Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:
Nakakita ka na ba ng puno ng niyog? Ano-ano ang alam mong gamit ng
niyog?

Pagtakda ng Layunin:
Sa babasahing seleksyon, alamin kung ano-ano pa ang alam mong gamit ng
niyog.

Babasahin ng guro ang pamagat:


Ang pamagat ng ating seleksyon ay “Puno Pa Rin ng Buhay.”

Basahin ang kuwento.

Sa kapaligiran ng bansang Pilipinas, marami ang makikitang punong niyog.


Kahit saang panig ng bansa, may mga produktong ibinebenta na galing sa puno
ng niyog.

Ang niyog ay tinaguriang puno ng buhay. Ang mga bahagi nito mula ugat
hanggang dahon ay napakikinabangan. Ang laman ng niyog ay ginagawang buko
salad, buko pie at minatamis. Ginagamit rin ito bilang sangkap sa paggawa ng
arina, mantikilya, sabon, krudong langis, at iba pa.

Natuklasan ni Dr. Eufemio Macalalag, Jr., isang urologist na ang pag-


inom ng sabaw ng buko araw-araw ay nakatutulong sa kidney ng isang tao.
Nadiskubre rin niya na nakatutulong ang araw-araw na pag-inom nito para
maiwasan ang pagkabuo ng bato sa daanan ng ihi (urinary tract). Ginagamit din
itong pamalit ng dextrose.

Natuklasan pa na mas maraming protina ang nakukuha sa gata ng niyog


kaysa sa gatas ng baka. May 2.08 porsiyento ng protina ang gata samantalang
1.63 porsyento lamang ang sa gatas ng baka. Ang langis ng niyog ay nagagamit
din bilang preservative, lubricant, pamahid sa anit, at iba pa.
Ang bulaklak ng niyog ay ginagawang suka at alak. Ang ubod naman ay
ginagawang atsara, sariwang lumpiya, at panghalo sa mga lutuing karne o
lamang dagat. Pati ang ugat nito ay ginagamit pang panlunas sa iba’t ibang
karamdaman.

Level: Grade 6
Bilang ng mga salita: 209
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang tinaguriang puno ng buhay? (Literal)


a. puno ng buko
b. puno ng narra
c. puno ng niyog
d. puno ng mangga

2. Alin sa sumusunod ang HINDI maaaring gawin sa laman ng niyog?


(Literal)
a. kendi
b. buko pie
c. dextrose
d. minatamis

3. Ilang porsiyento ng protina ang makukuha sa gata ng niyog? (Literal)


a. 1.63
b. 2.08
c. 2.9
d. 3.0

4. Sa anong bahagi ng katawan nakabubuti ang pag-inom ng sabaw ng


buko/niyog? (Paghinuha)
a. atay
b. baga
c. kidney
d. puso

5. Bakit mas mainam ang gata ng niyog kaysa sa gatas ng baka?


(Paghinuha)
a. Mas masarap ito.
b. Mas mura ang niyog kaysa gatas.
c. Mas maraming pagkukuhanan ng niyog.
d. Mas maraming protina ang nakukuha rito.

6. Bakit tinaguriang puno ng buhay ang puno ng niyog? (Paghinuha)


a. Hanapbuhay ng maraming tao ang pagtatanim ng niyog.
b. Maraming nagbebenta ng produkto ng niyog.
c. Marami ang pakinabang sa niyog.
d. Marami ang niyog sa Pilipinas.

7. Ano ang tinitingnan ng isang urologist ? (Pagsusuri)


a. ugat ng tao
b. dugo at atay
c. puso at dugo
d. urinary tract

8. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Pagsusuri)


a. Nais nitong hikayatin ang tao na magtanim ng puno ng niyog.
b. Gusto nitong ipaalam ang ibat ibang gamit ng niyog.
c. Hangad nitong magbenta tayo ng produkto ng niyog.
d. Nais nitong magbigay ng ikabubuhay ng tao.

You might also like