Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAGHUBOG NG KONSENSYA BATAY SA BATAS NA

MORAL
Konsensya- ito ay munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa
tao at nag-uutos sa kanya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung
paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon
Unang prinsipyo- Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
Pangalawang prinsipyo- Pangalagaan ang buhay.
4 NA YUGTO NG KONSENSYA
1.Alamin at naisin ang mabuti.
2. Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon
3. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos.
4. Pagsusuri ng sarili/Pagninilay
2 Bahagi ng konsensya
1. Paghatol moral
2. Obligasyong moral
2 Elemento ng Konsensya
1. Pagninilay- upang maunawaan kung ano ang tama o mali.
2. Pakiramdam- obligasyong gawin ang mabuti.
MODYUL 3
LIKAS NA BATAS MORAL- Ay pangkat ng mga batas na nakaukit sa atin
pagkatao.
"ano ang kaugnayan nito sa konsensya?
Gamitin nang mapanagutan ang sumusunod:
a. isip
b. Kilos-loob
c. Puso
d. Kamay
Paano Nahuhubog ang Konsensya?
1. Hanapin ang katotohanan
2. Manalangin
Pangatlong prinsipyo- pagpaparami at papag-aralin ang mga anak.
Ika-apat- Alamin ang katotohan at mabuhay sa lipunan
Mga Uri ng Kamangmangan
1. Kamangmangang madaraig (vincible ignorance)- sariling kapabayaan ng
tao.
2. Kamangmangan hindi madaraig (invincible ignorance)- kamangmangan
hindi sinasadya

Sagot: Ang konsensya ay ang sangkap ng ating pagkatao na umuusig sa ating budhi
sa tuwing atin itong nilalabanan at nagdudulot naman sa atin ng kasiyahan at
magandang pakiramdam kung ang ating mga gawa, pagiisip at pananalita ay
sumasang ayon sa ating pananaw sa moralidad o sa ating sariling pamantayan ng
mabuti at masama. Ang salitang Griyego sa bagong Tipan na isinalin sa salitang
‘konsensya’ ay ‘suneidēsis’ na nangangahulugang ‘kaalaman sa moralidad’ o
‘kamalayan sa moralidad.’ Ang konsensya ay gumagana kung ang gawa, pagiisip at
pananalita ng isang tao ay sumasang-ayon o sumasalungat sa kanyang pamantayan
ng mabuti at masama.

Walang salitang Hebreo sa Bagong Tipan na katumbas ng salitang Griyegong


‘suneidēsis’ sa Bagong Tipan. Ang kawalan ng salitang Hebreo para sa salitang
konsensya ay maaaring dahilan sa pananaw ng mga Hudyo na maka-komunidad sa
halip na maka-indibidwal. Itinuturing ng mga Hudyo ang kanilang sarili bilang
miyembro ng isang komunidad na may kaugnayan sa kanilang Diyos at sa kanyang
mga Kautusan sa halip na bilang mga indibidwal. Sa ibang salita, ang mga Hebreo
ay nagtitiwala sa kanilang sarilng katayuan sa harapan ng Diyos kung ang Israel o
mga Hebreo ay may magandang pakikisama sa Diyos sa kabuuan bilang isang
bansa.

Ang konsepto ng Bagong Tipan ay mas pumapabor sa pagiging indibidwal ng tao at


kinasasangkutan ito ng tatlong pangunahing katotohanan. Una, ang konsensya ay
ang kakayahan na ibinigay ng Diyos sa tao upang magsuri ng kanilang sarili.
Binanggit ni Pablo ang kanyang sariling konsensya ng ilang beses na ‘malinis’ o
‘malinaw’ (Gawa 23:1; 24:16; 1 Corinto 4:4). Siniyasat ni Pablo ang kanyang
sariling pananalita at mga gawa at natagpuan ang mga iyon na sumasang-ayon sa
kanyang pamantayan ng moralidad at pagpapahalaga na ayon sa pamantayan ng
Diyos. Tinitiyak ng konsensya ni Pablo ang katapatan ng kanyang puso.
Ikalawa, inilalarawan ng Bagong Tipan ang konsensya bilang isang saksi. Sinabi ni
Pablo sa mga Hentil na ang kanilang konsensya ang sumasaksi sa presensya ng
kautusan ng Diyos na nakasulat sa kanilang mga puso bagamat hindi nila alam ang
tungkol sa Kautusan ni Moises (Roma 2:14-15). Inilarawan din niya ang kanyang
sariling konsensya bilang saksi sa kanyang pagsasabi ng katotohanan (Roma 9:1) na
namuhay siya ng may kabanalan at buong katapatan sa kanyang pakikitungo sa mga
tao (2 Corinto 1:12). Sinabi din niya na ang kanyang konsensya ang nagpapatunay
sa kanya na ang kanyang mga gawa ay hayag sa Diyos at siya ring saksi sa konsensya
ng ibang tao (2 Corinto 5:11).

Ikatlo, ang konsensya ay alipin ng pananaw sa moralidad at pagpapahalaga ng isang


indibidwal. Ang isang taong may mali o mahinang pagpapahalaga sa moralidad ay
mayroon ding isang mali at mahinang konsensya habang ang isang taong may
malinaw na pagpapahalaga sa moralidad ay nagbubunga ng isang matibay na
pagpapahalaga sa tama at mali. Sa pamumuhay Kristiyano, ang konsensya ay
maaaring itinutulak ng mababaw na pangunawa sa mga katotohanan ng Kasulatan
at maaring magbunga sa paguusig ng budhi at pagkapahiya sa sarili. Ang paglago sa
pananampalataya ay nakapagpapatibay at nakapagpapalakas ng konsensya.

Ang huling gawain ng konsensya ay ang tinutukoy ni Pablo sa kanyang katuruan


tungkol sa pagkaing inihandog sa mga diyus diyusan. Itinuro niya na dahil ang mga
diyus diyusan ay hindi tunay na Diyos, walang problema kung ang mga pagkain man
ay inihandod sa diyus diyusan o hindi. Ngunit may ilang miyembro ng iglesya sa
Corinto na mahina pa ang pangunawa at naniniwala na totoong ‘diyos’ o talagang
umiiral ang mga diyus diyusang iyon. Ang mga mananampalatayang ito na may
mahinang pananampalataya ay nanghihilakbot na isipin man lamang ang tungkol sa
pagkain ng mga pagkaing inihandog sa diyus diyusan dahil sa ang kanilang
konsensya ay alipin ng mga pamahiin at maling pananaw. Dahil dito, hinimok ni
Pablo ang mga may malawak na pangunawa na huwag gamitin ang kanilang
kalayaan sa pagkain na maaaring magdulot ng pagkatisod sa pananampalataya ng
mga kapatiran na may mahinang konsensya. Ang aral ay ito: kung malinis ang ating
konsensya dahil sa ating lumalagong pananampalataya at pangunawa, hindi tayo
dapat maging sanhi ng pagkatisod ng mga mananampalatayang may mahinang
konsensya.

Ang isa pang pagtukoy sa Bagong Tipan sa salitang konsensya ay tungkol sa isang
‘manhid’ na konsensya o konsensyang walang pakiramdam na tila baga tulad sa
nagbabagang bakal na may tatak (1 Timoteo 4:1-2). Ang ganitong klase ng
konsensya ay matigas na tulad sa kalyo at hindi na nakakaramdam ng anumang
paguusig. Ang taong may ‘manhid’ na konsensya ay hindi na nakikinig sa paguusig
ng kanyang budhi at maaaring magkasala ng hindi nababagabag sa konsekwensya ng
kanyang ginawa at dinaya na ang kanyang sarili na walang problema ang kanyang
kaluluwa at tinatrato ang ibang tao ng walang habag at walang pakialam sa
kanilang pakiramdam.

Bilang mga Kristiyano, dapat nating panatilihing malinis ang ating konsensya sa
pamamagitan ng pagsunod sa Diyos at sa pagpapanatili ng ating maayos na relasyon
sa Kanya. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagsasapamuhay ng Kanyang mga
salita at sa patuloy na pagpapanibago at pagpapalambot ng ating mga puso.
Isaalang-alang nating ang mga kapatiran na may mahinang konsensya at tratuhin
natin sila ng may pag-ibig at kahabagan.

Ang Konsensya at tumutukoy sa isip, ang paghusga ng isip kung masama o mabuti
ang ating mga ginagawa o kinikilos. Ito rin ang maituturing na batas moral na
itinanim ng panginoon sa puso at isip nating mga tao. Simula pa lang sa ating
pagsilang ay may taglay na tayong konsensya na sadyang ipinagkaloob sa atin ng
panginoon ito ang dahilan kung bakit tayo nakikibahagi sa karunungan at kabutihan
ng diyos sa pamamagitan ng konsensya ay nalalaman natin ang tama at mali.

Mga halimbawa ng konsensya


inuusig ka ng iyong konsensya sapagkat,inililihim mo sa iyong mga magulang ang
iyong pagdadalang tao, nahihirapan kang sabihin sa kanila sapagkat nag aalala ka
na sila ay magalit sa iyo, nakokonsensya ka dahil sa kabila ng kanilang paghihirap
para pag aralin ka ay ganito ang iyong kinahinatnan.
nakokonsensya ka dahil sa ginagawa ninyong pagsusulit sa paaralan ay nangopya
ka,alam mo sa sarili mo na sa mataas na grado mong nakuha ay di mo naman talaga
pinaghirapan ang lahat ng iyon.
Konsensya ang pina iiral mo kung alam mo kung ano ang tama, Nagsisimba ka
tuwing linggo upang mas mapatatag ang iyong pananampalataya sa panginoon.
nakokonsensya ka dahil nakita mo ang asawa ng iyong kaibigan na may ibang
babaeng kalambingan, Pero hindi mo sinasabi sa iyong kaibigan dahil natatakot ka
na baka hindi ito maniwala o pag nalaman niya ang totoo ay tuluyang masira ang
kanilang pagsasama. Pero may posibilidad din na nakokonsensya ka dahil di mo
sinasabi ang tunay mong nalalaman hinahayaan mo siyang lokohin ng kanyang
asawa, baka pag sinabi mo ang katotohanan ay maagapan at maisalba pa ang
kanilang pamilya.
Ibat -ibang uri ng Konsensya
Ang tamang konsensya
Ang maling konsensya
Ang tiyak na konsensya
Ang di tiyak na konsensya
Tamang Konsensya
ito ay tumutukoy sa mga tamang pagpapasya na iyong gagawin, Nangangahulugan
na ang iyong mga hakbangin ay naayon sa kaloob ng diyos at makabubuti sa iyong
sarili at sa iyong kapwa.

Maling Konsensya

Ito ay tumutukoy sa mga maling pagpapasya na iyong nagawa o gagawin palang


nangangahulugan na ang iyong mga hakbangin ay hindi mabubuti sa lahat at maging
sa iyong sarili.

Tiyak na Konsensya

ito ay tumutukoy sa mga pagpapasyang alam mong tiyak mayroon kang mga
basehan kung tama ba o mali ang iyong gagawin, tiyak ka na ang magiging resulta
ng iyong mga gagawin ay makakasama ba o makabubuti sa iyo o sa kapwa dahil nga
may basehan ka.

Di tiyak na Konsensya

ito ay tumutukoy sa mga pagpapasyang di tiyak nangangahulugan na ikaw ay may


pag aalinlangan sa mga gagawin mo o ikikilos dahil wala kang basehan. kung ang
mga kilos mo at gawi ay makakasama sa iba. maaring tumutukoy din ito sa
panghuhusga mo sa ibang tao na wala kang tiyak na basehan sa iyong
hinuhusgahan.

You might also like