Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

LUNGSOD NG MAYNILA ) S.S.

SINUMPAANG GANTING SALAYSAY

Ako, si Rodolofo B. Perez, may sapat na gulang, Pilipino, at naninirahan


sa No. 345 Bagong Bayan Street, Tondo, Manila, ay kusang loob na
nagpapahayag gaya ng mga sumusunod:

1. Noong ika-12 ng Hunyo 2019 , 7:30 ng umaga, galing po ako ng


basketball court. Habang pauwi ako sa bahay ay nakasulubongko si Jojie
Sanchez at nagsabayna kami pauwi dahil magkalapit lamangang aming
bahay;

2. Na habang padaan na kami sa bahay ni Tita Teddy o Teodora Santos ay


nakita naming siyang nagdidilig ng halaman at kami ay nag kamustahan;

3. Na nabanggit ni Tita Teddy na bumalik ako ng hapunan para kumain at


para maiabot sa akin ang sahod ko. Niyaya niya din si Jojie na sumama
sa hapunan;

4. Na bago ako pumunta ako sa bahay ni Tita Teddy ay pinuntahan ko


muna si Jojie para sumama sa akin na pumunta kina Tita Teddy. Ngunit
may dalang hapunan na pala ang kanyang kapatid kaya din a siya
sumama sa akin;

5. Nang mga bandang alas syete ng gabi ay pumunta ako sa bahay ni Tita.
Noong papalapit na ako, ay agad kong napansin na nakabukas ang
pintuan, ako’y nagtaka dahil hindi iniiwan ni Tita na nakabukas ang
pinto, lalo na tuwing gabi;

6. Noong ako ay papapasok na, ay lubos akong nagulat sa aking nakita, na


si Tita ay nakahandusay at naliligo sa sarili niyang dugo.

7. Na agad ko siyang nilapitan at sinubukang tulungan at piniglanang


patuloy na pagdaloy ng dugo. Sa pamamagitan ng pagtanggal ng kutsilyo
nanakasaksak sa kanyang dibdib at tinapalan ng bimpo;

8. Na sumigaw ako para humingi ng tulong at saktong dumating si Anna at


ang kanyang nobyo na si Kuya Bert;

9. Na sa halip na tulungan nila ako, ay agaran akong inaresto ni Kuya Bert


at hindi nila ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag kung ano
ang nangyaril;
10. Na madalian nila akong dinala sa istasyon ng pulis at pinagbintangan na
pumatay kay Tita.

Bilang pagpapatunay, ako ay lumalagda na makikira sa ibabaw ng


nakatatak kong pangalan, nitong ika 6 ng Hulyo 2019, dito sa Lungsod ng
Maynila.

Rodolofo B. Perez
Nagsalaysay

NILAGDAAN AT SINUMPAAN SA HARAP KO, ngayong ika 9 ng Hulyo


2019, matapos na ipakita ng nagsalaysay ang kanyang Sedula na may bilang
na 9293 nakuha sa Tondo, Manila noong ika 30 ng Enero 2019.

Atty. Abelardo Tangay


Notary Public
624 Rajah Sulayman Building, Taft Avenue, Manila
Appointment No. until December 2019
Roll of Attorney No.
PTR No.
IBP No.
MCLE Compliance No.

Doc. No. ;
Page No. ;
Book No. ;
Series of 2019.

You might also like