Genevieve Asenjo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Genevieve Asenjo

Geneveive Asenjo photo from: http://upworkshop2011.wordpress.com/about-the-fellows/

Si Genevieve L. Asenjo ay isang manunulat, propesor, hurado, at tagapagsalin. Isa siyang tubong Antique
na nahiligan ang sumulat ng tula at mga kwento. Nagseryoso siya sa kanyang pagsusulat habang nag-
aaral pa siya sa Unibersidad ng Pilipinas- Visayas sa Miag-ao,Iloilo. Isa siyang propesor ngayon sa De La
Salle Univesity- Manila. Naging sikat din ang kanyang 'website' na BalaySugidanun.

Mga GawaEdit

Mayroon siyang apat na librong naipalathala. Ito ay ang: taga-uma@manila: kag iba pa nga
pakipagsapalaran, koleksyon ng mga kwento sa Kinaray-a (2005); Pula ang Kulay ng Text Message,
koleksyon ng mga tula sa Kinaray-a at may salin sa Filipino (2006); Komposo ni Dandansoy: mga kwento
sa Hiligaynon at Filipino, koleksyon ng mga kwento sa Hiligaynon at may salin sa Filipino (2007); at ang
nobelang Lumbay ng Dila (2010). Kasalukuyan niyang ginagawa ang kanyang pangalawang koleksiyon ng
maiikling kwento na nasa wikang Filipino na Seoulmate at ang kanyang pangalawang nobela niyang may
pamagat na Ang Kamatayon sa Isla Boracay.

Naisalin din niya sa wikang Filipino at Kinaray-a ang isang sikat na libro na Ingles na The Mountain that
Loved a Bird ni Alice McLerran. Ang Bukid nga Nagpalangga sang/kang Pispis ang naging pamgat nito sa
pagsasalin.

Mga NapanalunanEdit

Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kanyang mga kwentong: Turagsoy (2005), Si
Beryong Balikbayan (2004), at taga-uma@manila (2002).

Gawad Komisyon sa Wikang Filipino ang dalawa niyang tula: Sa Gihapon, Palangga, ang Uran (2008), at
Ang Kamingaw sang Dila (2007).

Juan C. Laya Prize for Novel in a Philippine Language sa 2011 National Book Awards sa kanyang nobelang
Lumbay ng Dila.

Fray Luis de Leon Creative Writing Grant (2005) mula sa Fray Luis de Leon Creative Writing Institute ng
University of San Agustin.

Ilan sa kanyang mga Maikling KwentoEdit

Ang Bulalakaw, Canada, at si Bob Marley

Komposo ni Dandansoy

You might also like