Kabanata Iii Sample

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KABANATA III

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan sa mga hakbang
naisakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga walong pangunahing wika at wikang cultural.
Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik at ang linggwistikang pagsusuri ng mga walong pangunahing
wika at wikang kultural.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ginamit ng mga mananaliksik ay sa paraang descriptive-analytic. Tatangkaing
ilarawan at suriin ng mga mananaliksik ang mga Epekto ng Modernisasyon ng Wikang Filipino sa mga
estudyante ng Senior High School sa Unibersidad ng Pangasinan.
Respondente
Ang mga napiling mga respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante na Senior High School na
kasalukuyang naka-enroll sa kursong STEM, taong panuruan 2016-2017 sa Unibersidad ng Dagupan, lungsod
Dagupan, Pangasinan. Sa kasalukuyan ay limampung porsyento (50%) na mag-aaral ng kursong STEM Senior
High School ang kanilang kinuha upang maging respondente sa talatanungan. Ang napiling bilang maging
respondente ng mananaliksik ay upang malaman kung paano nakakaapekto sa kanila, bilang isang mag-aaral at
kabataan, ang modernisasyon kaugnay sa pag-aaral nila ng wikang Filipino. Ang nilalaman ng tanong ay kung
paano naaapektuhan ng modernisasyon ang wikang Filipino.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng
mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: ang profile at ang survey ukol
sa paksang pinagaaralan. Ang survey ay nagbigay ng iba’tibang persepsyon sa mga mag-aaral kung sa papaanong paraan
makakatulong ang youtube sa kanilang pag-aaral.

Istatistikal na pagsusuri ng mgadatos

Ang kasangkapan na ginamit ng mga mananaliksik ay isang sariling gawa sa pagsisiyasat ng


talatanungan para sa respondente. Ibinigay ang pormula para sa komputasyon upang malaman ng resulta ng
pananaliksik. Sa pagsusuri ng mga pahayag ng epekto, mapaglarawang buod istatistika tulad ng poryesto na
ginamit, upang pag-aralan at bigyang kahulugan ang mga datos na nakalap mula sa survey at questionnaries.
Ang mga mananaliksik ay ginagamit ang mga sumusunod na istatistika;
1. Porsyento ng pahayag ng epekto para sa demograpikong propayl ng mga respondente ayon sa kanilang
edad at kasarian
𝑓
Pormula: P= 𝑛 × 100
P: Porsyento
f: Prikwensya
n: kabuuang bilang ng mga respondente

You might also like