Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Quezon
Kanlurang Distrito ng Sariaya
Paaralang Elementarya ng Bogon
Sariaya, Quezon

Apat na Magkakaibigan

ni Erwin P. Del Rosario

Tirik na tirik ang sikat araw habang naglalaro ang magkakaibigan na


sina Jun, Berlin, at Marites sa malawak na parke. Hindi nila alintana ang init
at alikabok ng paligid. Masayang-masaya sila na naghahabulan habang
tumatagaktak na ang kanilang pawis. Makalipas ang ilang saglit, may
napansin si Marites na kakaibang bata na mistulang puwit ng kawali dahil sa
kulay nito.

“Jun, tingnan mo yung batang naglalakad.”, wika Marites.

“Ha?, Sinong bata?”, tanong ni Jun.

“Oo nga. Wala namang bata dito ah maliban sa atin”, nagtatakang wika
ni Berlin.

“Tumingin kayo roon sa may puno ng akasya! Ayun siya oh.”, pabulalas
na wika ni Marites.

Biglang napatingin ang dalawa sa lugar kung saan naglalakad ang


batang may kakaibang kulay. Dali-dali silang tumakbo upang lapitan ang
bata.

“Bata, bata, pa‟no ka ginawa?, pabirong tanong ni Berlin.

“Hahaha!!! Nakakatawa ka talaga. Ano bang tanong „yan?”, nakangising


wika ni Marites.
“Hoy! Huwag nga kayong ganan”, pasigaw na wika ni Jun.

Natigilan sina Berlin at Marites sa kanilang pagtawa.

“Bata, ano‟ng pangalan mo?”, malumanay na tanong ni Jun.

“Ah…ah…Ako si Tim.”, sagot ng bata.

“Bakit parang mag-isa ka lang dito. Wala ka bang kaibigan?”, tanong ni


Marites.

“Oo nga.”, wika ni Berlin.

Pero biglang umiyak si Tim. Humagulgol habang tumutulo ang sipon.


Nagulat ang tatlong magkakaibigan kung bakit siya umiyak.

“Uy, bakit ka umiiyak?, tanong ng tatlong magkakaibigan.

“Naalala ko kasi yung pamumula ng mga kaklase ko sa silid-aralan. Lagi


nilang napapansin ang kulay ko. Tim Itim nga ang tawag nila sa akin. Tapos,
tatawa sila nang malakas.”, malungkot na wika ni Tim.

“Hahaha!!!, malakas na tawa ni Berlin.

At humagulgol ulit si Tim. Ang sipo‟y labas-masok sa butas ng ilong


nito.

“Berlin, tumigil ka nga. Para ka namang ewan e. Alam mo namang


malungkot si Tim e.”, pasigaw na wika ni Jun.

“Soooorry po. Hehe. Nagbibiro lang ako, Jun. Gusto ko lang maging
masaya si Tim.”, nakanigiting wika ni Berlin.

“Tumahan ka na. Ayos lang yan. Alam mo ba na walang perfect sa


mundo? Tingnan mo ako. Pansin mo ba na magkasalubong ang dalawang itim
na bilog ng mata ko? Doble nga lagi ang tingin ko sa mga bagay e. Jun Duling
nga ang tawag ng mga kaklase ko sa akin. Pero hindi ko pinapansin ang
sinasabi nila. Basta ang alam ko, lamang ako sa kanila sa paningin.
HAHAHA,”, wika nika ni Jun.

Bahagyang napangiti si Tim matapos malaman ang kuwento ni Jun.

“Ang tawag ng mga kaklase ko sa akin ay Marites: The Elephant. Malaki


raw kasi ang tenga ko. Pero tulad ni Jun, hindi ko na sila pinapansin. Basta
ang alam ko ay honor student ako sa klase.”, pagmamalaking wika ni Marites.

Kitang-kita sa mukha ni Tim ang pagkagulat sa kuwento ni Marites.


Pagkatapos, nagsimula namang magkuwento ang palabirong bata na si Berlin.

“Ako nga pala si Berlin, ang pinakapoging mag-aaral sa Kinatihan


Elementary School. Hahaha. Biro lang. Ako ang pinakamakulit sa aming
magkakaibigan. Ang paborito kong kanta ay “Sampung mga Daliri.”

Ipinakita ni Berlin ang kanyang mga daliri kay Tim.

“Uy, bilangin mo nga ang aking mga daliri sa kamay”, utos ni Berlin.
Nagulat si Tim nang bilangin niya ito.

“Ano ang napansin mo?”, tanong ni Berlin.

“Ah..eh..kulang ang mga daliri mo, Berlin.”, nahihiyang sagot ni Tim.

“Hahaha!!! Tama ka. Bigyan ng dyaket yan.”, pabulahaw na sagot ni


Berlin.

Nagtawanan ang lahat sa ginawang pagbibiro ni Berlin. Kitang-kita na


napawi ang lungkot sa mukha ni Tim sa mga oras na iyon.

“Alam mo ba Tim, kahit na kulang ang mga daliri ko ay ako ang


pambato ng school namin sa poster making competition. Tuwang-tuwa ang
mga guro ko kapag nakikita nila ang mga ginuhit ko.”, wika ni Berlin.

Napalitan ng saya ang lungkot sa mukha ni Tim matapos marinig ang


kwento nina Berlin, Jun at Marites.
“Alam namin na meron ka ring itinatagong talento.”, wika ni Jun.

“Oo nga.”, pagsang-ayon ni Berlin.

“Sample! Sample! Sample!”, pamimilit na wika ni Marites.

At isang magandang boses ang lumitaw habang sila ay nasa ilalim ng


puno ng akasya.

“Hawak-kamay. „Di kita iiwan sa paglakbay dito sa mundong walang


katiyakan. Hawak-kamay. “Di kita bibitawan sa paglalakbay sa mundo ng
kawalan.”, awit ni Tim.

Nagpapalakpakan ang tatlong magkakaibigan dahil sa ganda ng boses ni


Tim.

“Wow! Lodi! Petmalu!”, hangang-hangang wika ni Berlin.

“Werpa!”, sabi ni Maritess.

“Ang galing mo pa lang kumanta e. Ang galing-galing mo”, tuwang-


tuwang sabi ni Jun.

“Salamat Berlin, Jun at Marites.”, nahihiyang wika ni Tim.

“O di ba, kahit matim ka magaling ka naman kumanta.”, nakangising


wika ni Berlin.

Nagtawanan sila. Pagkatapos, niyakag nina Berlin, Jun, at Marites si


Tim upang maglaro ng habulan sa parke. Hindi inalintana ang init at alikabok
ng paligid. Ngunit habang larung-laro ang apat na magkakaibigan ay may
biglang sumigaw. Nakatinginan sila. Pagkatapos, kumaripas ng takbo sina
Berlin, Jun, at Marites. Pero naiwan si Tim kaya binalikan ito ni Jun. Hinatak
niya ito at sinabing, “Dali, parating na ang tropa nina Mau Halimaw!”

“Hah?, sino siya?, tanong ni Tim.


“Saka mo na lang alamin „pag nakaalis na tayo rito, Ikukuwento namin
sa‟ yo.”, dali-daling sagot ni Jun.

“Isa……dal‟wa….takbo!!!”, sigaw ni Jun habang hatak-hatak si Tim.

10-30-2017

You might also like