Professional Documents
Culture Documents
Sa Buong Mundo Nabibilang Ang Pilipinas Sa Mga Bansang May Maraming Uri NG Wika Na Ginagamit
Sa Buong Mundo Nabibilang Ang Pilipinas Sa Mga Bansang May Maraming Uri NG Wika Na Ginagamit
Dahil
sa nahahati sa kapuluan at iba’t-iibang rehiyon ang ating lugar, tayo ay nagkaroon din ng kanya-kanyang
lenggwahe at dayalekto na ginagamit.
Ayon sa huling talaan ng mga linggwistiko, tayo ay may halos 150 uri ng wikang ginagamit. Sa
pananaliksik at pag-aaral nagkakaroon tayo ng mga barayti at baryasyon ng wika.
Hango sa salitang ingles na “multi” na ang kahulugan ay marami at salitang lenggwahe na ang ibig
sabihin ay salita o wika. Sa kabuuan ang multilinggwalismo ay “maraming salita o wika”.
Ang wikang Pilipino ay binubuo ng maraming wika. Mula sa ating wikang pambansang gamit, may mga
nabuo pang salita hango sa ating mga kasalong wika.
Ang mga halimbawa nito ay ang paggamit ng wikang Kapampangan ng mga taga Pampanga, Tarlac at
Bataan, Ilocano naman sa mga rehiyon ng Ilocos at ilang bayan ng Pangasinan at Nueva Ecija.
Nabibilang din sa multilinggwalismo ang mga banyagang salita na natutunan natin mula sa mga
dayuhang mananakop at mga kaibigan. Andiyan ang Niponggo ng mga Hapon at Mandarin naman sa mga
kapatid na Tsino.
Dinamiko ang wika kaya't nagkakaroon ito ng iba-ibang rehistro batay sa konteksto ng paggamit nito at
kung sino ang gumagamit nito. Sa pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalita o gumagamit
ng wika ayon sa:TonoPaksaParaan o paano nag-uusapTono ng kausap o tagapakinig (tenor of
discourse)Ito ay naaayon ang wika sa sino ang nag-uusap. (para kanino)Paksa ng pinag-uusapan (field of
discourse)Ito ay batay sa larangan na tinatalakay at ss panahon. (layunin)Paraan o paano nag-uusap
(mode of discourse)Ito ay pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng
piniling paraan ng pag-uusap.BARAYTI NG WIKAMaraming mga halimbawa ng barayti. Narito ang
ilan:DiyalekSosyolekIdyolekPidginCreoleDiyalekIto ay ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong
heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ang diyalekto ang wikang ginagamit sa isang
rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.SosyolekSa barayting nabubuo batay sa dimensyong
sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat-etniko. Ang
sosyolek ay maaari ding may legal na rehistro na tinatawag na jargon. Ang jargon ang mga tanging
bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.IdyolekIto ay ang mga indibidwal na paraan/ istilo
ng paggamit ng wikaPidginIto ay tinatawag sa English bilang ang "nobody’s native language".
Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang
komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift.CreoleIto ay isang wika na
unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat may
komunidad ng mga tagapagsalita ang nagangkin ng wikang ito.
1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat
isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng
kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik.
Mga halimbawa ng Idyolek:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
4.) Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo.
Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito
ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Mga Halimbawa ng Etnolek:
Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-
init at tag-ulan
Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain Province
Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
Kalipay – tuwa, ligaya, saya
5.) Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga
salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong
ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Mga Halimbawa ng Ekolek:
Palikuran – banyo o kubeta
Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
Pamingganan – lalagyan ng plato
Pappy – ama/tatay
Mumsy – nanay/ina
6.) Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native
language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa ring
magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift”
na salita o mga pansamantalang wika lamang.
Mga Halimbawa ng Pigdin:
Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko. Bibigyan kita ng
diskawnt.)
Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang mataas ang iyong grado.)
7.) Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula
sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar. Halimbawa dito
ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang
Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).
Mga Halimbawa ng Creole:
Mi nombre – Ang pangalan ko
Di donde lugar to? – Taga saan ka?
Buenas dias – Magandang umaga
Buenas tardes – magandang hapon
Buenas noches – Magandang gabi
8.) Register – minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit
ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Mga Halimbawa ng Register:
Mga salitang jejemon
Mga salitang binabaliktad
Mga salitang ginagamit sa teks
Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doktor
Ang wika ay makapangyarihan, ito ay nagsisilbing tulay tungo sa pagkakaunawaan at nagbibigay ito ng
kapayapaan at katahimikan.
Pero ito rin ay pwedeng magdulot ng polarisasyon o ang pagtanaw ng mga iba’t-ibang bagay sa
magkakasalungat na paraan, na pwedeng lumikha ng hidwaan dahil sa maling paggamit ng mga salita.
Tunay nga na ang wika ay buhay.
Sa paglipas ng iba’t-ibang salik lahi at sa pagsibol naman ng mga makabagong henerasyon, tayo ay
nagkaroon ng maraming barayti at baryasyon ng wikang Pilipino. Linggwistikong komunidad ang tawag
sa sa mga wikang ito.
Sa isang komunidad ay may sari-saring uri ng indibidwal na nakatira. Bawat tao o grupo ng tao ay may
kanya-kanyang dayalekto na ginagamit. May mga gumagamit ng mga katutubong salita, depende sa lugar
na kanilang pinanggalingan.
Halimbawa nito ay ang gamit ng salitang Waray ng mga taga Bisaya, Ibaloy ng mga taga Mountain
province, Ilocano ng mga taga rehiyon ng Ilocos, at Zambal ng mga taga Zambales.
May mga ibang grupo naman na ang gamit ay ang mga makabago at naimbento lamang na
mga salita. Meron ding gumagamit ng pinaghalong Ingles at Tagalog o mas kilala sa tawag na
“konyo”. May ilang ding mga kabataan na gumagamit ng jejemon at bekimon naman ang
linggwahe ng mga bading.
Idagdag pa rito ang progresibo at makabagong paggamit ng internet na nagdudulot ng paglaganap ng mga
salitang naimbento ng mga gumagamit sa sosyal media. Andiyan ang pagamit ng acronyms tulad ng HBD
para sa happy birthday, LOL para sa laugh out loud, ATM para sa at the moment at iba pa. Sadyang
napakabilis at napakarami ng pgbabago ng ating wika
Sa larangan din ng mga propesyonal sila ay meron din sariling linggwistikong komunidad. Ang mga
doctor, abogado, enhiyenero at iba pa ay gumagamit ng partikular na salita ayon sa grupo ng propesyon
na kanilang kinabibilangan.
Bawat indibidwal ay may natatanging uri ng wika na kung saan ay sila-sila rin lang ang
nagkakaintindihan. Naiiba rin ang uri ng linggwistikong komunidad ang gamit ng mga tao na nasa mataas
na antas ng ating sociodad.
Sadyang napakarami na ng uri ng wika ang umusbong at ginagamit ng bawat indibidwal sa bawat
komunidad. May mga permanenteng wika, may mga kusa namang nawawala sa sirkulasyon sa pagdaan
ng panahon. Magkakaiba man, ang mahalaga ay ang dulot nitong pinagbuting pagkakaunawaan at
pagkakaintindihan ng bawat tao or grupo ng tao na gumagamit nito.
Sino dito may mga kilalang konyo? Hahaha sa sobrang magpacool, nagiging baduy na. Kaya
mga bata, wag kayo mag-style ng pilit, laging hindi maganda ang kakalabasan. Dapat natural
lang.
Ang unang wika ay mas kilala sa tawag na KATUTUBONG WIKA o INANG WIKA ay arteryal na wika
na natututunan natin mula ng tayo ay ipinanganak. Batayan para sa pagkakakilanlang sosyolinggwistika
ang unang wika.Ang pangalawang wika, ayon sa dalubwika, ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan
ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika.
Ang pagkakaiba ng unang wika sa pangalawang wika ay dahil sa mga sumusunod na dahilan:ang unang
wika ay ang katutubong wika ng isang tao habang ang pangalawang wika ay isang wika na natutunan ng
isang tao upang makipag-usap sa katutubong nagsasalita ng wikang iyon. ang unang wika ay nagmumula
ito sa kanya bilang isang mana / pamana / karapatan ng pagkapanganay. Sa kabilang panig, ang
pangalawang wika ay laging itinatakda ng tao. ang unang wika ay napakabilis ng proseso habang ang
proseso ng pag-aaral ng pangalawang wika ay maaaring mag-iba mula sa wika sa wika at mula sa tao
hanggang sa tao.Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin
ang link na ito: brainly.ph/question/313830Salik sa pagkakaiba ng unang wika at ang pangalawang
wikaEdadPersonalidadKulturaAng wika ay ang pinakamahalagang aspeto na nakakaiba sa atin sa lahat ng
iba pang uri ng hayop. Alinsunod dito, ang pagkuha ng wika ay ang pinaka-kahanga-hangang aspeto ng
pag-unlad ng tao sa parehong sikolohikal at nagbibigay-malay na pananaw. Gayunpaman, ang lahat ng
mga karaniwang tao ay nagtataglay ng wikang kanilang unang nakatagpo bilang mga bata.
Ang manwal o manual sa ingles ay isang babasahin o manipis na aklat na kalimitang pinagkakalooban ng
mga hakbang upang gawin ng tama ang isang bagay. Halimbawa nito ang mga sumusunod:
(a) Magasin
(b) Manwal ng bilihing gamit. (c) Manwal ng Refrigirator
(d) Manwal ng Telebisyon
(e) Manwal ng Pagluluto
Liham negosyo
Mga tanong:1. Ano-ano ang mga hakbang na gagawin mo upang makapag-aplay?2. Paano mo bubuuin
ang isang liham na kinakailangan sa iyong pag-aaplay sa trabaho?