Talambuhay Ni Andres Bonifacio

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Talambuhay ni Apolinario Mabini

Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng


Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan,
sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas.
Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at
pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial
scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de
Letran. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng
abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894.

Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-
suporta sa Kilusang Pang-reporma. Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng
matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng
mga gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa
mga repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang
kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.

Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo


niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong noong 12 Hunyo 1898,
si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo.

Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng


Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang
rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo
ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga
importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa Constitucional de la
Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng
Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero
Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino.

Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si


Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10
Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan
siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng
pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay
nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang
mga Pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina.

Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera.


Talambuhay ni Jose Rizal
Si Pepe o "Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda" ay ipinanganak sa bayan ng
Calamba noong ika 19 ng Hunyo taong 1861. Tatlong araw matapos ipanganak ay bininyagan si
Pepe sa tulong ng paring si Rufino Collantes.

Si Pepe ay ikapito sa labing isang magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina (ayon
sa pagkakasunod sunod ng kapanganakan)

1. Saturnina Rizal (1850-1913)


2. Paciano Rizal (1851-1930)
3. Narcisa Rizal (1852-1939)
4. Olympia Rizal (1855-1887)
5. Lucia Rizal (1857-1919)
6. Maria Rizal (1859-1945)
7. -- Pepe --
8. Concepcion Rizal (1862-1865)
9. Josefa Rizal (1865-1945)
10.Trinidad Rizal (1868-1951)
11. Soledad Rizal (1870-1929)

Sa lahat ng kapatid ni Rizal ay tanging si Concepcion o Concha ang hindi umabot ng


wastong edad. Si Concha ay nagkasakit at namatay noong tatlong taong gulang pa lamang.
Kaya't si Rizal ay lubhang nagdalamhati.

Noong tatlong taong gulang pa lamang ang batang si Pepe ay marunong na itong
magbasa ng alpabetong Filipino sa tulong na rin ng kanyang ina.

Inupahan din ng kanyang ama ang isang tutor na nag ngangalang Leon Monroy upang si
Rizal ay mahasa pa sa pagbasa at pagsulat.

Si Monroy ay kaklase din ng kanyang ama.

Sa loob ng limang buwan ay tinuruan din nito ang batang si Rizal ng salitang espanyol
at latin. Bukod dito ay naging tutor din ni Rizal sina Maestro Celestino at Maestro Lucas Padua.

Noong mga panahong ding iyon ay tinulungan din ng kanyang tiyo Manuel (Na pinsan
ng kanyang ina) ang payat pa noong si Rizal upang maging malusog ang pangangatawan nito.

Taong 1869, sa edad na walo ay naisulat ni Rizal ang tulang "Sa Aking Mga Kabata". Sa
taong ding ito unang nag aral si Rizal sa Biñan, Laguna sa pangangalaga ni Maestro Justiniano
Aquino Cruz. Kasama ang nakatatandang kapatid na si Paciano ay nagtungo sila sa bahay ng
guro.

Ang eskwelahan ay sa mismong tahanan din ng Maestro na dati ring guro ni Paciano.

Sa larangang akademiko ay nanguna si Rizal sa eskwelahang iyon.

Taong 1875 sa edad na 15, nag aral si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila at nagtapos
sa kursong Bachelor of Arts Degree na may pinakamataas na parangal.

Nag aral din si Rizal ng kursong Philosophy ngunit noong taong 1878 ay nagpasyang
lumipat sa kursong may kinalaman sa Ophthalmology sapagkat ang kanyang ina ay nagkaroon
ng sakit sa mata.

Taong 1882 ang unang pag luwas ni Rizal ng bansa patungong Espanya. Dito ay
nagpakadalubhasa si Rizal sa pagiging espesyalista sa mata sa ilalim ng tanyag na si Professor
Otto Becker.

Bukod sa pagiging doktor ay isa ring pintor, iskultor, guro, farmer, manunulat, bihasa sa
fencing at martial arts. Hindi lang dito bihasa si Rizal, maging sa iba't ibang lengwahe ay alam
nito. Sumatotal ay dalawamput dalawang lenguwahe ang kanyang alam.
Sa larangan nang pag-ibig ay naging makulay din istorya ni Rizal. Sa katunayan ay
mahigit sampung babae ang napaibig ni Pepe at ang ilan dito ay sina:

1. Segunda Katigbak
2. Binibining L
3. Leonor Valenzuela
4. Leonor Rivera
5. Consuelo Ortiga

6. O Sei San
7. Gertrude Beckett
8. Nellie Boustead
9. Suzanne Jacoby
10. Josephine Bracken

Taong 1895 sa Dapitan, si Josephine Bracken ay nakilala at nakatuluyan ni Rizal.


Bagamat di kasal sa simbahan ay nagsama sila bilang mag asawa. Nag karoon sila ng isang anak
ngunit kalauna'y namatay din matapos makunan si Josephine.

Noong August 1, 1896 nang magpasyang umalis si Rizal at si Josephine patungong Cuba
ngunit sa Espanya pa lamang ay naaresto na si Rizal at ikinulong sa Barcelona noong October 6,
1896. Ang pagiging kaanib di umano ni Rizal sa katipunan ang naging dahilan ng kanyang
pagkakakulong. Noong araw ding iyon ipinadala si Rizal pabalik ng Pilipinas at ikinulong sa
Fort Santiago at doon ay nahatulang mamatay.

Noong Disyembre 30, 1896 alas siyete ng umaga, binaril at namatay si Jose Rizal.

Ang pambansang bayani ng Pilipinas.

You might also like