Abstrak Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Karanasan ng Isang Batang Ina

(Isang Pananaliksik)

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makakalap ng kongkretong

impormasyon na tutugon upang malaman at mabatid kung anu ang mga

pinagdadaanan at karanasan ng mga batang ina sa anim na salik:

emosyonal, espiritwal , mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang

nasabing pananaliksik ay sumailalim sa Quatitative method kung saan

naghanda ang mga mananaliksik ng sarbey kwestyoneyr at point likert

scale na gagamitin sa pangangalap ng mga datos. Ang mga mananaliksik

ay gumamit ng non-random convenient sampling, na ang mga respondente

ay pinili base sa convenience. Tatlumpo’t lima (35) na batang may edad

na labing dalawa hanggang labing walo ang napiling respondente na

naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna kung saan mayroon maraming

bilang ng mga dalagang maagang nabuntis.

Ayon sa lumabas na resulta, edad 17-18 ay ang may

pinakamaraming nabuntis na respondente at 91. 43% na mga batang ina

ay huminto sa kanilang pag-aaral matapos silang manganak. Karamihan

sa kanina ay tumigil ng pag-aaral sila’y nasa highschool, sinundan ng

kabataang nasa elementarya ang antas at pinakakaunti ng sila’y nasa

kolehiyo. 57. 14% naman na mga respondenteng batang ina na nabuntis

ay ikinasal sa mga ama ng kanilang anak. Sa anim na salik, karamihan ng

mga naranasan ng mga respondente ay positibo at kalimitihan lamang ang

negatibo. Walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag

grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at

kapag grinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinagpatuloy ang

kanilang pag-aaral. Walang pag kakaiba sa mean score sa espiritwal,

mental, pinansyal at relasyonal na salik kapag grinupo sa marital status at

mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag

grinupo sa marital status.

EROL JAMES C. AMIGO

12 - OLMC

You might also like