Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

I. MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin inaasahang 100% ng mga mag-aaral ay magtatamo ng 75%
ng kasanayan na:
1. Natutukoy ang mga taong napapabilang sa 3 antas ng katayuan sa lipunan
noong Sinaunang panahon.
2. Nasusuri ang mga katangian na mayroon ang mga taong napapabilang sa 3
antas ng katayuan sa lipunan at;
3. Nakapagsasagawa ng isang maikling dula-dulaan na nagpapakita ng mga
katangian ng mga taong napapabilang sa 3 antas ng katayuan sa lipunan noong
Sinaunang panahon.

II. PAKSANG- ARALIN


Paksa: ANTAS NG KATAYUAN SA LIPUNAN
TALASANGGUNIAN: LAKBAY NG LAHING PILIPINO 5,pp.9-10 at
http://www.slideshare.net/jetsetter22.ibat-ibang-antas-
ng-mga-sinaunang-lipunan

Nina: Aileen G. Baisa-Julian at Nestor S. Lontoc

Mga Konsepto: Ang Sinaunang lipunan ng mga Pilipino ay binubuo ng 3

antas : ang maharlika,timawa at alipin.

Mga Kagamitan: Batayang aklat,cartolina,placard,pentel pen,mga larawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pagtatala ng liban
4. Pagpapaunlad ng Gawain

GAWAIN NG GURO GAWAING NG MAG-AARAL


1. Balik-aral

Bago tayo magtungo sa panibagong ralin


na ating tatalakayin ngayong umagang ito,
atin munang balik-aralin ang mga bagay na
tinalakay nating noong nakaraaang Aralin.

Sa inyong mga upuan ay may mga placards


na may nakasulat na FACT or BLUFF.
Itataas nino ang placard na FACT at kayo
tatayo sa inyong upuan kung ang konsepto
ng pahayag na aking sasabihin ay tama at
placard na BLUFF naman ang inyong itataas
at manantili kayong nakaupo kung ito ay
mali.

Maliwanag ba klas?

Opo!
Simulan na natin.
(MGA PAHAYAG ) ( MGA KASAGUTAN )

1. Ang bawat pamayanang binubuo ng


30 hanggang 100 pamilya na 1. FACT
pinamumunuan ng isang datu o raja
ay tinatawag na baranggay.

2. Ang Sultunato ay isang uri ng 2. FACT


pamahalaang itinatag ng mga
muslim sa Mindanao.

3. Ang salitang barangay ay hango sa 3. BLUFF


salitang malayo na “balangay” na
nangangahulugang “ pamayanan."

4. Ang Sultanato ay higit na malaki 4. FACT


kaysa sa barangay sapagkat ito ay
karaniwang binubuo ng sampu
hanggang labingdalawang nayon o
higit pa.

5. Datu ang tawag sa pinuno ng 5. FACT


barangay kung ito ay malaking
populasyong samantalang Raja
naman ang tawag sa pinuno ng
isang barangay kung ito ay maliit na
populasyon.

2. PAGGANYAK

Inyo munang itabi ang FACT or BLUFF placard.


Muli natin yang gagamitin mamaya.

Klas, sa ating pisara ay may nakadikit na cartolina


na naglalaman ng larawan at mga letra.

Ang nais kong gawin ninyo ay hulaan ang mga


salitang inyong mabubuo kung pagsasamahin ang
mga ideyang nasa larawan at mga letra. Ang mga
salitang inyong mahhuhulaan ay mayroong
kinalaman sa ating Aralin sa araw na ito.
Ang nais sumagot ay itataas lamang ang kamay.

Maliwanag ba klas?
Opo!

Atin ng Simulan.

( ANG LAMAN NG MGA CARTOLINA ) ( MGA KASAGUTAN )

UNANG CARTOLINA UNANG CARTOLINA

ANTAS
AS
IKALAWANG CARTOLINA: IKALAWANG CARTOLINA

KA AN KATAYUAN
IKATLONG CARTOLINA:
IKATLONG CARTOLINA:

U LIPUNAN

Magaling!

Ngayon klas, nais kong pagsas=masamahin ninyo


ang tatlong ideyang ito. Ano ang mabubuo sa
inyong isipan?

Antas ng Katayuan sa Lipunan po Ma’am!

Mahusay! Ang Antas sa Katayuan sa Lipunan ang


ating paksa sa araw na ito.

3. PAGTALAKAY SA ARALIN

Noong Sinaunang panahon klas, ang mga Pilipini


ay nagtataglay ng pag-uuri o naglalagay ng antas
sa katayuan sa lipunan ang isang tao at nauuri sa
tatlong antas ang mga Sinaunang Pilipino noon.

May nakakaalam ba kung ano ang tatlong antas


na iyon?

Ang tatlong ng antas sa katayuan sa lipunan


noon ay ang maharlika,timawa at alipin po
Ma’am.

Mahusay! Maari mo bang ilarawan ang isang


maharlika?
Ma’am ang maharlika po ang pinakamataas
na antas sa Sinaunang lipunan ng mga
Pilipino.

Magaling! Iyo naming ilarawan ang isang timawa.

Ang timawa po naman ay ang malalayang


tao sa lipunan.

Tama! Ilarawan mo naman ang isang alipin.

Ang alipin po ang pinakamababang antas sa


Sinaunang Pilipino.

Magaling! Ngayon klas, sa bawat antas ay may


mga taong kabilang ditto at aalamin nating kung
sinu-sino ang bumubuo sa mga antas na ito at ang
kanilang kalagayan sa buhay sa pamamagitan ng
isang aktibiti.

Ngayon klas, kayo ay papangkatin ko sa tatlo.


Tingnan ninyo ang hawakan ng inyong FACT or
BLUFF placards. Kung ano ang kulay ng hawakan
ng inyong placard, iyon ang pangkat na inyong
kabibilangan.

Sa mga mag-aaral n may kulay pulang hawakan


ang magiging unang pangkat, pangalawang
pangkat naman ang berde at pangatlong pangkat
naman ang mga mag-aaral na may kulay asul na
hawakan.

Matapos ninyong mabatid ang kinabibilngan


ninyong pangkat ay nais kong magsama sama
kayong magkakagrupo sa lugar na ituturo ko.
Bawat grupo ay dapat ding pumili ng isang
miyembro na syang tatayong kinatawan ng grupo
upang magpresenta sa magiging output ng grupo
matapos ang aktibiti.

Naiiintindahan ba klas?
Opo!

( PAGSASAMA-SAMAHIN ANG MGA MAG-AARAL


SA BAWAT PANGKAT )

Bawat pangkat ay bibigyan ko ng isang cartolina at


envelop kung saan nakasulat ang nakatakdang
antas ng katayuan sa lipunan na nakatakda sa
inyong grupo. Ang bawat envelop din ay
naglalaman ng larawan at ang mga piraso ng papel
kung saan nakasulat ang mga taong napapabilang
sa antas nz nzkatakda sa inyong grupo at mga
katangian nila. Ang larawan na kasama ng mga
piraso ng papel ang magsisilbi ninyong clue sa
pagsasagawa ng aktibiting ito.

Matapos ninyo magawang piliin ang sa tingin


ninyo na mga taong napapabilang sa antas na
nakatakda sa inyo at ang kanilang mga katangian,
ididikit ninyo ang mga ito sa cartolinang binigay
ko.

Bibigyan ko lamang kayo ng 10 minuto upang


gawin ang nasabing aktibiti kaya marapat lamang
na bawat kasapi ng grupo ay tumulong., matapos
ng 10 minuto. Ang napili ninyong kinatawan ng
grupo ay ipepresenta sa klase ang inyong output.

Maliwanag ba klas?
Opo!

Magaling kung gayon. Simulan na ninyo.

( Pagsasagawa ng aktibiti )

( Makalipas ang 15 minuto )

Maaari nang simulang ng unang grupo ang


pagpepresenta sa kanilang output.

( Pagpepresenta ng output )
( Mga posibleng output )

UNANG GRUPO
MAHARLIKA
MGA TAONG MGA KATANGIAN
KABILANG SA
ANTAS NG
MAHARLIKA
-Datu/ Raja/ Sultan -Makapangyarihan
-Dayang/ Lakambini sa lipunan.
-Pamilya at iba pang -May karapatang
kaanak ng Datu hindi magbayad ng
buwis,magmay-ari
ng lupa at iba pang
mga ari-arian.
-Mayroong mga
alipin.

Mahusay! Bigyan natin ang unang grupo ng Ayos


Clap!

( Pagpapaliwanag )

( Ang guro ay magbibigay ng mga karagdagang


kaalaman ukol sa paksa at iwawasto ang
kasagutan ng mga mag-aaral kung mayroong
pagkakamali. )

Ang mga taong bumubuo sa antas ng maharlika ay


ang Datu, Raja, Sultan mga asawa na tinatawag na
Dayang o Lakambini, pamilya ng Datu at iba pang
kamag-anak ng Datu. Sila ang may hawak ng
kapangyarihan sa barangay. At ilan sa kanilang
mga karapatan at pribelehiyo ay karapatang hindi
magbayad ng buwis, magmay-ari ng lupa t iba’t
ibang ari-arian tulad ng alahas at mga bahay. Sila
ay karaniwang nagmamay-ari ng mga alipin. Mula
rin sa antas na ito pinipili ang magiging pinuno ng
isang barangay.

Maliwanag ba klas?

Opo!

Atin naman tunghayan ang pagpepresenta ng


ikalwang grupo.

TIMAWA
MGA TAONG MGA KATANGIAN
KABILANG SA
ANTAS NG TIMAWA
-Mga mandirigma -May karapatang
-Mga hindi magbayad ng
mangangalakal buwis
-Mga karaniwang -Sila ay
mamamayang katu=katulong ng
Malaya Datu sa pakikidigma
-Mga aliping naging at pagpapalakad ng
malaya mga lupain
- May karapatang
pumili ng sariling
hanapbuhay
- May
karapatang
magmay-ari ng mga
ari-arian

Magaling! Ating bigyan ng Aling Dionisia Clap ang


ikalawang grupo.

( Pagpapaliwanag )

(Ang guro ay magbibigay ng mga karagdagang


kaalaman ukol sa paksa at iwawasto ang
kasagutan ng mga mag-aaral kung mayroong
pagkakamali. )

Klas, mga mandirigma,mga mangangalakal, mga


karaniwang mamamayang Malaya at mga aliping
nagging Malaya ang mga taong napapabilang sa
antas ng timawa.

Base sa mga katangian at karapatan ng mga


timawa at maharlika, ano ang kanilang
pagkakatulad?

Ma’am ang mga maharlika po at ang mga


timawa parehong may tinatamasang
kalayaan.

Magaling! Ang mga taong kabilang sa antas na ito


ay nakakaranas ng kalayaan.

Ano pa?

Sila ay parehong may karapatan na magmay-


ari ng mga ai-arian at pareho din po silang
hindi nagbabayad ng buwis.

Mahusay na kasagutan! Pareho silang may


pribelehiyo na hindi magbayad ng buwis ngunit
ang isang Timawa ay may tungkulin na tulungan
ang Datu sa pamamalakad sa mga lupain at
sumama sa pakikidigma lalong lao na ang mga
magdirigma.

Maliwanag ba klas?

Opo!

Dumako naman tayo sa presentasyong ng ikatlong


grupo.
IKATLONG GRUPO

ALIPIN
DALAWANG URI NG MGA KATANGIAN
ALIPIN
-Aliping -Mas mataas na uri
namamahay ng alipin sapagkat
sila ay mayroong
sariling pamamahay
at maaaring
magtaglay ng mga
ari-arian.
-Nagsisilbi lamang
sa Datu kung
kinakailangan.
-May karapatang
mag-asawa kung
sino at kalian niya
nais.

-Aliping Saguiguilid -Walang anumang


karapatan na
magmay-ari ng
anumang ari-arian.
-Nakatira sa
mismong maharlika
o timawang
kanyang
pinaglilingkuran.
-Maaaring ipagbili
ng kanyang
panginoon.

Mahusay! Bigyan natin ng Salute Clap ang ikatlong


grupo.

( Pagpapaliwanag )

(Ang guro ay magbibigay ng mga karagdagang


kaalaman ukol sa paksa at iwawasto ang
kasagutan ng mga mag-aaral kung mayroong
pagkakamali. )

Bago natin alamin kung tama ang output ng


ikatlong grupo, atin munang alamin kung paano
nagiging alipin ang isang tao.

Ang isang tao ay nagiging alipin kung sya ay


ipinanganak na alipin at may pagkakautang na
hindi nabayaran. May alam pa ba kayong dahilan
kung bakit nagiging alipin ang isang tao?
Maaari rin pong maging alipin ang isang tao
kung siya ay nabihag sa digmaan at kung siya
ay lumabag sa batas at ang nagging
kaparusahan ay ang maging alipin.

Tama! Sa Sinaunang lipunan ng mga Pilipino ay


mayroong dalawang uri ng alipin. Ang aliping
namamahay at aliping saguiguilid.

Ang aliping namamahay ay mas mataas na uri


kaysa aliping saguiguilid sapagkat ay may sariling
pamamahay at ari-arian. Siya ay nagsisilbi sa Datu
Tuwing kailanhgan lamang.

Samantalang ang aliping saguiguilid ay naktira


mismosa tahanan ng maharlika o timawang
nagmamay-ari sa kanya. Siya rin any maaaring
ipagbili ng kanyang panginoon at siya ay walang
karapatang mag-asawa kung ito ay hindi nais ng
kanyang panginoon.

Kung paghahamabingin ninyo ang mga katangian


at karapatan ng dalawang uri ng alipin. Ano sa
tingin nyo ang malaking pagkakaiba ng dalawa?

Ma’am ang kanilang pinagkaiba po ay ang


aliping namamahay ay nagtataglay pa din
kaunting kalayaan.

Mahusay na kasagutan! Kahit papaano ang


nmayroon pa ring kalayaan ang isang aliping
namamahay. Nagtataglay siya ng kalayaaan na
Manahan sa sarili niyang bahay at mamili ng
mapapangasawa samantalang ang lahat ng aspeto
ng buhay ng isang aliping saguiguilid ay nasa
kamay ng kanyang panginoon.

Maliwanag ba klas?

Opo!

Klas ang ating mga tinalakay na na antas ng


katayuan sa lipunan ng isang tao nong Sinaunang
panahon ay hindi permanente o
pangahabangbuhay. Ang bawat miyembro ay
maaaring tumaas o bumaba sa antas na kanyang
kinabibilangan depende sa kanyang pagpupusirge
at pgkakamaling ginawa.

Maaari ka bang magbigay ng isang sitwasyon


bilang halimbawa?

( Magbibigay ng mga sitwasyon ang mga


mag-aaral )
Magaling!

Mahusay klas! Mayroon pa ba kayong mga


katanungan tungkol sa ating Aralin ngayon?

Wala na po!

4. PAGLALAHAT

Klas upang aking mabatid kung lubos ninyong


nauunawaan ang ating paksang Aralin, may
inihanda akong isang Gawain.

Ang bawat grupo ay maggagawa ng isang maikling


dula-dulaan kung saan ipakikita ninyo ang mga
katangian ng mga taong napapabilang sa tatlong
antas ng katayuan sa lipunan na ating tinalakay.

Bibigyan ko lamang kayo ng sampung minute


upang maghanda. Matapos ang 10 minuto ay inyo
nang ippapakita sa klase ang inyong dula-dulaan.

Malinaw ba klas?

Opo!

Pamantayan sa pagtatala ng Performance


Criteria 5 puntos 3 puntos
Impormatibo Naipakita s Hindi
dula-dulaan naipakita sa
ang mga dula-dulaan
katangian ng ang mga
mga taong katangian ng
napapabilang mga taong
sa 3 antas ng napapabilang
katayuan sa sa 3 antas ng
lipunan noong katayuan sa
Sinaunang lipunan noong
panahon. Sinaunang
panahon.
Organisado Maayos at Magulo ang
organisadong dula-dulaan
naipakita sa na ipinakita sa
klase ang klase.
dula-dulaan

Simulan na ninyo.

( Paghahanda sa dula-dulaan )

(Makalipas ang sampung minut0 )

Atin nang tunghayan ang dula-dulaan ng unang


grupo.
( Pagpapakita ng dula-dulaan ng unang
grupo )

Mahusay! Bigyan natin ng limang palakpak ang


unang grupo.

Sunod naman nating tunghayan ang dula-dulaan


ng ikalawang grupo.

( Pagpapakita ng dula-dulaan ng ikalawang


grupo )

Magaling! Bigyan nating ng limang palakpak ang


ikalawang grupo.

Ating tunghayan ang dula-dula ng ikatlong grupo.


( Pagpapakita ng dula-dulaan ng ikatlong
grupo )

Mahusay! Bugyan din nating ng limang palakpak


ang ikatlong grupo.

5. PAGLALAPAT

Klas, nais kong sagutin ninyo ang tanong na aking


ididikit sa pisara.

Masasabi mo bang buhay pa sa ating


kultura sa kasalukuyan ang pagkakaroon
ng pag-aantas sa ating lipunan? Bakit?

( Magbibigay ng kanya kanyang opinyon ang


mga mag-aaral )

Mahusay klas!

Ngayon naman ay nais kong mglabas kayo ng


isang piraso ng papel para sa ating maiksing
pagsusulit.
IV. PAGTATAYA
I. Isulat ang maharlika kung ang nabanggit na tao ay nabibilang sa antas ng
Maharlika, isulat naman ang Timawa kung ito ay napapabilang sa antas na
timawa, at Alipin naman ang isusulat kung ito ay napapabilang sa antas ng alipin.

1. Mangangalakal
2. Aliping Saguiguilid
3. Dayang
4. Mandirigma
5. Datu

II. Iguhit ang happy face kung tama ang pangungusap at iguhit naman ang sad face
kung mali ang pangungusap.
6. Ang mga maharlika ay nagtataglay ng karapatang hindi magbayad ng buwis.
7. Ang Aliping Namamahay ay walang karapatang magmay-ari ng mga ari-arian.
8. Ang mga Timawa ay hindi nagbabayad ng buwis ngunut ang kapalit nito ay pagtulong
nila sa Datu pakikidigma at pagpaplakad ng mga lupain.
9. Ang Aliping Saguiguilid ay mas mataas na uri kaysa sa Aliping Namamahay.
10. Ang mga timawa at maharlika ay parehong may karapatan na magmay-ari ng alipin.

V. KASUNDUAN

Basahin ang pahina 11 sa inyong batayang aklat at sagutin ang mga sumusunod na kasagutan
at isulat ito sa inyong kwaderno.

1. Ilarawan ang katangian ng mga kababaihan sa lipunan noon.


2. Isa-isahin ang mga tungkulin at Gawain ng mga kababaihan noon.
3. Sang-ayon ka bang pagligkuran muna ang pamilya ng babae bago sila mapakasalan ng
iniibig na lalaki? Bakit?

Inihanda ni:

JOCELYN D. ROXAS

Aplikante

You might also like