Aralin 5 Palawakin Natin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Aralin 5

Palawakin Natin

Nakapagsasagawa ng Panayam tungkol sa Aspektong Kultural at Lingguwistiko


sa Napiling Komunidad

Napiling Komunidad: Purok Pag-asa Barangay Irawan P.P.C

Sa komunidad ng Purok Pag-asa, napag-alaman kong may magkakaibang wikang


ginagamit ang mga tao sa kanilang pakikipag-ugnayan. Limang (5) kabahayan ang
nagsasabing sila ay nagsasalita ng Cuyonon, dalawang (2) kabahayan ang may
wikang Bisaya, tatlo (3) ang Ilonggo, dalawa (2) ang Agutaynen, at ang iba naman ay
Tagalog.

Base sa aking nakapanayam at napagtanungang pamilya, may magandang epekto


ang pagkakaroon nila ng iba't-ibang wika sapagkat nakikita rito ang kanilang
kinagisnan at kultura. Mas nagiging komportable sila kapag ginagamit nila ang
kanilang sariling wika at diyalekto sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Makikita
rin sa komunidad ang pagkakakilanlan ng bawat isa dahil sa kanilang diyalekto. Ang
pagkakaroon ng iba't-ibang punto ng pagsasalita ay isang sining bilang mamayan ng
Pilipinas na may iba't-iba ring kapuluan at tradisyon.

Ngunit, may mga iba naman na nagsasabing may negatibo rin itong epekto.
Madalas na hindi nagkakaintindihan ang ilan dahil sa magkakaiba nilang wika.

"Minsan nga eh naiibahan ako sa paraan ng pagsasalita ng ilang kapitbahay


dahil tagalog ang wika namin ngunit mother-tounge naman nila ang kanilang
ginagamit." Ayon ito kay ate Rose na taga purok Pag-asa.

"Natatawa ako sa tono at paraan ng pagbibigkas ng iba." Ayon din naman kay
Manong Vick na tagalog ang wika.

Ang pagkakaroon ng iisang wika sa komunidad ay sinang ayunan rin ng marami


sa kanila. ".... para magkaintindihan agad." dagdag ni Ate Joy na taga purok Pag-asa.
Makakatulong ito upang lahat ay mabilis na magkaunawaan at mabilis na makuha ng
bawat isa ang punto ng isang indibidwal.
Isa rin daw itong paraan para hindi magkaroon ng diskriminasyon sa ibang
diyalekto at hindi maibahan ang ilan sa pagsasalita o pakikinig na may ibang wika ang
gamit. Ngunit kahit na makakatulong ito, hindi mawawala sa ating bansa ang
pagkakaroon ng iba't-ibang wika sa komunidad dahil sa ating kultura at kinagisnan.

Sa komunidad ng Purok Pag-asa, kahit na ang ilang pamilya ay may iba't-ibang


wika at diyalekto, hindi parin mawawala ayon sa kanila ang pagtutulungan. Hindi
dahilan ang wika upang mawala ang bayanihan sa komunidad, mas masaya sila dahil
mas napapahalagahan nila ang kanilang unang wika at nakatutulong ito upang hindi
mamatay ang wikang etniko.
Ani nila, ito ay ang epekto ng ating kultura at pagkakakilanlan bilang isang pilipino at
dapat na mas pahalagahan upang hindi ito tuluyang mawala.

You might also like