Kompleks

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kompleks

Mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Mas mayaman


sa leksikon at bokabularyo. Kompleksidad ng gramatika.
Pormal
Hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita
Tumpak
Sa pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay
inilalahad nang walang labis o kulang
Obhetibo
Hindi personal. Ang pokus nito kadalasan ay ang
impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais
gawin, sa halip na manunulat mismo o ang kanyang
mambabasa.
Eksplisit
Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa
mambabasa kung paano ang iba't ibang bahagi ng teksto
ay nauugnay sa isa't isa. Gumagamit ng "signaling words"
Wasto
Gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita.
Maingat dapat ang manunulat nito sa pag gamit ng mga
salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga
karaniwang manunulat
Responsable
Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-
lao na sa paglalahad ng mga ebidensiya, patunay, o ano
mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Responsable
sa hanguan ng impormasyong kanyang ginamit kung
ayaw niyang marapatan na isang playgyarista
Malinaw na layunin
Ang layunin ng akademikong pag sukat ay matugunan
ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang tanong na
ito ang nag bibigay ng layunin.
Malinaw na pananaw
Akademikong pag sulat ay di lamang listahan ng mga
katotohanan o facts at pag lalagom ng mga hanguan o
sources. Ang manunulat ay nag lalahad ng ideya at
saliksik ng iba, layunin ng kanyang papel na maipakita
ang kanyang sariling pag iisip, "punto de bista" ng
manunulat
May pokus
Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang
sumuporta sa tesis na pahayag. Kailangan iwasan ang
mga hindi kailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at
taliwas na impormasyon
Lohikal na organisasyon
Akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na
organisasyonal na hulwaran. Ang karamihang
akademikong papel ay may introduksyon, katawan at
kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa
kasunod na talata
Matibay na suporta
Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at
kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at
tesis na pahayag. Ang suportang ito ay maaaring
kapalooban ng facts, figures, halimbawa, deskripsyon,
karanasan, opinyon, ng mga eksperto at siniping pahayag
o quotations.
Malinaw at kumpletong eksplanasyon
Bilang manunulat, kailangang matulungan ang
mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng
papel at magiging posible lamang ito kung magiging
malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto
ng manunulat
Epektibong pananaliksik
Kailangan gumamit ng napapanahon, propesyonal, at
akademikong hanguan ng mga impormasyon.
Napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pag sulat.
Mahalangang maipamalas ang intelektwal na katapatan
sa pamamagitqn ngbdokumentasyon ng datos. Ang
dokumentasyon ay iminumungkahe gamit ang estilo A.P.A
Iskolarling estilo sa pag sulat
Sinisikap dito ang kalinawan at kaiiklian. Kailangan ding
maging madaling basahin ang akademikong papel, kung
kaya't napakahalaaq na maiwasan ang mga pagkakamali
sa gramar, ispeling, pagbabantas, at bukabolaryo. Pag
nag kamali ay nag papahiwatig ng kawalan ng pag iingat o
kakulangan sa kaalaman ng wika

You might also like