Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

IKALWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 3

San Dionisio Elementary School

Pangalan: ____________________________________________________ Petsa: ___________

I. Isulat ang salitan TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong may
sakit at MALI kung ito ay hindi.

__________ 1. Ang isang taong may karamdaman ay kailangan bigyan ng pansin at panahon upang
maalagaan ng mabuti.

__________ 2. Painumin ng gamot sa tamang oras ang isang taong may sakit.

__________ 3. Hayaang pumunta sa doctor ng mag-isa ang isang taong may karamdaman.

__________ 4. Dalawin nang bukal sa kalooban ang isang taong may karamdaman na nasa hospital.

__________ 5. Huwag alalayan ang isang taong may kapansanan sa pagpasok sa banyo o palikuran.

__________ 6. Iwasan ang mga kapwa batang AETA.

__________ 7. Tulungan ang bagong kaklaseng AETA sa pagkilala sa iba’t-ibang guro at kamag-aral sa
inyong klase maging sa paaralan.

__________ 8. Hilingin sa guro na huwag maging kapareha o kasama ang kaklase mong Bisaya.

__________ 9. Makipagkaibigan sa mga kapwa bata maging ito man ay nabibilang sa mga pangkat etniko.

__________ 10. Pagtawanan ang bagong kamag-aral sa kanyang anyong kaitiman at pagkakulot ng buhok.

II. Basahin ang mga pangungusap at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_______ 11. Nalaman mo na may sakit ang iyong guro, ano ang gagawin mo ?
a. Dadalawin ang iyong guro
b. Padadalhan na lang ng prutas
c. Hihintayin na lang makabalik sa klase
d. Matutuwa dahil walang klase
_______ 12. Nakita mon a hindi makatayo ang iyong kaklase sa pagkakadapa, ano ang iyong gagawin?
a. Tatawa at ipagkakalat ang nakita
b. Tutulungan at alalayan sa paglakad
c. Titingnan lamang at kaaawaan
d. Hihintayin na may tumulong na iba

_______ 13. Ang iyong kapatid ay nagkabulutong, ano ang iyong dapat na gawin?
a. Iiwasan siya at wag pansinin
b. Tatawanan siya at kukutyain
c. Aalagan siya at pakakainin
d. Papagalitan at pangdidirian

_______ 14. Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa sobrang pananakit ng tiyan, ano ang iyong gagawin?
a. Huwag pansinin ang pag-iyak ng kaklase
b. Isumbong sa magulang na ang kaklase ay maingay
c. Sabihin sa guro at tulungan pumunta sa klinika ng eskwelahan
d. Sabihin sa kaklase na pumunta siyang mag isa sa klinika o di kaya umuwi nalang

_______ 15. May nakita kang bulag na bata at mukhang tatawid siya sa daan. Anong tulong ang iyong
maibibigay?
a. Sasabihin sa pulis upang siya ang tumulong sa pagtawid
b. Tutulungan tumawid sa pamamagitan ng pag-akay sa kanya
c. Iiwasan na lamang upang hindi ka na maabala pa
d. Bantayan kung ito ay makakatawid ng ligtas

_______ 16. Ang iyong kababata ay sasali sa paligsahan ng pag-awit sa inyong barangay. Siya ay pilay at nais
magpatulong sa iyo upang magpalista ng pangalan. Ano ang iyong gagawin?
a. Tutulungan ko siyang magpalista sa aming barangay
b. Hahayaan ko nalang siyang magpalistang mag-isa
c. Ituturo ko sa kanya ang daan papuntang barangay
d. Tatawa ako at sasabihing huwag siyang sumali

_______ 17. Si John na bago ninyong kaklase ay iika-ika kung maglakad. Pinatatawanan siya ng ilang
estudyante sa kabilang pangkat ng klase. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hahayaan siyang pagtawanan
b. Pagtatawanan ko rin siya upang mapahiya
c. Sasabihin sa guro ang mga estudyanteng tinatawanan si John
d. Lalapitan ang mga estudyante at sasabihang huwag pagtawanan si John
_______ 18. Habang naglalakad ka papuntang paaralan ay may nakita kang matanda na gustong tumawid sa
kalsada ngunit hindi niya ito magawa dahil sa humaharurot na mga sasakyan, ano ang gagawin mo?
a. Magwawalang bahala nalang
b. Puntahan ang matanda at tulungang tumawid
c. Lumakad na diretso na parang walang may nakita
d. Hintayin ang pulis upang tumulong sa matanda
_______ 19. Isang umaga nakita mo ang iyong guro na maraming dalang mga aklat at folder. Ano ang
gagawin mo?
a. Tititngnan nalang siya
b. Tatawanan siya
c. Tatalikuran nalang
d. Tutulungan at kukunin ang kanyang dala
________ 20. Nakita mon a ninakaw ng kaklase moa ng pera ng inyong guro. Ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan ko nalang siya
b. Tutulungan ko siya para marami siyang makuha
c. Pagsasabihan na mali ang kanyang ginagawa at dapat niya itong isauli
d. Tititngnan ko lang siya habang siya ay nagnanakaw

You might also like