Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ang paksa ng alegorya ng yungib ay nagpapahiwatig siya upang maipakita niya ang isang anyo na dapat nating mabatid o

hindi mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na may mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan
patungo sa liwanag na sila’y gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang punto niya ay nagnanais na masaksihan ng tao
ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil inaabuso nating mga tao ang mundo at ginagawa nating isang magulo
ang ating pag iisip na sa araw araw ay nakakaranas tayo ng mga suliranin at problema sa buhay.

- Bakit tinawag na bilanggo ni Plato ang mga tao sa yungib?

Tinawag na bilanggo ni Plato ang sangkatauhan na kinakatawan ng mga tao sa loob ng yungib sapagkat sila ay tila
nakabilanggo sa kanilang kawalang alam o kamangmangan. Inihambing niya ang sangkatauhan sa mga tao na nasa loob
ng yungib na nakagapos at tila hindi makagalaw sa kanilang kinalalagyan. Ang tanging paraan upang maging Malaya ay
ang kusang paglabas mula sa yungib patungo sa liwanag.

Bukod dito, sinabi ni Plato na ang mga tao ang naglilimita ng kanilang mga sarili na tulad ng mga bilanggo. Ang pagpili at
paggawa ng desisyon na makapag – aral ay nasa tao lamang. Maraming tao sa mundo ang may kakayahang mag aral
ngunit mas piniling magbulakbol at magpabaya sapagkat nakukuha na nila ang kanilang mga gusto kahit hindi magbanat
ng buto. Hindi nila nakikita ang kahalagahan ng pag aaral at pagtatapos.

Bilang karagdagan, sinabi ni Plato na ang mga tao ay likas na matalino kaya lamang may mga pagkakataon na
hindinagagamit ng tao ang kanilang karunungan sapagkat kulang sila sa pangangatwiran. Kaya naman nananatili silang
bilanggo sa mga mali nilang katwiran at baluktot na paniniwala. Anuman ang kanilang maisip ay ang siya nilang
pinaniniwalaan kaya nananatili silang tila bulag sa katotohanan abingi sa katwiran.

- Paano nakilala ng mga bilanggo ang "katotohanan" ng mga bagay-bagay? Magbigay ng mga patunay.

Bigyang kahulugan ang naramdaman ng bilanggo nang siya ay makaalis sa yungib at matitigan ang liwanag ng apoy.

Ano ang nais ipakahulugan ng pangyayaring ito ?

Sa unang bahagi ng sanaysay, nabanggit na nakilala ng mga bilanggo ang katotohanan ng mga bagay – bagay nang sila ay
makalaya mula sa yungib at nabigyan ng pagkakataong makakilos ng malaya tulad ng pagtayo, paglingon, paglakad, at
pagtingin tungo sa liwanag. Kung dati ang kanyang nakikita lamang ay pawang mga anino ng mga bagay na nasa labas ng
yungib, mula ng makalabas ay nasilayan niya ang tunay na anyo ng mga bagay na nasa labas ng yungib tulad ng mga
hayop, halaman, mga kapwa niya tao, at ang mga naglalakihang gusali na likha ng tao. Kung dati ang mga tunog na
kanyang naririnig mula sa labas ay itinuturing niyang mga guni -guni lamang, nang siya ay makalabas nagkaroon siya ng
matibay na pananaw ukol sa mga bagay – bagay tulad ng usapan ng mga tao, tunog ng kalikasan, huni ng ibon, ingay
mula sa mga sasakyan at pabrika.

Ang Mga Likas na Magaganap Kapag ang mga Bilanggo ay Maging Malaya at Di Maaabuso sa Kanilang Pagkakamali:

Mahihirapan dahil sa sobrang sakit na makapagpapalumbay sa kanya.

Hindi na niya makikita ang dati niyang kalagayan sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga anino lamang.

Magkakaroon na siya ng maliwanag na pananaw sapagkat siya ay papalapit na sa pagka – tao.

Kapag lumapit siya sa liwanag, ang kaniyang mga mata ay maaaring masilaw at maaaring hindi niya makita ang mga
bagay-bagay sa kasalukuyan o ang katotohanan.

Sa oras na makaalis sa yungib ang bilanggo at matitigan ang liwanag ng apoy tiyak na magdurusa siya sa sobrang sakit
sapagkat nasanay na ang kanyang mga mata sa dilim kaya naman sa oras na ito ay makakita kahit na bahagyang liwanag
lamang, ito ay tiyak na masisilaw. Ito ay tulad din ng pag – alis ng tao sa kamangmangan. Sa oras na siya y maliwanagan
o matuto sa mga bagay – bagay, pihadong mahihirapan siyang tanggapin ang mga bagay na kanyang natutunan sa
simula sapagkat nasanay na siya na tanggapin ang mga bagay na nakasanayan na niya.
Ang paglabas o pagtakas mula sa yungib ay nangangahulugan ng pagkawala sa pagiging mahina at kawalang – alam.
Samantala, ang pagtitig sa liwanag ng apoy ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng interes sa katotohanan. Habang
nagiging interesado ang tao sa karunungan, mas nagiging matagal ang kanyang pagtitig sa liwanag. Gayun pa man, ang
pagtitig sa liwanag ay maaring magdulot ng hindi maganda sa paningin ng tao sapagkat maari siyang mabulag. Ang ibig
sabihin, ang labis na karunungan ay maari ring magdulot ng hindi maganda sa isang tao sapagkat ito ay may kaakibat na
mga pagbabago.

- Mahahalagang Natutunan ng Bilanggo:

Ang yungib ay tila kulungan at ang mga taong naroon ay nakakulong sa kamangmangan o kawalan ng kamalayan.

Ang kanilang nakikita ay pawang kanilang mga anino.

Upang makita ang katotohanan sa likod ng mga anino, kailangan niyang kumawala sa pagkakatali at lumabas mula sa
yungib.

Ang tunay na pag-iral ay nasa mundo ng mga ideya.

Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan.

Inihalintulad ni Plato ang tao sa loob ng yungib sa mga taong walang edukasyon o pinag – aralan na mistulang bilanggo
at walangibangnakikita kundi ang anino lamang ng katotohanan. Kadalasan, ang mga taong walang edukasyon ay tulad
ng tao sa loob ng yungib na nangangapa sa dilim at nakadepende lamang sa kung ano ang naaaninag nila sa labas. Kaya
naman malaking bahagi ng kanilang nalalaman ay nakasalalay sa kung anong mga anino ang natatanaw nila sa labas.
Limitado ang kanilang kaalaman sapagkat hindi sila makagawa ng paraan upang makalabas sa yungib at Makita ang
kabuuan ng mundo sa labas ng yungib.

Sinabi ni Plato na ang mga imahe ay anino lamang ng katotohanan sapagkat ang katotohanan ay nasa labas ng yungib at
sa oras na makalabas ang tao mula sa yungib ay may pagkakataon na siya na makita ang kabuuan ng mundo. Maaari na
siyang magkaroon ng totoong karunungan sapagkat naniniwala si Plato na ang karunungan ay hindi lamang ang makita
nag mga bagay – bagay sa labas ng yungib kundi ang maranasan ang mga ito upang maging makatotohanan at
magkaroon ng matibay na batayan sa pamamagitan ng mga pansariling karanasan. Ang sinumang marunong ay hindi
basta naniniwala sa sinasabi ng iba hanggang sa matuklasan nila sa kanilang sarili.

Naniniwala si Plato na upang makita ang katotohanan, kinakailangan ng tao sa yungib na kumawala at lumabas sa
yungib. Sa oras na maranasan ng tao ang buhay sa labas ng yungib, magkakaroon siya ng pagtitimbang kung alin ang mas
mabuti para sa kanya ang manatili sa loob ng yungib o mamuhay sa labas ng yungib. Sa pagtitimbang na ito gagamit siya
ng ilang katwiran. Ang mga pangangatwiran ay mangangailangan ng mga patunay upang mas maging makabuluhan. Sa
huli, pipiliin ng tao ang magbibigay sa kanya ng higit na importansya.

Sinabi din ni Plato na ang mga konsepto ng mga bagay ay nakapaloob na sa isip ng tao bago pa man siya isinilang sa
mundo. Kaya lamang ang karunungan ay matatamo lamang ng mga taong may pagpupunyagi. Sa oras na matagpuan ng
tao ang karunungan, magiging isa itong kapakinabangan sa kanya kung magagawa niya na kumilos ayon sa katwiran at
manatili sa kagandahang asal. Gayon din, malaki ang papel na ginagampanan ng kapaligiran sa pagkatuto. Sapagkat sa
labas ng yungib ay maraming iba pang mundo na makikita at mararanasan ang tao kaya mas malawak at mabilis ang
proseso ng pagkatuto

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/144303#readmore

You might also like