diyos (tl. 34-35).
v34At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang.
v35Gayon din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang
inyong kapatid."

[Through two stories.]


1. Jesus Washes the Disciples’s Feet and symbolically forgives the future sin of Peter.
Ang dumi at putik na nasa paa ng mga alagad ay sumibimbolo sa espiritwal na karumihan, o
kasalanan. Sa halimbawa ni Jesus sa tagpong ito, ang pagpapatawad ay hindi lamang nangangahulugan
ng aktwal na pagpapatawad o paglimot sa kasalanan. Bagkus, nangangahulugan din ito ng
pagmamahal sa isang tao at pagtanggap sa kabuuan kung sino man siya – kasama na ang lahat ng
kanyang kahinaan, nang walang mapanghatol na kaisipan, o anumang mababang pagtingin sa kanyang
pagkatao. Ang Malalim at Tunay na Pag-ibig, ay laging handang magpatawad, at, sa ipinakita ni Jesus,
ay nagpapatawad na bago pa man ginawa ang aktwal na kasalanan. Ibig sabihin, ang puso natin ay
nakahanda nang magpatawad bago pa man tayo gawan ng kasalanan. Ang pagkakasalang tinutukoy
dito ay ang pagtatatwa ni Pedro sa Kanya (Jn. 13: 6-11, 36-38).

2. The Pastor Forgives the Lost of His Two Sons


Pastor Son in Korea in the 1940s was a gentle, gracious man. He had already suffered
imprisonment by the foreigners who controlled his country. Then he received news that his two sons at
college had been murdered by student activists because they would not join the cause.
As the pastor took their funeral service, the congregation was astonished to hear him announce
that God had given him a love which made him determined to seek out and adopt the killer. Through a
network of friends, a frightened young man was rescued from a firing squad and brought face to face
with his victims’ family.
‘We’ve lost two sons,’ said Pastor Son. ‘Come and be our son instead.’

[Through a Song of Forgiveness: ‘Pag-Isahin Mo’.]

Layunin po ng mensaheng ito na hikayatin ang bawat isa na magkaroon ng pusong


mapagpatawad bilang kapahayagan ng pagiging mga tunay na anak ng Diyos.

Sola Deo Gloria – To God Alone Be the Glory!

Mateo 18: 21-35 Guinhawa Bible Church, February 19, 2012 Page 9

You might also like