Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Wikang Pambansa- wikang natatanging kumakatawan sa pambansang pagkilanlan ng isang

lahi at/o bansa. Ginagamit ang pambansang wika sa politikal at legal na diskurso at
tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa.

Wikang Opisyal- wikang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng


pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon,
lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensya ng gobyerno.
Wikang Panturo- ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon at ito ang wikang
ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga
aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.

1. Wikang Pambansa
Kasaysayan:

1934: Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba’t ibang pulo at sa dami ng
wikang umiiral dito, naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan, at
tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyonal noong 1934 ang pagpili sa wikang ito.
Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa
sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L.
Quezon na noo’y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
1935: Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbibigay-daan sa probisyong
pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935.

1937: Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang
wikang Tagalog upang maging batayan ng wikang pambansa base sa rekomendasyon ng
Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaanap Blg. 134.
1940: dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 134,
nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang
pambubliko at pribado.

1946: Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng
Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opsiyal sa bansa ay
Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt bilang 570.

1959: Pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay naging Pilipino sa
bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang kalihim
ng Edukasyon noon.

1972: Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyonal noong


1972 kaugnay sa usaping pangwika. Sa huli, ito ang mga naging probisyong pangwika sa
Saligang Batas 1973, Artikulo XIV, Seksiyon 3, blg. 2
1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal na binuo ni
dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika.
2. Wikang Opisyal
Mababasa sa Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, Seksiyon na ““Ukol sa layuning
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na
mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo
roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.”

3. Wikang Panturo

Sa pangkalahatan ay Wikang Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang panturo
samga paaralan ngunit sa pagpasok ng K-12 Curriculum, Mother Tongue o unang wika
ng mga mag-aaral ang opisyal na wikang panturo mula Kindergaten hanggang Grade 3 na
tinatawag na Mother Tongue Based- Multilingual Education o (MTB-MLE). Ngunit sa
ikalawa hanggang ikaanim na baitang ay bibigyang-diin ang iba’t ibang component ng wika
tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Samantalang sa
matataas na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing wikang panturo o
medium of instruction.

You might also like