Bataan: Kasaysayan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BATAAN

Ang Bataan ay isang lalawigan ng Pilipinas na sinasakop ang buong Tangway


ng Bataan sa Luzon. Bahagi ng rehiyon ng Gitnang Luzon ang lalawigan.
Lungsod ng Balanga ang kabisera nito at pinapaligiran ng mga lalawigan
ng Zambales at Pampanga sa hilaga. Kaharap ng tangway sa kanluran
ang Dagat Kanlurang Pilipinas at Look ng Maynila naman sa silangan.

Labing-isang bayan ang bumubuo sa lalawigan ng Bataan. Sa labing isang


bayan at isang lungsod, hinati sa dalawang distrito ang mga ito. Ang unang
distrito ay binubuo ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal at Abucay sa Hilaga
ng tangway at Morong sa hilagang kanluran ng lalawigan. And ikalawang
distrito ay binubuo ng Lungsod ng Balanga, Pilar, Orion, Limay, Mariveles
at Bagac sa timog bahagi ng tangway.

Isa sa mga tahimik na lalawigan ang Bataan. Karamihan sa mga urban na sentral
ng mga bayan ay malapit sa anyong-tubig dahil hinihiwalay ng Bundok
Natib (Mount Natib) ang gitna ng Bataan. Dahil dito, ang silangan ng Bataan ay
nakahiwalay sa Kanlurang bahagi. Ang silangang bahagi ay nakaharap sa Look
ng Maynila. Sa kabilang bahagi, ang mga bayan ng Mariveles, Bagac at Morong
ay nakaharap sa Dagat Timog Tsina. Karamihan ng mga popular na
beach/tabing dagat sa Bataan ay nasa kanlurang bahagi ng Bataan,
nakaharap sa Dagat Timog Tsina. Sa Silangan, ang Look ng Maynila ay kilala
bilang sikat na lugar pangisdaan ng mga mangingisda.

Pangingisda at pagsasaka ang pangulong hanap-buhay ng mga taga-Bataan.


Gayon man, sa paglipas ng panahon, ang mabilis na pagiging popular ng
teknolohiya sa bansa ay nagbigay ng daan para magtayo ng mga pabrika
sa Mariveles. Sa ngayon, isa ang Mariveles sa mga panguhaning pagawaan ng
mga produktong pangkalakalan sa Pilipinas at sa ibang bansa. Isa rin sa mga
sikat na lugar ang Bataan pagdating sa mga gawaing-kamay (handicrafts).

KASAYSAYAN
Noong 1647, ang puwersang pandagat ng Olanda (Netherlands) ay sumugod sa
Pilipinas sa pagtatangkang makuha ang kapuluan mula sa Espanya. Pagdating
nila ay minasaker nila ang mga tao sa Abucay, Bataan.
Ang lalawigan ng Bataan ay itinatag noong Enero 11, 1754 ni Gobernador-
Heneral Pedro Manuel Arandia mula sa lupaing dating kabilang sa lalawigan ng
Pampanga at corregimiento ng Mariveles na noon ay sakop din ang
Maragondon, Cavite na nasa kabilang panig ng Look ng Maynila.

Ayon sa mga halos nagkakaparehong kuwento nina Victor de Leon, Mauricio Q.


Pizarro at Rev. Fr. Wilfredo C. Paguio, may tatlo umanong bersyon kung bakit
tinawag na “Bataan” ang Bataan.

Unang bersyon
Ang pangalan ng Bataan ang nanggaling umano sa salitang “Vatan” na
pangalan ng isang sinaunang “datu” na naghari sa lalawigan noong hindi pa
dumarating ang mga Kastila sa Pilipinas. Binanggit pa sa “Balik-Tanaw” na kilala
na ang lalawigan sa gayong pangalan noong tumapak sa lalawigan si Padre
Sebastian de Baesa noong 1578.”

Ikalawang bersyon
Nanggaling umano ang pangalan ng Bataan sa salitang “Bata.” May tatlo
umano itong kahulugan sa salitang Kastila: Bata (Nino); Muchacho (Utusan); at
Rapaz (Mersenaryo).

Ang salitang ‘Bata’ ay kasingkahulugan daw ng pagiging isang bagong


probinsya ng Bataan matapos itong mahiwalay sa Pampanga noong 1754. Ang
‘Muchacho’ umano ay ang tawag sa may 3,500 Moro na naging “katulong” ng
mga Kastila at Pampagueño sa paglilinang sa kapatagan ng Bataan noong
araw, batay sa ulat ni Gobernador-Heneral Manuel Arandia noong 1754 (taon
na natatag ang Bataan bilang isang malaya at regular na probinsya); at ang
salitang ‘Rapaz’ ay mga mersenaryo, o upahang mandirigma, na lumaban sa
mga pirata na nanalakay sa Bataan noong araw.

Ikatlong bersyon
Ang pangalan ng Bataan ay hinango umano sa salitang Tagalog na “Butaan,”
na ang kahulugan sa Inglis ay “monitor lizard.”Ang hayop na ito ay mas kilala ng
mga Pilipino sa tawag na ‘bayawak’. “Dati-rati umano ay nagkalat ang mga
bayawak sa Bataan. Ang nasabing hayop ay makikita pa rin hanggang sa
ngayon sa mga bulubundukin ng Bataan at Zambales, Bicol Region, Laguna at
Rizal.
"ABUCAY"
Nagmula sa mga katagang Abo (ash) at kaykay (to rake) o "Abukaykay". Dahil
hindi nakakaintindi ng kastila ang mga katutubo, inakala nilang sila ay tinanong
kung ano ang kanilang ginagawa, kaya kanilang sinagot ay "Abo.. kaykay.." at
sa kalaunan ay naging Abucay na naging opisyal na pangalan ng bayan.

"BAGAC"
Ito ay nag buhat sa salitang "Lumbak" na ang ibig sabihin ay pook na nasa
pagitan ng dalawang burol; at tagak isang uri ng ibong puti. Mula sa pantig na
"Bak" na galing sa "lumbak" at "gak" na galing sa "tagak" ay nabuo ang
pangalang "Bakgak" na sa dakong huli ay naging "Bagac".

"BALANGA"
Ito ay hango sa salitang "Balanga" , isang uri ng lutuan na yari sa putik na
ginagamit din ng mga katutubo bilang pang salok ng tubig.

"DINALUPIHAN"
Unang bayan sa pinakadakong hilaga ng Bataan. Ang pangalan nito ay hango
sa salitang "Di-na-lu-pi-gan" (Non conquered) na ang ibig sabihin ay hindi
malulupig. Ito ay dahil sa pakikipag laban ng mga mamamayan sa mga
dayuhan at kriminal.

"HERMOSA"
Ang bayang ito ay unang nakilala sa taguring Mabuyan na hango sa isang uri ng
yantok. Tinawag rin itong Babuyan dahil noon ay isa itong lugar kung saan nag
lisaw ang mg baboy damo. Ng dumating ang mga kastila, ito ay tinawag na
"Llana Hermosa"

"LIMAY"
Ito ay hango sa salitang Lima bilang pag bibigay halaga sa limang
komersyanteng napamahal sa mga mamamayan ng lugar. Sa katagalan ng
panahon, ang lima ay naging "Limay" sapagkat nakaugalian na ng mga taga
Bataan na sundan ng "Ay" ang anumang sabihin.

"MARIVELES"
Ito ay nagbuhat sa pariralang "Maraming Dilis" , isang uri ng isda (anchoves) na
sagana noon sa look ng Maynila. Ito ay pinaikli at naging "Maradilis" at sa
kalaunan ay naging Mariveles. Karaniwan rin ay iniuugnay ito sa alamat ni "Maria
Velez".
"MORONG"
Ang pangalang Morong na dati ay "moron" ay hango sa pangungusap na "Ang
Moro ay Umuurong". Sa kasalukuyan ay binago at ginawang "MORONG" sa pag
susumikap ng dating kinatawan ng Bataan, Jose R. Nuguid sa bisa ng Republic
Act No. 1249 na pinagtibay ng Batasang Pambansa noong ika-10 ng Hunyo,
1955.

"ORANI"
Ito ay mula sa isang kataga ng kastila na “No Ira”. Inayos ang mga titik at nabuo
ang salitang “Orani” na naging opisyal na pangalan ng Bayan.

"ORION"
Nag buhat ito sa salitang “Uod” o worm na naging uod’yon at kalaunan ay
naging udyong. Ngunit, unti unti itong nabago at naging Orion.

"SAMAL"
Ito ay hango sa salitang "Samel" ang nilalang dahon ng sasa na gamit ng mga
mangingisda bilang pantabing sa mga huling isda laban sa init ng araw at labis
na buhos ng ulan.

"PILAR"
Ang pangalang pilar ay hango kay "Nuestra Senora del Pilar". Napagkasunduan
ng mga kastila na ipangalan ito sa birhen bilang parangal sa imahe.

You might also like