Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Ang Lipunan at Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas Ang edukasyon ay laging nagsisilbi sa isang

pampulitikang hangarin, isang estabilisadong pampulitikang kaayusan, isang partikular na interes ng uri
(sa lipunan). - mula sa Pedagogy of the Oppressed ni Paulo Freire Ang institusyon ng edukasyon, tulad ng
iba pang organo ng kultura ay nagsisilbi sa pagmintina ng kasalukuyang kaayusan ng anumang lipunan.
Ang silbi nito ay pagtuturo sa mga susunod na henerasyon ng mga kasanayan at kaalaman, mga
paniniwala at pagpapahalaga (values), maging pandaigdigang pananaw na siyang susuhay sa
pampulitikang kaayusan. Malinaw na repleksyon lamang ng katangian panlipunang kanyang ginagalawan
ang umiiral na sistema ng edukasyon at hindi ito maaaring umiral ng hiwalay dito. Ang sistema ng
edukasyon sa Pilipinas ay sa ganitong balangkas din umiiral. Noon at ngayon ang mga patakaran at
programa sa edukasyon ay nagtitiyakna ang edukasyon sa Pilipinas ay magsisilbing prinsipal na
instrumento sa pagpapanatili ng dayuhang paghahari sa bansa at hindi nakatuon sa mga batayang
pangangailangan ng lipunang Pilipino. Tandaan natin na tatlong daang taon tayong nasa kumbento
(Spanish Colonial Rule) at 50 taon sa Hollywood (American Colonial Rule) at maging sa ngayon ay nasa
ilalim pa rin ng paghahari ng Imperyalistang Estados Unidos (EU). Huwad ang ating kalayaan at tayo pa
rin ay isang bagong-tipong kolonya; nakatali sa pamamagitan ng mga polisiya at programang pumapabor
sa EU na pinapatupad ng naghaharing uri. Ang neo-kolonyal at mala-pyudal na katangian ng lipunang
Pilipino ang siyang pinanatili ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Nagagawang ipatanggap sa
mamamayang Pilipino ang pananatiling atrasado, non-industriyal ng ekonomiya habang may maliit na
seksyon ng elitista ang nakikinabang sa kutsabahan sa Imperyalistang EU na ang kahulugan at
pagdarambong sa likas na yaman ng bansa kasabay ng pagiging palengke nito at pinagkukunan ng murang
lakas paggawa. Ang ganitong sistema ng edukasyon ang siyang sumisira sa buhay at kinabukasan ng
kabataan at mamamayang Pilipino. Hindi mapakinabangan ang lakas at talino ng mamamayan sa ganitong
kairalan. Kaya t sinasabi nating may krisis ang sistema ng edukasyon at ito y lalo lamang lumalim at
tumitindi sa pagdaan ng panahon.

2 Ang Krisis ng Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas Bilang Komersyalisado Kahit saan ka mag-aral, pribado
man o sa mga pampublikong pamantasan, napakamahal na kalakal ang edukasyon. Sa madaling salita,
ang edukasyon sa Pilipinas ay para lamang sa may kakayahang magbayad: isang komoditi (commodity).
Kumakalam ang sikmura ng pamilyang Pilipino sa pagtitipid, mapag-aral lang ang anak. Batay sa 2002 UN
Human Development Indicators, napakataas ng ating literacy rate (tantos ng marunong bumasa at
sumulat): 95.3% at umaabot 82% ang pinagsamang enrollment ratio mula primary hanggang tertiary. Sa
kabila ng mga datos na ito nananatiling mababa ang kalidad ng edukasyon sa kabuuan. Nanatiling
napakaliit ng ginagastos ng gobyerno sa edukasyon, halos P 20/day lamang estudyante kumpara sa iba
pang bansa sa Asya. Ayon sa National Statistics Office (NSO SY ) ang bawat pamilyang Pilipino ay
gumagastos ng P6,844/estudyante sa buwan pa lamang ng May-June kung saan ay panahon lamang ng
pagbubukas ng klase. Tinatayang ang pamilyang Pilipino sa buong bansa ay gumagastos ng P76.1B para
sa edukasyon kung saan ang 2/3 nito na 53.4B ay napupunta lamang sa pambayad ng nagtataasang tuition
fee. Malayo na sa pagiging batayang karapatan ng lahat ng kabataang Pilipino ang tinungo ng edukasyon.
Nag dudumilat ang mga kasalukuyang datos at statistics na nagpapakita ng mulat na pagsisikap ng estado
na iabandona ang responsibilidad nito sa edukasyon. Mula ng maisabatas ang Education Act of 1982 ay
walang prenong magsi-pagtaas ng matrikula ang mga kapitalistang edukador. Sa nakalipas na pitong taon
( ) ay pumapatak sa 14% ang TFI sa karaniwan para sa mga pribadong paaralan. Sa mga SCU s at public
schools naman ay patuloy ang budget cut sa subsidyong dapat sanang binibigay ng gobyerno bilang
suporta sa kanila. Ang budget cut/taon ay pumapatak sa 10-30%. Sa hanay ng elementarya ay mas
malaking bilang ang pampublikong paaralan kung saan matatagpuan ang 93% ng kabuuang nag-aaral sa
elementarya. Pagpasok ng sekundaryo at tersaryong paaralan ay nadodominahan na ng pribado. 85% ng
mga Higher Education Institution (HEI) ay pag-aari ng mga pribadong indibidwal at 33% naman ang sa
sekundarya. Mahigit 78% ng mag-aaral sa sekundarya ang nagsisiksikan sa pampublikong paaralan. Ang
pagpapabaya ng pamahalaan sa edukasyon ay nagbibigay naman ng malaking ganansya para sa mga
kapitalista bilang pamalagiang source ng dambuhalang kita.

3 Sa katunayan, ang big 8 sa UNIVERSITY BELT ay palagiang nasa listahan ng top 1,000 corporations sa
bansa. Samantala, ang mga magulang at mag-aaral ang pumapasan ng bigat sa taun-taong pagtataas ng
matrikula at iba pang bayarin. Sa patuloy na pagtindi ng komersyalisasyon sa edukasyon, lalong magiging
inaccessible ito sa mayorya ng marginalized sectors. Taun-taon rin, dumarami ang mga estudyanteng
nagsisipaglaglagan sa mga paaralan dahil sa kawalang kakayahan na abutin ang halaga ng edukasyong
kolonyal. Bilang Kolonyal Mahalaga ang papel ng edukasyon sa pag-unlad ng bansa at sa paghubog nito
ng pambansang kamalayan. Matingkad ang neo-kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa dalawang
aspeto: sa kanyang prayoridad na kurso at kasanayan (skills) at sa paraan ng paghubog nito ng kamalayan
( consciousness formation ). Mula sa Education Act of 1982 ni Marcos, Education 2000 ni Ramos, Ten
Point Agenda ng Philippine Commission on Education Reform (PCER) ni Estrada hanggang ngayon ay
walang ibang kahulugan kundi ang patuloy na pagiging sunud-sunuran ng edukasyon sa mga imposisyon
ng IMF-WB policies. Sentrong usapin sa pagpapatupad ng mga programang ito ang pagpupuspos ng
liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon sa buong balangkas ng pagpapatupad ng iskemang
globalisasyon para maampatan ang lumalalang krisis ng imperyalismo. Sa ilalim ng banderang global
competitiveness, bibigyang prayoridad ang English, Math at Science. Ang ideya ng global competitiveness
ay ang maramihang export ng cheap, docile at English-speaking labor force. Para tiyakin ito, mag-iimport
tayo ng mga dayuhang guro para sa English, Math at Science Peace Corps Volunteers the second coming
of the Thomasites). Hindi nilalayon ng pokus sa Science, Math at Computer Education ang pagkakaroon
ng maraming Pilipinong Scientists na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomya ng bansa.
Hindi nito layuning gawing accessible ang mga makabagong impormasyon at teknolohiya sa masang mag-
aaral o kaya y paunlarin ang istandard ng edukasyon. Ang pokus sa syensya ay sapat lamang upang
matutunan ang pag-oopereyt ng mga makinarya at teknolohiya ng mga MNC s; ang lumikha ng computer
literate na lakas-paggawa at magsanay ng ilang potensyal sa larangang ito para pa rin sa kahingian ng
mga dayuhang korporasyon. Ang values formation sa pamamagitan ng WB-IMF sponsored/funded
textbooks ay nagpapatingkad ng kaisipang kolonyal at pagiging maamo at masunurin (subservience).
Pinalalalim ang mga kaisipan, gawi at aktitud na susuhay at magbibigay-katwiran sa mapagsamantala at
mapang-aping kairalan.

4 Bilang Pyudal at Reprisibo Sinusuhayan ng kasalukuyang mga tunguhin sa edukasyon ang pagpapanatili
ng mga pyudal na kaisipan at gawi. Mahalaga ang mga ganitong kaisipan lalo na dahil ang pwesto ng
Pilipino sa buong iskema ng globalisasyon ay bilang maamo at murang lakas paggawa para sa mga
dambuhalang dayuhang korporasyon ng monopolyo kapitalista. Ang pyudal na oryentasyon ng edukasyon
ay maiuugat sa realidad na ang iilang makapangyarihan sa lipunan na siyang namamayani sa pulitika at
ekonomiya ng bansa na siya ring nasusunod sa usapin ng edukasyon: paano ang alokasyon ng pondo sa
edukasyon, mga benepisyo at oportunidad, pagpapagawa ng mga instructural materials tulad ng textbooks,
mga curriculum sa lahat ng antas at maging regulasyon ng mga pribado at pampublikong paaralan. Tulad
ng nabanggit, umaabot ang sagarang elitistang kontrol na ito sa paraan kung paano natututo ang bata o
anu-anong mga kaalaman (knowledge) ang nararapat nitong makuha na siyang susuhay sa pagmimintina
ng kasalukuyang kairalan. Pwersado ang mga guro, estudyante at maging mga magulang na sumunod sa
ganitong kairalan mula sa nakatataas. Hindi sulong kundi isang atrasadong pagtingin na pasibo, di-kritikal
at patalistiko ang mahuhubog sa mamamayan. Kasabay nito ay pagpapairal ng mga represibong batas at
patakaran, pinahihigpit ang kultura ng takot at pagsasawalang kibo. Bigyang pansin na mahigit
dalawampung taon na ang nkalipas buhat ng ipatupad ang Ed. Act. Sa ganitong konteksto natin uunawain
ang pamamayani ng culture of apathy, individualist sa maraming kabataang Pilipino ngayon. Bilang Elitista
Ang edukasyon sa ganitong balangkas ay hindi na batayang karapatan kundi prebilihiyo o karapatan
lamang ng privileged few. Nagmistula na itong mahal na produkto o commodity. Batay sa statistics, sa
bawat 100 mag-aaral sa elementarya, 20 lamang ang nakakapagpatuloy sa kolehiyo, at 14 lamang ang
makakapagtapos. Pangunahing dahilan dito ang pagtindi ng kahirapan at kawalang kakayahan ng mayorya
na makakaangkop dito. Sa 14 na makapagtatapos sa kolehiyo, 5 lamang ang makakukuha ng trabaho at
ang iba pa ay madaragdag na naman sa malaking hukbo ng lakas paggawa na walang hana-buhay.
Walang batayang pagbabagong nilikha at lilikhain ang patuloy na pagpapatupad ng Ed Act at Educ Wala
itong ibang layunin kundi ang pagsilbihin ang edukasyon bilang isang cultural machinery para patagusin
ang paghahari at tiyakin an interes ng dayuhang monopolyo kapital (cultural aggression).

5 Tungo sa Alternatibong Edukasyon Ang paghahangad para sa isang alternatibong sistemang pang-
edukasyon ay nagsimula mas maaga pa sa dekada sisenta. Pinatunayan na ng mga pag-aaral na ang
sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay hindi umaangkop sa kalagayan ng bansa sa halip ay nagbibigay
katwiran lamang sa kasalukuyang kaayusan neo-kolonyal at mala-pyudal. Ang paghahangad para sa
pagkakaroon ng alternatibong edukasyon kung gayon ay pagsasabuhay ng pangarap ng buong
sambayanan na kamtin ang katarungan, kalayaan at tunay na demokrasya. Ang edukasyon ay kongkretong
sandata upang kamtin ang pambansang hangarin. MAKABAYANG EDUKASYON Ang edukasyon ay
nararapat na may matibay na komitment at pagkatig sa interes ng buong sambayanang Pilipino bilang
isang bansa at mamamayan nito. Ito ay nangangahulugan ng pangingibabaw ng interes ng mas
nakararaming mamamayan at interes ng bansa kung kaya tinututulan at nilalabanan nito ang anumang
porma ng dayuhang pakikialam at pagdikta sa buhay ekonomiya, pulitika at kultura na mamamayan.
SYENTIPIKONG EDUKASYON Ito ay ang edukasyong naglilinang ng pagkamalikhain at kritikal na pag-
iisip alinsunod sa ibayong pagpapaunlad ng syensya at ng teknolohiya na magtutulak para sa pambansang
industriyalisasyon. Ang ganitong syentipikong oryentasyon ay napakahalaga upang talikdan at pabagsakin
ang pyudal, mali at atrasadong paniniwala at tradisyon na pilit na isinaksak sa mamamayang Pilipino ng
kolonyal na naghari sa buong bansa. Sa halip, ito ay magsisilbi para sa pagbubukas ng kaisipan sa mga
tunay na kaganapan at kalagayan ng buong bansa. PANGMASANG EDUKASYON Ito ay edukasyong
tumatangkilik sa mayorya ng mamamayang Pilipino sapagkat ito ay tumutugon batay sa aktwal na
pangangailangan ng masa at kung gayon ang anupamang kaalaman na tinataglay ng bawat isa ay tiyak
na magsisilbi para sa kapakinabangan ng buong bansa.

YUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa


Bansa
1. 1. Yunit III Aralin 9: Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
2. 2. Isang mahalagang salik ang edukasyon sa pag-unlad ng mamamayan at sa pagsulong ng
isang bansa. Mahalagang salik din ito sa pag-unlad ng istandard ng pamumuhay ng bawat
mamamayang nakapag-aral. Alamin Mo
3. 3. Sa pamamagitan ng iba-ibang programang pang-edukasyon ng pamahalaan, natutugunan
ang pangangailangan sa pagkatuto ng mga mamamayan.
4. 4. Ang Pilipinas ay kaisa sa mga bansang nagtataguyod ng Edukasyon para sa Lahat
(Education for All) na naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bawat Pilipino,
bata man o matanda. Bilang tugon sa pandaigdigang programang ito at sa pambansang
pangangailangan
5. 5. na mapaunlad ang sistema ng edukasyon sa bansa, may mga programa sa edukasyon na
ipinatupad ang pamahalaan. Nangunguna sa mga ito ang Basic Education Program o
kilalang Kinder to Grade 12 Program.
6. 6. Nilalayon nitong magkaroon ang mga mag-aaral ng lubos at tuloy-tuloy na pagkatuto ng
mga batayang kasanayan, at magkaroon ng kahandaan sa kolehiyo o pag-eempleyo.
7. 7. May mga Day Care Center din sa maraming barangay na nangangalaga sa mga batang
nag- uumpisa pa lamang matuto.
8. 8. Valenzuela Day Care Center
9. 9. May programa rin para sa mga out-of-school youth (OSY) o yaong mga nahinto sa pag-
aaral na pinangangalagaan naman ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng
programa nitong Abot-Alam.
10. 10. Layunin ng programang ito na mabawasan ang mga OSY at maihanda sila sa
pagnenegosyo o pageempleyo. Binibigyan sila ng pagkakataong makapag-aral muli sa
pamamagitan ng Alternative Learning System sa mga oras at araw na libre sila o di
naghahanapbuhay.
11. 11. Pinaiigting din ang mga programa sa edukasyon para sa mga Indigenous People (IP) o
mga katutubo nating mamamayan. Maliban sa literasi, layunin ding mapangalagaan at
mapagyaman ang kultura ng mga IP.
12. 12. Pinalalaganap din ng pamahalaan ang mga programa nito sa iskolarsyip para sa
mahuhusay na mag- aaral ngunit walang sapat na panustos sa pag-aaral.
13. 13. GAWIN MO Gawain A Punan ang graphic organizer ng mga programa ng pamahalaan
sa edukasyon. Maaari mo itong dagdagan ng iba pang programang iyong nalalaman.
14. 14. GAWIN MO Gawain B Kumuha ng kapareha. Magpalitan ng kuro-kuro tungkol sa
ipinatutupad na mga programa sa edukasyon. Sagutin kung natatamasa ba ito ng maraming
mag-aaral.
15. 15. Gawain C Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang, ano ang iyong gagawin upang lubos
na mapakinabangan ang mga programa sa edukasyon ng pamahalaan? Kopyahin ang
kahon sa ibaba at isulat dito ang iyong gagawin. Gawin ito bilang isang pangako sa sarili.
16. 16. TANDAAN MO Tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang kapakanan ng
mamamayan sa larangan ng edukasyon. • May itinataguyod na mga programa sa
edukasyon ang pamahalaan na naglalayong maitaguyod ang kapakanang pang-edukasyon
ng mamamayan.
17. 17. Ang K–12 Basic Education Program ay isang programang naglalayong makamit ng
bawat mag-aaral ang mga kasanayang kailangan niya sa pag-aaral, pagpasok sa kolehiyo,
at pag-eempleyo o pagiging entreprenyur.
18. 18. NATUTUHAN KO Basahin ang mga kalagayan. Ano ang gagawin mo sa bawat
kalagayan? Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa papel. 1. Nag-anunsiyo ang kapitan
sa inyong barangay na maaari nang magpalista sa inyong paaralan ng mga nais pumasok
sa Kinder. May kapatid kang anim na taong gulang. A.Sasabihin sa magulang ang anunsiyo.
B.Ipagpatuloy ang ginagawa na parang walang narinig. C.Hihikayatin ang magulang na
ipalista na ang kapatid. D.Hindi papansinin ang sinabi tutal bata pa naman ang kapatid.
19. 19. 2.Nahinto sa pag-aaral ang iyong kuya. Natutunan mo sa paaralan na may programa sa
edukasyon para sa mga nahinto ng pag-aaral. A.Alamin sa guro kung kanino magtatanong
dahil alam mong interesado ang iyong kuya. B.Hindi na sasabihin sa kuya tutal
namamasukan na siya sa karinderya. C.Hayaan na lamang ang iyong kuya dahil matanda
na siya. D.Hindi na lamang papansinin dahil magastos ito.
20. 20. 3.Nangangailangan ng mga boluntaryo para sa pagpapakain sa mga bata sa inyong day
care center sa araw ng Sabado. A.Hindi ako pupunta dahil mapapagod ako. B.Ipagpapatuloy
ko na lamang ang paglalaro ko. C.Tutulong ako kung ano man ang kaya kong gawin. D.Hindi
na ako pupunta dahil hindi rin siguro ako bibigyan ng gagawin.
21. 21. 4.Isang katutubo ang iyong kalaro. Sinasabi niya sa iyo ang tungkol sa kanilang mga
paniniwala na natutunan niya sa kaniyang pag-aaral. A.Magkukunyari akong nakikinig.
B.Sasabihin kong maglaro na lamang kami. C.Makikinig ako para may matutunan din ako.
D.Sasabihin ko kung ano ang mga ayaw ko sa mga gawi nila.
22. 22. 5. Para makarating sa paaralan, naglalakad si Lolit at ang kaniyang dalawang kapitbahay
nang isang oras. Kung ikaw si Lolit, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginagawa? A.Tutulong
na lamang ako sa mga gawain sa bahay. B.Gagawin ko dahil nais kong makapagtapos ng
pagaaral. C.Yayayain ko ang aking mga kaklase na lumiban sa klase. D.Maaaring tamarin
akong pumasok dahil mahirap maglakad.

Miyerkules, Marso 1, 2017

Ang Edukasyon sa Pilipinas


Ang Edukasyon sa Pilipinas
Bilang isang mag-aaral, tinalakay namin sa Araling Panlipunan ang tungkol sa mga isyu sa edukasyon
dito sa Pilipinas. Sa aming napag-aralan, masasabi kong kawawa ang ating bansa, sapagkat kahit gaano
pa katapat ang nangunguna o ang pangulo ng ating bansa, kung ang mismong pamahalaan o mga
opisyales nito ay kahit anong gawin ay hindi pa rin nagtitino bagkus ay patuloy na ginagawa ang kalikuan
para lamang sa kanilang sarili ay hindi uunlad ang ating bansa. nakakalungkot na sabihin na napakalabo
na na maging matuwid lahat ng tao lalo na sa pamahalaan dahil sa perang kanilang natatanggap para sa
kanilang sariling kapakanan.
Isa sa problema ng ating mahal na bansa ay ang edukasyon na siyang dapat na pinakaunang prayoridad
lalo na sa mga kabataan nang sa gayon magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga kabataan at
makatulong sa pag-unlad ng ating bansa, tulad nga ng sabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose
Rizal, " Ang kabataan ang pag-asa ng Bayan". Ngunit kung ang edukasyon ng isang kabataan ay
nahahadlangan, malamang sa malamang ay hindi ito magiging matagumpay sa kaniyang pamumuhay.

Ang Department of Education o DepEd ay may misyon, ito ay ang mga sumusunod;

To protect and promote the right of every Filipino to quality, equitable, culture -based , and complete
basic education where

 Students learn in a child-friendly, gender-sensitive, safe, ad motivating environment.


 Teachers facilitate learning and constantly nurture every learner.
 Administrators and staff, as stewards of the institution, ensure an enabling and supportive
environment for effective learning to happen.
 Family, community, and other stakeholders are actively engaged and share responsibility for
developing lifelong learners.
Ito ang misyon ng DepEd, ang tanong, natutupad ba nila ito?

Sa libro naming may pamagat na "KAYAMANAN" MGA KONTEMPORARYONG ISYU, ang una nilang
nilagay ay ang mga isyu tungkol sa sistemang edukasyon at hinuli ang ilang mga programa sa paglutas
ng mga isyu sa edukasyon. Sa aking opinyon, kaya nila ginawa ito upang maging positibo ang
kalalabasan. Ngunit ang dapat dito ay inuna ang mga programa at hinuli ang mga isyu, sapagkat sa
kabila ng mga programang kanilang inilulunsad, ang isyu sa edukasyon ay hindi pa rin nawawala. kaya,
sa aking blog, uunahin ko muna ang mga programang inilunsad ng pamahalaan. Ito ay ang mga
sumusunod:

Pagbabago ng kurikulum

Mula noong 2012 pinairal ang K to 12 Basic Education Program sa ating bansa. Ang dating sampung
taong Basic Education noon (anim na taon sa elementarya at apat na taon sa hayskul) ay nadagdagan
ng kindergarten at dalawang taon sa hayskul. Ang karagdagang dalawang taon ay tinatawag na senior
high school. Mula baitang 1 hanggang 12 ang tawag sa 12 taon pag-aaral sa sistemang K to 12 Basic
Education o Enhanced Basic Education. Naging 12 taon ng pag-aaral bago pumasok sa kolehiyo ang
mag-aaral sa halip sa 10 taon lamang.

Pagsasakatuparan ng Edukasyon para sa lahat o Education for All (EFA)

Ang Philippine Education Plan at nilikha upang mapabuti ang sistema ng ating edukasyon. Kinikilala ng
programang ito ang karapatan ng bawat bata at matanda na magkaroon ng sapat na edukasyon upang
matugunan ang kaniyang Basic Learning Needs (BLNs), kabilang na ang kabuuang paglinang ng
kaniyang personalidad.

Pagtataguyod ng cyber education project

Nagkakaloob ng edukasyon sa lahat ng sulok ng bansa sa pamamagitang ng teknolohiyang satelite na


nag-uugnay sa lahat ng mga opisina ng DepEd at mga pampublikong paaralan. Gumagamit ito ng hi-
technology multimedia sa pagtuturo. Naaabot ang mga kabataang hindi nakapag-aral sa tulong ng
electronic multimedia technology. Higit pa rito, gumagamit ng teknolohiyang satelite upang mapag-ugnay-
ugnay ang mga paaralan sa totoong oras at nang sa gayon ay magawang standardized ang nilalaman at
proseso ng pag-aaral.

Ito ang ilang mga programang inilunsad ng pamahalaan para malutas ang mga isyu sa edukasyon,
ngayon, ito naman ang lahat ng mga isyu tungkol sa sistema ng edukasyon na hanggang ngayon ay hindi
pa rin nalulutas. Ito ay ang mga susmusnod:
Mababang kalidad ng edukasyon sa ating bansa

Kakulangan ng mga tamang bilangg at kwalipikado o mahuhusay na guro

Malaki rin ang epekto ng mga kwalipikasyon ng mga guro sa pagtuturo. Kung hindi nakapag-aral nang
mabuti ang mga guro, mas mababa rin ang kalidad ng edukasyong makukuha ng mag-aaral. May mga
guro sa pampublikong paaralan na tila kulang sa kaalaman at may mga nagtuturo sa mga pribadong
paaraln na hindi pa pasado sa Professional Liscensure Examination for Teachers.

Mababang sahod ng mga guro

Dahil sa kakulangan ng pondo ng DepEd kaya maliit ang sinasahod na suweldo ng mga guro. Ang
minimum na buwanang sahod ng guro (public school teacher with rank 1 teacher) ay P18,549.00 (o
humigit kumulang sa USD412 para sa taong 2012. Marami na rin sa mga guro ang lumipat at nagtrabaho
sa ibang bansa upang matugunan ang kanilang pangangailangan. May mga napabalitang namasukan
ang iba bilang domestic helper o katulong sa ibang bansa.

Mababang kakayahan na mabayaran o affordability

Marami ang mga batang hindi makapag-aral dahil hindi matustusan ng kanilang magulang ang kanilang
pag-aaral. Mas marami ang mga mag-aaral na mula sa mahihirap na pamilya lalo na sa elementary.
Karaihan din sa mga freshmen na mag-aaral sa kolehiyo ay mula rin sa pamilyang may mahirap na
pamumuhay.

Maliit ang budget ng pamahalaan para sa edukasyon

Ang Saligang Batas ng Pilipinas aty inatasan ang pamahalaan na maglaan ng pinakamataas na bahagi
ng badyet nito sa edukasyon. Gayunpaman, ang Pilipinas pa rin ang isa sa may pinakamababang pondo
o badyet sa edukasyon na kabilang sa mga bansang ASEAN at ibang bansa sa mundo.

Kakulangan ng pagkakataon upang makapag-aral

Kakulangan ng mga paaralan

Palaki nang palaki ang populasyon sa Pikipinas kaya't palaki nang palaki rin ang bilang ng mga mag-
aaral. Nahihirapang punan ng pamahalaan ang kakulangan sa silid-aralan nito dahil sa kakulangan sa
silid-aralan nito dahil sa kakulangan din ng pondo. Ayon sa DepEd, mahigit sa 152,000 ang kulang na
silid-aralan para sa taong 2012. Mayroon lamang itong pondo para sa 13,000 silid-aralan.

Kakulangan ng mga aklat at kagamitan sa paaralan

Kulang din ang mga kagamitan ng mga paaralan. Kulang ng mga akalat sa mga silid-aklatan ma
magagamit ng mga mag-aaral sa pagsasaliksik ng mga impormasyon at karagdagang kaalaman. Ayon
sa DepEd, nangangailangan pa rin ng 96 milyon na textbook ang mga pampublikong paaralan. Hindi
matutugunan ng mga paaralan ang pagbibigay ng isang aklat sa baat mag-aaral sa bawat asignatura.
Kulang ang mga maayos naupuan. Ayon sa DepEd, mahigit sa 13 milyon ang kulang na upuan. Mayy
mga paaralan na walang kompyuter. Tinatayang 135,000 ang kulang na palikuran at 62% ng mga
paaralan ang hindi matugunan ang pangangailangan sa palikuran.

Kakulangan sa bilang ng mga guro

Ayon sa pag-aaral, mas matututo ang mag-aaral kung nagagabayan sila ng husto ng guro. Kung marami
ang mag-aaral sa isang silid-aralan, hindi sila gaanong matuturuan. Sa mga pampublikong paaralan sa
ating bansa, may mga gurong may hawak na 50 hanggang 70 mag-aaral. Ang mga nasa pribadong
paralan ay may hawak na 30 hanggang 50 mag-aaral.
Paghinto sa pag-aaral o drop-out ng mga mag-aaral sa paaralan

Patuloy na ang paghinto ng maraming mag-aaral sa pagpasok sa paaralan. Iba't iba ang maga dahilan
nila. May mga mag-aaral na humihinto sa pag-aaral dahil sa walang pantustos sa gastusin ang mga
magulang. Ang iba ay dahil sa malayo ang maga paaralan sa kanilang lugar. Sa ibang liblib na lugar, may
mga batang hindi nakapag0aral dahil walang guro at paaralan.

Ito ang tunay na estado ng edukasyon sa ating bansa. Kung titigilan lang ng gobyerno ang
pangungurakot sa kaban ng bayan ay magiging matiwasay ang buhay ng lahat. Nagkaroon ng isang
panayam ni pinanayam ang kinatawan ng DepEd, ang sabi nila ay may pondo naman ang DepEd, ang
malaking tanong ay bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas ang mga problema sa edukasyon.

Kaya, kung nabasa niyo ang blog na ito, ay tulong-tulong tayo na palaguin ang ating bansa sa
pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, balang araw, magiging maganda ang ting kinabukasan att kung
dumating ang tagpo na tayo ay manunungkulan tayo sa pamahalaan, huwag na huwag sumagi sa isipan
natin na magbulsa ng pera sa kaban na bayan, nang sa gayon, madagdagan ang mga tapat na opisyales
ng pamahalaan at mabawasan ang tiwali.

De-kalidad na Edukasyon Para


sa Lahat!
Posted on June 12, 2013 by The Spark — Leave a comment

Sabi nga ng mga magulang, ang edukasyon ang pinakanatatanging maipamamana nila sa kanilang
mga anak, edukasyong babaunin at hindi mananakaw ninuman. Ngunit sa pagbubukas ng taong
panuruan 2013-2014 ngayong Hunyo, kapansin-pansin ang muling pagtaas ng matrikula ng
karamihan sa mga unibersidad at kolehiyo sa ating bansa. Hindi ba’t pagnanakaw ito ng karapatan
nating makapagtapos ng pag-aaral?

Karapatang maituturing pa nga ba ang edukasyon sa ating bansa kung ito ay nangangailangan ng
sapat na halaga bago makapag-aral? Karapatan pa nga ba o isang pribilehiyo na lamang na ang
pangunahing sangkap upang makapagtamasa ng de-kalidad na edukasyon ay magkaroon ng pera?

Hindi na kataka-taka kung bakit paunti na nang paunti ang nakatutungtong at nakapagtatapos ng
kolehiyo. Isa sa mga maituturing na dahilan ay ang pagiging komersyalisado ng edukasyon sa
Pilipinas kung saan nagmimistula itong produkto o serbisyo na inilalako sa iilang tao dahil sa laki ng
halaga na kailangang gugulin upang makamit ito.

Marami ring polisiya ang hindi makatarungang ipinatutupad ng ilang mga unibersidad at kolehiyo.
Tulad na lang ng kung mahuli kang magpatala (late enrollee), may kaukulang dagdag na bayarin na
dagdag-pasakit din sa bulsa ng ating mga magulang. Isama pa ang Socialized Tuition Fee and
Financial Assistance Program (STFAP) o ‘yong tinatawag na “bracketing system” ng mga unibersidad
kung saan kinakailangan magpasa ng taunang buwis (Annual Income Tax Return) ng mga magulang
at kung hindi ka makapagpapasa ay sapilitan kang mailalagay sa may pinakamataas na babayarang
matrikula na kung titingnan ay sadyang hindi makatarungan.
Ilan lamang ito sa napakaraming kinahaharap na mga problema ng mga estudyante sa tuwing
sumasapit ang pasukan bukod pa sa kakulangan sa maayos na mga pasilidad at sa kawalan ng
prayoridad ng gobyerno rito dahil sa taun-taon pagkaltas ng badyet sa edukasyon upang mas ilaan
sa serbisyong militar at sa utang-panlabas ng Pilipinas.

Malinaw na itinatakda ng batas sa ating Konstitusyon na nakasaad pa sa ikaapat na artikulo: “The


State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels, and shall take
appropriate steps to make such education accessible to all.” Sa madaling sabi, ANG EDUKASYON
AY KARAPATAN AT HINDI ISANG PRIBILEHIYO.

Walang ibang maninidigan kundi ang mga naapektuhan. Walang ibang kikilos kundi ang mga
pinagkakaitan. Kung kaya marapat lamang natin itong bantayan at ipaglaban dahil karapatan natin
dito ang pinag-uusapan.

ISULONG ANG MAKAMASA, SIYENTIPIKO AT MAKABAYANG EDUKASYON PARA SA LAHAT!

You might also like