Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Integrated School of Learning and Character Development Inc

#10 MOD Avenue Pilar Village Las Piñas City Metro Manila
Contact No: 541-9469
S.Y. 2019 – 2020
Name: __________________________________________Date:_____________
Grade & Section: _________________________ Score:

1st Summative Exam


Mother Tongue 2

I. A. Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutan ang sumusunod na mga katanungan.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Ang Bagong Kamag-aral

“ Abala sa kanilang proyekto ang klase sa Ikatlong Baitang. Nananahi ang isang pangkat ng
mga batang babae. Ang isa naming pangkat ng mga batang lalaki ang nagsisigawa ng parol. May
mga batang gumuguhit. Mayroon naming gumugupit ng papel na may kulay.

“Tapusin ninyo ang inyong mga proyekto sa linggong ito,”sabi ni Bb. Jose “ Itatanghal natin
ang mga proyekto sa silid-aklatan sa susunod na lingo.”

“May kumatok sa pinto. Pumasok ang punongguro kasama ang isang bata. Ipinakilala ng
punongguro ang bata. Ito si Julieta de la Pena. Pamangkin ko siya at inyong magiging kamag-aral.

“ Nagagalak po kaming makasama siya, sabay-sabay na wika ng mga bata.

Mga Katanungan:

__________1.Ano sa palagay niyo ang asignaturang pinag-aaralan ng mga bata?


a. Agham c. Edukasyon sa Paggawa
b. Musika d. Sibika
__________2. Ano ang ginagawa ng ilang batang babae?
a. umaawit b. sumasayaw c. nagbabasa d.nananahi
_________3. Alin dito ang hindi ginagawa ng bata?
a. nananahi b. gumuguhit c. nagtatanim d. gumugupit
________4. Saan itatanghal ng mga bata ang matatapos nilang mga proyekto?
a. sa klase b. Sa silid-aklatan c. Sa tanggapan ng punongguro d. Sa opisina
________5.Nasa anong baiting ang mga mag-aaral?
a. ikalawa b.ikaapat c. ikaanim d. ikatlo
_________6.Sino ang kumatok sa pinto?
a. guro c. punongguro
b. mag-aaral d. dyanitor
_________7.Sino ang kasama ng taong kumatok?
a.bagong guro b. batang babae c. batang lalaki d. batang kalye
_________8.Sinong bata iyon?
a. pamangkin ng punongguro
b. anak ng punongguro
c. pinsan ng punongguro
d. kaibigan ng punongguro
_________9.Aling parirala ang nagsasabi ng tungkol sa bata?
a. matagal nang kamag-aral
b. bagong kamag-aral
c. panauhin sa paaralan
d. bagong lipat ng bahay
_________10.Nasisisyahan ba ang mga bata sa pagkakaroon ng bagong kamag-aral?
a. Oo b. Hindi c. Marahil d. walang pakialam

II. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa kapwa
at MALI kung hindi.
_____ 1. Sinusunod ko ang mg autos ng aking mga magulang.
_____ 2. Naglilinis ako ng bahay.
_____ 3. Nakikipag-away ako sa aking mga kapatid.
_____ 4. Nnagsasabi ako salamat sa mga natatanggap ko.
_____ 5. Nagdadabog ako kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko.
_____ 6. Sumasagot ako ng may paggalang kapag kinakausap ako.
_____ 7. Sumisimangot ako kapag inuutusan ako.
_____ 8. Gumagawa ako ng mga gawaing-bahay kahit hindi ako inuutusan.
_____ 9. Hindi ako kikibo kapag hindi ko nagustuhan ang ibinigay sa akin na regalo.
_____ 10. Magsisinungaling ako para hindi ako mautusan.

III. Panuto: Sino-sino ang mga nagmamahal at gumagalang sa kapwa Pilipino? Gumuhit ng
sa patlang.
_____ 1. Tutulungan ang kaklaseng hindi alam ang mga aralin.
_____ 2. Makikipagkaibigan sa mga katutubong bagong kaklase.
_____ 3. Ipagtabuyan ang kaklaseng Mangyan.
_____ 4. Makikpagsabay sa pagkain sa kakaiba ang hitsura mong kaklase.
_____ 5. Lait-laitin ang bagong kaklse na kulay itim at kulot na kulot ang buhok.

IV. Panuto: Ano ang gagawin mo? Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bagong klasmeyt mo si Mumei, isang Igorot. Sa iyo siya itinabi ng iyong guro.
a. Makikipagkaibigan ako sa kanya.
b. Magrereklamo ako sa among guro.
2. Nakita mong tinutukso ng ilang bata ang isang Ita.
a. Sasali ako. Tutuksuhin ko rin siya.
b. Sasawayin ko ang mga nanunuksong bata.
3. Lider ka isang pangkat sa iyong klase. Sa iyong pangkat isinama ang bago ninyong kamag-
aral na Mangyan.
a. Tutulungan ko siyang maging aktibong miyembro ng aming pangkat.
b. Hindi ko siya papansinin. Bahala siyang alamin ang dapat niyang gawin.
4. Lumapit sa iyo ang kamag-aral momg Ifugao. Gusto ka raw niyang maging kaibigan.
a. Magkukunwari akong walang narinig.
b. Tatanggapin ko ang anyaya niya.
5. Umiiyak ang kamag-aral mong Igorota. Nawala ang baon niyang pera. Wala siyang
pagkain para sa tanghalian.
a. Hahatian ko siya ng aking baong pagkain.
b. Sasabihin ko sa kanyang umuwi na siya.
IV.B. Panuto: Basahin ang tunog na nasa bawat bilang. Iguhit sa loob ng kahon ang mga
bagay, hayop, o sasakyan na lumilikha nito.

1. Kling, Klang, Kling, Klang!

2. Tik, Tak, Tik, Tak!

3. Meow, Meow, Meow!

4. Brroom, Brroom, Brroom!

V. Panuto: Ipaliwanag ng may Katuturan ( 5 puntos)

Dadalaw sa inyo ang isang sikat at makapangyarihang tao, anong paghahanda ang
iyong gagawin? Paano mo bigyang halaga ang pagdalaw na ito?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Prepared by: Teacher Danica

You might also like