Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

NEWS #1

Lalaki, sugatan matapos pagtangkaang paslangin ng kinakasama


Isinulat ni: Charizze Gale D. Umayam

Isang lalaki ang kasalukuyang sugatan matapos umano itong pagtangkaang saksakin at
patayin ng isang babae na kanyang mapapangasawa sa kanilang tinutuluyang mansyon kahapon
ng hating-gabi.
Ayon sa pahayag ng isa sa mga tagapagsilbi sa mansyon, sinabing nangyari ang insidente
habang mahimbing na natutulog ang lalaki.
Kinilala ang biktima bilang ang diyos ng pag-ibig na si Cupid at kinilala naman ang suspek
na 24-anyos bilang si Psyche, isang mortal na kinasama ng biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, napatakan ni Psyche ng mainit na langis mula
sa lampara nito kaya’t nagisng ang biktima na si Cupid. Nakatamo ng matitinding sugat at sunog
sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Cupid mula sa nasabing kumukulong langis.
Agad na nakatakas si Cupid mula sa kinakasama na kalauna’y pumunta sa tahanan ng
kanyang ina, at ngayon ay inoobserbahan pa ang kalagayan.
Aminado ang suspek sa krimen at sinabing ginawa niya ito dahil sa hinalang ang kanyang
kinakasama ay isang halimaw.
Kasalukuyang hinahanap ni Psyche ang diyos ng pag-ibig na si Cupid upang humingi ng
kapatawaran mula rito.
NEWS #2
Dalawang babae, nilason ang utak ng bunsong kapatid
Isinulat ni: Charizze Gale D. Umayam

Mariing pinagpilitan ng dalawang babae sa kanilang nakababatang kapatid na ang


itinakdang mapapangasawa nito ay isang halimaw na mapagpanggap.
Ito’y matapos dalawin nila ang bunsong kapatid na si Psyche sa mansyong tinitirahan nito.
Ang tahanan umano ni Psyche at ang asawa nito ay walang katulad kaya’t pagkamangha ang
naramdaman ng magkapatid.
Marahil rito, labis na pangingimbulo ang bumalot sa kalooban ng mga ate ni Psyche.
Ayon sa report ng kapulisan, ang pagkainggit na naramdaman ng dalawa ay humantong sa
karumal-dumal na pagpaplano na ikinasama ng kanilang kapatid. Napagdesisyunan ng dalawa na
lituhin at lasunin ang isip ni Psyche.
Sa muling pagdalaw ng dalawang magkapatid, isinagawa nila ang kanilang malagim na
balak. Nagresulta ito sa pagkabiyak ng pangako ng kanilang nakababatang kapatid sa kanyang
kinakasama.
Kanilang binuyo si Psyche na magtago ng punyal at lampara sa kanyang silid, at gamitin
ang mga ito laban sa kanyang mapapangasawa. ‘Di umano’y binanggit pa ng dalawa na sasamahan
nilang tumakas ang bunsong kapatid, kung kaya’t isinagawa ni Psyche ang bilin ng kanyang mga
ate.
Mas napadali ang imbestigasyon sa paghahanap ng mga kagamitan sa tinangkang
pagpatay, sapagkat nagsalita ang isang tagapagsilbi na nakapanayam ng mga imbestigador.
“Ako po’y inutusan ni Psyche na kumuha ng isang lampara at punyal at dalhin ito sa
kanilang silid. Pagkatapos nito ay isang malakas na kalampag ang aking narinig kaya’t nagmadali
akong pumunta patungo sa kanilang kuwarto. Pagkarating ko sa kanilang silid, si Psyche na
lamang ang natagpuan kong nag-iisa sa loob nito.”
Inisaad sa huling ulat na naging matagumpay ang plano ng dalawang babae sa
pagpapahirap ng kanilang kapatid, dahil napag-alamang kasalukuyang humaharap si Psyche sa
mga pagsubok na inihain ni Venus, na siya namang nanay ng kanyang mapapangasawa.
NEWS #3
Babae, natagpuang sugatan at walang malay
Isinulat ni: Ma. Sophia Gale Timbol

Sugatan ang umano'y pinakamagandang babae sa kalawakan na natagpuan malapit sa isang


lawa nitong nakaraang Miyerkules. Wala siyang malay nang natagpuan ng isang magsasaka na
dumiretso sa awtoridad para ipaalam ang nakita.
"Nakahandusay lamang siya sa sahig at nakaposas ang kanyang kamay at paa. May busal
din sa kanyang bibig. Marami siyang sugat sa kamay pati na rin sa binti, wari'y tanda na siya'y
nanlaban," ani ng magsasaka. Dinala naman sa ospital ang babae at matapos ang limang oras ay
nagkaroon na ito ng malay.
Napag-alamang siya si Psyche, at nang hinihintay niya ang asawa sa loob ng kanilang
mansyon ay di-umano'y may nagpatay ng mga ilaw at dalawang naka-maskarang tao ang kanyang
naaninag. "Hindi ko nakita ang kanilang mga mukha dahil na rin sa maskara, ngunit sila sa tantya
ko ay may katawang katulad ng sa mga babae. Ang isa sa kanila ay pinosas ang aking kamay
ngunit tinangka kong manlaban. Kaso mas malakas sila at may mga dalang patalim kaya wala na
rin akong nagawa."
Inimbestigahan ng kapulisan ang crime scene at napag-alamang may mga nawawalang
gamit na kinumpirma naman ni Psyche. "Maaaring nangyari nga ang krimen para makapagnakaw
dito sa mansyon, ngunit hindi pa rin tayo pasisiguradong ganoon na nga. Baka motibo lamang
talaga nilang ipahamak ang biktima at nililito lamang tayo." ani Chief Bucad.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon para malaman ang dalawang suspek sa
likod ng krimeng ito.
NEWS #4
Diyosa ng Kagandahan, nabalewala dahil sa isang mortal!
Isinulat ni: Ma. Sophia Gale Timbol

Nitong Lunes, alas-dos ng hapon ay may pumuntang sugo ni Venus, ang diyosa ng
kagandahan, sa awtoridad. Nagreklamo siya sapagkat hindi na sinasamba ng mga tao si Venus at
ang atensyon nila ay nasa kay Psyche, isang mortal na nagtataglay ng pambihirang kagandahan.
"Galit na galit si Venus dahil nababalewala lamang siya dahil lamang sa isang mortal!
Pinagbantaan niyang hindi na siya magbibigay ng yaman kung magpapatuloy ang
pambabalewala sa kanya."
Hindi naman nagpaunlak ng pahayag si Psyche. Ayon sa mga awtoridad ay malaki ang
problemang kahaharapin g mga tao kung magpapatuloy pa ito. Lalo na't marami ang umaasa kay
Venus sa usapang kayamanan.
"Marami talaga ang nakaasa kay Venus pagdating sa mga ganyan kaya hindi namin alam
anong gagawin namin upang masolusyunan ito," ani sekretarya ng kapulisan.
Ginawa na nila ang unang hakbang para magbalik-loob sa Diyosa nitong Miyerkules.
Nag-umpisa sila sa pagsasamba muli at paglilinis ng pook-sambahan.
Hanggang ngayon ay nag-iisip pa ng ibang hakbang ang mga awtoridad.
FEATURE #1

Kasalan ng Taon!
Isinulat ni: Charizze Gale D. Umayam

Nagsimula ang lahat nang hinatid ng hangin ng Zephyr ang babaeng pinagpalaan ng
bukod tanging ganda. Ang mga sumunod na pangyayari sa istorya ng pagmamahalan ng diyos at
diyosa na si Cupid at Psyche ay kasaysayan na.
Ginanap ang kanilang kasal sa palasyo ng mga diyos at diyosa. Umabot sa libo-libong
mga bisita ang nakasaksi sa matrimonyo, kabilang rito ang mga immortal na diyos at diyosa
maging ang mga kalahating diyos at diyosa na kilala rin sa katawagang demigods.
Itinuring itong isang selebrasyon ng kapayapaan at pagmamahalan sapagkat magkaiba
man ang pinagmulan ng dalawang ikakasal ay tanggap nila ang isa’t isa at mayroon silang basbas
ng mga nakatataas na diyos at diyosa.
Maraming namangha nang bumukas ang naglalakihang pinto, at nasilayan ang walang
kupas na kagandahan ni Psyche. Puno ng kagarbohan at luho ang kapaligiran mula sa ginituang
mga poste na nakapalibot sa kanila hanggang sa mga marmol na nakapalibot sa kanila, maging
na rin ang kasuotan ni Psyche na isang tradisyonal na puting chiton, ang kasuotang para sa mga
diyosa, na may halong ginintuang kulay. Tila ba’y kumikinang ang kasuotan nito at tunay ngang
bumagay ang pinaghalong puti at gintong tela ng damit ni Psyche sa kaniyang kutis. Ang
kagandahan ni Psyche ay pumukaw sa lahat ng mata ng mga diyos at diyosang naroroon, lalong
lalo na ang mapapangasawa nitong si Cupid.
Iba’t ibang kulay ng talulot ang nahulog mula sa kalangitan habang siya’y unti unting
naglakad sa pasilyo ng Mt. Olympus, tahanan ng mga diyos at diyosa, habang nakatitig lamang
sa mapapangasawang si Cupid na nasa harap ng altar kasama si Jupiter na magkakasal sa kanila
bilang hari ng mga diyos at diyosa.
Masisilayan ang mga ngiting bumalot sa labi ng mga manonood nang sumagot ng “Opo”
ang magkabiyak nang tanuningin kung tinatanggap nila ang isa’t isa bilang kanilang asawa at ng
sila’y magbigayan ng kanilang mga pangako sa bawat isa.
Ang isang karaniwang kasal ay natatapos sa paghalik ng lalaki sa babae, ngunit ang
seremonyang naganap ay hindi kailanman matatawag bilang pangkaraniwan bagkus ito ay puno
ng kahiwagaan sa paraang nagtapos lamang ang matrimonya nang gawing diyosa ang kaluluwa
si Psyche sa pagsangayon ng lahat ng diyos at diyosa roon.
Magkahawak-kamay na lumabas ang mag-asawa sa palasyo at mababakas sa kanilang
mga mukha ang walang katapusang kasiyahan. Parehong ihinatid ng hangin ng Zephyr ang
dalawa sa kanilang tahanan, at mula sa araw na iyon, naging mapayapa ang kanilang mga buhay
at namuhay sila ng puno ng pagmamahalan.
Patunay ang istorya ni Cupid at Psyche na ang pagmamahal ay walang pinipiling tamaan,
diyos man o mortal.
FEATURE #2

Tiwala: Isang mahalagang sangkap sa pagmamahalan


Isinulat ni: Irish Kate B. Yalung

Kapag ang isang lalaki ay nanligaw sa isang babae ang ibig sabihin nito ay mahal niya ito
kaya gagawin niya ang lahat upang makuha niya ang tiwala nito. Sa panahon na binitawan na ng
babae ang sagot niyang matamis na "oo", ito na ang simula ng kanilang pagmamahalan nila at
pagtitiwala sa isa't isa.

Ang tiwala ay isang mahalagang sangkap sa isang relasyon. Mahalaga ito sapagkat ito ang
susi upang malagpasan ng mag-asawa ang kanilang mga pagsubok na haharapin nila sa buhay. Ito
rin ang nagsisilbing pundasyon na nagpapatatag sa kanilang pagsasama.

Sa mitong Cupid at Psyche, nagmamahalan sila at may tiwala sa isa't isa. Sa kabila ng hindi
pagkilala ni Psyche sa tunay na pagkatao ni Cupid, minahal at tinanggap niya parin ito. Dahil siya'y
may tiwala kay Cupid naging masaya ang kanilang pagsasama at naging matatag ito na wari wala
ng makakapigil sa pagmamahalan nila.

Ngunit sa kalagitnaan ng storya, nagkaroon ng padududa si Psyche sa kaniyang mahal dahil


sa panunulsol ng kaniyang mga kapatid. Bunga nito, nasaktan si Cupid dahil sa pagiging mausisa
ni Psyche.

Mula dito, makikita ang kahalagahan ng pagtitiwala sa isang relasyon. Dahil sa pagdududa
at hindi pagtitiwala, hindi nagiging matatag o matibay ang pagsasama. Ito'y nagiging mahina at sa
huli maaaring masira ang pinaghirapang tiwala. Mahalaga ang pagtitiwala dahil maraming
namamatay sa maling akala.
FEATURE #3

Diyosa ng Kaluluwa
Isinulat ni: Irish Kate B. Yalung

Sa kaniyanag taglay na kagandahan, lahat ay nahuhumaling, Siya’y isang mortal na


sinasamba ng mga kalalakihan dahil sa kaniyang pambihirang kariktan. Siya ay walang iba kung
hindi si Psyche, ang mortal na naging asawa ni Cupid.

Si Psyche ay kilala rin bilang diyosa ng mga kaluluwa. Dahil sa kaniyang angking
kagandahan, isang bagay na hindi niya kailanman ipinagpasalamat, na sinamba ng mga mortal sa
kalupaan, nainggit sa kaniya ang diyosa ng pagmamahal at kagandahan na si Venus. Nang dahil
dito ay inutusan ni Venus ang kaniyang anak na si Cupid na parusahan si Psyche at paibigin ito
sa isang halimaw na kinatatakutan ng lahat. Ngunit, isang silay mula kay Psyche ni Cupid ang
gumulantang sa buhay ng binata. Nangyari ang hindi inaasahan, si Cupid ay nahulog para kay
Psyche.

Sila’y nagpakasal ngunit taliwas ito sa kaalaman ng diyosang si Venus habang si Psyche
naman ay hindi tunay na kilala ang katotohanan sa katauhan ni Cupid. Sa kabila ng lahat ng iyon,
minahal pa rin nila ang isa’t isa ng buong puso na tila ba ay wala ng papantay dito. Sa
kadahilanang ito, marami ag nainggit, lalong-lalo na si Venus at ang mga kapatid ni Psyche
namay kaniya-kaniyang mga asawang hari.

Maraming pinagdaanan si Psyche. Mga bagay na sinumang may kahinaan ng loob ay


siguradong hindi magtatagumpay. Mula sa panlilinlang ng kaniyang mga kapatid na nagdulot ng
pagkasira ng relasyon nila ni Cupid hanggang sa pang-aalila sa kaniya ni Venus upang
maghiganti sa mga kasalanang hindi niya sinasadyang magawa.

Bagamat siya’y naghirap at pinahirapan, gamit ang determinasyon at kabutihang-loob at


mabuting intensyon, sa huli ay nanaig pa rin ang kanilang pagmamahalan ng kaniyang asawa.
FEATURE #4

Huwag Bibitaw sa Pag-asa


Isinulat ni: Irish Kate B. Yalung

Bagamat siya ay isang napakagandang dilag, siya naman ay dumaan sa maraming


pagsubok. Mga pagsubok at hamon na hinarap niya ng walang pag-aalinlangan, makapiling
lamang muli ang kaniyang minamahal na asawa. Siya ay si Psyche. Isang mortal na may bukod
tanging kagandahang maikukumpara sa mga diyosa.

Marami ang naiinggit sa kaniya dahil sa kaniyang pambihirang kagandahan. Sinasamba


man siya ng mga kalalakihan, sinisiraan naman siya ng mga kababaihan. Mula dito ay nagsimula
na ang kaniyang mga problema na nagdulot sa pagkagalit ng diyosa ng kagandahan at pagmamahal
na si Venus.

Isa sa mga nagpahirap sa kaniya ay ang kaniyang sariling mga kapatid. Nang dahil sa inggit
sa kasuwertehan niya sa napangasawa ay gumawa sila ng plano upang mapaghiwalay ang dalawa.
Siniraan nila ang asawa ni Psyche sa kaniya at sinulsulan siya na gawan ng masama ang kabiyak
nito hanggang sa malason na ng tuluyan ang utak ni Psyche. Nagdulot ito ng matinding pagkabigo
sa puso ni Psyche ng gawin niya ang sinabi ng mga kapatid, sapagkat lahat ng sinabi ng kaniyang
mga kapatid ay nakasakit sa kaniya maging na rin sa kaniyang pinakamamahal na asawa na si
Cupid. Tanging hinagpis lamang ang nagawa ni Psyche ng iwanan siya ng asawa.

Puno ng pagsisisi si Psyche sa nagawa kaya naman bilang kabayaran sa kasalanang nagawa
niya dahil sa mga kapatid niya ay naglakbay siya ng mag-isa habang ang bunga ng pagsasamahan
nila ni Cupid ay dala niya sa kaniyang sinapupunan, upang mahanap lamang si Cupid. Sa
paglalakbay, napakaraming templo ang pinuntahan niya at nilinis sa iisiping matutulungan siya ng
mga diyos at diyosa ng templong iyon ngunit sa kasamaang palad ay takot ang lahat kay Venus.
Mabigat man sa kalooban ni Psyche ay wala siyang nagawa at nagpasyang magpa-alila nalang kay
Venus upang makahingi ng kapatawaran.

Sa pagiging-alila niya kay Venus, naranasan ni Psyche lahat ng uri ng pagapasakit pagkat
lahat ng utos ni Venus ay buwis-buhay at kung hindi siya patagong tinulungan ng mga diyos a
diyosa mula sa mga templong nilinis niya, panigurado ay hindi na siya mabubuhay.

Madalas man ay pinanghihinaan siya ng loob sapagkat alam niya ang pagsubok na
kahaharapin niya, hindi pa rin nagapi ang pag-asa sa kaniyang kalooban na sa huli, magsasama pa
rin sila ni Cupid.
EDITORIAL #1
Inggit: Lason sa Lipunan
“Kung nasaan ang inggit, doon ay may kaguluhan at lahat ng masasamang gawa.” –
Santiago 3:16. Tayo ay itunuturing na obra maestra ng Diyos, dahil tayo ay nilihka ayon sa
kanyang wangis at pagkagusto. Pero tayo ay hindi ginawang tapos, hindi ginawang perpekto. Kaya
tayo ang may hawak ng ating kapalaran, na puwedeng humantong sa kaginhawaan o kasapalaran.
Lahat tayo ay binigyan ng parehong oras at araw upang gawin ang nararapat para sa ika-uunlad ng
ating sarili. Kaya bakit may tao paring naiingit?
Inggit, salitang nakalalason at nakasisira sa sarili. Lason na hindi madaling iwaksi,
kailangan ng matinding pang-unawa upang ito’y mapaalis. Ito’y nanggaling sa loob ng ating utak,
nang uudyok sa atin na gumawa ng ikapapahamak ng iba. Dahil lang sa kagustuhan mong
mapasaiyo ang sakanya. Ito ang sumisira sa maraming relasyon ng tao, kinokontrol nito ang ating
bawat galaw araw-araw. Binabago ang ating isip, kasing bilis ng ihip ng hangin. Halimbawa nalang
ang mga kapatid ni Psyche, na dumalaw sa palasyo na gawa sa ginto at pilak. Sila ay napuno ng
inggit ng naisip nila na kahit ipagsama nila ang kanilang kayamanan ay wala pa rin itong laban sa
kayamanan ni Psyche. Pinaaalala ko lang na sila rin ang mag-kapatid nag-luksa kay Psyche nang
lumisan ito sa tuktok ng bundok. Ganoon kabilis umepekto ang inggit sa kanila. Ganoon kadaling
binaliwala ang kapakanan ng kapatid, para lang sa hamak na kayamanan. Pera na madali lamang
kunin, kaysa sa kaligtasan na mahirap bawiin kapag ito ay napahamak na.
Wala tayong mapapala sa pagiging maingitin. Poot at kasamaan lang ang makukuha natin
dito, na hindi lang magdudulot ng masama sa iyo pati narin sa ibang tao. Ilagay natin ang ating
enerhiya sa mga postibong bagay na makabubuti sa atin at sa lipunan. Tandaan natin na ang taong
mainggitin, puso ay hindi alam gamitin.
EDITORIAL #2
Mahirap Mag-tiwala
“Sino ang pamilya mo?” Isang tanong na madaming sagot. Tayo ay may iba’t ibang
opinyon ukol sa mga sagot sa tanong. Pero paano mo nga ba maituturing ang isang tao bilang
miyembro ng pamilya mo? Dahil ba ito sa inaalagan ka niya? Nagmamalsakit? Nagmamahal? At
marami pang ibang kondition na pwedeng banggitin. Pero isa lang ang nakakasigurado akong
meron ang isang pamilya at iyon ay ang tiwala.
Sa panahon ngayon na nag-kalat na ang mga kriminal sa bansa, mahirap nang magtiwala
sa taong hindi mo kilala. Dahil baka sila ay mga mandurugas o masasamamng tao na gusto lang
makipag-kaibigan sa iyo dahil sa pera, kapangyarihan, at marami pang iba. Gumagawa sila ng
isang ilusyon na kaibigan mo sila na nagmamalasakit sa iyo para makuha ang tiwala mo,
pagkatapos ay bigla ka nalang nilala sasaksakin sa likod at iiwan sa lupa hanggang sa mamatay ka
nalang. Hindi ko sinasabi na huwag na tayong mag-bigay ng tiwala kahit kanino, maglagay dapat
tayo ng tiwala sa mga taong pangangalagaan ito. Isang halimbawa, ang pamilya na riyan sila para
sayo. Ang kanilang intention ay ang ikabubuti at ikasasaya mo samundo. Hindi ko sinasabi lahat
ng pamilya ay ganito. May mga pamilya ring balot na balot ng sigalot at away. Sa pamilyang ito
wala umiiral na tiwala, dahil nasira na ito ng pagtataksil. Pagtataksil na maaring isinagawa dahil
sa inggit o galit ng isang miyembro. Katulad nalang ng nangyari kay Psyche at sa mga kapatid
niya. Pinagkatiwalaan niya ang kaniyang mga kapatid, pero nilinlang lang pala siya ng mga ito
upang ipahamak siya. Pero kagaya ng pakikipagkaibigan, naaayos din ang mga sigalot sa loob ng
pamilya. Karamihan lang ng mga ito ay maaaring maayos ng mabilis o matagal depende sa
pangyayari. Pero sa huli ay mag-hihilum din ang malalim na sugat at babalik rin ang tiwala sa
tahanan.
Pamilya mga taong nagmamalasakit at nagmamahal sa iyo. Grupo ng tao na
pinangangalagaan ang tiwala na binagay mo sakanila. Pero walang perperktong pamilya,
nagkakamali din lahat tayo. Sapagkat minsan ay nababasag nila ang tiwalang iyon, pinaparamdam
ang sakit at pagtataksil na dama sa ating puso. Maiisip nalang natin kung pamilya ba natin talaga
siya. Sa oras na ganito na ang sitwasyon, pagpapakumbaba at pagpapatawad lang solusyon upang
maiayos ang mali. Dahil ang isang pamilya ay hindi mabubuwag, kung ito’y ipinagtibay ng tiwala.
EDITORIAL #3
Pagkakaisang Sinumulan sa Respeto
Sa panahon natin ngayon meron na tayong 4,200 na mga relihiyon ayon sa Quora.
Maraming relihiyon, maraming mga sinasamba na mga diyos. Sa mundong puno ng pagtatalo na
karamihan ay pinag-ugatan ng pagkakaiba sa relihiyon, hindi na natin alam kung anong
paniniwalaan. Kung tayo ba ay kakampi o iiwas nalang sa gulo. Maniniwala o isasangtabi ang mga
opinion ng ibang tao. Paninindigan ang turo ng relihiyon o paniniwalaan ang turo ng iba.
Bilang isang katoliko pinaniniwalaan ko na si Hesu Kristo ay ang aking personal na Diyos
at tagapagligtas. Pero maaaring hindi ganoon ang sitwasyon para sa ibang tao. Pwedeng sila ay
muslim at sinasamba si Allah o kaya hindu at sila ay naniniwala sa maraming mga diyos at diyosa.
Kahit maraming diyos ang naglipana sa mundo, may isa silang pagkakapareho. Lahat sila ay
naghahangad ng ikabubuti natin na mga likha nila. Hindi nito hinahangad na mapahamak tayo
dahil gusto nito, maaaring dahil may nagawa tayong masama kaya binigyan tayo ng parusa upang
matuto mula dito. Hindi tulad ni Venus na nag-pakontrol sa inggit kaya nagawa niyang si Psyche.
Nagbibigay din sila ng inspirasyon na i-udyok ang ating sarili sa paggawa ng tama at mabuti
habang tayo pa ay nabubuhay sa mundong ito. Kahit tayo ay iba’t iba ng relihiyon, hindi dapat
tayo nag-aaway dahil dito. Lahat tayo ay nasa iisang planeta na bumubuhay sa ating lahat. Tayo
dapat ay magtulungan upang mapabuti ang kalagayan ng tao ngayon at sa mga susunod na taon.
Sa planetang punong-puno ng tao, madami na ang umusbong na mga paniniwala ukol sa
mga bagay-bagay. Mga tradition at paniniwala na dapat respetuhin ng bawat isa sa atin. Dahil ang
respeto ang bumubuo ng pagkakaibigan sa bawat tao. Sa araw na tayong lahat ay may respeto sa
bawat isa, magagawa na nating humakbang nang sabay-sabay patungo sa malinaw na kinabukasan.
EDITORIAL #4
Kahulugan ng Pagmamahal

Nakakalungkot na wala nang tiwala sa isa't-isa ang mga nagmamahalan. Kahit hindi man
iparating sa mga salita ay laging mayroong mga pagdududang naghahari sa mga kaisipan ng mga
kinakasama. Hindi ito ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.
Si Psyche, bagamat hindi nakita ng kabuuan ang kanyang asawa ay nagmahal ng totoo.
Ngunit hindi niya napapansing may pag-aalinlangan siya, dahil masaya siya piling ni Cupid, ang
kanyang kinakasama. Nakakalungkot. Paanong mabubuhay ang pagmamahal kung walang
pagtitiwala?
Nakababahala na nang dahil lang sa mga salita na gumulo sa kanyang isipan, si Psyche ay
naging bihag ng kanyang mga pangamba na baka halimaw si Cupid kaya hindi siya nagpapakita
sa kanya. Ang pag-ibig ay bulag. Kahit halimaw pa ngang talaga si Cupid, kung masaya si Psyche
sa piling niya ay dapat wala ng mga tanong doon. Ganoon ang pag-ibig.
Dahil kinain si Psyche ng kanyang pagdududa ay nagawa niyang magtaksil sa kinakasama.
Pero nakita niya na siya ay hindi halimaw, hindi tulad ng kanyang mga alinlangan. Palibhasa'y
hindi nagtiwala, kinailangan niya pang dumaan sa mga pagsubok para makapiling muli ang
minamahal. Isa lamang ito sa mga tinatawag nilang "sakripisyo" para sa iyong iniibig. Para sa pag-
ibig.
Nakatadhana na ang lahat, ngunit mabuti pa rin kung ikaw ay magtitiwala. Lalo na kung
alam mo sa sarili mong mahal mo na siya, at masaya ka sa piling niya. Ang pagmamahal ay isang
sakripisyo. Sumusugal kahit hindi alam kung anong patutunguhan. Kahit ikaw pa at ang iyong
minamahal laban sa mundo. Kahit nahihirapan na kayo. Hindi kayo aabot sa puntong ganoon kung
hindi kayo nagtitiwala sa isa't-isa.
Ito ang kahulugan ng pagmamahal.

You might also like