Alamat NG Marinduque

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Fritz Gerald E.

Peñarubia Hunyo 18, 2019


VI – Aristotle

Ang Alamat ng Marinduque

Maraming taon na ang nakalilipas, ang mga lalawigan ng Camarines, Mindoro at


Timog-kanluran ay nasasakop ng Barangay Batangas. Ang namumuno rito ay si
Datu Batumbakal.
Si Datu Batumbakal ay may napakagandang anak na dalaga, si Mutya Maria.
Taglay niya ang mga katangian kaya itinuring siyang Reyna ng Katagalugan.
Marami at mayayaman ang mga manliligaw ni Mutya Maria. Kabi lang narito ang
Datu ng Mindoro, Laguna at Camarines, ngunit, isa man sa kanila ay wala siyang
damdamin.
Ang napupusuan ni Mutya Maria ay isang hamak na mangingisda. Si Garduke o
kilala sa tawag na Duke. Si Duke ay mahilig umawit at kumatha ng tula.
Malayang nakakadalaw ang tatlong Datu kay Mutya Maria. Samantala, si Duke ay
palagiang pinagtatabuyan at pinalalayas ni Datu Batumbakal. Kahit kagustuahn
pa ni Mutya ang pagtungo niya sa palasyo upang makinig ng kaniyang mga tula,
hindi pa rin siya pinahihintulutan ng Datu.
Mula noon ay hindi na muling nakita si Duke. Labis na nalungkot at nangulila si
Mutya Maria.
lsang umaga, naglakad-lakad ang Reyna so bukirin sa pag-asang makita niya si
Duke.
At dulot ng tadhana ay nagkita ang dalawa sa baybayin ng ilog Pansipit. "Kung
ako'y sadyang mahal mo ipaglaban mo ito so anumang paraan." Hamon ni Mutya
kay Duke.
At bago tuluyang maghiwalay, napagkasunduan ng dalawa na muling magkita sa
Hardin ng Palasyo sa pagsapit ng dilim.
Ang pagtatagpo ni Mutya Maria at Duke ay hindi nalingid sa kaalaman ng Datu.
Kinagalitan niya ang anak at pinagbawalang makipagkita sa binata.
!sang kautusan ang ipinabatid ng Datu sa lugar na kanyang nasasakupan. "Ang
Maharlika ay para lamang so mga Dugong Maharlikan". Isang kautusan na
sinuway ni Mutya Maria at Duke.
Agad na pinahuli ni Datu Batumbakal si Duke at pinapugutan ng ulo. Labis namang
ikinalungkot ni Maria. Naging bukambibig sa buong kapuloon ang pag-iibigan ni
Maria at Duke. Mula rito, hinango rin ang pangalan ng isang lugar na ngayon ay
kilala so lalawigan ng MARINDUQUE.

You might also like