Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

MOTHER OF DIVINE PROVIDENCE SCHOOL

Marikina Heights, Marikina City


T.P. 2018 – 2019

Banghay-aralin sa Filipino 5

Markahan: Ikaapat Petsa: ​Ika- 21 - 25 ng Enero, 2019


Linggo: Una

I. Mga Pamantayan sa Pagkatuto

A. Pamantayang Pangnilalaman
- Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
- Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin
- Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang
talasalitaan
- Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang
talasalitaan
- Napauunlad ang ksanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin
- Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood ng iba’t ibang uri ng media tulad ng
patalastas at maikling pelikula
- Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto
- Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyob at
pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan.

​B. Pamantayan sa Pagganap:


- Nakabubuo ng nakalarawang balangkas batay sa napakinggan
- Nakagagawa ng radio broadcast/teleradyo, debate at ng isang forum
- Nakagagawa ng grap o tsart tungkol sa binasa, nakapagsasagawa ng isang debate tungkol sa
isang isyu o binasang paksa
- Nakasusulat ng talatang portfolio ng mga nangangatwiran tungkol sa isang isyu o paksa at
makagagawa ng sulatin
- Nakabubuo ng sariling dokumentaryo o maikling pelikula
- Nagagamit ang silid- aklatan sa pagsasaliksik
- Napapahalagan ang wika at panitikan sa pagsulat ng tula at pamamagitan ng pagsalli sa
usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento,

II. Nilalaman ng Pagkatuto


A. Paksa: Pagbasa: Pabula
Lunsaran: Nasirang Pagkakaibigan
Gramatika: Kaantasan ng Pang-uri

B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 5, 354 - 363

C. Mga Kagamitan: walis tingting, test papers, video clip, tv, laptop

D. Pagpapahalaga: Kahagalagan ng Pagkakaisa

III. Mga Karanasan ng Pagkatuto

Unang Pagkikita: (60 minuto ) Petsa: Ika – 21 ng Enero, 2019

Mga Layunin ng Pagkatuto


Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng
pag-uugnay sa sariling karanasan
2. Napahahalagahan ang pagkakaisa.
3. Nakasusulat ng kabit-kabit.
4. Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito
A. Pangganyak
Estratehiya: Community Resource
> Magpakiat ng isang bungkos ng walis tingting. Tumawag ng ilang mag-aaral na susubok na
itoy baliin.
> Pagkatapos ay subukan namang kumuha ng isang walis tingitng lamang t muli itong
pasubukang ipabali sa mga mag-aaral.
> Ipapansin sa kanila kung ano ang nangyari nang subukan nilang baliin ang walis noong ito’y
magkakasama at noong ito ay iisa lang.

B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagpapakilala ng Paksa
> Pagkatapos masagit ng mga mag-aaral ang tanong ay sabihin sa kanila na kapag ang walis
tingting ay sama-sama ay mahirap itong baliin, samantalang noong ito y iisa na lang ay walang
kahirap-hirap itong nabali. Sabihin na tulad sa walis tingting ay ganoon rin sa mga tao, kapag
nagkakaisa ay mahirap matalo sa labanan subalit kapag mag-isa ay agad nagagapi.
> Sabihin na sa pabulang babasahin sa araw na iyon ay isang pangkat rin ng magkakaibigan
ang pangunahing tauhan. Ating laamin kung sila ba ay nagtulungan para Manalo sa labanan o
nagsarili at natalo sa labanan. Ating basahin ang kwento.

2. Pagpapalawak ng Talasalitaan
Estratehiya: Charade
> Bumunot ng mag-aaral na magsasagawa ng mga kilos upang makuha ng mga mag-aaral ang
kahuligan ng salitang babanggitin ng kamag-aral.
1. nanginginain – Ginagawa ito kapag ikaw ay nagugutom ( kumakain ) isasakilos
2. lampa – ito ay madalas mong maranasan o marinig na sinsasabi sa iyo noong bata ka
pa dahil madali kang matumba. ( mabilis madapa )
3. umimik – kapag may gusto kang sabihin, ito ay ginagawa mo. (nmagsalita 0
4. umatake – ito ang ginagawa kapag gusto mong makipaglabaan o pumunta sa isang
lugar o taong gusting kalabanin.( sumugod )
5. atungal – ito ang karaniwang reaksyon kapag nasaktan ng matindi (​umiyak ng malakas)

3. Pagbasa sa Akda
Estratehiya: Tahimik na Pagbsa
> Tahimik na ipabasa sa mga mag-aaral ang pabula. Pagkatapos ay tumawag ng ilang
maga-aaral na magsasadula ng buod ng kwento sa harapan ng klase.

4. Pagtalakay s abinasang akda.


Estratehiya: Pangkatang pagsagot s amga tanong
> Papuntahin ang mga mag-aaral sa kanilang pangkat. Ipasagot sa bawat pangkat ang mga
tanong tungkol s abinasa sa pahina 359 ng kanilamng batayang aklat.

C. Pagpapahalaga/. Paglalapat
Estratehiya: Pagbuo ng short skit
> Muling ipakita sa kanila ang walis tingting. Pagkataos ay itanong;
*** Anong kahalagahan ng pagsasama o pagkakaisa?
*** Paano ito makatutulong sa pagharap mo sa mga pagsubok?
> Magpabuo sa bawat pangkat ng isang short skit o kwento na nagpapakita ng kahalagahan ng
pagkakaisa o pagtutulungan. Sabihing gawin itong maikli subalit makabuluhan para sa
gagawing gawain sa susunod na pagkikita.

D. Pagwawakas
Estratehiya: Sentence Completion
> Ipasulat sa amga mag-aaral ang kanilang sagot ng kabit-kabit sa kanilang kwaderno.
“ Ang pagkakaisa ay mahalaga _______________________________________________”.

Ikalawang Pagkikita: (60 minuto ) Petsa: Ika – 22 ng Enero, 2019


Mga Layunin ng Pagkatuto
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pag-uulat ng nasaksihang pangyayari
2. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar.
3. Nakakagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong
napakinggan.
4. Napahahalagahan ang pagkakaisa.
5. Nakababasa para kumuha ng impormasyon
6. Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito

A. Pagganyak
Estratehiya: Video viewing
> Magpapanood ng isang maikling video clip sa mga mag-aaral na nagpapakita ng kahalagahan
ng pagkakaisa.
> Pagkatapos mapanood ay itanong sa mga mag-aaral kung ano ang pagkakatulad ng
kwentong napanood sa kwentong nabasa noong nakaraang araw.

B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagbabalik-aral
> Muling tumawag ng ilang mag-aarala na magsasalaysay ng buod ng kwento.
>Pagkatapos ay muling talakayin ang mahahalagang detalye ng akda.

2. Pagsagot sa mga Pagsasanay


Estratehiya: Bookwork
> Pagpapasagot s amga Pagsasanay sa kanilang batayang aklat.
- Pagkuha ng impormasyon mula sa nabasa. ( poahina 360 )
- Paghihinuha sa katangian ng tauhan ( pahina 360 – 361 )
- Paggawa ng diagram ng Sanhi at Bunga ng mga pangyayari sa nabasang akda. ( pahina 361 )
- Pagbuo ng balangkas upang maipakita ang nakalap na impormasyon ( pahina 362 )

C. Pagpapahalaga/ Paglalapat
Estratehiya: Dula-dulaan
> Ipakita sa mga mag-aaral ang islogang:
“ Sa anumang samahan, mas malakas at mahusay kung sama – sama at nagtutulungan “.
- Magpalahad sa mga mag-aaral ng pangyayaring naranasan nila na may kinalaman sa islogan
at magbigay ng isang paraan kung paano ito magagamit sa anumng sitwasyon.
***
> Gamit ang short skit na binuo ng mga mag-aaral ay magpabuo ng maikling dula-dulaan na
nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaisa.

D. Pagwawakas
Estratehiya: 1 minute paper
> Ipasagot sa loob ng isang minute sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan.
- Sinong tauhan sa kwento ang nais mong tularana at bakit ?

Ikatlong Pagkikita: (60 minuto ) Petsa: Ika – 23 ng Enero, 2019

Mga Layunin ng Pagkatuto


Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang kaantasan ng pan-uri.
2. Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga pang-uri ayon sa kaantasan.
3. Nakasasagot ng tama sa mga pagsasanay sa aklat.

A. Pagganyak
> Pagbalik-aralan ang mga tauhan s abinasang pabula nang nakaraang arawa.
> Pagkatapos ay magpabuo ng pangungusap sa kanila na naglalarawan sa bawat isa.
- Si Abuhing baka ay matapang.
- Si Tsokolateng baka ay mas matapang kaysa kay Abuhing baka,
- SI Puting baka ang pinakamatapang sa mga baka sa kwento.
> Ipapansin sa mga mag-aaral ang mga pangunguspa na kanilang nabuo at itanong kung alin
ang mga salitang naglalarawan.
> Pagkatapos matukoy ay salungguhitan o bilugan ang mga pang-uring kanilang ginamit.
> Muling ipapansin sa kanila ang mga nakasalungguhit at ang pagakakaiba ng inilalarawan ng
mga ito.

B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagpapakilala ng Paksa
> Sabihin ang mga pang-uring ginamit ay naayon kung ilang pangngalan o panghalip ang
inilalarawan o ayon sa antas ng inilararawan. Ito ang tinatawag nating kaantasan ng pang-uri.

2. Pagtalakay sa Akda
Estratehiya: Pag-uulat
> Pumili ng dalawang mag-aaral na mag-uulat ng mga kaantasan ng pang-uri.
> Pagbabalik0aral sa kahulugan ng pang-uri
> Pagbibigay ng talong kaantasan ng pang-uri at mga palatandaan.
1. Lantay
2. Pahambing o Paghahambing
a. Patulad
b. Palamang
3. Pasukdol
> Pagpapabigay ng halimbawa sa kanilang kamag-aral.
> Pagbibigay ng mga pagsasanay sa pisara.

C. Paglalagom
> Muling itanong sa mga mag-aaral
- Ano-ano ang talong kaantasan ng pang-uri?
- Paano makikilala ang bawat isa?

D. Paglalapat
Estratehiya: Book Drill
> Pagpapasagot sa pahina 216 – 217 ng kanilang batayang aklat.
> pagwawastong ng pagsasanay.

E. Pagwawakas
*** Bakit mahalaga ang kaalaman sa pagkakaiba ng mga kaantasan ng pang-uri?

Ikaapat na Pagkikita: (60 minuto ) Petsa: Ika – 24/25 ng Enero, 2019

Mga Layunin ng Pagkatuto


Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang mga kaantasan ng pang-uri.
2. Nalalaman ang kahalagahan ng tamang paggamit ng pang-uri ayon sa kaantasan.
3. Nakasasagot ng tama sa gawaing upuan.

A. Pagganyak
> Magpapunta ng tatlong mag-aaral sa harapan.
> Isa-isang ipalawan sa kanila ang mga kamag-aral na nasa harapan ( kulay, taas, katangian )
> Pagkatapos ay ipapansin muli sa kanila ang mga ginamit na pang-uri.
- Ano ang pagkakaiba ng mga pang-uring inyong ginamit sa paglalarawan ng inyong
kamag-aral?
B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagbabalik-aral
> Pagbalik-aralan ang mga kaantasan ng pang-uri. Muli itong pahapyaw na talakayin
Kaantasan ng Pang-uri.
1. Lantay
2. Pahambing
3. Pasukdol
> Pagbibigay ng mga pagsasanay gamit ang mga bagay na makikita sa paligid ng silid-aralan

C. Pagpapahalaga/ Paglalapat
*** Paano mo magagamit nang maayos ang mga pang-uri ayon sa kaantasan upang
hindi makasakit nang kapwa?
> Magpabigay ng halimbawa sa mga mag-aaral ng mga sitwasyon kung saan makakaiwas na
makasakit ng kapwa gamit ang kaantasan ng pang-uri.

A Panuto: Bilugan ang pang-uri sa pangungusap at isulat ang L kung lantay, PH kung
pahambing at PS kung pasukdol.

______ 1. Ang mainit na panahon ngayon ay dulot ng gpbal warming.


______ 2. Higit na mataas ang antas ng temperatura nitong mga nakaraang araw.
______ 3. Natutunaw ang makakapal na yelo sa bahagi ng Antartika.
______ 4. Naitala ang pinakamalaks na lindol sa Japan noong nakaraang taon.
______ 5. Magkasinglamig ang panahon ngayon sa Baguio at Tagaytay.

B. Panuto: Bilugan ang kaantasan ng pang-uring angkop sa bawat bilang.


1. Ang bansang Australia ay isa sa ( malinis, higit na malinis, pinakamalinis ) na bansa sa
buong mundo.
2. ( Maingat, Mas maingat, Pinakamaingat ) siya sa kanyang mga gamit.
3. Tayo ay ( maraming, mas maraming, napakaraming ) basurang naiipon kaysa sa ating kapit-
bahay.
4. Ang mga sapataos na gawa sa Marikina ay sinasabing ( matibay, magkasingtibay,
pinakamatibay ) sa mga sapatos sa buong bansa.
5. Ang aking matalik na kaibigan ay ( mapagkakatiwalaan, mas mapagkakatiwalaan ,
pinakamapagkakatiwalaan.)

D. Pagwawakas
Estratehiya: think-Pair-Share
*** Ano kaya ang mangyayari sa ating pakikipagkomunikasyon kung hindi wasto ang
gamit natin sa kaantasan ng pang-uri? Bakit?

E. Paalala
> Maghanda para sa maikling pagsusulit sa susunod na pagkikita tungkol sa kaanatsan ng
pang-uri.

You might also like