Filipino Demo Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Nueva Ecija Unviersity of Science and Technology


Sumacab Main Campus, Cabanatuan City
COLLEGE OF EDUCATION

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino II


Ang Bagong Batang Pinoy
1:30-2:30 PM

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Natutukoy ang damdaming ipinapahayag ng nagsasalita.
b. Napahahalagahan ang pagbibigay ng maayos na damdamin sa
anumang uri ng sitwasyon.
c. Naipamamalas ang kakayahan na makapagpakita ng iba’t ibang
damdamin base sa paraan ng pagsasalita.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: “Sinabi mo, Ramdam Ko” Pakikinig nang mabuti sa nagsasalita
upang matukoy ang damdaming ipinahihiwatig.
b. Sangunian: FILIPINO: Ang Bagong Batang Pinoy. Yunit II Pahina: 181-185
Teacher’s Guide Pahina: 91-92
c. Curriculum Guide: F2PN-IId-12.2 (2013)
d. Kagamitan: Visual Aid, larawan, powerpoint presentation, video
presentation, tarpapel
e. Pagpapahalaga: Ang pagsasabi nang positibo at pagbibigay ng motibasyon
sa isang tao ay isang magandang kaugalian.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral
A. Panimulang Gawain

a.1 Pagbati
- Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga din po Ma’am
Trina!

a.2 Panalangin
- Rachel, iyong pangunahan
ang ating panalangin.
Rachel: Panginoon, maraming
salamat po sa umagang ito sa
panibagong araw na iyong
ipinagkaloob, Panginoon patawad po
sa mga kasalan na aming nagawa.
Sana Panginoon huwag mo kami
pabayaan ngayong araw na ito bigyan
mo po kami ng talino at kakayahan
upang masagot namin ang talakayan.
Yun lamang po maraming salamat po.
Amen.
a.3 Pagsasaayos ng Silid Aralan
- Bago maupo, tignan nga
muna natin ang ating paligid kung
may kalat at kung meron naman ito ay
ating pulutin at itapon sa tamang
tapunan.
(Lahat ay susunod)
a.4 Pagtatala ng lumiban
- Mayroon bang lumiban
ngayong araw sa unang pangkat?
Pangkat 1: wala po Ma’am
- Sa pangalawa?
Pangkat 2: wala din po.
- Sa pangatlo?
Pangkat 3: Wala Ma’am
- Pang-apat?
Pangkat 4: wala din po Ma’am
- At sa panghuling pangkat?
Pangkat 5: wala din po Ma’am

- Mahusay walang lumiban


ngayong araw. Dahil dyan
bigyan ninyo ng Aling
Dionisia clap ang inyong
sarili.

- Alam nyo ba ang Aling


Dionisia clap?

- O sige ganito yun.

- 1, 2, 3 beri gud, beri gud.

Lahat: (susundin ang itinuro)


- 1, 2, 3 beri gud, beri gud.
B. Pagbabalik Aral

- Tungkol saan ang ating


pinag-aralan kahapon?
Jeffrey: Ma’am ang ating pinag-aralan
kahapon ay tungkol sa wastong
pagsulat sa simula at katapusan ng
pangungusap.
- Magaling!
- Paano ba natin
sinisimulan ang wastong
pagsulat ng pangungusap?
Lea: Sinisimulan po ito sa pagsulat ng
unang salita ng pangungusap gamit
ang malaking letra.
- Mahusay!
- Paano naman sa
katapusan ng
pangungusap?
Ma’am.. Ma’am

Jasmin: Nilalagyan po ito ng tamang


bantas base sa damdamin ng
nagsasalita.

- Tama.

C. Pagganyak
- Bago tayo magsimula sa
ating aralin, tayo ay
kakanta. Alam nyo ba ang
kantang, Kung ikaw ay
masaya?
Lahat: Opo
Kung Ikaw Ay Masaya
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka!
(Ha, Ha, Ha)
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka!
(Ha, Ha, Ha)
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay
sisigla,
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka!
(Ha, Ha, Ha)

Kung ikaw ay masaya pumalakpak!


(palakpak 3x)
Kung ikaw ay masaya pumalakpak!
(palakpak 3x)
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay
sisigla,
Kung ikaw ay masaya pumalakpak!
(palakpak 3x)

Kung ikaw ay masaya pumadyak ka.


(padyak 3x)
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka.
(padyak 3x)
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay
sisigla,
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka.
(padyak 3x)

- Ngayon sa ating pagkanta


nung tumawa tayo umalis
ba tayo sa ating lugar kung
saan tayo nakatayo?
Lahat: Hindi po.
- Nung tayo naman ay
pumalakpak, umalis ba
tayo sa ating lugar?
Lahat: Hindi din po.
- At nung pumadyak naman
tayo?
Lahat: Hindi din po.
- Tama. Diba kapag tayo ay
kumilos na hindi umaalis
sa ating pwesto ay
tinatawag nating loko
motor.

- At sabi din sa kanta kung


tayo ay masaya tumawa,
pumalakpak, at pumadyak
lahat ng iyan ay ating
ginawa dahil tayo ay
masaya.

- Alam nyo ba na kapag


laging masaya ang isang
tao o bata ay nakakabuti
ito sa ating kalusugan?

Lahat: opo
- Kasi mas narerelax ang
ating pangangatawan.

- (Magpapakita ng larawan)
- Anong damdamin ang
ipinapahiwatig sa
larawang ito?

Princess
James: Ma’am sya po ay nagagalit.
- Tama. Bigyan nga natin si
James ng Bam Clap. Alam
nyo ba kung ano ang Bam
clap?
- Sige ganito yun. ( ituturo
kung paano ang
pagpalakpak)
Lahat: (papalakpak)
- Sunod na larawan anong
damdamin kaya ang
ipinapakita sa larawang
ito?

Jhon, Carlo, Sara


Ken: Ma’am masaya po.
- Tama. Bigyan naman natin
si Ken ng ang galing galing
clap.
Lahat: (papalakpak) 1, 2, 3, ang
galing, galing

- At ang larawang ito, ano


ang ipinapahayag na
damdamin?

Edward
Prince: Ma’am siya po ay malungkot.
- Oo, tama dahil makikita
natin ang mga luha at
lungkot sa kaniyang
mukha.
- Sige, bigyan naman natin
si Edward ng Whistle Clap.
Lahat: (papalakpak)

IV. Pagtatalakay
- Ngayon mayroon akong
isang kwento na
ipapanood sainyo. Ang
dapat gawin lamang ay
manood ng tahimik at
pakinggan mabuti ang
mga sinasabi sa kwento.
- At alamin natin kung sino
ang masaya, malungkot at
nagsisisi sa kwento.
- Ang kwentong ito ay
pinamagatang
“Si Langgam at Si
Tipaklong”
- (Ipapanood ang Video)

- Sinu- sino ang tauhan sa


kwento? Jasmin: Ma’am sina Langgam at
Tipaklong po.

- Tama.
- Sino sa kwento ang
nagpakita ng masayang
damdamin? Jeffrey: Parehas po sila Si Langgam at
Tipaklong po.

- Yung malungkot na
damdamin, sinu sa kanila
ang nagpakita nito?
Marvin: Si tipaklong po.
- Magaling.

- At sinu naman ang


nagsisisi?
Gwen: Si Tipaklong din po.
- Mahusay.

- Kung pamimiliin kayo.


Sinu sa tauhan ang nais
nyong gayahin at bakit?
Justine: Si Langgam po, kasi po
masipag siya at matulungin pa po.
- Tama, dahil ang pagiging
masipag at matulungin ay
mga halimbawa ng
magandang kaugalian.

- Tama ba ang ginawang


pagtulong ni Langgam kay
Tipaklong? Bakit?
James: Opo, kasi po ang tunay na
magkaibigan ay nagtutulungan sa
isa’t isa
- Magaling. Sumasangayon
ba kayo na nagbago at
naging masipag si
tipaklong?
Lahat: Opo
- Sa kwentong ating
napanood nakita natin na
nagtulungan si langgam at
Tipaklong. Sa inyong
palagay sa paanong
paraan kayo nakakatulong
sa iyong kaibigan? Edison: Ma’am kapag po walang baon
kaibigan ko, hinahatian ko po siya sa
aking baon.

- Magaling. Tama ang


kaugalian na yan sabi nga
ng karamihan ibahagi mo
kung anong meron ka
dahil kapag ito ay bumalik
saiyo ay higit pa.

V. Pagtataya
- Ngayon mayroon tayong
akitibi na gagawin.

- (Ipapaliwanag ang
Pamantayan sa pagbibigay
ng marka)
Nilalaman Oras Pagtutul
ungan

Maayos at Natapos sa Lahat


tumapak itinakdang gumawa.
ang sagot oras. (5
(5 puntos) (5 puntos) puntos)

Maayos Lumagpas May ilan


ngunit ng konting na hindi
may mali minute sa tumulong.
(3 puntos) itinakdang (3
oras. puntos)
(3 puntos)

Hindi Madaming Isa o


maayos na oras ang dalawa
nakagawa nagamit o lamang
(1 punto) pinaka ang
matagal na gumawa.
natapos. (1 punto)
(1 punto)
- Unang grupo:
Draw it
Gumuhit ng mga mukha
tulad ng emoticon na
nagpapakita ng masaya,
galit, takot, lungkot.

- Pangalawang grupo:
Gumawa ng isang iskrip
na nagpapakita ng
damdamin. Halimbawa:
Dumating si tatay galing
sa abroad na maraming
pasalubong.

- Pangatlong grupo:
Mix and match
Pag-ugnayin ang uri ng
damdamin base sa mukha
sa itsura ng larawan.

- Pang-apat na grupo
Basahin ang pangungusap
at tukuyin ang damdaming
ipinapahayag.
_______1. Naku! Ang bata ay
nasagasaan.
_______2. Huhuhu Nanay
bakit mo kami iniwan
_______3. Nanay ko po
ayokong pumunta diyan
madilim.
_______4. Yehey tumama
ako sa lotto.

VI. Paglalahat
- Paano natin matutukoy
ang damdaming
ipinapahayag ng ating
kausap?
Marc: Matutukoy po natin ito base sa
tono ng pananalita at itsura ng
- Sige nga bigyan mo nga mukha.
ako ng halimbawa ng
itsura ng mukhang
masaya.
Christine: (ipapakita ang itsurang
masaya)
- Yung galit naman.

Nash: (ipapakita ang itsurang galit)


- Malungkot.

JM: (ipapakita ang mukhang


malungkot)
- Yung natatakot naman.
Kylie: ( ipapakitang ang mukhang
natatakot)
- Mahusay.

VII. Paglalapat

Tukuyin kung ano ang ipinahihiwatig


ng bawat pangungusap. Bilugan ang
tamang sagot.

1. Wow! Ang ganda ng regalo ng


nanay sa akin.
(masaya, malungkot, galit)

2. Naku! Ang bata ay nahulog.


(nagulat, masaya, nagsisisi)

3. Bakit ngayon ka lang umuwi hating


gabi na?
(galit, malungkot, masaya)

4. Sobrang dilim na ng daan.


(nagulat, natakot, masaya)

5. Namatay na ang aking alagang aso.


(nagulat, malungkot, galit)

Tukuyin kung ano ang ipinahihiwatig


ng bawat pangungusap. Bilugan ang
tamang sagot.

1. Wow! Ang ganda ng regalo ng


nanay sa akin.
(masaya, malungkot, galit)

2. Naku! Ang bata ay nahulog.


(nagulat, masaya, nagsisisi)

3. Bakit ngayon ka lang umuwi hating


gabi na?
(galit, malungkot, masaya)

4. Sobrang dilim parang may


nakalutang na nakaputing babae.
(nagulat, natakot, masaya)

5. Namatay na ang aking alagang aso.


(nagulat, malungkot, galit)
Sagot:
1. masaya
2. nagulat
3. galit
4. natakot
5. malungkot

VIII. Takdang aralin


Sumulat ng limang (5)
pangungusap gamit ang
iba’t ibang damdamin.
a. Masaya
b. Malungkot
c. Natatakot
d. Naiinip
e. Galit

Inihanda ni:
Trina Ann A. Diaz
-Practice Teacher-

You might also like