Professional Documents
Culture Documents
Alamat NG Lansones
Alamat NG Lansones
"Opo."
"Ano?"
"Kamatayan po."
Noon ding oras na iyon ay pinakain ng lansones ang salarin. Ang lansones ay lason.
Sinumang pakainin nito ay karakaraka'y namamatay. Ganyan kung magparusa ang
hari. Si Raha Matuwid ay ayaw magparusa sa pamamagitan ng pagpalo, pagbitin,
pagpapaaraw, paglakad sa nagbabagang uling ng apoy, at paglulublob sa tubig.
Hindi namakatagal ang babae sa hirap. Siya'y nanalangin, "Diyos ko, patawarin mo
po ako. Kikitlin ko po ang sariling buhay!"
Hindi narinig ni Angela ang mahiwagang tinig na iyon. Marahil iyo'y hindi dapat
iparinig sa kanya. Sapagka't nais niyang wakasan ang lahat, kanyang kinain ang
lansones na kanyang tangan.
Nang sandaling yaon si Macario wari'y natigilan. Nakita niyang kinain ng kanyang
asawa ang lansones subali't hindi man lamang niya pinagbawalan ito. Ang babae'y
hindi namatay. Bagkus pa ngang naging maganda kaysa rati.
"Nang nagdaang linggo si Angela ay nakaisip magpatiwakal. Kinain niya ang isang
buwig ng lansones. Matapos kainin ang lasong bungangkahoy siya'y bumata at
naging maganda sa halip na mamatay!"
"Marami po sa aming looban. Ang amin pong punong kahoy ay hitik sa bunga!"
Noon di'y ipinag-utos ng hari na manguha ang mga kawal. Upang matiyak kung ano
ang mangyayari sa kakain, pinagbibigyan niya ang mga bilanggong hinatulan ng
kamatayan. Ang mga bilanggo ay kumain subali't hindi namatay. Sabi nila'y ang
bungangkahoy ay masarap. Tumikim din ang Raha. Napag-alaman niyang ito'y
matamis.
Mula noon ang lansones ay kinain nang mga tao. Tunay, ang buto ay mapait!
Mapait upang ipaalala ang naging buhay ni Angela sa ilalim ng kalupitan ng asawa.
Ganyan ang buhay, magkahalo ang pait at tamis.