Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KABANATA XX

ANG NAGPAPALAGAY

Nasa kamay na ni Don Custodio de Salazar Y Sanchez de Monteredondo ang mga suliranin tungkol sa
akademya ng wikang Kastila. Nais na niyang mapagbigayan ang mga prayle, mataas na kawan, kondesa,
Pari Irene, G. Pasta at sa mga mananayaw na si Pepay. Masusuing pinag-aralan ni Don ang usapin
sapagkat Malaki ang pagtitiwala sa kanya ni Pari Sibyla na kayang lutasin ang anumang mahirap na
problemanag idulog sa kanya.

Ang Don ay nabibilang sa alta sosyedad na ang bawat hakbang na gawin ay pinupuri ng mga diyarista.
Lahat yata ng magagandang adehtibo ay nasabi na sa kanya. Tinagurian siyang Buena Tinta ng
diyaristang si Zayb.

Siya ay batam-bata ng mapadpad sa Maynila at nakapag-asawa ng isang maganda at mamang mestisa.


Sa tulong ng kanyang asawa, siya ay tumanggap ng mga paggawa sa gobyerno. Na naging dahilan ng
kanyang pagkakahirang bilang konsehal, alkalde, atb kasapi ng Sociedad Economica de Amigos del Pais
at iba pang tungkulin na wala naman siyang kaalam-alam. Pero, pinanindigan niya ang kanyang
tungkulin. Hindi siya natutulog kapag mayroong mga deliberasyon, nagtatalumpati, nakikipagtalo at
nagbibigay ng kuro-kuro. Kung pinupuri siya sa Maynila sa Madrid naman ay wala siayng binesa. Noong
siya ay magpagamot sa ataysa Esppanya, binaggit siya sa diyaryo na parang anteing bumalik sa Inang
Bayan upang magpalakas. Nawalang silbi rin siya sa corte noon. Mas minararapat na lamang niyang
tumira sa Pilipinas sapagkat marami ang pumupuri saa kanya at at binibigyan siya ng importansyang
nakkapagsigla sa kanyang pagkatao.

Ginagalang ang kanyang paniniwala. Ayon sa kanya, mahal niya ang mga Pilipino at nagsisislbi itong ama
at tagapagtanggol nila pero inilalagay nila sa dapat kalagyan. Binibigynag diin niya na angiba’y
ipinanganak upang mag-utos at ang iba naman ay para sumunod.

Itinuturingniyang siya ay isang katoliko. Pero, hindi siya nangungumpisal at hindi naniniwala sa mga
milagro. Kanya naming kinagagalitan ang mga Indiyo kapag nabalitaan niyang nagdududa ang mga ito
tungkol sa kababalaghan.

Ang mga kasulatan tungkol sa akademya ay mayroon ng mahigit na 15 araw na kanyang sinusuri. Nang
tanungin ng mataas na kawani ang kanyang desisyon. Ipinakahulugan niyang tapos na nag pagpapasya.

Bantog – kilala

Di-masusupil – di mapipigil Pananalig – paniniwala Ginugol – inaksaya Himala – kababalaghan

Katukayo – kapangalan Nakagagambala – nakagugulo

Nakikini-kinita – nagugunita Nalathala – naipahayaG

Pananalig – paniniwala

Pangahas – nangunguna

Panukala – mungkahi

Sinang-ayunan – kinampihan

You might also like