Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO

Paaralan Baitang/Antas 8

Guro Karen Joy S. Tan Asignatura FILIPINO

Araw/Petsa Hunyo 06, 2018 Markahan IKALAWA


I.LAYUNIN

A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol
Pangnilalaman at Hapon

B.Pamantayan sa Pagganap Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

C.Mga Kasanayan sa a. Nakapagbabahagi ng sariling pananaw patungkol sa kuwento


Pagkatuto
b. naiuugnay ang kaisipan ng kuwento sa pang-araw-araw na buhay.

c. nasusukat ang kaalaman o naunawaan ng mga mag-aaral sa maikling kwentong tinalakay sa pamamagitan ng
paggawa ng sariling wakas ng kuwento.

II.NILALAMAN
Paksa Bunga ng Kasalanaan ni Cirio H. Panganiban

Mga Kagamitan Cartolina, pisara, mga larawan

Istratehiya Karanasan mo, Isulat Mo!, Story Impression, Wakasan Mo!


Sanggunian Batayang Aklat sa Filipino 8 pahina 23-26
III.PROSESO NG PAGKATUTO
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG - AARAL
A.Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga din po Bb. Tan.
2.Pagsasaayos ng klase
Mangyaring pulutin ang mga kalat sa ilalim ng inyong mga upuna at Pupulutin ng mga mag – aaral ang mga kalat, aayusin ang linya ng upuan
ayusin ang linya ng mga upuan at magsiupo kayo sa inyong itinalagang at tahimik na magtutungo sa nakatalagang upuan nila.
lugar.

3.Pagtatala ng liban sa klase


Sabihin ang “Narito po” kung kayo ay present at mangyaring tumugon Isa – isang tumutugon ang mga mag- aaral sa pagtatala ng liban ng guro.
ang katabi kung liban ang inyong kamag-aral.
B.Pagganyak

Estratehiya: Karanasan Mo, Isulat Mo!

Bago tayo magsimula ay mayroon muna akong inihandang


isang Gawain. Mayroon ako rito na mga piraso ng papel kung
saan isusulat ninyo ang mga bagay na labis ninyong hinangad
ngunit hindi ninyo na nakuha.

Naunawaan ba ang gagawin?


Opo!
(ang mga mag-aaral ay isa-isang bibigyan ng mga piraso ng
papel)

Bibigyan ko lamang kayo ng 2 minuto upang matapos ang


gawain.

Matapos ang dalawang minuto ay pipili ako ng ilang mag-


aaral upang magbahagi ng kanilang isinulat.

Maaari na kayong magsimula.


(matapos ang dalawang minuto ay ipapasa ng mga mag- (Ang mga mag-aaral ay tahimik na magsusulat)
aaral ang kanilang papel. Bubunot ang guro ng limang mag-
aaral upang ibahagi ang kanilang kasagutan)

(ibabahagi ang kanilang isinulat)

C.Paglalahad
Tignan natin kung ano ang magiging kaiugnayan
ng ating ginawang gawain sa ating tatalakayin
ngayong araw pero bago yun, maari bang basahin
ang pahayag na nasa harap.

“Sa bawat bagay ay may kapanahunan, at panahon (Babasahin ng mga mag-aaral ang pahayag)
sa bawat panukakala sa silong ng langit.”
–Mangangaral 3:1

Ano kaya ang ibig sabihin ng pahayag sa harap?


Ito po ay tungkol sa paghihintay ng tamang panahon.

Mahusay! sapagkat ang tao ay dapat lamang


marunong maghintay sapagkat ang paghihintay
ay magbubunga ng maganda sa kaniyang buhay.

Ganyan rin kaya ang katangiang ipapakita ng ating


mga tauhan sa Maikling Kuwento?

D. Pagtalakay sa Aralin
Handa na bang makinig? Opo!

Kung gayon, sa akin lamang ang tingin at itikop ang


inyong bibig.

Estratehiya: Story Impression

“Bunga ng Kasalanan”
Ni Cirio H. Panganiban

(Tatalakayin ng guro ang maikling kuwento sa


pamamagitan ng story impression.)

Kung gayon ang bagay na labishinangad ng Opo!


mag-asawang si Rodin at Virginia?

Mahusay! Sapagkat ang mag-asawa ay hindi


magkaroon ng anak na matagal na nilang hinihiling. Magkaroon po ng anak.

Nagpakita ba ng labis na pananampalataya ang


dalawang tauhan sa kuwento? Hindi po sapagkat hindi po sila natutong maghintay sa tamang panahon.

Sa unang bahagi ng ating kuwento ay ipinakita


naman ni Virginia ang pananampalataya ngunit
habang tumatagal ay nawala ang kanyang
paniniwala hanggang humantong siya sa maling
desisyon.
Hindi po, dahil maaaring nagbibigay po sila ng maling impormasyon sa
Tama ba ang ginawa ng mag-asawa na humingi mga tao.
ng tulongsapekengdoktor? Bakit?

Mahusay!
Matuto po tayong maghintay dahil hindii bibigaysa atin ang bagay
Anong aral o kaisipan ang naisipahatid ng hanggat hindi pa tama ang panahon.
atingkuwento?

Mahusay sapagkat katulad ng sinabi kanina na


“In Gods Time”. Dahil inilalaan pa ng Diyos ang
mga mas magandang bagay para saatin at
tinuturuan Niya tayo kung paano maghintay,
maniwala at manampalataya.
Opo!
Nauunawaan ba ang ating talakayan?
Wala na po!
May katanungan?

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG - AARAL

SINTESIS
Estratehiya: Wakasan Mo!

Napansin natin na parang bitin ang ating kuwento kung kayat ang nais
ko ay gumawa kayo ng sariling wakas ng kuwentona “Bunga ng
Kasalanan”. Isulat ito sakalahating bahagi ng papel.

Mayroon lamag kayong 8 minuto upang matapos ang gawain.

Nauunawaan ba?

Opo!
Maaari na kayong magsimula.

(ang mga mag-aaral ay magsisimulang magsulat ng kanilang buod)

KASUNDUAN/TAKDANG-ARALIN
Basahin ang “Ang Tahanan ng isangSugarol” ni Rustica Carpio sa Pahina
38

Inihanda ni:

Karen Joy S. Tan

You might also like