Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Zarina Luz R.

Bartolay

BSA 1-6

EL FILIBUSTERISMO

Sa akdang ito, mas tumindi pa ang nag-aalab na galit at hinanakit laban sa mga

Kastila. Sa katunayan, mas naging matapang si Dr. Jose Rizal sa pagsulat niya ng akda.

Marahil, pumasok sa aking isipan kung ano ba talaga ang konsepto ng paghihiganti.

Minsan mabuti, minsan naman ay masama. Subalit sa kanyang pamamaraan, napagtanto

ko na hindi lamang dahas ang maaaring gamitin kundi ay katalinuhan din. Lakas loob

niyang kinalaban ang mga kastila sa kwento niya na ito. At hindi kaduda-duda kung bakit

ganun na lamang ang naging reaksyon ng mga ito nang mabasa nila ito.

Inaamin ko, nakalimutan ko na ito matapos kong huling mabasa ito tatlong taon

na ang nakalilipas. Subalit, nang mabasa ko ulit ito, bigla na lamang pumasok sa aking

isipan kung gaano katindi ang naranasan ng mga kapwa nating mga Pilipino noon. Ano

nga ba ang kanilang mga pinagdaan noong panahon na iyon? Ang sagot ay makikita sa

akdang ito. Sa pamamagitan nito, maiintindihan natin kung gaano katindi ang galit at inis

ng mga tao noon, na papasok na lamang sa ating isip na tama nga lang na maghimagsik

at maghiganti sila laban sa mga taong ito.

Marahil dahil din sa akdang ito, mas namulat ang mga Pilipino sa tunay na estado

at kalagayan ng lipunan. At kung hindi dahil dito, di natin mas makikilala ang ating bayan,

ang Pilipinas.
Zarina Luz R. Bartolay

BSA 1-6

ANG KATAMARAN NG MGA PILIPINO

Katamaran. Tamad. Walang ginagawa. Yan ang madalas na naririnig natin mula sa kapwa.
Mga masasakit na salita na di nila alam kung ano ang pinanggagalingan. Pero oo, tamad nga ang
mga Pilipino. Inaamin ko kagaya na din ng ibang mga tao, naging tamad ako. Tinamad na gawin
ang mga bagay-bagay may dahilan man o wala. Pero kung ating aalalahanin, bakit naging ganoon?
Ano ba ang nangyari at umiral ang katamaran nating mga Pilipino?

Di natin maipagkakaila na ang mga nabanggit ni Rizal ay pawang katotohanan lamang.


Mga kadahilanan kung bakit naging tamad ang mga Pilipino noong panahon.

You might also like