LIHAM

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

INTRODUKSYON

Sa panahon ngayon, laganap na ang paggamit ng social media ng mga


mag-aaral--mapaedukasyunal man o mapapersonal na interes. Dahil sa mga
positibong epekto nito, ito ay naging bahagi na ng pang-araw-araw nating gawain. Ito
rin ay nakakatulong upang madagdagan ang ating kaalaman tungkol sa nangyayari
sa ating kapiligiran. Kung mayroon itong magandang epekto ay mayroon din itong
masamang dulot. Isa sa mga maraming masamang dulot nito ay ang “cyberbullying”.
Ang cyberbullying ay isang paraan ng pambubulas sa isang tao sa pamamagitan ng
social media.

Dahil dito, napag-isipan ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral tungkol sa


problema na maidudulot ng cyberbullying sa mga mag-aaral ng TUP Visayas. Ang
pag-aaral ay nakapokus lamang sa mga masasamang epekto na maibubunga ng
cyberbullying. Ang sakop ng pag-aaral na ito ay para lamang sa mga piling regular at
prosider na mga estudyante sa departamento ng ECE. Ito ay isasagawa sa
akademikong taong 2017-2018.
<date>

Mahal Naming Respondente,

Maalab na pagbati!

Kami ay mga mag-aaral ng ECE4B na magsusulat ng isang pamanahong-papel


bilang isang pangangailangan sa FIlipino 2 tungkol sa Epekto ng Cyberbullying sa
mga Estudyanteng Regular at Prosider sa ECE Department ng TUP Visayas sa
Akademikong Taon 2017-2018.

Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyoneyr na ito upang makapangalap ng


mga datos na kailangan namin sa aming pananaliksik.

Kung gayon, hinihiling namin na mangyaring sagutan ng buong katapatan ang


sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming magiging kompidensyal na impormasyon
ang inyong mga kasagutan.

Maraming Salamat po!

Mga Mananaliksik,
MINGGES, ARJUNNE

PARIAN, LEA LEI

VENIEGAS, ELLEN ROSE

VILLANUEVA, CARMELA

You might also like