Professional Documents
Culture Documents
4AS
4AS
4AS
4As
I. Layunin
a. Naiisa-isa ang mga gawain at dahilan na nagdudulot ng climate change.
b. Nakapaglalahad ng mga dapat gawin upang maibsan ang masamang epekto dulot ng climate change.
c. Napahahalagahan ang likas na yaman.
II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Mga Suliraning Pangkapaligiran(Climate Change)
B. Petsa at Oras: Hulyo 23, 2019/10:45-11:45
B. Sanggunian: Araling Panlipunan LM pp. , Interent clippings
C. Kagamitan: TV,PPT,cartolina, manila papers, pentel pens
1. Panalangin
- Gameron pamunuan mo ang ating panalangin. Amen.
2. Pagbati
- Magandang umaga mga bata! Magandang umaga po Ginang
Baluca.
3. Pagtukoy sa liban
4. Pagbabalik-aral
- Ano ang leksyon na ating tinalakay kahapon? Ang pagkasira sa likas na
- Magaling yaman.
- Anu-ano naman ang mga suliranin ukol sa pagkasira Suliranin sa yamang –lupa,
ng likas na yaman? yamang tubig at kagubatan.
- Magaling!
5. Pagganyak
Para sa ikalawang pangkat ano ang masasabi ninyo Ikatlong larawan-sobrang init ng
sa larawan 3 at 4? mundo dahil sa greenhouse
effect.
Ika-apat na larawan-malakas na
ulan.
Magaling.
B. Panlinang na Gawain
Pangalawang Pangkat
Epekto ng climate change sa pamamagitan ng
“Spoken Word Poetry”.
Pangatlong Pangkat
Mga paraan upang maibsan ang pagbabago ng klima
sa pamamagitan ng rap.
2. Pagsusuri(Analysis)
-Kumbersiyon ng mga
kakahuyan para maging
kaparangan at pastulan
-Pagmimina
-Konstruksiyon
-Panirahan at iba pa
-Kakapusan sa pagkain
- Magpalit ng bombilya .
Gumamit ng tinatawag na
compact flouresent light bulbs
(CFLs)
-Magtipid sa paggamit ng
koryente . Buksan ang mga
bintana at hayaang makapasok
ang natural na liwanag at hangin
sa tahanan . Iwasang gumamit
ng aircon.
3. Paghahalaw (Abstraction)
a. Natural na salik
Plate tectonics- ang paggalaw ng mga tectonic
platesna nagpapabago sa posisyon ng kalupaan at
mga erya ng katubigan na siyang nagreresulta sa
topograpiya ng daigdig.
Orbital at solar variations- pagbabago sa pag-ikot ng
mundo na nakaaapekto sa layo at lapit nito sa araw.
Volcanism- natural na proseso kung saan ang mga
element mula sa crust o mantle ng mundo ay
ibinubuga palabas gaya ng pagputok ng mga bulkan.
4. Aplikasyon
IV. Pagtataya
V. Kasunduan
.
B. Panlinang na Gawain
1. Mga Gawain (Activity)
Ipabasa ang talata tungkol sa mga bayaning Pilipino. Ipaalala sa mga mga mag-aaral ang mga dapat gawin kun
nagbabasa nang tahimik.
Alamin ang kahulugan ng mga mahihirap na salita sa babasahing talata tulad ng mga sumusunod:
malaya kilusan bantog kongregasyon kawanggawa
Mga Babaeng Bayani
Sa ating malayang bayan ay may demokrasya. Pantay-pantay ang karapatan ng lahat, lalaki man o babae.
Marami tayong mga dakilang tao at bayaning babae na ang iba ay hindi gaanong kilala. Balikan natin ang dakong ito sa
kasaysayan.
Nariyan si Melchora Aquino na lalong kilala sa taguring Tandang Sora. Siya ang kinilalang Ina ng Katipunero.
Napakalaki ang kanyang naitulong sa Kilusang Katipunan noong panahon ng Himagsikan laban sa pamahalaang
Kastila.
Mababanggit din si Marcela Agoncillo na tumahi ng unang bandilang Pilipino.
Si Librada Avelino naman ay napabantog sa larangan ng edukasyon.
Si Teodora Agoncillo ay ina ng ating pambansang bayaning si Dr. Joe Rizal.
Si Margarita Roxas de Ayala ay nakilala sa larangan ng pagkawanggawa at industriya.
Si Mother Ignacio del Espiritu Santo ang nagtatag ng unang kongregasyon panrelihiyon para sa kababaihang
Pilipina.
Si Patrocino Gamboa ay isa ring bayani mula sa bayan ng Jaro, Iloilo.
Si Gregoria de Jesus ay tinaguriang Lakambini ng Katipunan.
Si Trinidad tecson ay napabantog sa taguring Ina ng Biyak na Bato noong panahon ng Himagsikan.
At di makakalimutang banggitin si dating president Corazon Aquino.
Maganda rito sa ating bansa. Ang lahat ay may karapatang tumalino, umunlad at maghawak ng
tungkulin.
2. Pagsusuri (Analysis)
Pag-usapan ang mga kontribusyon nga mga bayani sa talatang binasa.
Itanong: Dapat ba nating tularan ang mga babaeng bayani? Ipaliwanag ang sagot.
Talakayin ang mga pangngalang nabanggit sa binasa.
Pangkatin ang mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik at maliit na titik.
Halimbawa:
4. Paglalapat (Application)
Kumpletuhin ang chart.
Pantangi Pambalana
Joseph Estrada ?
? paaralan
? aktres
SM City ?
5. Paglalahat (Generalization)
Ano ang pangngalang pantangi? Pangngalang pambalana?
Sa anong titik nagsisimula ang pangngalang pantangi? Pambalana?
IV. Pagtataya
Basahin at kopyahin ang bawat pangungusap. Bilugan ang mga pangngalang pantangi at ikahon ang mga pangngalang
pambalana.
1. Sina Danilo at Nena ay pumunta sa simbahan.
2. Ang mga nanay ay may dalang meryenda.
3. Nagdala din sila ng upuan at pamaypay.
4. Si Fr. Jose Reyes ang pari sa misa.
5. Ang mga tao ay masayang umuwi sa kanilang mga tahanan.
V. Kasunduan
Gumawa ng tatlong pangungusap na may pangngalang pantangi at pambalana. Salungguhitan ng isang linya
ang pangngalang pantangi at dalawang linya ang pangngalang pambalan. Isulat ang mga ito sa kwaderno.
P.S. Ang banghay-aralin na ito ay batay sa Primer ng 2002 Basic Education Curriculum mula sa libro nina Corpuz,
Salandanan at Rigor (2007) maliban sa Paghahalaw at Paghahambing at Pagtataya.