Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Scene 1: Handaan

Narrator: Buwan ng Oktubre, abala ang lahat sa pagpili ng magagarang kasuotan


at mamahaling hiyas upang isuot sa isang salu-salo na inihanda ni Don Santiago
Delos Santos na kilala din bilang Kapitan Tiyago.

(Binabati ni Tiya Isabel ang mga bagong dating. Naguusap sina Padre Sibyla,
Padre Damaso at ang tinyente ng guardia civil)

Padre Damaso: Hindi ba ninyo batid na marami sa mga Indio ang mangmang?
Tulad nga ng paniniwala ko sa ebanghelyo, ang mga dito ay mga pabaya.

(Sarcastic pagkakasabi, sarcastic din tawa)

Laruja: Padre Damaso, hindi rin ba ninyo batid na nasa tahanan tayo ng isang
Indio?

Padre Sibyla: Hinay-hinay ka sa iyong binibigkas. Maaring masaktan mo si Kapitan


Tiyago.

Padre Damaso: Ha! Matagal nang ipinagpalagay ni Tiyago na siya’y hindi isang
Indio. Inuulit ko, wala nang makakatalo sa kamangmangan ng mga Indio!

(Titigil sila magusap pag dumating sina Kapitan Tiyago at Crisostomo)

Tiyago: Mga kaibigan! Ikinagagalak kong ipakilala sa inyo ang dahilan ng


pagsasalong ito, ang anak ng nasira kong kaibigan, si Don Crisostomo Ibarra na
kararating lamang mula sa Europa.

Crisostomo: Buenas Noches. Señor es. Sa mga kura sa aking bayan at sa matalik
kong kaibigan ng akin ama, Padre Damaso, patawarin po ninyo ako sa aking
pagkakamali.

(Hindi papansinin ni Damaso si Crisostomo pagka banggit niya ng kaniyang


pangalan, hindi siya lilingon kapag kinausap niya)

Damaso: Hindi ka nagkakamali. Ako nga si Padre Damaso, ngunit kailanma’y hindi
ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama.

Tinyente: Kayo na nga ba ang anak ng yumaong si Rafael Ibarra?

Crisostomo: Si. Señor Tinyente.

Tinyente: Maligayang pagdating! Nawa’y mas maging mapalad kayo kaysa sa


inyong ama.

Crisostomo: Muchas gracias, Señor.

Tagahain: Nakahanda na ang hapunan!

(Pupunta na sa hapagkainan ang mga tauhan. Makikipag agawan pa sina


Damaso at Sibyla sa upuan. Maapakan ng Tinyente Guevarra ang laylayan ni
Doña Victorina)
Victorina: Naapakan mo ang aking bistida, ginoo! Wala ka bang mga mata?

Tinyente: Mayroon po, Señora. Mga pares na mas malinaw pa kaysa sa inyo.
Ngunit ako’y nakamasid sa inyong buhok.

Laruja: Señor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa,
ano’ng pinakamahalagang bagay ang nakita n’yo?

Crisostomo: Nang natutunan ko na ang kasaysayan, nalaman ko na ang kalayaan


o pagka-alipin ng isang bansa ang nagdidikta ng kasaganahan o paghihikahos nito.

Damaso: Nagawa mong lustayin ang iyong yaman para lamang diyan? Wala ka na
bang nakitang mas mahalaga? Isa kang bulag! Kahit ang isang bata’y alam iyan!

Crisostomo: Nagpapasalamat ako’t palagay ang loob ng dating kura sa akin.


Perdon, Señor. Sinasariwa ko lamang ang mga alaala ng aking kabataan, nang
kayo’y madalas na magtungo sa aming tahanan upang makisalo sa aming
hapunan. Ah, nawa’y ipagpaumanhin ninyo ako. Kagagaling ko lamang sa
mahabang biyahe at may aasikasuhin pa ako bukas. Para sa España at Pilipinas!

(Lahat ay magt-toast except kay Tiyago)

Crisostomo: Kapitan Tiyago?

(Ibababa ng lahat ang kanilang inumin)

Tiyago: Kung ako sa’yo, hindi muna ako aalis. Maya-maya’y darating din si Maria
Clara.

Crisostomo: Bibisitahin ko po siya bukas. Sa ngayon ay may importante akong


dapat gawin. Mapapadalas na ang ating pagkikita, mga Señor. Sa muli.

(Magpapaalam si Ibarra, ang iba ay mananatali sa upuan. Maya maya


magdadabog si Damaso sa lamesa)

Damaso: Hijo de perra! Nakita na ninyo?! Ganyan ang nangyayari sa mga


kabataang ipinapadala sa Europa! Nagiging mayabang at mapagmataas! Kaya
nararapat lamang ipagbawal na ang pagpapadala ng mga bata doon!

(Biglang dadating si Maria Clara. Mapupunta sa kanya lahat ng atensyon dahil sa


kanyang kagandahan. Biglang mapapatayo sa kanyang upuan ang pransiskano,
tila may balak. Pipigilan siya ng mga kasama niyasa upuan, habang si Maria
Clara ay pilit na hinahanap si Crisostomo)

Tiyago: Maria Clara! Hindi mo naabutan si Crisostomo, ka-aalis lang niya lamang
kanina. Pinakiusapan ko siya ngunit ay may importante siyang gagawin. Kumain ka
na lamang at magpakabusog, halika.

(Tatayo si Tiyago upang paupuin si Maria Clara. Ganun din sina Sibyla, Tinyente,
Laruja at Damaso. Ngunit ay tumanggi ito)

Maria Clara: Salamat, ngunit hindi na po mga ginoo. Maaari ko na lang siyang
puntahan bukas. Salamat muli Kapitan Tiyago sa pagimbita. Ako’y aalis na po,
magandang gabi muli sa inyo mga ginoo.
(Aalis si Maria Clara, susundan siya ng tingin ng mga tao. Pagkaalis niya ay
magbabalik sa sari-sariling buhay ang mga tao at minsa’y paguusapan ang
dalaga)

Sibyla: Ka’y gandang dalaga, di kumukupas ang ganda ni Maria Clara. Bagkus ay
mas gumaganda pa siya habang patagal ng patagal. Oh siya, ako na rin ay aalis na.

(Sunod din magpapaalam sina Laruja at Tinyente. Maiiwan si Damaso)

Tiyago: Hindi pa tapos ang handaan, bakit tila’y nagmamadali kayong lahat?

Laruja: Salamat ngunit kami’y mga taong binuhusan ng responsibilidad. Nais


naming magpahinga sa napakahabang araw na ito.

Tiyago: Gan’on ba? Oh siya, sige. Maaari na kayong umalis.

(Aalis na yung dalawa. Nakatayo si Tiyago upang bigyan respeto ang 2 tsaka siya
uupo pagkatapos maka alis)

Tiyago: Padre Damaso, ikaw rin ba’y may importanteng gagagawin?

Damaso: Wala, ngunit ako’y aalis na rin. Wala rin naman akong pasya rito.

(Tatalikod na para umalis, tas biglang may naalala)

Damaso: Siya nga pala, bantayan mo ng maigi ‘yang walanghiyang si Crisostomo,


turuan mong tumingin sa pinanggalingan! Hindi porke’ nakapunta sa Europa ay
ganun na siya umasta! Mga pabaya!

(Padabog na aalis)

(Drum roll, next scene)

Scene 2: Erehe at Pilibustero

Narrator: Kahit sa kalyeng maraming tao’y di yun hadlang para kay Crisostomo na
malunod sa kaniyang mga iniisip. Bigla siyang napahinto nang may kamay na
pumatong sa kanyang balikat.

Tinyente: Señor Ibarra.

(Magugulat si Crisostomo, babalik sa huwisyo)

Crisostomo: Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako.

Tinyente: Mag-iingat kayo, Señor.Maging aral sana sa inyo ang ang nangyari sa
inyong ama.

Crisostomo: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama.


Maaari ba ninyong sabihin sa akin?

(Maguguluhan si Tinyente)

Tinyente: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkaka-alam ko, namatay ang iyong


ama sa loob ng bilangguan.
Crisostomo: Ano? Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo’y
nagkakamali lamang?

Tinyente: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay namatay sa
bilangguan. Si Rafael Ibarra, siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre
Damaso.

Crisostomo: Santisima! Paano umabot sa ganito ang aking ama? Tinyente, sabihin
po ninyo sakin lahat ng inyong nalalaman. Gusto ko malaman bakit nakulong si
ama.

Tinyente: Saglit bago ang lahat, ikaw ba’y sigurado na gusto mong malaman ang
katotohanan?

Crisostomo: Ama ko ang nakasalalay dito, handa akong marinig kung ano man ang
nangyari.

Tinyente: Sabagay, wala rin ako magagawa. Umupo ka muna riyan.

(Pauupuin muna si Crisostomo bago siya umupo)

Tinyente: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na


naging kolektor ng buwis. Nang siya’y nangongolekta, minsan siyang
napagkatuwaan ng bata. Nakita ng iyong ama na sinasaktan na niya ang mga ito,
kaya niya tinulak ang kolektor. Sa kasamaang palad, ilang minuto lamang ay
namatay ang kolektor. Dahil dito’y hinuli siya at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat,
at pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil sa kabiguan niyang makalaya, nasira
ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay.

Crisostomo: Kaya pala.. Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan.

Tinyente: Ako na mismo ang humihingi ng paumanhin para kay Kapitan Tiyago.

Crisostomo: Naiintindihan ko ‘yon Tinyente. Magulo na ang aking isip, nais kong
magpahinga. Nangako din ako kay Kapitan tiyago na magkikita kami ni Maria Clara
kinabukasan.

(Aalis si Crisostomo)

Tinyente: Senor, sandali lang.

(Lalapit kay Ibarra, hahawakan balikat)

Tinyente: Sana’y hindi ka magtanim ng galit sa nagawa ni Kapitan Tiyago, sana


mai---

(Tatapikin ni Ibarra ang kamay ni Tinyente, ibaba na niya kamay niya.)


Crisostomo: ‘Wag po kayo magaalala, naiintindihan ko ang Kapitan. Magpahinga
na rin kayo, bukas ay babalik tayo sa ating mga tungkulin.

Tinyente: Paalam, mag-iingat ka Senor.

Scene 3: Suyuan sa Asotea

(Nagwawalis si Tiya Isabel habang si Maria Clara ay pasimpleng nagaabang kay


Crisostomo)

Maria Clara: Bakit kaya wala pa siya?

(Kinakabahan, patagong di mapakali. Biglang kakatok si Ibarra sa kanilang


tahanan. Matataranta si Maria Clara, pupunta sa kwarto at magaayos ng sarili)

Tiya Isabel: Saglit lang!

(Ibaba ang walis, magpapagpag ng kamay sa damit sabay bukas ng pinto)

Crisostomo: Magandang araw ho.

Tiya Isabel: Crisostomo, iho! Ikaw pala!

(Matutuwa sa pagbisita ni Crisostomo, yayakapin ito)

Crisostomo: Nandito po ba si Maria Clara?

Tiya Isabel: Nako, nasa kwarto niya. Maupo ka na lamang at tatawagin ko siya.

(Uupo si Ibarra. Pupunta si Tiya Isabel sa kwarto ni Maria Clara)

Tiya Isabel: Iha, nariyan si Crisostomo. Bumaba ka na, wag mo siyang paghintayin.

Maria Clara: Opo Tiya, bababa rin po ako.

(Bababa si Tiya Isabel tas alis na sa scene, ilang segundo susunod si Maria Clara.
Hahalikan ni Ibarra kamay ni Maria Clara)

Crisostomo: Hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda, Maria Clara.

(Biglang tatanggalin ni Maria Clara ang kamay niya sa pagkakahawak ni Ibarra)

Maria Clara: Tigilan mo nga ako, Crisostomo. Nakapunta ka lang sa Europa,


tumamis na ang iyong salita.

(G-gesture yung upuan kay Ibarra para umupo. Uupo na rin siya)

Maria Clara: Marahil, maraming magagandang dilag sa ibang bansa ang nahulog
sa pambobola mo.
Crisostomo: Mahal ko, alam mo bang ako’y isang mapalad na tao?

Maria Clara: Mapalad? Bakit? Dahil sa mga babae mo?

(Tatawa si Ibarra)

Crisostomo: Mapalad dahil ipinagpasya ng ating mga magulang na ikasal ako sa


pinakamagandang babae na ngayon ay nasa aking harapan.

Maria Clara: ‘Yan ba ang nakukuha mo sa Europa? Pambobola ba pinagaralan mo,


Crisostomo?

Crisostomo: Hindi nga kita binobola. Isinumpa ko noon sa harap ng pumanaw


kong ina na wala akong ibang iibigin kundi ikaw lamang.

Maria Clara: Ako ma’y hindi makakalimot kailanman. Pinayuhan ako ng padre
kumpesor na limutin na kita , ngunit iyon ay sadyang imposible.

(Magp-pause saglit)

Crisostomo: Labis akong nangungulila sa iyo, Maria.

Maria Clara: Higit akong nangulila. Crisostomo.

Crisostomo: Patawarin mo ako kung ako’y magpapaalam na. Kailangan ko nang


umuwi sa San Diego dahil bukas ay araw ng mga patay.

(Tatayo si Ibarra)

Crisostomo: Hanggang sa muli, mahal ko.

(Aalis na si Ibarra, biglang tatayo si MC)

Maria Clara: Sandali..

(Kukunin yung bulaklak sa vase na galing sa lamesa)

Maria Clara: I-alay mo ang mga ito sa iyong mga magulang.

Crisostomo: Maraming salamat.

(Aalis na ng tuluyan si Ibarra)

Maria Clara: Magiingat ka, Crisostomo.

Scene 4: Suliranin sa Bayan

Narrator: Pagkatapos mag-misa ni Sibyla, nagtungo siya sa isang gilid at


tumambad ang isang paring matanda na tila may malubhang sakit. Nakaramdam
siy ng awa, kalaunan ay nilapitan niya ito.
Sibyla: Magandang araw, padre. Kamusta po kayo? Kwento ho kayo.

(Pauupuin yung pari, tsak siya uupo)

Pari: Salamat iho. Sa kabutihang palad ay nagising pa ako kaninang umaga.


Pakiramdam ko’y isa akong kandilang unti-unting nauupos. Alam kong nalalapit na
ang aking katapusan.

Sibyla: Manalig kayo, Padre. Ipagdarasal ko kayo. Siya nga pala, Nagbalik na sa
San Diego ang bugtong na anak ni Rafael Ibarra.

Pari: Siya nga? Bueno, kamusta naman siya? Malugod ba ang pagtanggap sa
kaniya ng mga taga-San Diego?

Sibyla: Mainit siyang tinanggap ng kaniyang mga kababayan, lalo na si Kapitan


Tiyago at ngkaniyang maybahay. Ngunit tila iba ang iniisip sa kaniya ni Damaso.

Pari: Paano mo nasabi iyan?

Sibyla: Tila kay laki ng sama ng loob ni Damaso sa binata. Sa bawat pagkakataong
sila’y magkikita ay agad na nag-iinit ang ulo ni Damaso. Noon ngang nagsagawa ng
pagtitipon sa ngalan ni Crisostomo Ibarra, kulang na lamang ay agawin niya ang
pistola ng tinyente at itutok sa binata.

Pari: Malamang ay marahil na rin iyon sa nararamdamang pagkapoot ni Damaso


kay Don Rafael. Kilala ko si Damaso. Matabil ang kaniyang dila, ngunit sa kaniyang
kalooban ay nagtatago ang isang duwag.

Sibyla: Gayun pa ma’y iba ang nakkita ko sa binatang ito. Mabait siyang tao,
matapang. May dignidad. Hindi natatakot na ipahayag ang kaniyang sarili.

Pari: Kung gayo’y maaari natin siyang gamitin para sa ikabubuti ng ating
kapatiran. Alam kong unti-unti nang nawawala ang ating mga kayamanan.
Lubhang matatalino ang mga Indio. Hindi na sila kumakagat sa mataas na buwis
na ating pinapataw.

Sibyla: Tama kayo, padre. Bueno, ako’y mauuna na padre. Maiwan ko na muna
kayo.

Pari: Gracias, Sibyla.

Narrator: Sa kabilang dako naman, bumisita si Padre Damaso para makipag-usap


kay Kapitan Tiyago upang pagusapan ang kung ano man ang bumabagabag sa
kaniya.

(Makikita ni Tiyago si Damaso, akmang kukunin ang kamay upang magmano


ngunit di yun papansinin ni Damaso.)

Damaso: Kailangan nating mag-usap ng sarilinan!


Tiyago: Kumalma ka padre. Ano ang nais mong pag-usapan at ganito ang iyong
asta?

(Aayain umupo muna ni Tiyago si Damaso)

Tiyago: Maupo ka muna riyan ng mapagusapan natin, kukuha ako ng ating


maiinom.

(Aalis si Tiyago ngunit sisigaw si Damaso)

Damaso: Magtapat ka nga sakin!

(Haharap si Tiyago sa kaniya)

Tiyago: Tungkol saan?

Damaso: Anon na ang progreso ng iho de perra na ‘yan kay Maria Clara?!

Tiyago: Wag niyo naman pagsalitaan ng ganiyan si Crisostomo. Mabait siyang tao,
nakikita ko iyon. Totoo ang pagmamahal niya kay Maria Clara, wala naman din
akong nakikitang masama roon. Kaya ay ipinagpasya ko na siya sa anak ko, alam
kong aalagaan niya ito ng mabuti.

Damaso: Bakit?! Hindi ito maaaring magpatuloy pa! Tutol ako na


makipagmabutihan ‘yang Crisostomo na yan kay Maria Clara! Hindi siya tulad ng
naiisip mo. Isa siyang suwail na bata! Nakapunta lang ng Europa ay naging walang
hiya na!

Tiyago: Kilala ko si Crisostomo, mabait ang batang ‘yon.

Damaso: Hindi ko alam kung ano ang nakikita niyo sa Crisostomo na ‘yan. Aalis na
ako.

(Tatayo na si Damaso para umalis ngunit bigla siyang titigil)

Damaso: Binabalaan kita, Kapitan. Kailanma’y huwag mong tangkain na maglihim


sa akin. Ako pa rin ang inaama ni Maria Clara.

(Tuluyan ng aalis si Damaso)

You might also like