Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

T AL U M P A T I

Talumpati
- nagpapahayag ng mga kaisipan, pananaw,
at saloobin ng isang tao sa harap ng madla

- sining ng pagpapahayag ng kaisipan sa


paraang pasalita sa harap ng mga tagapakinig
Uri ng Talumpati ayon sa Layunin

1. Impormatibo

- naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa isang


partikular na paksa
Halimbawa:
● Epekto ng schizophrenia sa dumaranas nito
● Mga balakid sa pag-aaral ng ikalawang wika

● Mga katangian ng isang mabuting mamamayan


2. Nanghihikayat

- humihikayat sa mga tagapakinig na magsagawa ng isang partikular na kilos o kaya hikayatin na


panigan ang opinyon o paniniwala ng tagapagsalita
Halimbawa:
● Mga kasamaang maaaring idulot ng
kontrasepsiyon sa kababaihan

● Mga kabutihang maaaring idulot ng halamang


gamot bilang lunas sa mga karamdaman
3. Nang-aaliw
- nang-aaliw sa pamamagitan ng pagpapatawa
tulad sa comedy bar

- nagbibigay-pugay sa isang mahalagang tao sa pamamagitan ng


pagkukuwento ng mga nakatatawa niyang karanasan
4. Okasyonal

- isinusulat at binibigkas para sa isang partikular na okasyon katulad ng


kasal, kaarawan, despedida, parangal, at iba pa.
Uri ng Talumpati ayon sa Kahandaan

1. Impromptu

- halos walang paghahanda sa pagsulat at


pagbigkas ng talumpati
2. Extemporaneous

- sapat na pinaghandaan sa pamamagitan ng pagsulat ng speech plan


upang maging epektibo ang pagbigkas
Tatlong Bahagi:
1. Panimula
● Sinisikap sa bahaging ito na mapukaw ang interes o matawag ang pansin
ng mga tagapakinig.

● Inilalahad din sa bahaging ito ang layunin ng


talumpati.
2. Katawan o Kaalaman
● Sa bahaging ito gumagamit ang mananalumpati ng iba't ibang
kaparaanan para mapagtibay ang kaniyang mga ideya, kaisipan, at
paninindigan.

Halimbawa, paglalahad, pangangatuwiran, pagbibigay


halimbawa, pagsasalaysay, at paglalarawan.
3. Katapusan

● Sa pagwawakas, nililinaw ng mananalumpati ang kaniyang mga paninindigan, tinitiyak na nag-iiwan ng kakintalan o
impresyon sa huli at maaaring nanghihikayat tungo sa pakikibaka at pagkilos.
Proseso sa Pagsulat ng Talumpati

● Ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay maihahalintulad sa pag-akyat


at pagbaba ng bundok.
Proseso sa Pagsulat ng Talumpati
1. Paghahanda

● Mahalagang mapukaw ang atensiyon ng tagapakinig sa unang pangungusap pa lamang. Kaya sa


pagsulat ng introduksiyon, kailangan silang ihanda at isama sa paglalakbay.
● Kailangan nilang malaman ang pupuntahan, kung interesante ba ang
paglalakbay, at kung bakit kailangan nilang sumama.
2. Pag-unlad

● Huwag iiwan o bibitawan ang tagapakinig sa kalagitnaan ng paglalakbay.


Siguraduhing nakatutok ang atensiyon nila.
● Lumikha ng tensiyon, magkuwento, magbigay ng mga halimbawa, maghambing at magtambis, o gumamit ng mga tayutay at
mga talinghagang bukambibig. Sa paraang ito, hindi aalis ang tagapakinig.
3. Kasukdulan
● Ito ang pagkakataong narating na kasama ang
tagapakinig ang tuktok ng bundok.
● Sa bahaging ito inilalahad ang
pinakamahalagang mensahe ng talumpati.
● Ito rin ang bahaging pinakamatindi na ang
emosyon.
4. Pagbaba
● Sa bahaging ito ibinubuod ang mahahalagang
puntong tinalakay sa talumpati.
● Maaaring mag-iwan ng tanong sa bahaging ito.

● Anumang paraan ang piliin sa pagtatapos, kailangang mahuli ng


kongklusyon ang diwa ng talumpati.
Gabay sa Pagsulat ng Talumpati

Paano ba sumulat ng talumpati?

Maaaring tanungin ang sarili ng mga sumusunod


bago magsulat ng talumpati.
Tuon
- Bakit ako magsusulat ng talumpati?
- Ano ang paksa?
- Ano ang mensaheng nais kong ipahayag?
- Ano ang gusto kong mangyari sa aking mga
tagapakinig?
- Ano ang kahalagahan ng paksang tatalakayin ko?
Tagapakinig

- Sino ang aking mga tagapakinig?

- Bakit sila makikinig sa talumpati?

- Anong mahahalagang bagay ang nais kong


baunin ng tagapakinig?
Pagsulat
- Paano ko pupukawin ang atensiyon ng tagapakinig?
- Anong lengguwahe ang gagamitin ko?
- Ano ang tono ng aking talumpati?
- Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng
talumpati ?
- Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?
Pagsasanay

- Basahin mo nang malakas ang iyong isinulat upang malaman kung natural
at madulas ang daloy ng wika.

- Basahin mo sa harap ng isang kakilala o kaibigan ang talumpati upang


matukoy ang mga kalakasan at kahinaan nito.
Mahalagang Ideya

Masasabing kahit gaano pa kahusay ang isinulat na talumpati, kung hindi naman nagsasanay sa
pagbigkas nito sa harap ng madla, hindi magiging matagumpay ang talumpati.

You might also like