Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kaninong Mapagpalang mga Kamay?

Tag- ulan na naman. Heto ako. Naghihintay ng makapapansin sa akin.


Kanina ko pa ibig umalis sa kinalalagyan ko. Ayaw ko na rito. Ako na lang ang datihan.
Ako na lang ang luma. Ang mga kasama ko’y pawing maliliit. Iba’t- ibang kulay. Iba’t-
ibang disenyo- may bulaklak, may bilog, may guhit, ngunit ang karamihan ay wala ni isa
mang disenyo. Sila ang katulad kong napag- iwanan. Ako kasi ang pinakamahaba.
Itim ang kulay at kahoy ang hawakan. Hanggang kalian kaya ako maghihintay?
Itong tag- ulan na naman ang aking hihintayin para may makapansin. “Ito ang maganda.
Ang daling dalhin. Ang gaan- gaan pa!” ang sabi ng isang babaing may makinin at
mamula- mulang pisngi, si Liza.
“Madali naming masira. Kung ako sa iyo, ito na lang ang bibilhin ko,” ang sabi ng
kasama niyang matabang babae, sabay hipo sa akin. “Sa wakas, may nakapansin din sa
akin,” ang bulong ko. “Matapos magbayad sa counter, hawak- hawak ako ni Liza.
Kaygaan ng aking pakiramdam.
Sa wakas, makalalaya na ako. Nasaan na kaya ang dati kong mga kasama? “Ang
hirap sumakay ng dyip. Mabuti pa, maglakad na lang tayo,” ang sabi ni Liza. “May
payong na naman tayo.” “Naku, Liza, ayoko nga. Mahihirapan ako. Ang mabuti pa, mag-
bus tayo, kahit nakatayo,” ang mungkahi ng matabang babae.
Isang bago, maganda at malaking bus ang huminto sa tapat nila. Sumakay ang
dalawa at isinabit ako sa upuan na nasa harapan ni Liza at ng kasama niyang matabang
babae. Noo’y patila na ang ulan. Walang tigil sa kwentuhan at tawanan ang dalawang
babae. Hanggang sa… “Para!” ang sigaw ng nagmamay- ari sa akin.
Sabay nanaog ang dalawang babae. At ako? Heto. Naiwan. Ibig kong sumigaw.
Ibig kong tawagin ang pangalan ng nagmamay- ari sa akin. Gusto ko silang habulin.
Ngunit paano? Hindi ako marunong magsalita at wala akong mga paa. Ilang sandali pa,
isang lalaking makisig ang umupo. Aba, napansin ako! Siya pala si Dan.
“Tiyak na naiwan ito ng may- ari. Tamang- tama. Nagpapabili ng payong si Liza.
Ito na lang ang ibibigay ko sa kanya. Bagung- bago pa,” ang sabi ni Dan sa sarili.
Pagbaba ni Dan, bitbit na niya ako. Sa wakas, may nagmamay- ari na uli sa akin. Isang
maliit ngunit magandang bahay ang lumantad sa aming harapan. Sa labas ng bahay sa
gilid ng pinto ako isinabit ni Dan. Hanggang sa unti- unting natutuyo ang katawan ko.
Tik! Tak! Tik! Tak! Ay, gumagabi na, Kumusta na kaya ang aking panginoon? May
humijntong bus. Isang magandang babae ang nagbubukas ng gate. Aba, kilala ko ito.
Kilala ko ang babaing ito. Ah, ito ang babaing nakaiwan sa akin. Tama, si Liza nga ito.
“Aba, paanong nakarating ito rito? Ito ang payong na naiwan ko sa bus kanina,”
pagtataka ni Liza. Lumabas si Dan.
“Liza, bakit ngayon ka lang? Nahirapan kang sumakay, ano?” “Oo, nga, eh” ang
sagot ni Liza. “Ang payong nga pala. Para sa iyo,” sabi ni Dan. “Binili ko…” “Mabuti na
lang at ikaw ang nakakuha sa bus. Hinayang na hinayang nga ako,” ang sabi ni Liza.
“Anong binili mo, Dan?” tanong ni Liza. “A, ang tsokolateng paborito mo,” sabay
abot kay Liza habang pumasok sila sa kabahayan. Isang makahulugang ngiti ang iniukol
ko kay Liza.

You might also like