Ferriols2 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

pambungad sa ontologie ni joseph de finance, s.j.

Roque J. Ferriols, SJ
Iniisip natin ang meron

Malinaw na lahat ng pumapaligit sa atin. . . hanggang pati sa kaloob-looban ng ating sarili. . .


ay meron, hindi wala, talagang totoo. Kaya yata't madalas di natin pansin, at di natin pinag-
aabalahang isipin.

Iisipin ba natin ang meron bilang isang minimum? Kung ganoon, sasabihin natin na iyong
bundok na natatanaw natin ay meron. Iyan ang minimum. Ngayon dadagdagan ang minimum. Ang
bundok ay lupa rin, mataas rin, mabatu rin, tinampalasan rin ng mga naglologing, atbp. rin. Lahat ng
mga "rin" ay dagdag sa minimum, dagdag sa meron. Kaya't ang lupa, mataas, mabatu, tinampalasan
atbp. ay dagdag sa meron. Samakatuwid hindi meron. Ang hindi meron ay wala. Kaya't hindi wasto
kung gagawin nating minimum ang meron.

Napipilitan tayong humantong sa paninindigan. . . o sa paghihinala man lamang. . . na ang


wastong pag-uunawa sa meron ay pag-uunawa sa isang maksimum. Ngayon, binibigkas natin ang
meron araw araw. Tuwing inaamin ko na talagang totoo iyong bundok sa iyon, tuwing inaangkin mo
na ang mga pagkakaibigan mo ay talagang nangyayari, binibigkas natin ang meron. Ngayon
dumarating tayo sa isang nakakapagtakang hantungan. Na araw araw ay bumibigkas tayo ng
karunungang maksimum. Na gumagalaw tayo sa loob ng isang maksimum na abot tanaw.1

Kaya't kapag inaatupag ko iyang hiwagang iyan na natatanaw natin sa bintana, hindi ko
sasabihin: Mag-iipon muna ako ng mga konsepto: konsepto ng minimum meron, ng puno, ng sanga-
sanga, ng dahon, ng bulaklak, ng bunga. At kapag naipon na lahat ng konsepto ay ipupunterya sa
labas at babagkasin: Meron puno!

Hindi ganyan ang pagmemetapisika.

Ang balangkas ng matinong kilos ay nagsisimula sa sinaunang paggising na malinaw-malabo't


malinaw na tiyak: Meron! Meron iyon! Ano iyon? Puno kaya? Punong kahoy kaya? Dahon kaya
nag mga iyon? Mga sanga-sanga kaya? At isang katiyakan na parang malabo, pero malinaw talaga:
na sa pagtatanong ay lumalalim ako sa pagmumulat sa meron, pero hindi ko lubusang matatarok ang
meron kailan man.

Ganyan ang ikot ng pagmemetapisika.

Ngunit, sa maraming tao, ang pinag-iikutan ng isip ay ang ideang malinaw at tumpak.
Habang ganyan ang ikot ng isip, hindi talaga tayong makapag-memetapisika. Kaya't tingnan muna
natin ang ganyang uring pag-iisip.

Ang hindi pinag-iikutan


1Ang ganitong pagmumuni-muni ukol sa minimum at maksimum ay madalas sumalpot sa pagmemetapisika. Ang
pormang naririto ay utang ko kay Norris Clarke, S. J., mula sa bideoteyp ng isang panayam.

1
Ang pagbibigay halaga, higit sa lahat, sa mga idea na malinaw at tumpak. . . ang paghahanap
at paghubog sa ganitong mga idea. . . ang paghanap at paghubog sa mga patakaran upang makabit sa
isa't isa o matanggal sa isa't isa ang mga ideang ganito. . . at sa ganitong paraan, ang paglikha sa isang
makisig na lambat ng mga ganitong idea. . . . . . . . . . . . Iyan ang hindi pinag-iikutan ng metapisika.

Ang pinag-iikutan ng metapisika ay ang meron. O, sa salitang mas malapit2 sa katotohanan,


meron ang kinatatayuan at inaasam, pinagsisimulan at kinaiiralan, buhay at ikinabubuhay ng
metapisika.

Sapagkat nasa isang kultura tayo na nakaugalian nang hangaan at bigyan ng matataas na
grado ang mga magagaling mag-ipon at paglaruan ang mga ideang matematiko o maka-matematiko,
kung ikaw ay isang estudyante na nakasanayan nang tumanggap ng puri at matataas na grado sa
ganitong uring pat-iidea, mahihirapan ka sa kursong ito. . . o baka namang subukan mong gawing
idea ang lahat, at paglaruan ang mga idea, habang nag-aanyong gumagalaw sa meron. Parang taong
nagkukunwaring naglalangoy sa mababaw na tubig habang nakayapak pa sa lulpa sa ilalim.

Mabuting danasin talaga, na ginawa lamang, hindi talagang likas, itong ganitong pag-iisip. Isa
sa mga may kagagawean nito ay si desCartes, halimbawa, sa kanyang Meditationes.

Sa talatang susunod, nagsisimula siya sa isang partikular na pagkit na kanyang inuunawa sa


isang maka-pandama at hindi maka-matematikong paraan. Gagamitin niya ang prinsipyo na ang
maka-matematikang malinaw at tumpak lamang ang mahalaga. At sa wakas, ituturing na niya na ang
maka-matematikang unibersal na konsepto lamang ang mahalaga. Kaya't hindi na minamahalaga ang
pandama at ang partikular. Ang nasa isip lamang at pangkalahatan ang pinag-iikutan ngayon ng
kanyang isip.

Pagmasdan natin sa simula ang mga bagay na laging-lagi nating kinasasangkotan; mga bagay na inaakala
nating tumpak na tumpak ang ating pag-uunawa. Tinutukoy ko ang mga katawang materyal na ating
nahihipo at nakikita. Hindi ko balak pag-usapan ang katawang materyal sa pangkalahatan; sa
kadalasan, mas nakakalito ang mga pangkalahatang kuro kuro, kaysa sa mga pagkukuro ukol sa
anomang kuwan na partikular. Halimbawa, kunin natin itong kapirasong pagkit na kahahango pa
lamang sa pugad-pukyutan. Hindi pa nawawala ang tamis ng pulot na pinanggagalingan; nagpapabakas
pa ang bango ng mga bulaklak na pinaghanoan; kitang-kita ang kulay, hugis, laki; matigas, malamig,
nahihipo at kapag hinampas ay nagpaparinig. Sa madali't sabi, lahat ng makapag-bibigay ng tumpak na
pagkakilala sa isang katawang materyal ay mahahanapan dito.

Pero tingnan mo, habang nagsasalita ako, may naglapit ng apoy: sumingaw ang mga labi ng lasa, pumanaw
ang amoy, umiba ang kulay, wala nang hugis, lumaki, naging likido, uminit, halus hindi mo mahipo at
kahit na hampasin mo'y wala kang maririnig. Naririyan pa ba ang parwhong pagkit pagkatapus ng mga
pagbabagong ito? Kailangang aminin na naririyan pa; hindi mapagkakaila. Kaya't ano kaya ang tumpak
na tumpak na nauunawaan natin sa kapirasong pagkit na iyan? Tiyak na hindi maaring alinman sa mga
napagmasdan ko sa pamamag-itan ng pandama, sapagkat lahat ng sinasakop ng lasa, amoy, paningin,
panghipo, pandinig, ay umiba, kahit na parehong pareho pang pagkit ang nananatili. Baka totoo ang
iniisip ko ngayon: na ang pagkit ay hindi itong tamis ng pulut-pukyutan, ni itong bango ng bulaklak, ni
itong kulay puti, ni itong hugis o tunog, kundi basta't katawang materyal na kangina lamang ay

2 Dito, at sa marami pang ibang kaso, hindi mabibigkas ng salita ang katotohanan, kundi malalapitan lamang.

2
nagpapakita sa akin sa pamamag-itan ng mga pormang iyan. at ngayo'y nagpapamasid sa ibang porma.
Ngunit, ano ba talaga ang inilalarawan ko sa aking guni-guni kapag inuunawa ko ang pagkit sa ganitong
paraan? Pagmasdan natin ng masusi, ilayo natin ang lahat ng mga bagay na walang kinalaman sa pagkit,
at tingnan kung ano ang matitira. Tiyak na walang iba kundi isang kuwan na nakaunat 3, mababaluktot
at maaring umiba 4. At ano ba iyang "mababaluktot at maaring umiba"? Ito ba: na kaya kong ilarawan
sa guni-guni na itong pagkit na bilog ay maaring maging parisukat, at kapag parisukat na ay maaring
magbago't maging tatsulok? Tiyak na hindi. Sapagkat inuunawa ko itong pagkit bilang may kakayahang
tumanggap ng walang hanggan na mga hawig na pagbabago, ngunit hindi ko naman kayang isa-isahin sa
aking guni-guni itong walang hanggan na ito. Samakatuwid, itong pag-uunawang nasa akin ukol sa pagkit
ay hindi ginaganap ng kakayahan kong maglarawan sa guni-guni.

Ano ngayon itong pagkaunat 5 na ito? Hindi naman yatang isang bagay na hindi pulos kilala. Hindi ba't
lumalaki ang pagkaunat ng pagkit na natununaw. . . at nakikitang lalo pang lumalaki kapag lubusan
nang natunaw ang pagkit. . . at kapag lalo pang pinapatindi ang init, ang pagkit ay lalo at higit pang
lumalaki? At hindi ko mailalarawan ng malinaaw at ayon sa katotohanan kung ano ang pagkit, kung
hindi ko iisipin na ang pagkit ay may kakayahang tumanggap ng iba't ibang uri ng pagkaunat. . . na
napakarami kaya't higit pa sa anomang mailalarawan ko kailanman sa aking guni-guni. Kaya't
kailangan kong aminin na hindi ko kayang alamin sa aking guni-guni kung ano itong pagkit na ito: kaya
ko lamang alamin ito sa aking pag-uunawa. Tinutukoy ko itong partikular na kapirasong pagkit na ito,
sapagkat sa pagkit-sa-pangkalahatan ay lalo pa itong makikita. Kaya't ano itong pagkit na ito na hindi
maaring alamin kundi sa pag-uunawa o sa diwa? Tiyak na ito ring pirasong ito na aking nakikita,
hinihipo, inilalarawan sa guni-guni, ito ring pirasong inuunawa ko na mula pa sa simula, Ngunit, ang
kapansin-pansin ay na ang pagtanaw o kaya ang kilus na talagang nakakatalos, ay hindi isang tingin o
isang hipo o isang paglalarawan sa guni-guni, at ni hindi isa sa mga ito kailanman, kahit na para bagang
ganyan noong una. Ang kilus na talagang nakakatalos ay isa lamang pagmasid ng diwa na maaring may
pagkukulang at malabo, gaya noong una, o kaya malinaw at tumpak, gaya ngayon, batay sa kung
humihigit o kumukulang ang masusi kong pagpansin sa mga bagay na nasa pagkit na ito o sa mga sangkap
na bumubuo dito.
Meditation seconde pp. 279 - 2816

Ang meron, pansinin mo, alistong mambabasa, ay palaging partikular. Kaya't ang pagbibigay
halagang higit sa lahat sa pangkalahatan ay pakikisangkot sa hindi-meron. Ang kalinawan naman ng
matematikong konsepto ay resulta ng abstraksyo, ng pagtuon sa malinaw at pagtaboy sa hindi
malinaw. Ngayon, ang meron ay madalas hindi malinaw. Kaya't ang pagpupursigi lamang sa
malinaw ay paghiwalay sa kabuoan ng meron. Kasama ng lahat nito ang isang pag-iwas sa pandama
na nagiging isang pagtaboy sa sariling katawan. . . isang pag-aakala na ang aking sarili ay hiwalay
talaga sa katawan.

Ipipikit ko ngayon ang aking mata, tatakpan ko ang aking tainga, iiwasan ko ang lahat ng aking
pandama, buburahin ko pa sa aking isip ang lahat ng mga larawan ng mga katawang materyal, o,

3 etendu: "nakaunat" ang kahulugan at ang tinutukoy ay anomang katawang-materyal; nakaunat ito sa kalawakan -- ayon sa
depinisyong medioebal -- "may mga bahagi sa labas ng mga bahagi". Madalas gumamit si desCartes ng terminolohiyang
medioebal.
4 flexible et muable: sapagkat mababaluktut, maaring bigyan ng walang hanggang pag-iiba-iba ng porma, kung kaya't

tinutukoy na maaring umiba.


5 extensio: pagkaunat. Tingnan ang nota 3.
6 Ang mga pahina sa mga sinipi kay desCartes ay palaging ayon sa edisyong desCartes: Oevres et lettres, Bibiliotheque de la

pleiade, 1966.

3
sapagkat halus hindi iyan magagawa, ituturing ko man lamang na hangkag at hindi tunay ang mga iyan.
Sa ganitong paraan, makikisalamuha lamang ako sa aking sarili, pagmamasdan ko ang nasa loob ko at
pagsisikapan kong lalong kilalanin at maging lalong maginhawa sa aking sarili.
Meditation troisieme p. 284.

Kilala, na sa kanyang pagmumuni-muni ay pinagdudahan ni desCartes ang eksistensya ng


mga katawang materyal, at pagkatapos ay naging segurado na naman uli ukol sa eksistensya ng mga
ito. Ang hindi gaanong kilala ay na naging segurado si desCartes uli ukol sa eksistensya ng mga
katawang materyal sa antas lamang na ang mga ito ay maaring sakupin ng heometrya.
. . . At kailangan pa ring aminin na may mga katawang materyal na talagang meron.

Ngunit, ang pagmeron ng mga ito ay hindi yata ganoong ganoon sa ating napagmamasdan sa ating
pandama. Sapagkat ang pagmasid ng pandama ay napakalabo at magulo sa maraming bagay. Ngunit, ito
man lamang ang dapat angkinin: na lahat ng mga bagay na naiisip kong malinaw at tumpak -- ang
tinutukoy dito ay lahat ng sa karaniwa'y masasakop ng paksa ng teoretikong heometrya -- ay talagang
totoong meron.
Meditation sixieme p. 325.

Ngayon, ang inaasam ng metapisika ay ang meron, ang buong meron. Hindi metodo ng
metapisika itong metodo ni Descartes.

4
ilang halaw mula sa ontolohiya
Joseph de Finance, SJ
isinalin ni Roque J. Ferriols, SJ
Ontolohiya

Walang aspekto ng meron na hindi sakop ng ontolohiya1 sapagkat ang objectum formale nito --
ang tanging tinutuonan ng pansin sa lahat ng natatagpuan, ang halus masasabing pinag-iikutan ng
interes -- ay meron: hindi meron sa ganitong porma, ganyang pag-uuri, ganoong tumpak na aspekto,
kundi dalisay at payak na meron. Ang tinutukoy ay hindi abstraksyo kundi ang nagpapakongkreto sa
kongkreto. Sapagkat ang ating layon ay hindi ang lohikal, ideal o posibleng meron, kundi ang nag-
eeksistensya sa mismong pag-eeksistensya nito. Tunay na masasabing karunungan ukol sa konggreto
ang ontolohiya.

Ngunit, isang karunungang-tao pa rin ang ontolohiya. Mga abstraksyo pa rin ang kailangang
gamitin upang matamo ang layunin. Nakararating sa kongkretong esse ng bawat nag-eeksistensya sa
pamamag-itan lamang ng esse commune.2 Iyan ang drama ng ontolohiya. Naghahanap ng karunungan
upang ang lahat ay mauunawaan sa pamamag-itan ng meron na sabay pinag-iisa ang lahat at pinag-
hihiwalay sa isa't isa, karunungang pinauunawa ang bawat isa, ngunit sama-sama't sabay-sabay.
Pwz de moi en ti ta pant estai kai cwriz ekaston.3

Sa pamamag-itan ng idea ng meron ay hinahanap ng ontolohiya ang karunungang ito. Sa


kasawiang palad, ang idea ng meron na makadudulot sa atin nitong matinding nagtatalabang
unibersal at partikular na pagtanaw ay nananatiling lampas sa ating maaabot: ito ang Salita ng Diyos.
Ang kasangkapan ng ontolohiya ay mga konsepto lamang; kaya't hindi mapalagay. Para bagang
karapatan ng metapisikang maging lahat. Sakop sana ang buong meron. Dapat sanang walang talaga
o aspekto ng katalagahan na matatakasan ang metapisika. Sa katotohanan, napakadukha ng
metapisika. Kahit na sa kongkreto ito nakatuon, hindi mareremedyohan ang pagka-abstrakto nito sa
patakaran at pangungusap. Ang kakayahan ng metapisika'y nasa pagpukaw ng pag-asam sa dakilang
karunungan, ngunit walang kakayahang tamuhin ito.

Iba't iba ang naging kapalaran ng ontolohiya. Hindi natin ibabalangkas ang istorya nito,
ngunit may mapagmamasdan na tatlong paninindigan hinggil sa problemang-buod nito.

1. Ang malalawak na sistemang iskolastiko noong panahong medioebal (halimbawa,


Tomismo) ay pinaunlad ang mga pinakamahalagang natamo ng mga sinaunang
pilosopiya, gawa ng bagong buhay na idinulot ng pakikipagtagpo sa Kristianismo.
Isang ginintuang panahon ang pag-iral ng mga sistemang ito. Meron ang naging
buod ng pilospikong pagmumuni-muni: ang tanyag na halaga at pamantayan.

1 Sa terminolohiya ni de Finance: metapisika = ontolohiya. O marahil mas tumpak sabihin na, para sa kanya, ang
wastong ontolohiya ay dapat sanang metapisika rin; ngunit kung minsan, may mga lihis na nagpapanggap na pag-
oontolohiya. Ganoon din, para kay de Finance, dapat sanang palaging eksistensya = meron = esse. Pero maaring
magkaroon ng kalihisan.
2 esse commune = "meron na pangkalahatan".
3 Pos de moi hen ti ta pant estai kai choris hekaston: Kung papaanong sa akin ang lahat ay pag-iisahin at ang bawat isa ay

hiwalay.

5
Ang maganda at mabuti ay meron. Ngunit, dahil sa impluwensya ni Aristoteles,
ang huwaran na pinagmulan ng kanilang idea ng meron ay ang obheto, ang res
sensibilis. Kaya't nagkaroon ng kahiligang ituring na isang bagay, isang "ito", ang
anomang tinatalakay, sampu ng panganib na huwag kilalanin ang tunay na halaga
ng isip, ang tunay na tungkulin ng suheto. Nakaligtas si Sto. Tomas sa ganitong
panganib dahil lamang sa kanyang hindi karaniwang henyo. Ang mga sistemang
Agustino ay lalong mulat laban sa ganitong panganib, ngunit humina naman sa
kanila ang katanyagan ng meron, ng nag-eeksistensya.

2. Sa modernong pilosopiya, muling binibigyan-diin ang suheto at ang pag-iisip.


Ngunit, ang suheto ay unti-unting itinuturing na basta't isang sangkap na
nakabitin sa pag-iisip. Ang kongkretong suheto'y natutunaw, hindi ngayon sa
mga bagay, mga "ito", kundi sa isang impersonal na pag-uunawang syentipiko;
nagiging idea. Maari itong tawaging pagbalik ng tradisyong Platoniko.
Nahuhungkag ang katangiang-eksistensya ng meron. Nauuwi ang meron sa
esensya, sa "maaring maunawaan". Ang nagiging pinakamabisang anyo ng
eksistensya ay bilang isang hindi importanteng aksidente (gaya ng nasa
Ontolohiya ni Wolff). Sa wakas, nalulunod ang ontolohiya sa epistemolohiya at
umaahon sa idealismo ni Hegel na nagpapanggap na muling likhain ang
kongkreto mula sa pinakadukhang idea.

3. Sa huling daantaon, at lalo na sa mga huling dekada nito, ay masiglang gumaganti


ang eksistensialismo at ilang mga kaugnay na uri ng pag-iisip. Dito, ang huwaran
ng meron ay hindi na ang bagay, ni hindi ang idea, kundi ang kongkretong tao na
suheto; hindi lamang bilang nag-iisip, kundi bilang nag-aasam, umiibig, nasa
dalamhati, hindi mapakali, atbp. Pagkatapos ni Kierkegaard, na hindi
mauunawaan kundi bilang gumaganti kay Hegel, hindi na maipagkakaila ang
tunay na halaga ng pagka-suheto. Pagka-suheto rin ang meron. Dito, nagiging
pagsusuri sa tao ang ontolohiya. . . at nanganganib rin na mawalan ng tunay na
metapisikong karakter.

Sa isang paningin, masasabi na ang ontolohiya ay ang pinaka-walang-pakinabang na


karunungan sapagkat ni isang orihinal at praktikal na resulta ay hindi lilitaw sa ontolohiya: Ito ang
huwaran ng karunungan na purong isip. Ngunit, itong pagka-walang-pakinabang ay di dapat ituring
na pagka-walang-halaga. Sa ibang paningin, masasabi na ang ontolohiya, kasama ng teolohiya, ay ang
pinaka-palasupling na karunungan. Nagbibigay-bisa sa mga ibang karunungan ang ontolohiya,
sinisinagan ng ibang liwanag ang mga data at kongklusyon ng mga ito, para bagang nagbibigay ng
bagong dimensyon. Halimbawa, mapapakita ng ontolohiya na ang mga batas ng buhay sikolohiko,
ispiritwal, sosyal, atbp. ay mga proporsyonal na pagpapakita, sa iba't ibang larangan, ng mga
pangkalahatang batas ng meron. Mapapakita ng ontolohiya na may ibang nibel; at sa nibel na ito'y
mababakasan ang maka-analogiang aplikasyon ng mga pangkalahatang batas na ito. Kaya't sa
ontolohiya'y nagiging posible ang isang mas mayaman at mas malalim na interpretasyon ng tao.

Sa teolohiya, lalo na, lumilitaw ang importanteng papel ng ontolohiya. Dito'y hindi na
tamang pag-usapan ang pagka-walang-pakinabang sapagkat ang karunungan ukol sa meron ay likas
na nakaangkop sa karunungan ukol sa Meron. Sa kaayusang Kristiano, nakaangkop ang ontolohiya
sa isang karunungan ukol sa Meron na nagsisimula sa pagbubunyag ni mismong Meron sa kanyang
mga sekreto.

6
1. Ang Metodong Eksperimental.

Malinaw na ang metodo ng ontolohiya'y hindi maaring maging eksperimental. Ang meron ay
hindi isang datum na maaring suriin sa pamamag-itan ng pandama o sa panloob na karanasan. Hindi
datum ng pisika o sikolohiya, hindi isang bagay o isang kalagayan ng malay tao ang meron. Kahit na
ano ang uri ng karanasan, matatamo lamang nito ang meron sa mga katangian ng meron.

Ngunit, maaring kunin ang katagang "eksperimental" sa mas malawak na kahulugan; sa


kahulugang "nakabatay sa karanasan". Kaya't masasabi natin, halimbawa, na ang isang "metapisika sa
pamamag-itan ng induksyon" ay makapaghahango ng ilang batas na may bisang unibersal mula sa
isang pagsusuri at paghahambing sa iba't ibang nibel ng meron. Ang ganyang karunungan ay hindi
sapilitang magiging isang hyper-pisika o isang hyper-biolohiya. Hindi pagsisikapang iuwi ang mga
batas ng gawaing ispiritwal sa mga batas ng buhay o ng materyal. Gagalangin ang pagkaiba ng iba't
ibang nibel. Pagsisikapan lamang itawag ang pansin sa mga proporsyonal na pagkatumbas.

Ubod ng wasto ang ganyang pagsusuri. At baka pa makarating sa mga napakainteresanteng


kalalabasan. Masasabi pa natin na kailangan ang ganyang uring pagsusuri bilang pagpigil at sabay
pagpayaman sa mga metapisikong pagmumuni-muni.

Sa isang panig, dapat seguraduhin ng isip na ang kanyang mga nakuha sa pamamag-itan ng
pangangatwiran ay lumalabas na tunay din sa daigdig ng talagang nangyayari. Sa kabilang panig
naman, kapag napagmasdan na ang isang batas ay nagpapakita sa paraang proporsyonal sa lahat ng
mga nakikilalang nibel ng talagang nangyayari, naaring sabihin na malamang iyong batas na iyon ay
may katangiang ontolohiko. Ngunit, malamang lamang. Sapagkat maaring ang batas na iyon ay
angkop lamang sa balangkas ng ating daigdig. . . ibig kong sabihin: sa balangkas ng buong katipunan
ng mga meron na limitado. Ngayon, sa simula pa'y hindi natin alam kung ang ating daigdig ay
tumutumbas sa buong meron. At, pinapakita ng teolohiya, pati ng teolohiya natural, na hindi nga
tumutmbas. Ang isang batas na umiiral sa lahat ng mga larangan ng nag-eeksistensya, ay maaring hindi
pa rin batas ng mismong meron. Itong "metapisika sa pamamag-itan ng induksyon" ay hindi
tahasang metapisika; makapaghaharap ng mga problema at makapaghahanda ng mga talakayan para
sa tahasang metapisika, ngunit hindi maaring maging kapalit nito.

Ang ontolohiya'y hindi rin maaring maging purong pagpapalantad sa mga nilalaman ng isang
intuwisyong ginaganap ng pag-uunawa ng tao. Para kina Malebranche at mga ontolohista, ang idea
ng meron ay hindi iba sa mismong Meron ng Diyos. Sa pag-uunawa ng tao, pinapakita ng Diyos ang
kanyang sarili bilang umiibayong huwaran ng lahat ng meron. Hindi ito ang lugar para sa isang ex
professong pagtalakay sa teoriyang ito. Sabihin na lamang natin na ang teoriya ay wala talagang
matibay na batayan; at nakasangkot pa sa malubhang gusot. Mabibigyan diin na humahantong sa
panteismo palibhasa'y itinuturing ng teoriya na ang natural na obheto ng pag-uunawa ng tao ay ang
esenstya ng Diyos; ipinagpapalagay nito na ang pag-uunawa ng tao at ang esensiya ng Diyos ay tunay
na magka-isang uri. Hindi mapaninindigan ang panteismo. Walang intuwisyon na absolutong
Meron ang pag-uunawa ng tao.

2. Ang Analisis ng Isang Ideang Abstracto.

Maari ba na ang metodo ng ontolohiya'y isang puro at payak na analisis ng isang abstraktong
konsepto ng meron sampu ng pagpapalabas sa lahat ng nakatiklop sa loob ng konseptong ito?
Ngunit ang kaalaman sa meron ay hindi isang kaalaman na mahihiwalay at mapapaligiran gaya ng

7
kaalaman sa isang tatsulok, sa potasyum o sa koleoptera. Hindi isang obhetong malalagay ko sa
harap ng aking isip at mapagmamasdan na para bagang mula sa labas. Ang meron, makikita natin, ay
hindi isang uri; hindi matatalakay na parang isang karaniwan na "ideang unibersal". Ngunit, hindi pa
nasabi ang lahat. Ako mismo'y bahagi ng meron. Sa aking pinakasuhetibong katauhan ay buhos na
buhos ako sa obheto ng aking pagsisiyasat! Kaya't ang tanungan ukol sa meron ay hindi lamang isang
problema, kundi isa ring hiwaga, ayon sa kahulugang ibinigay sa katagang iyan ni M. Gabriel Marcel:
ang mismong tanungan ay bahagi ng pinagtatanungan. Hindi matatalakay sa isang simpleng analisis
o obhetibong pagbabalangkas.

3. Ang Metodong Penomenolohiko.

Aangkinin ba natin ang isang metodong penomenolohiko? Nagsisimula ang metodong ito sa
pagbabawal ng anomang pangangatwiran o interpretasyon: Sapat nang ilarawan ang meron sa payak
na pag-aanyo nito. Ngunit, sa totoo, ito'y patakaran na hindi isinasagawa at hindi maaring isagawa.
Hindi penomenon ang meron, kahit na sa malawak na kahulugang ibinibaigay ni Husserl sa
"penomenon". Meron pa nga ang isinsasapanaklong ng reduksyong penomenolohiko. Bawal ang
apirmasyon ng eksistensya. Kaya't ang esensyang pinagmamasdan ay nawawalan ng anomang
nilalaman na ontolohiko.

Bilang isang metodo na may sariling katangian, may katwiran ang penomenolohiya.
Mahalaga ang maidudulot nito sa pambungad sa metapisika. Kapag ang simula ay hindi sapat na
penomenolohiko, ang mga pag-uunawa na nasa base ng pilosopiya ay madalas nananatiling
"nakabitin sa papawirin", walang kaugnayan sa umiiral na karanasan o kaya'y malabo ang pagkalahad.

Mabibigyan diin na magaling ang penomenolohiya sa pagkikilatis sa mga pagkukulang ng


materyalismo, rasyonalismo at lahat ng mga uring pag-iisip na ang kahiligan ay paliwanagin ang
mataas sa pamamag-itan ng mababa; paliwanagin ang bukod-tanging "ito" sa pamamag-itan ng pare-
parehong pangkalahatan, sa pamamag-itan ng pagwawalang bisa sa pagka-iba-iba ng mga katangian.
Pinapansin ng penomenolohiya ang mga balangkas na may katangiang hindi maaring iuwi sa
anomang ibang balangkas. Hiindi pa nasasabi ang lahat kapag nalahad na ang sikolohiko o
istorikong pagtubo ng isang pag-uunawa. Kailangan pang paliwanagin ang nilalaman, ang panloob
na kahulugan. Maaring nangyari na hinubog ang idea ng Diyos sa pagkakataon ng maling
interpretasyon ng ilang pangyayari sa kalikasan o baka pa ng ilang kalagayang ekonomiko. Hindi nito
ginagawang imposible na ang idea ay meron pa ring napaka- at pinaka-bukod-tanging kahulugan,
nilalaman, halaga.

Ngunit kung ang penomenolohiya'y isang magaling na pambungad sa metapisika, hindi pa


rin metapisika. Kung ang ontolohiya'y magiging metapisika, dapat lampasan ang penomenolohiya.

4. Ang Metodong Repleksibo.

Ang kaisa-isang metodong angkop sa ating layunin ay ang metodong repleksibo. Ang meron
ay hindi isang bagay na nasa labas natin o isang ideang inihaharap sa kaisipan, kagay ng naturae
simplices ni desCartes. Sa meron ay nasasangkot ang akto ng obheto na pinag-aangkopan natin ng
ating aktong nag-aapirmasyon. Sa pagmumuni-muni sa mga pag-aaktong ito, magiging posible na
talagang mula sa loob ng meron ay masasakyan natin ang meron.

8
Natatauhan ang kaisipan sa meron sa dalawang titulo: Una: ang pag-iisip ay pagmemeron din.
Ikalawa: likas sa mismong isip na umugat sa pag-aangkop sa meron.

Ang unang titulo ay siyang batayan ng kaisipang Kartesiano, ang Cogito: ang meron ay
natutuklasan ng isip sa kanyang sarili sapagkat ang isip, sa kanyang suhetibong pag-meron, ay
nakikipagtalaban sa meron na kanyang iniisip. Cogito = sum: palilitawin ng idealismo ang pagka-
katumbas.

Ang pangalawang titulo ay siyang batayan ng kaisipang Tomistiko: repleksyon. Ang meron
ay natutuklasan ng isip sa kanyang sarili sapagkat hindi kaya ng isip na kilalanin o alamin ang kanyang
sarili kundi bilang pag-aangkop sa meron; hindi mauunawaan ang isip kundi sa pamamag-itan ng
meron; natutuklasan ng isip na ang kanyang kahulugan, hantungan, layunin, ay meron.

Ang dalawang titulong ito ay hindi hiwalay o laban sa isa't isa. Hindi dapat ituring ng
metodong metapisiko na ang isa ay mas mabisa o mas mahalaga kaysa sa isa.

Kaya't ito ang magiging landas ng ating pag-iisip. Hahanapin natin ang meron sa aktong pag-
aapirmasyon ng isip. Pagmumuni-munihan natin ang mga pag-aaktong ito; ganito natin
mapagsisikapang tiyakin kung ano ang mga nakasangkot sa pag-aaktong ito. Gagawin pa ba nating
mas eksakto ang ating metodo? Kung magpapasok tayo ng mga dagdag na kaeksaktuhan, ang mga
ito'y dapat sapilitang kinailangan ng mismong obheto ng ating pananaliksik. Sasabihin sa atin ng
obheto kung at kailan kailangang gamitin ang metodo ng pagsasalungatan. O mas tumpak sabihin na
ang obheto ang siyang gigising ng pagsalungat sa ating isip, atbp. Kung ang metodo'y inihanda na
bago pa magsimula ang pagmumuni-muni at sapilitang ginamit na parang mula sa labas; o kung ang
landas ng pagmumuni-muni'y minarkahan na ng napaka-linaw at napaka-eksakto bago pa magsimula,
hindi magiging matuwid ang lalabas na resulta.

Iisa lamang ang metodong nararapat: maging tapat at bukas sa meron; tumingin ng walang
pagkiling sa anomang panig; sariwain ang mata. O kung ang katagang "tingin" ay malabis na
nagpapahiwatig sa intuwisyonismong itinakwil na natin, sabihin na lamang natin na ang nararapat na
metodo ay ipaubaya ang sarili sa mga hinihingi ng obheto at huwag magpanggap na ipataw dito ang
anomang kahulugan o interpretasyon.

Gayon pa man, ipinapalagay ng bawat pagsusuri ang isang malabong-malinaw na


pangkalahatang pagkilala sa paksang susuriin. Kaya't sabihin natin na tatanungin natin sa meron:
ukol sa mismong meron, sa nilalaman nito, sa balangkas ng pagka-maaring-maunawaan ng meron, sa
pagka-ugnay sa kongkretong nagmemeron -- ukol sa mga di-mahiwalay na bukod-katangian, ang mga
aspekto na tahasang unibersal -- ukol sa balangkas ng meron, kung ano ang kailangan upang
maunawaan ang pagka-marami ng mga meron at ang pagiging ng mga meron, na sabay at magkadikit na
inaalok sa atin sa ating pinaka-sinaunang karanasan ng meron -- sa wakas, ang iba't ibang tipo o nibel
ng mga meron na humahati sa katipunan ng mga nag-eeksistensya, sa antas na ang paghating ito ay
bahagi ng pag-apirmasyon ng eksistensya, sampu ng mga pinaka-unibersal na tipo ng relasyon na
pinagbabatayan ng pananatili at pag-aapirmasyuon ng pagkakaisa ng meron sa at sa pamamag-itan ng
pagka-marami ng nagmemeron.

9
Kabanata I
Meron
I . Ang Pagsasaatin ng meron

5. Ang meron ng sentido komun.

Ang unang hakbang ng nag-oontolohiya ay mamulatan na sumasakanya ang meron. Nasabi


na natin na magaganap lamang ito sa pamamag-itan ng pagrerepleksyon sa sinaunang akto ng diwa.
Kailangang ilahad ito ng mas malinaw at tumpak, kaya't marahil may mga uulitin na nasabi na.

Kapag dinedeklara ni Sto. Tomas: "Ang unang sumsaisip ay meron"; "ang sinaunang
inuunawa ng isip, ang pinakakilala sa lahat, ang tinutukoy ng lahat ng konsepto, ay meron,"
maliwanag na hindi niya itinuturung na alam ng bawat tao, sa isang malinaw at tumpak na kaalaman,
ang obheto ng nagmemetapisika. Binibigkas nga ng sentido komun ang salitang "meron", kung
minsa'y sinasabi pang "eksistensiya", ngunit, sa karaniwang pananalita, ang mga ideang ito'y palaging
mananatiling malabo. Kusang iniisip ng sentido komun na ang idea ng "nagmemeron" ay nakukuha
sa pamamag-itan ng abstraksyong total: sa pagtanggal sa mga pagkakaiba (kagaya ng pagkuha sa
konseptong tao sa pamamag-itan ng simpleng pagtanggal sa mga nagpapaiba kina Petra, Pablo,
Hwan, Hwana, atbp.). Sa ganya'y lalabas ang "nagmemeron" bilang genus na maysakop sa lahat ng
genus, isang kwadrong walang laman. Hindi magpapakita ang nagpapameron sa meron. Kasabay
nito, hilig ng sentido komun na ituring ang "nagmemeron" bilang isang walang katangiang batayan
na dinadagdagan ng mga makakapayaman na katangian: buhay, pagmamalay, isip, atbp. Ang
ganitong patakaran sa pag-iisip ay matutuklasan pati sa nga metapisika na maunlad sa lahat ng mga
ibang aspekto (neoplatonsimo), marahil pati kay Sto. Tomas.

6. Ang meron ng nagmemetapisika. Unang pasok.

Tiyak na pakay ng nagmemetapisika na lamapasan ang komun na meron. Hindi nito ibig
sabihin na lubusang iba ang meron ng nagmemetapisika, hangga't hindi matatamo kundi sa siang
intuwisyong halos mistiko. Walang biglang patid sa pag-itan ng meron ng sentido komun at ng
meron ng nagmemetapisika. Ang kakayahang mag-isip ng nagmemetapisika ay hindi iba sa
kakayahang mag-isip ng sinomang tao; ngunit, sa karaniwa'y nananatiling malabo ang idea ng meron;
ang metapisiko nama'y pinagsisikapan paliwanagin, palitawin ang nilalaman, ang sinaunang
balangkas. Dito'y gaya siya ng siyerntista: hindi sapat sa kanyang malaman na tao, hayup at tanim ay
sakop sa genus, buhay; nais din niyang malaman kung ano ang bukal at mga sangkap nitong komun
na katangiang, buhay.

Sa pagpapalinaw sa idea ng meron, makakatulong ang ilang pagmamasid na lingwistiko.


Importante ring pagmasdan ang kilus ng isip-tao sa pakikipagtagpo sa meron, at kung papaanong
ibinubunyag ang pakikipagtagpo sa pamamag-itan ng isang pandiwa. Halimbawa, sa mga wikang
indo-europeo, madalas matuklasang nakaugnay sa ugat na es ang ugat na bhu, na ang unang
kahulugan ay tumubo, umusbong (tingnan, phyo): halimbawa: fui, to be, ich bin, byt (ruso) atbp. Sa
hawig na paraan, ang pandiwang stare, tumayo, ay nagtutustos ng ilang dagdag na porma sa mga
wikang romanse: estar, stato, ete. . . Pagmasdan, lalo na, ang nangyayari sa existere na galing sa iyon
ding ugat, at sa wakas ay tumumbas sa meron: sa kahulugang tinatawag na tahasang "eksistensyal".

Mahalagang ituloy ang mga ganitong pagsusuri sa iba't ibang grupong etniko at lingwistiko,
gaya ng nagawa, halimbawa, para sa mga Bantu. Sa ganyang paraan, makakatagpo tayo ng ilang

10
pananaw na magiging mahahalagang pagpasok sa meron. Ngunit, pagpasok, lamang, Sapagkat,
malayo ang wika sa kakayahan na lubusang ibunyag ang meron. May nakatagong hindi mabunyag na
kailangang galugarin sa pamamag-itan ng maseselan na pagbabakas. Dito, kailangan nating
magpatulong sa mga patakaran ng penomenolohiya. Hindi natin maisasagawa ang ganyang
pananaliksik. Pahapyaw lamang nating masasabi na sumasaatin ang meron, bilang 1) ang hindi
maiiwasan at hindi maiuuwi sa iba; ang hindi maaring hindi matagpuan, anoman ang ating
pinangangatawanan; at ubos-lakas man nating subukan, hindi nating mapasasawala o gawin man
lamang pagkukunwari. Sumasaatin din ang meron bilang 2) matibay na batayan na taga-subaybay at
taga-dala sa ating isip at gawa (substantia).

Sa unang aspekto, ang meron ay obheto sa bukod-tanging kahulugan at, mas tumpak, ang-
nakatayo-laban-sa: Gegenstand. Sa ikalawang aspekto, ang meron ay suheto (sa sinauna hindi sa
modernong kahulugan): substratum, base, tuntungan. Sa katapusan, meron ang nakikita nating
totohanan at hindi biro lamang, ang talagang mahalaga, ang tinutunguhan ng lahat ng ating
pagkabagabag at pagpaplano. . .

Maaring ituloy ang mga ganitong pagmumuni-muni, ngunit hindi natin mararatnan ang
meron kung hindi padaplis. Hindi magpapakita ang meron sa paglalarawang penomenolohiko,
kundi sa metapisikong pagrerepleksyon sa akto ng isip na, sa mismong paglampas sa penomenon ay
dinudulutan ito ng kahulugan at tibay.

7. Ang kabalintunaan ng idea ng meron.

Kapag sinusubukan ng isip na palinawin ang idea ng meron, kaagad susulpot ang isang
pambihirang gusot. Kung ang usapan ay ukol sa buhay, pag-uunawa, damdamin, ang mga
nagkakaibang uri ng mineral, tanim, hayup, ang mga iba't ibang galaw ng diwa, maka-batas o maka-
sining na likha, atbp. -- sa madali't sabi, kung ang paksa ay kahit na ano (o halus kahit na ano)
maliban sa dalisay at payak na meron -- kaya kong humubog ng tumpak na kaisipan sapagkat
mahihiwalay ko iyon, milalayo ko sa mga iba, mapaliligiran ko ng guhit. Hindi nabubuhay ang batu,
iba ang isip sa damdamin, atbp. Sa klasikong depinisyon ng tao, ang dalawang termino ay hindi
nagtatalaban: tinutukoy ng animal ang isang katipunan ng mga katangan na ni katiting ay hindi
tinutukoy ng rasyonal. May ganap na praecisio: sakop ng bawat konsepto ang isang may-malinaw-na-
hangganan na bahagi ng larangan-ng-mga-maiisip.

Ukol sa meron ba ang usapan? Nagbabago ang lahat. Hindi ko mahihiwalay ang meron sa
anoman, palibhasa'y lahat ay meron. Kung susubukan kong ihiwalay ang meron, ang maiiwan ay
isang ubod na hungkag na anyo, na hindi iba sa kawalaan. Kaya't sa istriktong usapan ay hindi ko
makukuha ang idea ng meron sa pagpataw ng abstraksyong pormal sa mga nagmemeron. Hindi ko
magagamit ang parehong patakaran na ginamit ko noong hinango ko ang purong ideang mabilog
mula sa katipunang putting-kahoy-na-mabilog sa pamamag-itan ng pagtanggal sa mga katangiang kahoy
at puti.

Nakasangkot dito ang isang walang kaparis na abstraksyo: dahil sa kapus tayo sa lalong
mabuting kataga, tatawagin nating metapisikong abstraksyo. Ating masasabi na ang bukod-tanging
gawain ng metapisikong abstraksyo ay unawain ang meron na sumasa mga nagmemeron bilang ang-
hindi-mahihiwalay-sa-mga-nagmemeron, bilang sumasa lahat ng mga katangian ng mga ito, ngunit
hindi nagiging isa sa mga katangian ng mga ito. Ang meron ay hindi hiwalay sa mga nagmemeron,

11
ngunit hindi naman sangkap ng mga nagmemeron. Hindi matutukoy ang meron bilang nooumenon na
kabaliktaran ng phainomenon palibhasa'y meron pa rin ang mismong phainomenon. Mabuti pang
sabihin na nagpapakita ang meron bilang kahulugan ng mga phainomena; sa meron tumutibay ang
mga phainomeona at nagiging posibleng sabihin na may mga phainomena. Hindi isang bagay o idea
ang meron. Yinayari ng meron ang kalaliman at loob ng mga bagay at ang pagka-obhetibo ng mga
idea.

Ngunit, hindi ito sapat. Sapagkat ang suheto sa kanyang pinakamalalim at kalooblooban na
pagka-suheto ay meron pa rin. Bagong aspekto ito na nagpapakita sa ating pagmumuni-muni.
Meron ako. Nag-eeksistensya ako. At walang nasa loob ko ni nasa labas ko. . . na nasa labas ng
meron; sapagkat sa labas ng meron. . . wala. Kaya't ang meron, na noong una ay nagpakita bilang
kaugnay ng isip at samakatuwid umiiba sa isip -- ang natatagpuan ng isip sa kanyang harapan at, dahil
rito, hindi maiuuwi ng isip sa kanyang sarili -- ngayo'y nagpapakita bilang binabalabalan at tinatablan
ang ako at hindi-ako, ang dagat na kinalalanguyan ng sarili ko at ng lahat ng linalang, ang lupa na
ating kinatatanggalan ngunit hindi nating mahiwalayan, ang pangkalahatang kinayayarian nating lahat.

At ito ang malaking kabalintunaan. Upang ako'y makapag-isip, kailangan ko yatang


malinawan na iba ako sa obheto, kailangan ko ring umurung sa hampas ng obheto at kahit na
papaano'y tanggihan na ako ay iyong obheto.

Sa mismong akto na ang pag-uunawa ay namumulatan sa kanyang katotohanan, ang isip na sa simula'y
nakipagtalaban na intentionaliter sa kanyang obheto'y inaapirma ngayon ang kanyang sarili laban sa obheto si
mismong akto ng pag-aapirma sa obheto, at sa ganitong paghihiwalay ay yinayari ng isip ang isang mas malalim at
mahigpit na pakikiisa.

Ngunit, ang mismong akto ko na nag-iisip ng meron ay. . . meron rin. Kaya't ang meron na siyang
unang obheto ng pag-uunawa, ang pangkalahatang simulain ng pagka-obheto, ay nagpapakita ngayon
bilang ang hindi maaring lubusang maging o gawing obheto kailanman. Hindi ko matatanggal ang aking
sarili sa meron upang mailagay ko ang meron sa harapan ng aking sarili.

8. Ang apirmasyon na batayan.

Kaya't hindi maaring ituring na walang iba kundi pagka-obheto ang meron; at taliwas ding
sabihin na hindi iba sa pagka-suheto ang meron. Kung ang meron ay walang iba kundi ako, ang sum
ay hindi lalampas kailanman sa cogito: ang aking meron at lahat ng meron ay mauunawaan lamang
bilang sumasaloob ng pag-iisip. Sa ibang salita, "Meron ako," ay maari lamang mangahulugan ng
"Meron ako para sa aking sarili," at "Meron iyon," ay maari lamang mangahulugan ng "Meron iyon
para sa aking sarili." Kung sa simula pa'y nagkukulong ang isang tao sa isang tahasang pananatili-sa-
sarili, makapagkukunwari lamang siyang magtangkang gumawa ng tulay mula sa isip patungo sa mga
bagay. Ang halaga ng tulay ay ayon sa halaga ng mga materyales na pinagkayarian ng tulay. Ang
isang isip na idinepinisyon bilang isang para-sa-sarili, ay makakagawa lamang ng isang anino ng tulay
na tumutungo sa isang anino ng meron. Ang ganyang kaisipan ay ni hindi kayang maunawaan kung
posibleng may meron-na-nasa-kanyang-sarili o kung posibleng may iba-na-para-sa-kanyang-sarili.

Kaya't saan matutuklasan ang meron? Hindi sa obheto sa kanyang pagka-obheto ni sa


suheto sa kanyang pagka-suheto. Mahahanapan ang meron sa ibayo ng paghihidwaan ng suheto at
obheto, sa nibel ng ugat na apirmasyon na siyang yumayari at nagpapatibay sa magkabilang panig.

12
Analisahin natin ang ating mga hatol (at sariling kilus). Halimbawa, ang hatol na: Mainit ang
araw. Hindi ito isang simpleng pag-amin na may kaugnayan ang dalawang lamang-isip. Ibinubunyag
na, aminin ko man o hindi, ang katangiang init, o isang katangian may kaugnayan sa aking
suhetibong pagdanas sa init, ay may kaugnayan sa isang katipunan ng mga karakteristikong bumubuo
sa isang tinatawag kong araw. Itong mga katangaing ito, itong mga karakteristikong ito ay hindi mga
kalagayan ng aking malaytao ni hindi mga obhetong likhang-isip. Meron ang mga ito. Nag-
eeksistensya, gustuhin ko man o hindi. Sa: Mainit ang araw, ang posisyon ng mga kataga ay
tumutukoy sa umiiral na eksistesyal: Meron araw na mainit.

Tingnan naman natin ngayon ang isang hatol sa larangan ng isip: (a+bi) (a-bi) = a2+b2.
Parang hindi na mapag-uusapan dito ang kongkretong eksistensya. Hindi talagang maaring
"kongkretohin" sa isip itong mga sali-salimuot na numerong ito gaya ng "pagkakongkreto." sa isang
tatsulok o hugis-bola. Hatol ba ito na lubusang walang kinalaman sa meron?

Ang totoo'y nasa larangan tayo ng maka-isip na meron, na hindi maaring umiral kundi sa isip at
sa kagagawan ng isip (hindi natin pinag-uusapan ang posible, na ayon sa mismong depinisyon ay
maaring maging meron). Ngunit, ang kaibuturan ng maka-isip na meron ay nakabatay sa isang
kongkretong meron: ang akto ng mismong isip.

Kunin natin ang kasong nakasangkot, ang unang palagay na ginagawang posible ang
pormula: i = ÷ -1, atbp. Dalawa ang mapagmamasdan:

Una: Ang maka-isip na meron ay hinuhubog ayon sa isang desenyo ng isip na hindi iba sa
desenyong ginagamit natin upang isipin ang tunay na meron. Kailangan ang masusing pagka-alisto
upang iwasan ang lihis na pagkokongkreto sa maka-isip na meron. Samakatuwid, likas sa pag-
uunawa ng tao ang kahiligan na gawing mga bagay ang mga abstraksyo (mga pagteteorya ni
Pythagoras ukol sa mga numero, idolatriya ng mga patakaran at batas, atbp.) Bukal na mag-isip tayo
ayon sa mga pamamaraan ng tunay na meron.

Pangalawa: Sa totoo, iniisip muna natin ang tunay na meron at batay sa tunay na meron ay
iniimbento natin ang maka-isip na meron. Ang maka-isip na meron ay isang pagbalik ng pag-
uunawa sa akto ng pag-iisip sa tunay na meron. Tunay na meron ang palaging ipinapalagay na
batayan ng maka-isip na meron. Halimbawa, sa katalagahan mga maka-isip na meron ang mge idea
ng genus, species, atbp. ngunit, walang kahulugan ang mga ito kundi sa pamamag-itan ng pag-
aapirma sa mga tunay na meron na may mga tunay na pagkakahawig. Pati ang mga maka-
matematikang meron ay ipinapalagay, bilang papawirin, ang pag-aapirma sa mga nasusukat na
meron.

Baka may magsasabi na ang pag-papalagay sa mga posibleng meron ay sapat nang batayan ng
maka-isip na meron. Sa totoo'y ikatlong uri ng hatol ito; pumapag-itan sa hatol ukol sa tunay na
meron, na may kinalaman sa mga nag-eeksistensya, at hatol ukol sa maka-isip na meron. Itong
ikatlong uri ay hatol ng pagtuturing ukol sa mga posibleng kalikasan.4

4Kalikasan o natura: itong dalawang katagang ito ay maaring gamitin (a) upang ituring ang buong sanlibutan, o kaya, (b)
pantukoy sa anomang sentro ng sariling pagmemeron na may sariling istruktura na angkop sa istilong katutubo sa
nasabing sentro; halimbawa: Ang kalikasan ng tao ay iba sa kalikasan ng hayup, palibhasa'y nakakaisip ang tao; ang
natura ng virus ay iba sa natura ng bakteria.

13
Ngunit, ano ang maaring maging kahulugan ng posible maliban sa pag-rerelasyon sa nag-
eeksistensya? Ang posible ay ang maaring mag-eksistensya. Samakatwid, ang pag-uunawa sa eksistensya
ay bahagi ng mismong idea ng posiblildad. At huwag nating sabihin na sapat nang unawain ang
isang posibleng eksistensya. Ano ba ang isang posibleng eksistensya? Hindi ko ito mauunawaan
kung hindi ko munang nauunawaan ang isang aktwal na eksistensya. Mauunawaan at nadedepinisyon
lamang ang posible sa pag-rerelasyon sa nararanasan na aktwal na nag-eeksistensya.

Nasasagupa natin dito ang isang sinaunang problema. May isang uring pag-iisip, na pag-
uusapan natin uli, na may kahiligang ituring na una sa lahat ang posibleng meron. Ang nag-
eeksistensya ay itinuturing na para bagang hinango lamang mula sa posible. Walang patibay ang
ganyang paninindigan. Kung, para sa isang partikular na meron, ay maaring magkaroon muna ng
posibilidad bago magka-eksistensya, dapat na ganyan din ang ukol sa buong meron. Hindi nating
kayang magkaroon ng pinakaliit na butil ng idea ng posible, kung hindi muna natin naranasan at
inapirma ang nag-eeksistensya. Anino lamang nito ang posible.

Ang apirmasyon ng meron na ito'y kumokondisyon sa ating idea ng meron at samakatwid


kumokondisyon sa lahat ng ating idea. Ano kaya itong meron na ito? Hindi ako. . . sapagkat
nakikita ko ang aking sarili -- na ako'y nakakulong sa meron, sinusukat ng meron. Isang meron ako,
hindi ako ang meron. Pinapaligiran at inaapawan ako ng meron. Matatanggal ko ang aking sarili sa
meron na pumapaligid at umaabot-tanaw sa akin. Hindi ako ang bukal ni ang batayan ng meron.

Iyan din ang dahilan kung bakit ang nag-eeksistensya na tinutukoy ng idea ng meron ay hindi
maaring maging isa pang partikular na nag-eeksistensya. Ang ugat na apirmasyon na pinagbabatayan
ng at umaabot-tanaw sa lahat ng mga ibang apirmasyon at kumokondisyon sa lahat ng pag-iisip at
ito: meron meron, isang apirmasyon iyan; at nasa loob niyan ito pang isa: nasa meron ako. O lalong
tumpak: iisa lamang ang apirmasyon, ngunit, hindi maisasapormula kung hindi hinahati sa dalawang
hatol: ang paglalahad sa isang parang kabuon na nag-eeksistensiya, na sumasakop sa suheto at sa
obheto, sa ako at sa daigdig.

Lahat ng mga ibang kilus ng pag-uunawa, ang buong hilera ng mga hatol, mula sa meron ito
(hatol ng purong eksistensya) hanggang sa mga pinaka-abstraktong proposisyon ng lohika, ay mga
iba't ibang pagpapakita lamang ng iisang paksa nitong apirmasyon na batayan. Pinapalagay pati ng
mga konsepto itong apirmasyon na ito. Tiyak na hindi maaring magkaroon ng konsepto na hiwalay
sa tanang hatol o na hindi labi ng isang paghahatol: ngayon, kailangan na taglay nitong labing ito ang
kanyang pinagbabatayan at pinagkukunan ng tibay. Subukan nating paliwanagin ang kahulugan ng
kahit na anong konsepto (tao, tatsulok). Makikita natin ang isang katipunan ng mga nota.5 Ngunit,
papaano nating nakikilatis na ang katipunang ito ay iba sa isang purong suhetibong kalagayan ng
pagmamalay; iba, halimbawa, sa isang sakit ng ngipin (tinutukoy ko ang sakit ng ngipin na
nararanasan, hindi basta't iniisip)? Ang mga notang ito ay nagpapakita bilang may "pagka-nasa-sarili",
may "pagka-hiwalay" sa isip, parang nakatirik sa isang abot tanaw na iba sa isip, "kabaliktaran" ng
isip; at ang mismong isip ay parang nakatirik rin sa abot tanaw na ito. "Tao" ay hindi isang
penomenong suhetibo kundi isang idea, sapagkat "tao" ay isang katipunan ng mga nota na "maaring"
mabuo sa kanyang sariling katayuan, may sariling looban, maaring itirik na katabi ko, kagaya ko sa
totalidad na pumapaligid sa akin. Ang relasyon sa eksistensya ay likas na nakalagda sa mismong

5Nota: katangiang umiiral sa isang meron; halimbawa: Ang kakayahang gawing bahay ang kanyang sariling laway ay nota
ng gagamba; ang kulay berde ay nota ng sariwang dahon. Sa Latin, matatawag na nota ang anomang nagpapakilala sa isang
nilalang.

14
obheto ng isip; ang relasyon na ito ay siyang sanhi kung bakit ang obheto ay intelligibile, maaring
maunawaan: Actualitas rei est quasi lumen ejus. 6

Sa karaniwan, hindi makukuha sa isang simpleng pag-uusisa sa isang konsepto kung ang
obheto ng konseptong ito ay posible: nangyayari lamang ito sa mga pambihirang kaso, Ngunit, hindi
lamang ito sa mga pambihirang kaso. Ngunit, hindi natin maiisip ang isang obheto kung hindi
nating iniisip ang obhetong ito bilang maaring maging meron. Isang masusi't mapagkilatis na
pagmumuni-muni ang kailangan upang malaman natin na may mga obheto na ang eksistensya ay sa
isip lamang.

Tutol. Sa meron na matematiko, walang natutuklasan na relasyon sa eksistensya bilang


bumubuo sa pagka-maaring-maunawaan (intelligibilitas) ng obheto. Hindi na nating uulitin ang mga
nasabi na ukol sa maka-isip na meron; pagmamasadan lamang dito: Kung ang isang tatsulok ay hindi
isang penomenong suhetibo, kundi isang "tunay at hindi mababagong natura" (gamitin natin ang
terminolohiya ni desCartes) ito'y sapagkat may mga "kailangang-ganito" na lumalaban sa aking mga
pasumpong-sumpong na kaisipan: taglay ng idea ng tatsulok ang ilang "dapat-ganito" na wala akong
kakayahang lubos na baguhin. Sa ganitong paraan, ang idea ng tatsulok ay maaring tawaging "ang
nakatayo-laban-sa-akin"; at hindi ko maiwasang kumilos na para bagang tunay na meron ang ideang
ito. Ito'y sapagkat umiiral ang mga epekto ng meron. Ang pagsasaakin ng meron ay nahahalata sa
mismong pagpipigil na ipinapataw sa akin ng matematikong meron. Ang pagpipigil na ito ay tanda
na ang aking pag-iisip ay hindi nagbibigay-hilig sa mga kapritso ng aking pagka-suheto; na may
natura7 (kahit na maaring sarili kong natura lamang ito) na dapat galangin ng aking pag-iisip -- sa
madali't sabi, may. . . meron. Maka-isip na meron, maaring itutol. Ngunit, itong maka-isip na meron
na ito ay. . . o purong bunga ng mga gala-galaw ng isip -- at kung ganito'y hindi maaring gawing
pamantayan ng isip -- o itong maka-isip na meron na ito'y nakalahad na, bago pa kumilos ang isip at
bilang kailangang sundan ng isip. Kung ganyan, gustuhin man natin o hindi, inuunawa ng ating isip
ayon sa mga patakaran ng tunay na meron. Imposibleng mag-isip na hiwalay sa nag-eeksistensya.
Dito, ang ikalawang sandali na naman ng repleksyon ang nakakakilala sa obheto bilang maka-isip na
meron.

Sa hawig na analisis makikita natin na nakasangkot ang meron sa lahat ng ating mga
kagagawan. Ang ninanais lamang ng tao sa kongkreto ay meron. Meron lamang ang nakaiinteres sa
kanya. Nababagabag lamang siya ukol sa meron.

9. Ang totalidad ng meron.

Kaya't pagsasaatin ng meron ang batayan ng lahat ng kilus na ispiritwal. Pagsupil sa meron o
kahit na pagbraket lamang sa meron ay kamatayan na ng pag-iisip (sanhi ito ng pagka-imposible ng
lubusang pagdududa -- tawagin man itong metodiko). Ang lumalaban sa duda ay hindi lamang, gaya
ng inakala ni desCartes, ang ontolohikong realidad ng suheto; ang lumalaban sa duda ay mas sinauna:
ang katalagahan ng meron sa pangkalahatan, na sumasakop sa at kinaiiralan ng suheto. Isang
katalagahan, ulitin natin, na, una sa lahat, ay hindi lamang maka-isip: ang inaapirma ng isip sa
pagyayari sa pag-iisip ay hindi isang sistema ng mga katotohanang walang hanggan, gaya ng
alituntunin ng kabalintunaan, o isang daigdig ng mga posible; kasabay ng mga kondisyong kailangan

6 Ang pagka-talagang -nangyayari ng isang bagay ay parang pagsinag ng bagay na iyon.


7 Tingnan ang nota 10.

15
upang maisip ang anoman, ang unang inaapirma ng isip ay ang pag-eeksistensya ng meron. Ens esse
est per se notum. May meron: iyan ang unang katotohanan.

Mas tumpak nating sasabihin: ang totalidad ng meron na kinauugnay palagi ng ating paglahad
sa lahat ng meron at sa lahat ng posibilidad, ay unang nagpapakita bilang isang uring hindi gaanong
tumpak na pangkalahatan: May meron: anong meron? a priori, hindi ko alam, at sabay nito, alam ko
ang isang huwarang pagka-walang-hanggan, isang maayus na daigdig na ang sakop ay walang limite,
isang walang hangganang sanlibutan ng mga posible, May kaugnayan ng pakikipagkapuwa ang
dalawa. Sa isang panig nakita natin na ang posible, ang huwaran, ay hungkag sa kahulugan kung
walang kaugnayan sa nag-eeksistensya. Sa kabilang panig ang nag-eeksistensya'y nagpapakita bilang
sinasaklaw ng mga batas na mauunawaan (intellegibiles) at pinapaligiran ng walang hanggang
kalawakan ng mga posibilidad.

Ipagpaliban muna natin ang pagsusuri sa mga bukal na istruktura nitong Totalidad na ito. Sa
ngayon, nakikita natin na hindi yata sumisipot ang Totalidad bilang isang malaki at pareho-sa-bawat-
parteng kalawakan. May iba't ibang nibel na may iba't ibang tinding ontolohiko. May mga meron na
malinaw na humihiwalay sa mga iba at nakikitang matindi at masigla: ako, ibang taon, mga bagay,
atbp. (at maidadagdag pa na ang itinuturing na sinaunang huwaran ng meron ay umiiba ayon sa diwa
ng bawat panahon at sa lumalalim na pagmumuni-muni: kung minsa ay ang daigdig ng mga
nadarama, kung minsan ang nag-iisip at pumapasyang suheto, kung minsan ang lipunan, atbp.) May
mga realidad na napapansin lamang sa totalidad ayon sa kanilang kaugnayan sa mga nauna sa kanila.
At masasabi pa na ang totalidad ng meron ay pagkakataon at kakayahang walang limite na
tumanggap; at itong kakayahang ito ang sangi at buod ng posibilidad ng mga bagay: madalas
itinuturing na ang posibilidad ay nasa hindi-paghihidwaan ng mga nota, ngunit, iyan ay kondisyon
lamang para sa posibilidad. Halimbawa, ang posibilidad ng isang bagyo ay wala sa mismong bagyo;
walang eksistensya ang bagyo sa sandaling idineklara na posible ang bagyo. Ang posibilidad ng
bagyo ay nasa mga kondisyon sa papawirin, ang kalagayan ng daigdig -- kahit na papaano, na sa nag-
eeksistensya. Kapag sinabi na posible ang isang bagay, ang sinasabi ay na may lugar sa totalidad ng
meron para sa bagay na iyon, na kayang tanggapin ng totalidad ang eksistensya noon. Ang hatol
ukol sa posible ay may nilalaman na naman na hatol ukol sa nag-eeksistensya. Kung idedeklara ko
na imposible ang sentawro, ang kahulugan ay na ang talagang umiiral na mga kondisyon ng buhay at,
upang dumating sa ugat na dahilan, ang talagang umiiral na mga kondisyon ng meron ay hindi
maaring tanggapin ang katipunan ng mga nota na tinatawag na sentawro. Wala iyong lugar sa nag-
eeksistensya; nakakondena magpakailanman na ipatapon sa kadiliman ng hindi-meron. -- Kaya't
hindi walang dahilan si Kant noong sinulat niya: "Hindi gaanong tumpak sabihin: ang balyena ay
isang hayup-dagat; dapat sabihin ang kabaliktaran: sa isang nag-eeksistensyan hayup-dagat ay may
katutubong kaugnayan ang mga katangian na ginagamit ng aking isip upang buoin ang balyena."
Hindi eksistensya ang dumadalo sa rosas na para bagang naghihintay na ang rosas upang tanggapin
ang eksistensya. Ang rosas ang sumusulpot sa eksistensya, kinukuha ang kanyang lugar sa
eksistensya, nakikisalo, nakikiisa sa eksistensya.

10. Ang pagka-isa-na-may-dalawang-pinag-iikutan ng meron.

Mas masusi nating susuriin ang istruktura ng meron; palilitawin natin ang istrukturang ito sa
pamamag-itan ng isang analisis ng ugat na apirmasyon. Kaagad nakakaaninag tayo ng dalawang
aspekto sa meron.

16
Sa isang panig, nagpapakita ang meron bilang isang katipunan ng mga nota na nagbibigay ng
tiyak na anyo sa meron: ginagawang isang ito, isang iyan o iyon. Kaya't masasakyan ng isip ang
meron, mauunawaan, uuri-uriin. Ang meron ay nagkakaroon ng esensya, natura, pagka-ano. Ang
malabong apirmasyon, "May isang nag-eeksistensya," ay hindi apirmasyon ng isang meron na walang
tiyak na katangian. Simpleng apirmasyon ito ng isang meron na ang mga tiyak na katangan ay di kilala.
Ngunit, sakop na rin sa apirmasyon ang mga tiyak na katangian, sa sandaling sinabing may isang nag-
eeksistensya: sapagkat isa ay isang bagay, isang quid, isang tumpak na pagsulpot ng meron; kahulugan
ng isa ang katumpakan, pagkahiwalay sa iba, at samakatwid, tiyak na katangian.

Sa kabilang panig naman, sumisipot ang meron bilang nag-eeksistensya, dumudoon,


ipinaglalaban at ipinapataw ang sarili, humuhuwag sa wala, umaahon mula sa pagka-posible, mula sa
mga sanhi, atbp. Hindi lamang iyan o iyon, kundi. . . meron.

May mga pagkakataon na pinatatalab sa atin kung gaano ka-orihinal at ubod ng sariwa ang
eksistensya. Pangunahing karanasan ang pagsagupa sa isang sagabal. Ngunit, meron ding ibang mga
pangyayari na ginugulat tayo, pinasisilang sa atin ang isang napakatinding pagdama sa buhay at sa
ating sarili; pinadarandam sa isang di-akalaing katumpakan na kay ganda, kay orihinal ng mag-
eksistensya. Nakikipagtagpo tayo sa ilang taong mapusok ang personalidad na walang-anu-ano'y
binubulaga tayo't kailangan nating harapin. May mga karanasan na gaya noong kay Claudel sa
bisperas ng Pasko noong 1886: ipinagkaloob sa kanayang matauhan sa meron ng Diyos bilang
personal: "At doon, isang iglap, ikaw ay isang sino." Sabik ang mga kasalukuyang eksistensyalista sa
paglalarawan ng pag-aalinlangan at pagkagipit; sa loob ng tamang limite, maituturing ang mga ito
bilang mga negatibong pagdanas sa eksistensya.

Esensya at eksistensya: dalawang aspekto ng meron na hindi mapaghihiwalay. Walang


esensya na hindi esensya ng nag-eeksistensya (o ng maaring gumanap man lamang ng papel sa
eksistensya). Walang eksistensya na walang esensya; at dapat posibleng tiyakin ang esensya. Ang
walang tiyak na katangian ay hindi nag-eeksistensya at hindi maaring mag-eksistensya.

11. Eksistensya at konsepto.

May bagong puna na nagiging sanhi ng bagong gusot. Pinag-usapan natin ang eksistensa.
Batay sa anong katwiran? Abstraktong kataga ang "eksistensya" at mga kongkreto lamang ang nag-
eeksistensya. Kaya't hindi talagang nag-eeksistensya ang eksistensya. Ang talaga ay ang mga nag-
eeksistensya at ang kanilang mga "pag-eeksistensya" -- o kanilang mga akto ng pagtirik sa sarili sa
totalidad ng meron, Kung sa bagay, si Sto. Tomas ay halus hindi, o hindi pulos yatang ginagamit ang
abstraktong eksistensya. Ang sinasabi niya ay esse, ipsum esse, o pati hoc quod dico esse8 (upang bigyan diin
ang katangiang eksistensyal). Ang esse sa kanya ay hindi isang wastong masasabing nagmemeron,
isang ens; para sa kanya, esse ang nagpapameron sa meron, id quo est,9 ang aktong panloob na taga-tirik ng meron
sa meron, actus essendi. nay bukod-tanging problema dito.

Nakakaisip lamang tayo sa pamamag-itan ng mga konsepto na naglalahad ng tiyak na


katangian, o sinusubukang maglahad ng tiyak na katangian, ng isang esensya. Samakatwid, dapat
8 meron, mismong meron, itong sinasabi kong meron.
9 Sana hindi gaanong malabo kung sasabihin natin dito na:
esse = meron
ens = nagmemeron
id quo est = ang nagpapameron sa meron.

17
yatang likas na hindi maaring ikonsepto ang esse. Likas na unibersal ang konsepto. Ang esensya ng
isang singgular ay makokonsepto lamang kapag tinanggan ang pagka-singgular.10 Ngunit, ang "mag-
eksistensya" ay isang hindi maibabahaging akto ng bawat nagmemeron. Para sa bawat nagmemeron,
ang pag-aaktong ito ay hindi magaganap ng anomang ibang nagmemeron. Kaya't dapat yata nating
pagkayarian na hindi maaring isipin ang "mag-eksistensya", sa kaso man lamang ng isip na
nakauunawa lamang sa pamamag-itan ng mga unibersal na paglalahad.

Gayunpaman pinag-uusapan pa natin ang esse, kahit na upang sabihin lamang na hindi natin
kayang isipin. At tiyak tayo na kapag pinag-uusapan natin ang esse ay alam natin kung ano ang ating
sinasabi. Esse ang tiyak na "iba sa at kaharap ng" esensya. At pangwakas, napakita na natin (n. 14) na
ang buong esensya ay relasyon sa esse at ang pagka-maaring-maunawaan ng esensya ay galing sa esse.
Samakatwid, naiisip natin ang esse.

Sa totoo, ano ba ang iniisip natin kapag tumpak nating iniisip ang "mag-eksistensya" ng isang
meron: ng isang tao, halimbawa? Iniisip natin ang isang quid, isang nilalaman na may pagka-maaring-
maunawaan: dito, ang katipunan ng mga nota na gumuguhit sa hugis ng pagkatao ng tao. . . ngunit,
kasama nito ang isang pagtuon at paghilig ng isip sa akto na tinitirik ang katipunanang ito sa meron.
Kapag iniisip natin ang esse, ang mag-eksistensya-sa-pangkalahatan, iniisip natin ang nagmemeron,
ens-sa-pangkalahatan, kasama ng pagbibigay-diin sa akto na nagpapameron sa nagmemeron-sa-
pangkalahatan. Sa madali't sabi, iniisip lamang natin ang akto ng pag-eeksistensya sa pamamag-itan
ng nag-eeksistensya; iniisip lamang natin ang esse sa pamamag-itan ng ens. Iyong iyong din ang
dalawang konseptong kung titingnan natin ang nilalaman na inilalahad. Ang kaibhan ay kung
papaanong iniilawan, kung papaanong tinutuonan ng pansin.

Ngunit, uli, papaano bang magaganap ang "pagtuon ng pansin" sa akto ng pag-eeksistensya?
Paanong matutuonan ang hindi mailalarawan? Paanong mailalahad ang akto ng pag-eeksistensya
kundi sa pag-uwi nito sa isang esensya at samakatwid sa isang pagdaraya? Ang akto ng pag-
eeksistensya, sa mahigpit na pananalita, ay hindi mailalahad na parang isang itong-bagay-na-ito.
Makakamtan ang akto na pag-eeksistensya sa mismong akto ng pag-aapirma sa pag-eeksistensya
sapagkat ang pag-aapirmang ito ay may katangiang dinamiko11 at, samakatwid, gumagalaw sa
larangan ng eksistensya. Kapag inaapirma ang isang bagay, hindi basta't kinakabitan ng isang
panaguri. Meron ito ay hindi maikling porma ng ito ay nag-eeksistensya. Kabaliktaran ang totoo: ito ay
nag-eeksistensya ay maligoy na porma ng meron ito. Ang binibigkas ay meron at may kahulugan lamang
dahil sa meron. Ang pag-aapirma sa eksistensya ay walang kinalaman sa pagkakabit ng mga
konsepto -- ang pag-aapirma sa eksistensya ay siyang nagbibigay-batayan at katatagan sa anomang
pagkakabit at sa anomang konsepto. Sangkap ng idea ng eksistensya ang isang balik-isip sa akto ng
pag-aapirma; dapat itukoy dito ang ugat na apirmasyon na nagbibigay-tibay sa lahat ng ibang
apirmasyon: meron meron.

Malinaw na ipinapalagay sa lahat nito na ang akto ng pag-eeksistensya ay hindi isang


prinsipyong di matablan ng liwanag, di mapasok, nakapinid; kundi sa kabaliktara'y angkop sa
pakikibahagi. Kakailanganin natin itong patunayin mamaya. Sa ngayon, madiin nating alalahanin na
10 Sa Latin, tinutukoy ng singulare ang ito dito na nandidito. . . kaya't hindi umibersal ni pangkalahatan. Sa katotohanan si
Petra na ito dito na nandito ay siyang siya. Hindi siya unibersal ni pangkalahatan. Ang konsepto ng tao ay
pangkalahatan. Magagawa ko lamang ang konsepto ng tao kapag "tinanggal" ko kay Petra ang kanyang pagka-Petra at
iniwan ang kanyang pagkatao na "gaya" ng pagkatao nina Hwan at Hwana. . . kapag natanggal ko na rin ang pagka-Hwan
at pagka-Hwana. Magagawa lamang ito sa isip at hindi sa meron.
11 dinamiko: galing sa griegong dunamiz (dynamis): poder o bisa na umiiral at umaapaw.

18
ang isip-tao ay nagpapakita bilang isang katutubong paglampas sa sarili tungo sa meron. Ang sinaunang
malaytao ay hindi ang purong cogito ng idealismo, ni ang ako-sa-daigdig ng mga eksistensyalista. Ang
sinauna ay ako-sa-meron at meron-sa-akin: ako umuunat tungo sa meron at, sa mismong oryentsyon na
ito, ako, inaangkin ang meron sa akin sarili; at, kasabay nito, sinasakop ako ng meron, nakaukit ako
sa meron at pinapataw sa akin ng meron ang kanyang katunayan, at umaapaw sa akin. Meron kwan,
at ako na umiisip ng kwan na ito, ay sakop nitong kwan na ito.

II. Metapisika ng Esensya at Metapisika ng Eksistensya

Ang meron, nasabi na natin, ay nagpapakita bilang hindi-matatangal na esensya at


eksistensya. Ang tanong na hinaharap natin sa simula ng ating pagmumuni-muni ay: alin sa
dalawang aspekto ang dapat piliin ng nagmemetapisika bilang pag-iikutan ng kanyang pagmumuni-
muni? Ang objectum ba ng merapisika ay kung ano ang nag-eeksistensya o maaring mag-eksistensya
(kaya't ang kung ano ang pangunahing pinagtutuonan ng isip)? O objectum ba ang pag-eeksistensya at
pangalawahin lamang ang kung ano maaring mag-eksistensya (binibigyan diin ang galaw, kilus, akto, at
tinutuonan lamang ang kung ano sa relasyon nito sa akto)?

12. Ang metapisika ng esensya.

Ang pagbibigay ng unang lugar sa esensya ay maaring makarating sa antas na inuuwi sa


esensya ang lahat ng tunay na meron. Ang kongkretong eksistensya, ang eksistensya ng mga bukod-
tanging tao at ng mga bagay, ay itinuturing na pangalawahin, hindi mahalaga, bahagi lamang ng
larangan ng purong nadarama at maka-aksidente.

1. Ganyan ang kaso ng Platonismo: kung kukunin mo ang mga kataga sa hubad na
kahulugan, ang mga idea ay nag-eeksistensya sa walang hanggang eksistensya ng
katotohanan, isang eksistensya na hindi sakop ng anomang pamantayang
sumasakop sa eksistensya ng mga bagay na nararanasan. Ngunit, marahil mas
mabuting sabihin na ang mga idea ay itinuturing na simpleng meron. Ang
eksistensya ng idea ay nagiging simpleng pakikiisa ng idea sa sarili. Kaya't hindi
natutunaw sa esensya ang tunay na eksistensya. Basta't winawalang halaga ang
eksistensya't tumitingkad ang esensya. Pinapatapon, hinihiwalay ang eksistensya
sa daigdig ng mga maaring maunawaan, sa daigdig ng talagang meron.
Gumagawi sa ganitong paninindigan ang modernong idealismo. Sa katapusan
inuuwi ang eksistensya sa pagka-maaring-maunawaan, pagka-rasyonal,
pagkaangkop sa mga alituntunin ng wastong pag-iisip. Sa kasawiang palad, kapag
nalimutan ang eksistensya, nawawala ang pagka-esensya ng esensya. Mga
"paglalarawan" lamang ang naiiwan.

2. Kahit na sinusubukan ng Aristotelianismo na ituring muling matibay ang


kongkreto, laban kay Platon, hindi pa rin nagtatagumpay na ibalik ang eksistensya
sa kanyang tunay na importansya. Sa kanyang pagsusuri sa mga nagmemeron,
interesado si Aristoteles sa porma ng mga ito, sa panloob na simulain ng pagka-
maaring-maunawaan; hindi sa akto ng pag-eeksistensya. At hindi pa tumitingkad
ang eksistensya laban sa esensya kundi sa pinakarupok na meron sa mga meron:
sa mga materyal na individuum, sa mga maaring isilang at maglaho. Ngunit, ang
mga "pormang hiwalay" at ang mismong species ay may eksistensya mula sa
walang simula, at hindi maaring hindi mag-eksistensya: ang karapat-dapat lamang

19
malaman ukol sa mga ito ay kung ano ang mga ito. Si Aristoteles ay hindi iba sa
lahat ng mga sinaunang pilosopo: wala siyang idea ng pagka-lalang ng mundo na
mapaghahanguan sana niya ng pagmumulat sa halaga ng eksistensya. Tatalakayin
ito uli.

3. Maari namang pumasok sa ibang landas: Huwag ipawalang-saysay o hamakin ang


eksistensya, kundi gawin itong esensya, sa pamamag-itan ng pagkokonsepto. Para
kay desCartes, ang eksistensya ay isang katangian na gaya ng mga ibang katangian:
ang kaibhan lamang ay na hindi direktong nagpapakita sa atin. Inantabayanan ni
desCartes si Kant noong tahasang sinabi ni desCartes kay Gassendi na ang
eksistensya ng Diyos ay bukod-tanging katangian ng Diyos sa parehong
karapatan, o sa mas matibay pang karapatan kaysa sa kapangyarihan, kabutihan,
atbp.

Ngunit, ang Etika ni Spinoza ang humantong sa kaganapan ng pag-gawang-


esensya sa eksistensya. Itinuturing nga na iba ang eksistensya sa esensya, ngunit,
bilang ibang obheto ng isip, kaya't sa katunayan, bilang isa pang quid. Ang
relasyon ng esesnsya at eksistensya ay lohikong relasyon ng pagkasangkot (sa kaso
ng Diyos) o ng hindi-pagkasangkot (sa mga patakaran ng meron-na-may-
hangganan).

Hindi ito ang kaisa-isang kaso. Dapat pang sabihin na ito ay isang palagiang
tukso ng nagmemetapisika, at pati ang mga pinakatuso laban sa tuksong ito ay
hindi palaging nakaliligtas. Halimbawa, makikita natin ang tuksong ito muli sa
isang uring pagpapatibay sa tunay na kaibhan ng esensya at eksistensya: ang
pagpapatibay na nakabatay sa katangiang pagka-hindi-kailangang-mag-eksistensya
ng limitadong meron.

4. Sa wakas, maaring aminin na hindi mauuwi sa esensya ang eksistensya, at aminin


pa na sinauna ang halaga ng eksistensya. . . at pagkatapus ay huwag nang pansinin
ang eksistensya, kundi magtatag ng metapisika sa larangan ng mga purong
esensya. Ito, aminin natin, ay ang pinaka-karaniwang atitud ng mga iskolastiko.
Lumilitaw ito, lalo na, sa mga matinding naimpluensya ni Avicenna, sa iskwelang
ang mga tanyag na kinatawan ay sina Henrikus na taga-Ghent at si Duns Scotus.
Lumilitaw uli ang ganitong atitud kay Suarez. Para sa kanya, ang meron (ens) na
objectum ng metapisika ay ang "tunay" na esensya. . . na ang ibig sabihin ay: ang
maaring mag-eksistensya, na nasa praecisio sa eksistensya, ngunit, palaging namang
nasa relasyon sa eksistensya.12 Walang duda na inamin ni Suarez na sinauna ang
papel ng akto ng pag-eeksistensa. Ngunit, hidni rito ang pinag-iikutan ng
kanyang pagmemetapisika. Nandito ang panganib na hindi mauunawaan ang
talagang halaga ng akto ng pag-eeksitensya. "Hindi na kailangan pang sabihin," at
sa hindi pagsabi ay nalilimutan sa wakas.

Ganito na -- o halus ganito -- ang mangyayari kay Wolff. Walang makikita sa


eksistensya ang kanyang purong rasyonalistang Ontologia kundi isang complementum
possibilitatis. Pinagagalaw ang tanang pagmemetapisika sa nibel ng quid: isang

12 praecisio sa eksistensya: hindi inaangkin, hindi naman tinataboy, ang eksistensya.

20
daigdig ng mga natura, mga "posible", na nangagpapakitang buong buo na sa
pagka-maaring-maunawaan. . . kaya't nakapagtataka kung bakit pa kailangang
dagdagan ng eksistensya. Paghanda ito sa pormula ni Kant, kabaliktaran ng kay
desCartes: Ang eksistensya ay hindi tunay na panaguri. Ganap na ngayon ang
pagwawalang-halaga sa eksistensya sa metapisika.

Ngunit, pati sa mga naninindigan na sinauna ang halaga ng eksistensya -- ang


karamihan ng mga Tomista, halimbawa, lalo na ang mga manunulat ng mga
manwal -- esensya pa rin ang tumitingkad sa kanilang mga pag-iisip-isip. Ang
objectum ng metapisika ay dinedepinisyo bilang ens ut nomen, na ibig sabihin:
esensya (tinutukoy ang esensya, aminin natin, sa relasyon nito sa aktwal o
posibleng eksistensya. . . kung wala itong relasyon na ito ay ni hindi maari maging
esensya). Ang dahilan na binibigay ay ito: Hinahanap ng metapisika ang
necessarium. Ngunit, ang meron, bilang aktwal na nag-eeksistensya (ens ut
participium) ay tigib sa pagka-contingens.13 Ang isang syensya na kumakabit sa
pagka-contingens ay matatawag na penomenolohiya, pero hindi maaring ituring
na metapisika. Kung tutuusin, ni hindi maituturing na syensya sa tradisyonal at
mahigpit na kahulugan ng katagang iyon. Gayunpaman, ang metapisika, ang
syensya ng mga pinaka-nasa-baseng kondisyon ng meron, ay dapat may bisa para
sa posible din at hindi lamang para sa nag-eeksistensya. Kaya't hindi dapat
magpaka-kulong ang metapisika sa nag-eeksistensya.

13. Ang metapisika ng eksistensya.

Sa sukdulang kabaliktaran ng rasyonalistang esensyalismo, matutuklasan natin ang mga


pilosopo ng eksistensya (si Karl Jaspers, at medyo saklaw rin dito sa Gabriel Marcel) at ang mga
pilosopong eksistensyal (si Martin Heidegger at si Jean-Paul Sartre), kung masasabing
nagmemetapisika ang mga ito. Kahit na marami at malalim ang kanilang mga pagkakaiba, nagkakaisa
sila sa kahiligang maliitin ang bisang ontolohiko ng esensya. Ayon sa pormula ni Sartre na siyang
tumahak sa radikal na landas na ito hanggan sa kadulu-dulohan: "Nauuna ang eksistensya sa
esensya." Kailangang idagdag: Eksistensya ang bumubuo sa esensya. Sa lalong tumpak na salita,
ang maka-taong eksistensya ay purong pag-igpaw sa sarili, purong pagkusa, purong laya, at
hinuhubog ang sarili at binubuon ang daigdig sa sapilitang pag-iimbento at pagpapairal ng kahulugan
at halaga sa siksik na kadiliman ng hilaw na etant (Seiendes, ensoi). Ang hilaw na ito'y walang esensya at
walang "hugis-daigdig" bago makialam ang malaytao.

Gayunpaman, ang esensyang itinataboy ay muling isinsingit na may ibang pangalan. Kung
walang kalikasan-ng-tao, may kalagayan-ng-tao. May mga limiteng kalagayan na hindi natin pulos
mareremedyohan: pagka-lupig, kamatayan. At, mas sa ugat, ang "basta't talagang kailangang" umiral
(facticite), bilang may sariling laya. At hindi nating matatakasan ang pangangailangan na ito.

Hindi mahirap makita na kung walang titimbang sa kabilang panig, kusang hahantong ang
kahiligang ito sa irasyonalismo, pati sa absurdismo. Sumisipot ang eksistensya na walang dahilan.

13Necessarium: ganoon at hindi maaring hindi ganoon; nag-eeksistensya at hindi maaring hindi nag-eeksistensya.
Contingens: ganoon, ngunit, maaring hindi ganoon; nag-eeksistensya, ngunit, maaring hindi nag-eeksistensya.

21
Ang nag-eeksistensya (o, ika nga, ang etant) ay isang hindi malunasang de trop.14 Ang pagpakita sa
etant, bilang lubusang hubad, hindi kailangan, walang kakahu-kahulugan, ay namumunga, ayon sa asal
ng tao, ng masikip na kapighatian (Angst), kay Heidegger, pagkalula at pagsusuka (nausee), kay Sartre.

Ngunit, ang isang metapisika ng eksistensya ay hindi kailangang maging isang pilosopiya ng
eksistensya o isang pilosopiyang eksistensyal. Ang metapisikang Tomistiko ay maari yatang taguriang
metapisika ng eksistensya sa isang kahulugang mas tunay kaysa sa mga naturang pilosopiya.

Bukod-tangi sa Tomismo -- tinutukoy ko ang tunay na Tomismo -- na isalalay sa akto ng


pag-eeksistensya ang halagang batayan ng metapisika, ang kaganapan ng lahat ng kaganapan. Ang
esseng nasa lahat ng bagay ay siyang sukdulan ng kanais-nais, at lahat ng mga ibang ganap na
katangian ay nagkakahalaga lamang bilang kumokondisyon sa pamamahagi sa esse. Sa totoo, ang
esse kay Sto. Tomas ay siyang halaga ng lahat ng halaga.

At esse rin ang sanhi ng pagka-maaring-maunawaan ng meron. Ang pagka-nag-aaktong-


meron ng lahat ng bagay ay para bagang liwanag. Ngayon, esse ang sukdulan ng pagka-nag-aakto.
Nauunawaan ang ens dahil sa pag-angkop nito sa esse at sapagkat ipinapalagay ng lahat ng konsepto
ang ens -- lahat ng konsepto'y maiuuwi sa ens -- samakatwid, bukal sa lahat ng konsepto ang pag-
aangkop sa esse.

Ang pag-aangkop na ito'y lalong tumitingkad sa hatol. Sa paghahatol, hindi sapat sa isip na
isuot ang mga "tumpak na pagka-kung-ano" ng mga bagay (sa isang ispiritwal na paraan, magpaka-
kung ano nga ng mga bagay). Nagbabalik-akto pa ang isip sa isang aktong nananatili ngang angking
kabutihang at bunga ng isip, ngunit, ginaganap ng aktong ito sa paraang "intensyonal" (ayon sa
pagsasagawa ng isip) ang mismong aktong nagpapameron sa mga bagay. Ito ang dahilan kung bakit
ang katotohanan (na nakasalalay sa esse at hindi sa kung-ano) ay tahasang natutuklasan sa paghahatol.

14. Ang punto ng pagka-timbang.

Kung ituturing ni Sto. Tomas na esse ang pinag-iikutan ng meron, maingat siyang huwag
itong ihiwalay sa esensya. Esse at esensya ay pinapakitang magkasama, hindi mapaghiwalay sa
pagkaugnay. Kahit na kapag ang esse at esensya ay ganap na nagtatalaban -- sa Diyos -- hindi
ipinagkakaila ang esensya. Ang Diyos ay hindi eksistensya na walang esensya (bihira lamang gamitin
ni Sto. Tomas ang pormulang ito ni Avicenna): siya ang Meron, na ang esensya ay mag-eksistensya.

Hindi paggamit lamang ng mga kataga ang nakasangkot dito. Katutubo sa uri ng ating pag-
iisip ang pagtukoy ng isang panaguri ukol sa isang simuno at sa pagtirik ng sintesis15 na ito sa meron.
Ang pagtirik sa meron ay ginaganap sa akto ng apirmasyon at ang sintesis na itinirik ay natutuklasang
matibay sa mismong apirmasyon. Apirmahin ang eksistensya ng Diyos ay isipin ang Diyos na parang
esensyang pinag-aapirmahan ng eksistensyang ito. Kahit na ipapakita ng kasunod na pagmumuni-
muni na ang dalawa ay isa sa kanya. Kung ang Diyos ay talagang "walang esensya", sa kanyang
kabuoang lihis na lihis sa larangan ng quid, lahat ng kaalaman ukol sa kanya ay lalabas na walang
kabisa-bisa. Ibang-iba kapag sinabi na nasa esse ng Diyos, sa paraang ubod na lampas sa maiisip

14 de trop: kay Sartre, purong kalabisan: nandidiyan na walang nakakaalam kung bakit at papaano; at malinaw na mabuti
pang wala sana diyan.
15 sintesis: kabuoan na bunga ng pagtipon sa ilang bahagi; sa kaso rito, ang kabuoan na isinilang sa pag-ipon ng panaguri sa

simuno.

22
natin, ang walang hanggang kabuoan ng lahat ng kayamanan ng pagka-maaring-maunawaan ng mga
esensya.

Samakatwid, nakikita natin kung anong ubod ng ingat ang dapat gamitin sa paglahad sa
Tomismo, hindi ko sasabihin bilang isang eksistensyalismo sapagkat ang katagang iyan ay nakasagip
na sa isang "nakakahon" na kahulugan, kundi bilang isang pilosopiya ng eksistensya. Ang
eksistensyang inuungkat ng mga Tomista ay hindi katumbas ng nakakabagabag ngayon sa mga
kasalukuyang palaisip. Sa kabilang panig, ang katagang "eksistensya" ay di-hamak na malayo sa
kakayahang ibunyag ang buong yaman ng ipsum esse ayon sa pag-uunawa ni Sto. Tomas. Sa
katapusan, nakita na natin na ang pangunahing halaga ng esse ay hindi nilulupig ang halagang
ontolohiko ng esensya. Kailangan pang sabihin na yayamang hindi makokoseptong tuluyan ang esse
(tingnan ang n. 11) at hindi masusuri kundi "mula sa tagiliran" sa pamamag-itan ng esensya at dahil
sa kinalaman sa esensya, hindi maiiwasan na ang Tomismo ay magkakaroon, sa panlabas na pag-
aanyo man lamang, ng istilo ng isang metapisika ng esensya.

Dito, nasasagi natin ang isang nasa-baseng kabalintunaan na nakikita yata sa lahat ng
metapisika. Kapag sinabi kong esse, hindi ko tinutukoy ang aking esse, bilang akin, bilang itong
kongkretong esseng ito sa kanyang hindi maibabahaging pagka-singgular. . . kundi esse, aktwal na esse,
sa pangkalahatan. Humihidwa ba sa sarili ang ganitong salita? Mababanggit ba ang eksistensya sa
pangkalahatan, kundi kinokonsepto, ginagawang esensya, at samakatwid pinagiging huwad? At kung
tatanggihan man ng nag-iisip na pagmuni-munihan ang eksistensya sa pangkalahatan, hindi ba niya
kinokondena ang kanyang sarili na manatiling nakakulong sa purong penomenolohikong
paglalarawan sa tanging nararanasan niyang nag-eeksistensya: siya mismo bilang suhetong
namimilosopiya? Sa madali't sabi, hindi ba pagtanggi sa lahat ng metapisika, sa lahat pa ng pag-iisip,
ang pagmemetapisikang nagpapanggap na kongkreto? Meron bang via mediang pumapag-itan sa
isang metapisika ng esensya na hindi humahantong sa talagang totoo at sa isang penomenolohiya ng
eksistensya na walang pagka-pang-kalahatan at pagka-necessarium?16

Wala sanang kalutasan ang problema kung ituturing ang esensya at eksistensya na dalawang
daigdig na ibang-iba at walang karela-relasyon sa isa't isa. Tahasang magbabago ang sitwasyon kapag
ating iisipin lamang ang bawat isa bilang punsyon ng bawat isa.17 Sapagkat, nakita na natin (n. 11), sa
pamamag-itan ng esensya, nasasakyan ng isip ang aktong nagbibigay ng pagka-talagang-totoo ng
kahulugan.

Samakatwid, ang objectum ng metapisika ay hindi amg esensyang tinutuonan sa kanyang sarili,
hiwalay sa lahat ng aktwal na eksistensya (para bagang makagagawa tayo ng mga batas para sa daigdig
ng mga purong posible, para bagang posibleng isipin ang ganyang daigdig na walang pagtukoy sa
eksistensya, para bagang ang salitang "meron" ay may kahulugan pa kapag naputol na ang lahat ng
kaugnayan sa meron meron!). Hindi rin objectum ng metapisika ang alamat ng "de-esensyalisadong"
eksistensya. Ang objectum ay meron, isang kongkretong may-dalawang-pinag-iikutang pagkakaisa ng
esensya at eksistensya. At ang tanong na ihinaharap ng nagmemetapisika sa kanyang sarili ay : ano
ang dapat mong iapirma ukol sa isang meron sa iyong mismong pag-aapirma na meron nga?

16Tingnan ang nota 14 pahina 16.


17punsyon ang bawat isa ng bawat isa: ang buong kahulugan at pagka-talagang-totoo ng bawat isa ay naroroon sa relasyon
sa isa.

23
Malinaw na ang ganyang uri ng pagmemetapisika ay kakailanganing gumamit ng konsepto at
samakatwid makihalubilo sa mga esensya. Isang karunungang tao ay hindi kayang gumamit ng ibang
patakaran. Kaya't, sa isang paningin, sa ens ut nomen kumakabit ang nagmemetapisika. At kapag pag-
uusapan niya ang eksistensya, hindi maiiwasang eksistensya sa pangkalahatan ang kanyang pag-
uusapan. . . eksistensya sa pangkalahatan mula sa paningin ng pag-aakto nito. Ngunit, dahil sa isang
huling katangian, kung gusto mo'y matatawag mong metapisika ng eksistensya ang
pagmemetapisikang ito: may walang sawang pag-ingat na palaging iugnay ang esensya sa kanyang
akto ng pag-eeksistensya, sa aktong nagtitirik nito sa meron kaya't naaapirma. Palaging sasagi ang esse
sa alaala ng metapisikang ito; ang pagsagi na ito'y haharangin ang metapisika sa landas ng mga
problemang purong porma ang inaatupag, at ililigtas ang metapisika sa guni-guni na sa lambat ng
kanyang mga konsepto'y nahuli na niya ang buong talagang totoo.

Ngunit, hindi pa natin natatapos ang pagharap sa tanong. Ngayo'y nakabatay yata ang
posibilidad ng metapisika sa pagka-isa ng idea ng meron na inaakto ng eksistensya. Ano ang pagka-
isang ito at hindi ba nawawala sapagkat ang mga akto ng pag-eeksistensya'y hindi maiuuwi sa isa't
isa? Ito ang ating uusisain ngayon.

24

You might also like